webnovel

ONE SHOTS [tagalog]

daltsuki · 青春言情
分數不夠
21 Chs

[5] TALONG

[5] TALONG

"Leslie!" rinig kong sigaw ni mama, "Bili ka nga ng mga gulay na bilog sa kanto! Andyan yung pera pangbayad nasa lamesa. Tapos TALONG na din."

Matamlay kong kinuha ang pera sa lamesa.

'Ba't gulay? 'diba dapat prutas? ewan ko d'yan kay mama'

Naglakad lang ako papuntang kanto, malapit lang naman.

"OMG." bulong ko ng makita ang tindero sa kanto, ngayon ko lang s'ya nakita ah?

"Miss? Bibili kaba?" nakangiting saad ni kuyang gwapo eeeeehhhh... Hindi ko napansin na napatitig ako sa kan'ya.

"Opo.. hihi." kumuha ako ng repolyo at iba pang bilog na gulay. Nagbayad ako at tumalikod na't naglakad papunta sa bahay, sayang 'di ko nakasama ng matagal si kuya ng pogi hihi, ng may maalala ako.

''YUNG TALONG!'

Baka meron nang talong kasi last na bili ko dito walang talong.

Agad agad akong tumakbo pabalik, "Oh? may nakalimutan ka, miss?"

"May talong ka na po ba?" gulat na napatingin sa'kin, "I m-mean---" talong na bilog sana sasabihin ko pero bigla s'yang nagsalita.

"Paano mo nalaman?" gulat na tanong n'ya, taka naman akong napatingin sa kaniya. What does he mean by that? anong nalaman ko? "Masyado na ba akong halata?" eh? halatang ano?! Naguguluhan lang ako nakatitig sa kaniya. Lumapit s'ya sa'kin habang tumitingin tingin sa paligid na tila ba may sikreto s'yang ibubunyag sa'kin, bumulong s'ya, "Sis, wala pa akong talong pero magpapalagay palang ako."

WATDA..?

--

Akane Daltsuki