webnovel

Ch. 9 kasalanan nga ba?

Pangalawang beses nang nagising si Nathan na nakapulupot sa kanya si Caleb, tiningnan niya ang damit, naka pantulog na pala sya. Siguro tinulungan sya nito kagabi. Napansin niyang bakit mahadpi at parang medyo yata namamaga ang labi niya. Sa pangalawa na namang pagkakataon, bumuhos na parang dam sa ulo nya ang nangyari kagabi. Kung paano sya iniuwi ng barkada nya, ang panghalik nya kay caleb bago sya parang batang ayaw lumayo dito.

Naalala din niya na kung paano nya pinaalis ang barkada saka ang ginagawa niya habang pinupunasan sya nito ng bimpo. Ang pinakahuli niyang naalala ay ang pagkubabaw at paghalik niya dito nang magpaalam na itong matulog sa kwarto nito.

"Hindi ako bakla" iyon ang unang nasambit ni nathan nang makitang gising na pala si Caleb, yinakap niya ito sa baywang at nanatili sila sa posisyon na yon.

"Alam ko, Hindi rin ako." Sabi ni caleb habang isinisiksik ang sarili sa katawan ni nathan, he feels so safe, so secure habang nakapaloob kasi sya sa mga bisig nito kaya gustong-gusto nya.

"Gutom ka na ba?" maya maya ay nagtanong si Nathan.

Umiling muna si caleb "Hindi pa, gusto ko sa gaintong posisyon."

"Same" maikling saad ni nathan, nasa ganon sila na posisyon hanggang sa nag ring ang alarm clock nila, tanda ng pagpasok nila sa shop.

"Wag na muna tayong pumasok, nakakatamad." Sabi ni Nathan bago tinawagan si violet, kayang kaya naman ng mga ito na patakbuhin ang shop.

"Violet, Kayo na muna ang bahala sa shop ngayon ha." Ang pabati nya ng sumagot ito.

"Yes boss." Tugon naman agad nito.

"And one more thing, hindi rin pala papasok si Caleb."

"Hulaan ko kung nasan... Nasayo diba?" biro pa nito na syang ikinatawa ni nathan.

"Don't worry boss, hindi ko sasabihin sa kanila na nasa kama mo si caleb." Pagkarinig ni Caleb agad syang nagprotesta nang maalalang ibinuking na pala nya ang sarili. Tawang-tawa naman si violet bago ito nagpaalam sinabi pa nitong 'enjoy'.

"Sa tinggin mo tutuparin ni violet ang pangako niya?" usisa ni caleb, nasa kusina na sila at tinitingnan ang cooking show ni nathan.

"Nope, Pustahan, bukas pag pasok natin sa shop marami ang mang-aasar." Sagot naman ni nathan, nagluluto sya ngayon ng classic breakfast nang mga pinoy, Garlic fried rice, tortang talong, pritong bangus, sunny side up, longganisa saka ang ever present na kape. Parang hindi kasi nako-kompleto ang umaga pag wala si kape.

"Gusto ko na tuloy pumasok." Himutok ni caleb na syang ikinatawa ni nathan. "Ano pala ang gagawin natin ngayon?" pag-iiba nya ng usapan.

"I don't know, have sex maybe?" before shrugging his shoulder. Natawa si Caleb ng marinig ang turan nito "At least change your bored expression before saying that."

"Ito, idecorate natin ang sala mo." Suhistiyon ni Caleb, ayaw kasi talaga nya ang pure white na kulay nito.

"Sure, shopping tayo." Sang-ayon din ni nathan.

Sa mall, halos kalahati ng tao pinagtitinginan ang dalawa, paano kasi naka holding hands sila habang namili ng mga home furniture. Marami ang parang gulat na gulat, ang iba walang pakialam pero meron din namang just plain rude.

"Anak wag dyan, mahawaan ka sige ka." Banta nang isang ginang nang makitang papunta ang anak sa kinaruroonan nila.

Nagulat si Caleb ng marinig ang salitang iyon, para silang maysakit. The last time he knows, ang bulsa lang niya ang may sakit ah. Bakit ngayon pati sya pa.

"Bayaan mo na, hindi naman tayo Bakla." Bulong ni nathan. Pumipili sila ng sofa, ang gusto ni Caleb ay black, red, mustard at orange, statement pieces daw. Natuto na sya na pag meron sinabi ang partner dapat Oo lang ang isasagot para hindi magka world war three.

"Pag anak ko ang mga iyan, ay naku sasampalin ko sila para tumino sila, hindi ba nila alam na kasalanan ang ginagawa nila?" pasaring din ng isa.

"Bayaan mo na, hindi naman tayo bakla." Si Caleb naman ang bumulong.

"Asan ba ang manager dito, paalisin nga ang dalawa, hindi man lang sila nahiya." Sigaw ng isa saka kumuha pa ng Bible sa bag, kung hindi lang talaga ito matanda talagang matatawa pa si Caleb, Ano ito? Kung makaasta sila para silang grade one.

Nang dumating ang manager, imbes na kampihan ang tatlo ay senermonan nya pa ang mga ito "kung naiinggit kayo kasi hindi nyo kasama ang mga asawa ninyong magshopping, wag niyong ibunton sa kanila, Wala naman silang kasalanan ah, nagnakaw ba sila? Nan rape? Pumatay ng tao? Kumain ng tao? Hindi naman diba? Bumibili lang tapos hinusgahan agad.".

"Pwes, kasalanan sa mata ng diyos at sa tao ang magmahal sa kapwa kasarian." Depensa nito sa sarili.

"Puwes, Iba ang diyos mo, iba din sa amin. Sa amin hindi kasalanang magmahal"

"Bakit mo ba sila kinakampihan?." Galit na sabi nito.

"Dahil tao sila!, they have the right to express themselves as all people do, they have the right to walk, to talk, to speak, to hold hands, and do what a living person ought to do, they don't ask for your support, they ask for your respect, respect as a human being deserves. Now if you don't give them the respect, our shop has three exit door, pick you door." Lintiya nito bago tinalikuran ang mga nagrereklamo.

"Alam ba ng magulang mo ito?" Tanung nito kay nathan.

"Hindi pa tita, nasa world tour kasi sila, ayaw ko namang ipaalam through phone calls." Sagot ni nathan sa Manager, ina ito ni miguel, barkada niya. "And thank you sa pagtulong sa amin kanina tita ah" pahabol nya.

"Aysus, alam mo namang pagdating sa mga ganyang bagay, kahit hindi pa kayo ang nabiktima talagang magtatalak ako. Nakangiting sabi ng ginang "May barbecue sa bahay, this coming Sunday night, punta kayo ah." Alok pa nito.

"we'll be there tita, Si caleb pala,." Pakilala niya sa lalaking kanina pa nakatingin at nagtatanung ang mata, "Mama sya ni miguel, yung nakaputi na pumunta sa apartment noon." Paalala nya.

"Ah, nice to meet you po maam, Pero hindi po kami bakla" pahabol pa ni Caleb sa paalis nang ginang, tumawa lang ito sabay tinggin sa kamay nilang dalawa.

Pagkatapos ng insidente, matiwasay nang bumili ang dalawa, bumili sila ng apat na single sitter saka ilang throw pillow na din. Bumili din sila ng decoration para sa bubuihin nilang accent wall.

In you're own opinion, is it really a sin to love someone with the same gender? Please write what you think in the comments section.

Empress_Aicreators' thoughts