webnovel

Ch. 3 cookies

Thirty minutes, nakasakay na silang mag-ina sa sasakyan papunta sa kanyang Shop, laging nag-kwe-kwento ang mama nya na sya namang ikinakatawa nya. Laging nagrereklamo kasi ito na matigas ang ulo ng papa nya na at para daw itong bata kung magmaktol.

"Ayaw mong pumasok muna ma?" Tanung ni Nathan ng makarating sila sa shop. Ayaw nyang umalis sa tabi nya ang ina at baka magising syang panaginip lang pala ang lahat. "May mga applicant kasi kami, at mas marunong kang kumilatis ng tao." Ang pagdadahilan nya. Ngumiti naman ang ina bago lumabas sa sasakyan saka binilinan na bababa na din ang driver nila para makapag-meryenda sa loob.

"Ano ba ang hinahanap mo na staff?" tanong ng ina habang inisa-isang binubuklat ang resume, mga five minutes pa bago mag-start ang interview, mag- ni-nine thirty na kasi, ginawa nya iyon para sana matulungan niya munang makapagbake ang dalawa nyang baker kaso nalate syang nagising at kadarating lang nya. Sumaglit naman sya sa harap kung nasaan ang shop at tiningnan ito at maayos naman ang pagpapatakbo ng employees nya. May ibang daanan kasi patungo sa office nya pero pwede rin namang sa shop ka dadaan.

"Mga part-timer sana, kahit dalawa lang, Short kasi kami pag rush hour tapos weekends." Paliwanag nya habang naka-upo sa corner nang lamesa, ang mama nya ang naka-upo sa swivel chair nya.

"Okay, So kailangang maganda."

"Mama, Wag kang tumitingin sa panlabas na anyo." Bulalas nya, kahit kailan talaga palaging face-con ang mama nya, kung hindi lang sila biniyayaan ng magandang lahi ng papa nya, baka itinakwil na silang dalawa.

"Oh, shut up, everything is about the face, ano ba ang unang nakikikita ng tao sayo, personalities ba? Character? Oi, hindi no! Mukha!.. Mukha ang nakikita." Savi nito saka itinuro-turo pa ang mukha nito. Ang mama nya, narcissistic din pala.

"Sabi mo eh." Ang laging payo ng tatay nya, pag mukha ang pinag-uusapan, titiklop at magsusureender na lang daw sila. Hindi nila matatalo ang general.

"Anak, ang ganda nito oh." Bulalas ng ina, at iwinagayway pa ang hawak na resume bago ipinakita sa kanya. Isang passport picture ng isang tao na maliit ang buhok ang nakita nya, yong buhok nang parang sa mga k-pop star, medyo namumula ang pisngi sa kaputihan, malaki ang black na mata, maliit na ilong at medyo makipot na labi, in short parang manyika. Mag bo-bow talaga siya sa kagandahan nito.

"Wait ma, lalaki pala." Sabi ni Nathan sa ina ng makita ang sex, Caleb Gusman daw ang pangalan, eighteen years old at nag-aaral ng culinary malapit lang sa kanila. Nakita din nya na 5 feet lang din ang height na medyo ikinatawa nya, para talagang babae. Hindi naman sa nag-di-discreminate sya sa maliliit na lalaki pero yong mukha kasi nito talagang babaeng-babae.

"I-hire mo anak" 'I knew it' isip ni Nathan, imposibleng hindi iyon sasabihin ng ina eh nuknukan ang pagka-face con nito.

"eto din nak, okay yong mukha." This time, ang hawak na ng ina ay ang resume ni sarah, gusto sana nyang punitin iyon pero pinigilan nya ang sarili.

"Sige ma, So hindi na kailangan ang interview?" Tanong ni nathan, ayaw sana nyang ihire si Sarah pero naisip nyang gusto niya itong makita kung maabot nito ang dating posisyon na wala siyang tulong.

"Hindi na, Part time lang naman eh." Sang-ayon ni aling Rosita "Pagsimulahin mo na ba sila ngayon?" tanung nito ng bumalik ang anak sa pag sasabi ng result sa mga tao sa labas.

"Yup, Parang probation period nila ngayon." Tugon nito bago kinuha ang apron na nakasabit sa hook sa likod ng pintuan.

"Nakita mo yung Caleb? Maganda ba sya? Maputi?" Sunod sunod na tanong nito.

