webnovel

once upon a baby

Zia hated Xander so much sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro dahil feeling nya isa itong mayabang, masungit at ungentleman na lalaki. Pero nabago ang lahat ng dumating si baby Ziggy. Ang angel ng kanilang buhay.

pjdeelove · 现实
分數不夠
26 Chs

Chapter 9

3pm na ng hapon. Birthday na ni tita Cora, kailangan ko ng maghanda para sa party. Pagkatapos ng meeting ko ay hindi na ako bumalik sa opisina ko. Umuwi na ako para mag ayos.

Pagkarating ko sa bahay ay naligo muna ako. Nagbathrobe na lang muna ako, ihahanda ko muna yung dress na susuotin ko. I prefer to use the dress na binili ko last month. A sky blue long chiffon with sleeves modest formal dress. Hindi na siguro ako magmumukhang oldies sa kulay, pinili ko to para tantanan na ako ni Xander sungit. Nagsimula na akong mag ayos, light make up lang ginawa ko sa mukha ko para kita parin yung natural beauty ko, inayos ko na din yung hair ko. Sinuot ko na din yung dress.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. Nakita ko si daddy sa sala, ngumiti ako sa kanya na parang na a-amazed. "Wow dad! Ang pogi mo ha? " sabi ko dito.

"You look so beautiful my princess." papuri ng daddy sakin.

"Thanks dad, san pa ba magmamana kundi sa pogi ko ding daddy" sabay yakap dito.

Natawa naman ito sa sinabi ko.

"Syanga pala anak, kay Xander ka na sumabay"

"Why dad? Wala naman sya --" napatigila ako sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto.

Napatingin ako sa taong niluwa ng pinto, napaawang ang mga labi ko ng makita ko si Xander. He's wearing a light beige 3 piece suit. Ang neat nya tignan, oh my god! ang pogi nya. Lalong lumakas yung sex appeal nya, inaamin ko medyo attracted na din ako dahil sa kagwapuhang taglay nito. Pero hindi ibig sabihin non ay gusto ko na sya. Nagkatitigan kami, at pakiramdam ko ay napatigil din sya ng makita ako.

Hindi ko namamalayan nakalapit na pala ito. Hinawakan nya ang baba ko at bahagyang inangat ito.

"Close your mouth babe! Baka pumasok ang langaw. " sabay halik sa pisngi ko ng hindi man lang nito tinatanggal ang kamay sa baba ko.

Napalaki naman ang mata ko sa sinabi nito. Nakanganga na pala ako. 'Nakakahiya ka talaga Patricia' ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

Napatawa naman ang daddy sa eksena naming dalawa ni Xander. Kung wala lang dito si daddy baka nagwalk out na ako at bumalik na lang sa kwarto para magkulong. Grabe nakakahiya talaga!

"sya! sige! Mauna na ako sainyo. See you guys sa party. And Xander please take care of my daughter at ingat din sa pgdadrive." humalik na si daddy sakin at tinapik naman sa balikat si Xander.

"hmm, ok dad, take care! " sabi ko.

Tango na lang ang tugon ni Xander kay daddy.

Sumunod na din kaming lumabas ni Xander. Dumeretso na ako sa kanyang sasakyan. Binuksan ko na ang pinto ng passenger seat at umupo na. Sumunod na din ito at pinaharurot na nito ang sasakyan.

"Next week na daw ibibigay ang wedding invitations. San iyon ipapadala? Sa opisina mo o sa bahay nyo?" tanong nito habang ngdadrive. Ni hindi man lang ito lumilingon sa akin.

"Sa office ko na lang." tamad kong sagot.

"okay" anas nito at hindi na kami nagkibuan.

Nakarating na kami sa bahay nina Gio. Marami na din nakapark na sasakyan. Agad na akong bumaba pagkapark nito ng sasakyan. Iiwanan ko na sana sya ng biglang hinila nya ako sa braso kaya napasubsob ang mukha ko sa dibdib nya.

"What are you doing?!" pagalit kong tanong sakanya.

"Can you please act like a real fiancee? Baka makahalata ang mga tao"

"And so? I dont care kung makahalata man sila. They all know it was an arrange marriage. Pinapakisamahan lang kita dahil sa daddy ko. Dont expect too much! i hate it when your near me! Got it? I dont like you!" pasigaw kong sabi dito habang nagpupumiglas. Kita ko ang pagtigas ng expression nya. Nanliit ang kanyang mata na parang nanlilisik. Kinabahan ako sa nakita ko, para akong biglang natakot pero hindi ako ngpahalata. Pinipilit kong tanggalin ang kamay nya sa pagkakahawak sa braso ko pero parang lalo iyong humigpit.

"Let go of me! Ano ba nasasaktan na ako!" sabi ko dito.

Parang natauhan naman ito kaya bigla na lang binitawan ang braso ko. Lumambot naman ang expression ng mukha nya.

"im sorry. Hindi ko dapat ginawa yon. im sorry" sabi nito at iniwan na ako.

Naiwan naman akong napatanga dito. At ng makabawi ay sumunod na din ako. Nasira na naman nito ang araw ko.

Nang malapit na ako sa mga bisitang naroon ay biglang may humawak sa kamay ko at pinagsiklop ito. Nagulat ako dahil parang may kung anong kuryente ang naramdaman ko sa buong katawan ko, ramdam ko din na parang may kung anong alaga ang nagwawala sa aking tyan. Napatingin naman ako sa kamay ko at ng lingunin ko kung sino yun ay si Xander na naman.

Nagtama ang aming mga mata. Sa di mapaliwanag na nararamdaman parang biglang dumagundong ang dibdib ko. Napahawak ako sa dibdib ko at dinadama kong ano ba iyon.

"Youre dad is here, baka magtanong iyon kung bakit hindi tayo sabay pumasok dito. Dont argue on me. Hindi rin naman magtatagal to" sagot nito. At hinila na ako papasok.

Nakita agad namin si tita Cora kaya agad kaming lumapit dito at binati sya.

"Happy birthday tita! You look so beautiful tita" bati ko sabay halik sa pisngi.

"Happy birthda tita Cora" anas ng katabi ko at humalik din sa pisngi.

"Oh thank you lovebirds! Go to the table and eat. I know gutom na kayo. Malapit na magstart yung program. I hope you two will enjoy my party" sabi ni tita.

"of course naman tita. Mukhang masaya nga ang party mo. Kita naman sa mga bisita."

"oh.. i hope so." sabi nito ng nakangiti. Mukha ngang masaya nga si tita. "i'll just greet the other visitors. Just enjoy yourselves okay?"

"okay po tita" at umalis na rin sa harap ko. Nagpalinga linga pa ako at nakita ko si daddy na tuwang tuwa sa kausap nito.

Kumalas na ako sa pagkakahawak ko ng kanyang kamay at akmang iiwan ko na sya ng magsalita ulit ito.

"Saan ka pupunta?" tanong nito ng nakakunot ang noo.

"dyan lang sa tabi tabi" sabi ko ng nakangiti ng peke. Iniwanan ko na sya at nagtungo sa table na nasa gilid. Wala masyadong tao doon kaya doon na muna ako pupwesto.

Hindi rin naman ako mahilig makipagsocialite kaya tama lang ang mapag isa. I ask some wine sa waiter na dumaan. Pagbalik nito, may dala na syang isang bote na wine at isang wine glass. Yung waiter na ang nagbukas at pinagsalin ako. Pagkatapos nun ay tinanong pa ako kung may kailangan pa ba ako. Umiling na lang ako bilang sagot dito at umalis na.