Nag paiwan nga si Mark sa puntod ng yumaong dating kasintahan upang mag paalam at mula sa pusong humingi ng kapatawaran sa mga nagawa nyang kasalanan dito.
Umupo si Mark sa harap ng puntod ni Christine at saka umaktong kinakausap ito ng harapan..
"Christine,alam kong puro sakit lang naidulot ko sayo nung mga panahong tayo pa pero sa maniwala ka man sa hindi minahal kita at kahit alam kong malalaman mo ang tungkol sa pustahan ay hindi ko nagawang iwan ka natakot ako patawad Christine...Sana mapatawad mo ko sa lahat ng nagawa ko sayo."
Umihip ang malakas na hangin para mamatay ang kandilang sinindihan ni Mark kanina,doon palang na pansin ni Mark ang paligid.
Ang kaninang maingay sa tunog ng mga motor at mga boses ng mga tao ay naging tahimik,nakakabinging katahimikan ....
Agad na nakaramdam ng pagkabalisa si Mark,na tila may nag mamasid sa kanya mula sa kung saan at biglang na pa igtad si Mark ng may kumapit sa balikat nya mula likuran kaya dahan dahan itong nilingon ni Mark..
Dahan dahan....
Namutla si Mark ng makita itong humawak sa balikat nya..
Ang katawan nito ay naka harap sa direkyon nya ngunit ang ulo nito ay naka paharap sa likod maging ang isang paa nito ay ganun din at bali-bali ang buto ng daliri netong nilalangaw at sing lamig ng yelo...
"a~aanong? a~akala ko...
Natigilan si Mark sa pag sasalita dahil sa paggalaw ng ulo nito,mabagal at nag sisitunugan ang mga buto sa leeg habang dahan-dahang lumilingon sa direksyon nya ang ulo at nanginginig...
"mark~maaaarkk,hihihi mahal,mark,"
"AHHHHHHHH!"
"MARK MAHAL KO,TARA NAAHHHHHHHHHHHH"
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Elaine's POV
"Ang sumpa ko ay ang makasama ka habang buhay, kahit na hanggang sa kailang buhay".....
Pinapanood namin ngayon ang video clip ni Christine sa flashdrive nya at lahat kami ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman dahil sa halo halong imusyon..
"Guys totoo nga yung pinakita satin ni Tine" wika ni Neon kasabay ng iyak neto.
"Hanggang sa huli,hindi tayo pinabayaan ni Christine"- sabi ko pa na lalong nag paiyak saaming mag kakaibigan..
Nag yakap yakap kami habang inaalala ang mga panahon na kasama namin si Christine...
"Salamat~" naputol ang sasabihin ko ng biglang mag on ang tv sa kwarto ko at mag flash ang view na nasa loob mismo ng kwarto ko ..
"HAHAHAHAHAHAHAHAAAAAAAAAA"
[\:A/N hmmm so mag papaalam na po ako hahahaha....
this story is for my former classmates,hahahaha i used our short film to became story hahaha ily guys