"Yes ma, at lalaki sya, nakaka-insulto na marinig ang salitang maganda pag lalaki ang pinag-uusapan and one more thing, hinahanap kayo ni papa, mag-gro- grocery daw kayo." Paalala nya sa ina, tumawag kasi kanina ang papa nya.

"Oo na, paalis na. Ingat ka palagi ah."

"Yes ma, and sa bahay ako matutulog ngayong gabi." Imporma nya dito na syang ikinatigil ng mama, "Talaga? Kung ganun ipagluluto kita ng paborito mong pagkain" tuwang-tuwa na sabi nito bago dali-daling lumabas. Ni hindi man lang nagpaalam, excited siguro na umuwi at magplano.

Lunch time na nang matapos mag-bake sina Nathan, ang niluto nila, para sa isang araw nang pastries, ang kailangan na lang nila ay mag-icing sa cupcake at cake na niluto nila. Salitan nading mag-lunch break ang mga staffs nya, ang dalawang part-timer pa lang daw ang hindi pa nakakain, nag-o-offer din kasi sila ng mga sandwiches at iba't ibang drinks kaya marami padin ang kumakain sa shop.

"Anong gusto nyong pagkain? Ang malapit lang dito ay Mcdonald kaya magtiyaga tayo sa fastfood." Tanung ni nathan sa dalawang part-timer, since first time nilang magtrabaho dito kaya nag-decide syang ilibre ang dalawa, nagsinungaling sya, may isang restaurant na malapit lang sa kanila, mga patron lang ang nakakaalam nang location kasi tago talaga, doon sya noon kumuha ng pagkain nila noon para magpa-impress kay sarah, ngayon, nunca! Habang tinitingnan niya ito ngayon, naitatanong nya sa sarili kung bakit nya ito nagustuhan. Pati nga magulang nya noon, ayaw sa ugali nito.

"Kahit po yong two pieces nalang sakin tapos coke float po yung drinks then fries na din po pala." Magalang na sabi ni Caleb. Madalang itong magsalita pero palaging nakangiti. Ilang ulit na din itong napagkamalaang babae ng mga costumer nya na magalang naman nitong kino-correct. Meron pa nga yung pinipisil nila ang pisngi nito.

"Ikaw?" tanung nya sa parang napuwing na babae sa bilis ng pagtaas-baba ng eyelids nito. Ang dating kinaaaliwan nya, ngayon naalibadbaran na lang sya pag nakikita ito. Kung himdi lang kasalanang manampal ng basta basta eh baka nakatikim na ito.

"Kahit ano na lang po." Pa-cute pa na sabi nito.

"Walang silang pagkain na ano!" Pagkabigkas niyang iyon, lahat ng mga staffs nya tumingin sa kanya, hindi naman kasi sya bugnutin eh, lagi pa nga silang nagbibiruhan habang inaayos ang shop ng hindi pa ito bukas.

"Yong tulad na lang po sa order ni caleb" halatang nagulat ito sa angil ni nathan, yumuko na din ito bago ipinagpatuloy ang paglinis sa counter bar na nasa sulok ng shop.

Sinenyasan pa sya ng cashier nilang si violet at tinanong kung ano ang problema pero umiling na lang sya. Walang problema, asar lang talaga sya. Pagpasok nya sa shop bitbit ang pagkain ay sinenyasan nya ang dalawang pumunta sa staffs corner, meron syang inilatag sa staffs corner sa kitchen, isa itong mahabang mesa saka upuan, simple lang ito pero doon sila palaging nagtatambay o kumakain habang wala pang customer. Sa oras kasi na pumasok sila at inilagay ang bag sa locker, pinagbabawalan na talaga niyang lumabas ang mga ito pag hindi naman importante ang lakad lalo na at lahat naman sila pumupunta sa kitchen. Iwas contamination na din. Bago sila umuuwi, ini-sterilise nila lahat ang mga gamit nila para ready na bukas. Ayaw niyang mag-serve nang pagkain na alam niyang madumi ang ginamit, hindi kaya ng konsensya niya.

"Ano kumusta ang trabaho dito?" usisa nya sa dalawa habang kumakain.

"Okay lang naman po." Sagot ni sarah, si caleb naman tumango saka ngumiti lang. Ang ganda talaga ng batang ito, kung hindi lang sya lalaki, talagang papatusin nya ito, total four years age gap lang naman ang pagitan nila.

