webnovel

ONE NIGHT WITH MY BOSS

Isang babae ang nabuntis ng kanyang Boss dahil sa kalasingan nito, ngunit pag gising kinabukasan ay hindi na sya maalala nito. At ang makamunduhang one night na ito pala ay magbubunga ng isang sanggol.

Tales_Of_Siren · 现代言情
分數不夠
5 Chs

CHAPTER 1

The Beginning...

Si Cali ay 24 na taong gulang at nagtatrabaho sa isang malaki at kilalang kompanya, Isang gabing pangyayari ang babago ka sa kanyang buhay, ng maka one night stand niya si Jacob, Ang CEO ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan.

Na kilalang kilala sa pagiging anak ni Ms. minchin, dahil sa pagiging suplado, mapag mataas, at kasamaan ng ugali nito kayat pinangingilagan ito ng bawat empleyado ng kompanya sa tuwing ito ay daraan.

Ano na lamang ang gagawin ni Cali pag nalaman niyang nagdadalang tao siya kay Jacob, ngunit hindi man lang siya nito naalala dahil sa sobrang kalasingan nito.

Maniwala kaya si Jacob na siya ang ama ng dinadala ni Cali? O isipin lang nito na pinipikot siya upang makakuha ng malaking pera.

Founding Anniversary ng isang komoanya kung saan nagtatrabaho si Cali, Kayat nagtipon tipon sila sa isang mamahaling resort upang doon ganapin ang party.

Umakyat sa stage ang isang gwapo at matipunong lalaki, lahat ay nagpalakpakan, nagbigay lamang ito ng maikling speech pagkatapos ay umalis na din agad ng venue.

Dalwang oras palang ang nakakalipas ng magsimula ang party at tila ba inip na inip na si Cali, at gusto na agad nyang umuwi.

Hindi siya mahilig sa party ngunit dahil napilit ng kanyang mga kaibigan sa trabaho ay dumalo na rin siya. Dahil nga hindi siya mahilig sa sosyalan sa loob ng venue ay napagpasyahan ni Cali na lumabas at nagtungo siya sa garden ng resort uoang doon magpahangin.

Masayang masaya siya dahil nakita niyang walang tao dun at halos lahat ay nasa loob, pinagmasdan niya ang ganda ng lugar at naglakad lakad, ng mapansin niya ang isang taong nakahiga sa damuhan, sa may dulong parte ng garden kung saan mejo madilim at hindi naabot ng ilaw.

Narinig niya ang ungol nito kayat nagmadali siyang puntahan ito sa pag aalalang baka may masamang nangyari dito. Ng makalapit siya dito ay laking gulat niya ng makilala kung sino ito. Ito ang kanilang Boss! Lasing na lasing ito kayat halos hindi na makatayo at nakahiga na lamang sa damuhan.

"Sir okay lang po ba kayo?" Wika ni Cali tsaka ito tinulungan makatayo, tanging ungol lamang ang sagot nito sa kanya, sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa komoanya ay ngayon lamang niya ito nakaharap ng malapitan, tuwing nakakasakubong niya ito ay bumabati naman siya pero hindi niya ito tinitignan masyado, at agad rin siyang naglalakad papalayo at isa pa ay bibihira rin niya itong makita at nabibilang lamang sa kamay kung ilang beses niya ito nakasalubong.

Balak niya sanang humingi ng tulong pero walang ibang tao sa garden. Nagulat siya ng magsalita ito at iniabot sa kanya ang isang key card.

"Bring me to my room please" wika pa ng lalaki.

Agad naman niyang kinuha ang key card at kahit hirap na hirap siyang alalayan ito paglalakad ay tagumpay naman niya itong naihatid sa room neto naka naka check in dito lang din sa Hotel. Aalis na sana siya ng maihiga ito sa kama, ngunit hinawakan siya nito sa braso.

"Huwag kang umalis " nakikiusap ito sa kanya na wag siyang umalis at mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso at tuluyan siyang hinila kayat napahiga siya sa kama.

Agad namang bumangon si Cali, hindi niya alam ang gagawin niya, kung aalis ba siya o sasamahan ang kanyang boss na ngayon ay pawis na pawis ngunit nakapikit na ito, naghanap siya ng pamalit na damit upang bihisan ito, nakakita naman siya agad.

Dahan dahan niyang tinagkal ang butones sa polo nito upang hindi ito magising sa pag aakalang tulog na ito. Ngunit laking gulat niya ng hawakan nito ang kamay niya at hinalikan ito.

"Thank you" - wika pa ng lalaki sa kanya pagkatapos ay hinila nito ang kamay niya dahilan upang mapahiga siya sa dibdib nito, pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit dahilan upang di siya makaalis agad.

Laking gulat ni Cali ng ilang segundo lamang ay siya na itomg nakaihiga sa kama at ngayon ay ang boss niya ang nasa ibabaw.

Hinawakan pa nito ang kanyang pisngi Nanlaki ang mga mata niya ng bigla siya nitong hinalikan sa labi. Sa gulat niya ay parang nanigas ang kanyang katawan, kayat hindi niya magawang itulak ito.

Totoong napakagwapo ng kanyang boss at kahit sino ay bibigay dito, pero sa isip niya ay hindi siya ganung klaseng babae, pero hindi niya alam ang dahilan kung bakit tuluyan na lang siyang napapikit at dinama ang mga halik nito at hinayaan ang kanyang boss sa nais nitong mangyari.

Doon lamang natauhan si Cali pagkatapos ng kanilang pag iisa, tinignan niya ang kanyang katabi at nakatulog na ito. Agad siyang nagbihis at tuluyan ng iniwan ang kanyang Boss na mag isa.

****

Kinabukasan ay pumasok na ulit si Cali ng trabaho, Hanggang ngayon ay iniisip parin niya ang nangyari sa kanila ng kanyang Boss, tuwing naiisip niya ang mga hawak halik at titig nito ay pakiramdam niya ay tumatayo ang kanyang mga balahibo.

Bumukas ang Elevator at dali daling naglabasan ang mga tao sa loob na kanyang pinagtataka. Papasok na sana siya dito ngunit, pinigilan siya ng isang lalaki, kayat nilingon niya ito, laking gulat niya ng makita ang kanilang Boss, kasama ang dalwang body guard nito na siyang pumigil sa kanya pagpasok ng elevator.

"Out of my way" wika ng lalaki sa kanya kayat agad siyang napaatras, Tinignan lamang siya ng lalaki at agad na pumasok ng elevator kasmaa ang dalwang body guard. Pinagmamasdan niya ang lalaki habang unti unting nagsasara ang elevator. Hindi man lang siya nito naalala, kahit man lang ang pagtulong niya dito.

Laking pagsisisi ni Cali na ang lalaking kauna unahang umangkin sa kanya ay walang alam sa nangyari, malaking bagay ang nawala sa kanya kayat labis ang kanyang pagsisisi.

Itutuloy...