webnovel

ONE SHOTS [tagalog]

daltsuki · 青春言情
分數不夠
21 Chs

[12] BABY FACED

[12] BABY FACED

"BABY KENZOOOO." naglalakad ang magjowang sila Khloe at Kenzo sa park dahil magde date sila pero nagulat nalang ni Khloe nang biglang may isang babaeng mukhang mas matanda sa kanila nang isang taon ang tumakbo papalapit sa kanila para yakapin si Kenzo at halikan sa magkabilang pisngi dahilan upang mapanganga at manlaki ang mata ni Khloe dahil sa gulat.

"B-baby?" kumunot ang noo ni Khloe at pinasadahan ng tingin ang babae.

Napatingin s'ya kay Kenzo nung magsalita ito, "A-anong ginagaw mo dito, Honey?" tanong nito sa babae.

Hindi makapaniwalang nagpabalik balik ang tingin ni Khloe kay Kenzo at sa babaeng tinawag na Honey ng boyfriend n'ya.

Isinabit ng babae ang kamay nito sa braso ni Kenzo tsaka ngumuso, "Eh. Miss na kasi kita! Date tayo. Tagal na noong huling date natin, eh."

Napatingin si Kenzo kay Khloe na ngayon ay salubong ang kilay na nakatingin sa babae. Biglang tumingin si Khloe sa kan'ya, agad naman s'yang inirapan nito.

'Honey pala, ah. Lagot ka sa'kin mamaya.' bulong ni Khloe.

Binalik ni Kenzo ang tingin sa babae, "Honey, ano kasi eh.. May kasama ako." sabi ni Kenzo at tumingin ulit kay Khloe.

Tsaka lang mukhang napansin ng babae si Khloe, "Oh." kumurap ang babae kaya nagpeke ng ngiti si Khloe. "Kapatid mo, baby? She's so cuteeee. Elementary na ba s'ya?"

Napanganga si Khloe dahil sa sinabi ng babae. Sa isipan n'ya ay sumisigaw na s'ya na hindi n'ya kapatid si Kenzo dahil boyfriend n'ya ito at hindi s'ya elementary! Baby face lang s'ya. Pinanlakihan n'ya ng mata si Kenzo na para bang sinasabing, "Sumagot ka. Sabihin mo sa kan'ya na girlfriend mo ako." pero umiwas lang ng tingin si Kenzo at awkward na ngumiti.

"Hello. Pleased to meet you, Kenzo's sister. My name is Kendra--" agad namang sumabat si Khloe.

"Hello. I'm not pleased to meet you. My name is Khloe. I'm Kenzo's--" naputol ang sasabihin n'ya ng biglang sumabat si Kenzo.

"HOW about, date tayong tatlo? Na miss na din kita, Honey." nakangiti nitong sabi at inakbayan silang pareho para maglakad.

Napatulala at napanganga na lamang si Khloe dahil hindi s'ya nakapaniwala sa nangyayari.

'Yung totoo?!

Hindi s'ya nakaimik. Nakisama nalang s'ya sa paglalakad habang sila Kenzo at Kenda naman ay masayang nagke kwentuhan na para bang miss na miss na nila ang isa't isa.

Anong nangyayari? Parang kanina lang ay masaya kami? Bakit ganito? Kendra, sino kaba sa buhay ni Kenzo? Kenzo, sino ang totoo?

Tahimik lang s'ya hanggang sa huminto sila sa isang bar, "Gosh. Babyyyy. Miss ko na dito sa bar na 'to! Parang dati lang palagi tayong nandito kaso alam mo na.. Busy ako ngayon." halata ang excitement sa boses nito. Napasimangot na lamang si Khloe. Sa isip isip n'ya ay dapat iwan na lang muna n'ya ang dalawa dahil mukhang masaya ito sa isa't isa. Tsaka ano daw? Palagi silang magkasama sa bar na ito? Ano namang ginagawa nila dito palagi kung ganoon? Bakit hindi n'ya kilala ang babae?

Napatawa si Kenzo, "Ako din, Honey." nasa tapat na sila ng entrance at akmang papasok na ng biglang pigilan si Khloe ng guard.

"Bawal po ang bata dito. 18+ lang po ang pwede." sabi nito.

"Oo nga pala. Kasama natin si Khloe." sabi ni Kendra.

Napatingin sila Kenzo at Kendra kay Khloe na ngayon ay parang binagsakan ng langit at lupa. "Hindi na ako bata!" Napapadyak ito at tumalikod, nagsimulang maglakad papalayo. Hindi na s'ya makapagtimpi. Ang daming pumapasok sa utak n'ya. Wala na s'yang maintindihan sa nangyayari.

Agad naman siyang sinundan nila Kenzo at Kendra. "Wait. Khloe!" tawag ni Kenzo dito pero hindi s'ya nito pinansin. Napagtuloy lang s'ya sa paglalakad kaya tinakbo ni Kenzo at pagitan nila. Hinawakan n'ya ang balikat ni Khloe at saka iniharap sa kan'ya, "Khloe, ano ba--" napatigil si Kenzo ng tuluyan na n'yang maiharap si Khloe sa kan'ya. Basa ang mukha nito ng dahil sa luha. Nanlaki at mga mata ni Kenzo at agad na niyakap si Khloe dahilan upang mas lalong mapaiyak ang babae. "K-Khloe. Bakit ka umiiyak? Langga--"

"H'wag mo akong matawag tawag na langga! Doon ka sa Honey mo." singhot ni Khloe. Natigilan si Kenzo habang nakayakap parin kay Khloe. Nakatingin lang at nanonood si Kendra sa mag jowa.

Ilang sandali pa ay kumunot ang noo ni Khloe at napatigil sa pagiyak ng maramdaman n'ya ang pag-uga ng balikat ni Kenzo. Humiwalay s'ya sa pagkakayakap at naiinis ng makitang nag pipigil ng tawa si Kenzo habang nakatakip ang kamay sa bibig nito.

"Pinagtatawanan mo ba ako?!" nakakunot ang noong singhal ni Khloe. "Natutuwa ka bang naloko mo ako?!" Hindi na napigilan pa ni Kenzo at inilabas ang tawang pilit n'yang pinipigilan dahilan upang mas lalong mainis si Khloe. Tatalikod na sana si Khloe ng maramdaman n'yang may humawak sa magkabilang balikat n'ya. Nakita n'ya si Kendra na ngayon ay tawang tawa na din.

Akamang magsasalita si Khloe ng matigilan s'ya at mapatulala sa sinabi ni Kendra, "Grabe. Ang cute magselos ng girlfriend mo, Kenzo." natatawang sabi nito. Naramdaman ni Khloe na niyakap s'ya ni Kenzo mula sa likod.

"Ikaw lang, Khloe. Langga lang hindi honey, baby at iba pa." bulong nito sa kan'ya dahilan upang maginit ang pisngi n'ya.

"Maiwan ko na kayo. Sorry sa paggulo sa date n'yo." ngiti ni Kendra at saka tumingin kay Khloe, "Btw, my name is Kendra Honey, Kenzo's big sister. Sorry about earlier. Sinusubukan lang kita. Take care of my baby bro. Nice meeting you future sis." kinindatan s'ya nito at iniwan s'ya na nakatulala habang nakayakap parin si Kenzo sa likod n'ya.

———

Akane Daltsuki