"Good! Ikaw caleb diba sa culinary ka?" tanong ulit ni nathan, this time kay caleb na nakatinggin.

"Opo Sir." Maikli nitong tugon bago pinagpatuloy ang pagkain.

"Wag Sir, kuya na lang, ang mga kasamahan natin, Nathan lang ang tawag sa akin. Marunong kang mag-decorate ng cupcakes at cakes?"

"Hindi pa po expert pero kaya naman po."

"Mamaya, wag ka nang pupunta sa labas, tulungan mo kami dito sa kitchen." Imporma nya bago ibinigay ang fries niya dito saka sya tumayo, kanina pa kasi ito nakatingin sa fries na, halatang gusto pang kumain. Namula lalo ang dalawang pisngi nito bago ito magsimulang kumain uli. Si sarah, ni hindi nya pinansin. Pumunta muna sya sa office nya para tawagan ang dealer nila, kaninang umaga pa dapat ang dating ng dry ingredients nila.

Tinapos muna nilang idecorate ang mga pastries bago sya nag bake ng chocolate cookie chips at apple pie, favourite ng magulang niya. Nag bake na din sya ng ilang batches ng cookies para mag-uwi na din ang mga employees nya. Alam kasi nyang siguradong sold out na naman lahat ang niluto nila at bilang incentives or bribe nya na pagbutihin nila ang trabaho nila ay ang pag-uwi nila ng left over pastries.

Nagulat si caleb ng abutan sya ng isang box ng cookies ni nathan, akala nya para lang sa mga permanent employees ang mag-uwi. Nakita nyang nakahalukipkip si sarah, isa ring part-timer na katulad nya habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Thank you kuya." Magalang na sabi nya sa boss nya bago umalis, kailangan pa niyang sumakay sa bus papunta sa inuupahan niyang bed spacer na kwarto. Apat sila sa isang kwarto, lahat sila puros culinary student din at lahat din sila may part time job. Kailangan kasi niyang magtipid, ulila na syang lubos at ang subsidiary ng ama, mawawala na kasi eighteen years old na sya. Halos tatlong araw din syang halos pancit cantoon at itlog lang ang kinakain. Ang bigas nya, matagal ng ubos, pati de lata na stock wala na din. Hindi nga nya alam kung papano pagkakasyahin ang isang libo na pera nya bago dumating ang sahuran, kinsenas kataposan kasi ang ginagawa nila sa shop. Nakakahiya namang magbaon sya ng noodles at itlog pero mas lalo namang nakakahiya ang tinapay saka Chiz wiz lang, sa bakery/cafe sya nagtratrabaho tapos magdadala sya ng galing sa labas na tinapay, buti nga nanlibre ang boss nila sa lunch, solve nadin ang dinner or breakfast nya, isang tetra pack ng gatas saka cookies. Gustong-gusto talaga nyang magluto pero wala na syang pera, baka sa next na pasukan, magtrabaho na lang muna sya.

"Ano yan?" tanung agad ng room mate nya ng dumating sya, sya na din ang kumuha at magbukas ng bitbit ni Caleb.

"Caleb, kuha ako ng anim, bayaran kita ng isan daan." Sabi nito sabay hugot sa wallet sa bag at ibinigay ang one hundred sa kanya, magpro-protesta sana sya pero nagtakip ito sa tengga. Ilang taon din niyang barkada ito, sa kanilang apat, si adam lang ang nakaluway-luwag sa pera, bartender kasi ito sa isang high-end club at laging may tip. Alam nito na isang libo na lang ang pera nya kaya ito tumulong. Hindi naman kasi ganun kamahal ang cookies na dala nya eh.

"Salamat." Nasambit na lang nya saka ibinulsa ang pera.

"Walang anuman... Caleb, ang sarap nito ah, sinong gumawa?" tanung nito habang kinakain ang cookies sa kama.

"Boss ko." Nakikain nadin si Caleb, marami namang pieces iyon, mga twenty plus siguro.

"Maganda ba?"

"Lalaki ugok."

"Gwapo?"

"Gago ka talaga." Yung lang ang nasambit nya bago nagtimpla ng gatas. Mag-aalas-otso na kasi ng gabi saka may klase pa sya ng half day sa umaga.