webnovel

Ch. 2 back in time

Knock! Knock! Knock!

Ilang malalakas na katok ang gumising sa diwa ni nathan, antok na antok pa sya, tiningnan nya ang alarm clock sa bedside table, alas cuatro palang ng madaling araw. Sakit na nga ng ulo nya dahil sa hung-over tapos ang lakas-lakas pa ng katok. Kung mahaba ang buhok ang bumubulabog sa kanya, talagang sasabunutan niya ito. Kung hindi, susuntukin nya na lang, kahit maliit lang syang tao, tinuruan din naman sya ng tatay nya nang kunting self defense.

"Sandali lang" Sigaw niya ng magpatuloy ang katok sa pinto, dali-dali syang lumabas ng kwarto dala pa ang isang unan. Talagang hahambalusin nya ang tao sa pintuan nya. Di manlang magpatulog. Nakakainis.

Pagbukas ng pinto, halos mapa-antada si nathan ng wala sa oras, don't take him wrong, mahal nya ang magulang nya, pero pag nakita nyang nakatayo ang mama nya sa front door habang hawak pa ang isang tupperware, talagang tatakbo na sya, eh sampung taon nang patay ang magulang nya eh, tandang-tanda pa nya ang aksidenteng iyon, papunta sana sila sa batangas ng sumalpok ang sinasakyan nila sa isang fly over. Naaalala pa nya kung paano nya binuhat palabas ng umuusok na sasakyang ang wala ng buhay na magulang. Ang maraming dugo... Ang pagtawag nya ng pulis... Ang pagsikap nyang wag humagulhol ng makitang ibinababa na sa lupa ang ataul ng mga magulang nya. Tandang-tanda pa nya.

"Bakit parang nakakita ka ng multo dyan? Ngayon ang pangalawang araw ng bukas ang cafe/bakeshop mo ah, ba't nakapantulog ka pa? Hala, dali at maligo ka na, ipinagluto kita ng almusal, may sinangag na kanin, scrambled egg saka yong paborito mong longganisa." Tuloy-tuloy na salita nito bago pumasok, medyo nabungo pa ang katawan ng anak na hanggang ngayon ay nakatayo parin sa harapan na parang tuod.

"Oi, Nakikinig ka ba bata ka?" Tanung ulit nito bago kinurot ang braso ng anak na syang nagpa-igtad dito. Tiningnan sya ng maigi ni Nathan bago ito bigla-biglang yumakap sa ina. "Totoo nga, totoo nga." Bulong pa nito.

"Anung totoo?" usisa ng ina sa anak, anong pinagsasabi ng loko-loko na ito. At bakit ito basta-basta nanyayakap. "May Lagnat ka ba anak?" Nag-a-alalang tanung ni aling rosita sa anak. Tiningnan pa kung mainit ang ulo nito, hindi naman ah.

"Wala po ma, sabi ko, totoo ngang may longganisa, galing vigan pa ito diba?" Pag-iimbento ni nathan bago kinuha ang dala ng ina, agad syang dumulog sa hapag kainan at binuksan ang tupperware, hindi na sya kumuha ng kutsara o tinidor at kinamay na lang nya ang pagkain na sya naman ikinatawa ng ina.

"Batang ito, Sya ipagtimpla kita ng kape, saka nandyan pa yata yung ipinadala ko sayo na bangus na babad sa kalamansi, ipag-prito din kita, dahan-dahan lang sa pagkain ha." Sabi ng ina at ginulo-gulo pa ang buhok ni nathan, nag-iisa siyang anak kaya medyo spoiled sya lalo na pagdating sa ina. Mama's boy din sya na siyang ikinakainis ng papa.

"Thank you ma." Malambing na sabi ni nathan habang nakatingin sa naglulutong ina. Miss na miss nya ang ganito, sampung taon na din na walang nagluluto sa kanya ng pagkain, nakakatikim lang sya ng ibang luto pag pumupunta sya sa fast food saka restaurant.

