webnovel

ONE SHOTS [tagalog]

daltsuki · 青春言情
分數不夠
21 Chs

[4] SOMETHING YOU LOVE

[4] SOMETHING YOU LOVE

"Why don't we just order?" tanong ko sa asawa kong si Harper habang nasa kusina kami. Nagluluto s'ya habang ako naman ay nakaupo.

"Just wait. It's already done. I'm cooking something you love." sagot n'ya. Napabuntong hininga nalang ako at walang nagawa. "By the way, 'yung maliit na box nga pala d'yan sa lamesa sa'yo 'yun regalo ko sa'yo."

Napatingin ako sa box na medyo malayo layo sa kinauupuan ko kaya kinailangan ko pang mas i adjust ang braso ko upang makuha ito. Hindi ko masyadong maabot kaya nalaglag ito nung hatakin ko papunta sa'kin.

"Aish." lumuhod ako upang makuha ko ang box na ngayon ay natapon na ang laman, isa itong singsing na pamilyar sa'kin. Pinulot ito ng nanginginig kong kamay at nagimbal sa nakita. Ito ang singsing na ibinigay ko kay Hayley, kapatid ni ng asawa kong si Harper. How? Bakit nandito ito? No way. Did she found out? Hayley, no.

--

"Will you marry me, Hayley."

Sabi ko sa kaniya habang nakaluhod sa harap niya't may hawak na singsing.

Napaluha s'ya at nanginginig ang mga labing nagsalita, "Paano ang kapatid ko? Paano ang a-asawa mo?"

Tumayo ako at niyakap s'ya, "Shh.. I'll take care of Harper, Hayley. Don't worry. I love you."

Mas lalo s'yang napaiyak kaya hinawakan ko ang magkabilang pisngi n'ya atsaka s'ya tinignan sa mata. "Trust me." I said while smiling, she nodded and smiled, too. I showed the ring to her again, "Now. Will you marry me, Hayley?"

She nodded repeatedly while sobbing, my smile grew wider as I put the ring into her ring finger. I kissed her. "I love you."

"I love you too."

--

Mas lalo akong kinutuban ng makita kong may bahid ng dugo ang singsing.

'Hayley, no.'

"It's done." napatigil ako sa pag-alala nung nangyari kahapon at nanigas sa kinatatayuan ko ng marinig kong nagsalita ang asawa ko at ang tunog ng pag patong ng kaserola sa babasaging lamesa. "You okay? Akala ko ba gutom ka na at may sasabihin ka pa sa'kin?"

Naglakas loob akong sumilip sa kaserola at muntikan na akong masuka sa nakita ko.

"I told you I cooked something you love." all I knew was I saw Harper holding and knife, aiming it at me, and everything went blank as I stoped breathing.

---

Akane Daltsuki