"Aysus, naglalambing ka lang pala dahil sa pagkain" tudyo ni aling rosita sabay lapag ng ilang pirasong pritong bangus, naghiwa din sya ng tuyo at kalamansi para sa sawsawan. Dahil sa nakitang maganang pagkain nang anak, dumulog na din sya sa hapag kainan pero tinapay at kape na lang ang kinain.

"Kumusta na ang business mo 'nak" usisa nito sa busying lumalamon na lalaki, iniabot pa nya ang kape dito nang makitang nahihirapan na itong lumunok. Bakit parang ilang araw ng hindi nakakakain ang anak eh halos araw-araw nya itong pinapadalhan ng pagkain. Senisermonan nga sya ng asawa na pabalikin nalang daw nila sa bahay ang anak kung laging ganun ang ginagawa nya, pero alam nyang sa gitna ng sermon at galit ng asawa, nag-aalala din ito, eh palangi nang tinatawagan ang anak kung nakabayad na ba sya ng kuryente, tubig o internet. Lagi din nitong tinatanung kung may pera pa daw ba si nathan. Kaya pag nanenermon ang asawa natatawa na lang sya pero pinipiling tumahimik na lang.

"Okay naman ma, successful sa unang araw, nag-exced sa quota namin ang income." Sabi ni nathan, naaalala na nya kung anong araw ngayon, ito ang pangalawang araw ng bukas ang cafe/bakery nya, ito din ang araw na syang pag-aapplyan ni Sarah bilang part timer. Bumalik sya from Ten years past.

"Mabuti kung ganun, eh yong mga staffs mo, okay ba?" usisa ulit nito.

"Don't worry ma, everything is fine, pag may palpak, aabesuhan ko kayo agad." Pagpapakalma nya sa ina. Alam nyang lalago ang business nya within five years, magkakaroon ito ng mga apat na branch kaya hindi sya nag-aalala.

"Alam ko, Pero kabubukas lang kasi eh, baka ano..."

"I know ma, alam ko namang tutulong kayo ni papa kung sakali eh, and I'm grateful for that pero kaya ko ito, Sayang naman ang pera na ginasto ninyo sa pag-paaral sa akin sa paris bilang chef kung papalpak pa ako, just enjoy your retirement, ako nga dapat ang magbigay ng pera sa inyo eh." Paliwanag nya sa ina na ngayon ay naghuhugas na ng pinagkainan nila.

"Subukan mong magbigay, tingnan natin kung paano ka malilintikan ng papa mo." Natatawang pahayag ni Aling rosita. Alam nyang mapride ang kanyang asawa, siguradong sasabihin nito na kaya nga sila nagbabayad ng mga kung ano anong insurance para may pera sila na gagastahin pag matanda na sila at hindi na hihingi pa sa anak. Ang gusto nito ay mag-ipon na lang ang anak para makapagtayo ng bahay bago ito makipag-asawa.

"Hay, si papa talaga." Napabuntong hininga na lang si Nathan.

"Oh siya, maligo ka na at magbihis, nag-hihintay si Tony dyan sa baba, ihahatid ka na namin sa shop mo, kung bakit kasi ayaw mong kunin yung isang sasakyan sa bahay, eh wala namang gumagamit." Himutok nya sa anak na syang ikinatawa ni nathan, sa unang buhay nya, dahil sa laging paghihimok ng magulang nya ay kinuha nya ang sasakyan, ang sasakyan din na yon ang sinasakyan nila papuntang batangas na syang kumitil sa buhay ng magulang niya. Natrauma sya sa nangyari kaya for ten years, hindi na sya nag-drive, nag-co-commute na lang sya na syamg laging tinutuya ni sarah sa kanya.

"Opo ma, Hindi po ako magtatagal." Saka iniwan ang inang nag-aayos ng mga gamit nya sa sala. Hanggang ngayon hindi padin sya makapaniwala. Bumalik nga sya sa nakaraan. Kung makikita nya uli ang lalaking iyon, baka mahalikan pa nya ito sa galat. Or not, hindi naman sya bakla.

If you want this story, please do vote.

Empress_Aicreators' thoughts