webnovel

Chapter 35

NAKATANAW siya mula sa malaking binta habang hawak ang isang bugkos na pulang rosas, May kagalakan sa puso niya at may pananabik na makita ang minamahal.

"Keron.. " Lumingon siya sa abuela.

"Grandma."

"Malawak ang mga ngiti mo? " Ani ng abuela niya. Siyempre sinong hindi dahil ito na ang pagkakataon na makikita na niyang muli ang babaeng minamahal matapos ang apat na taon na pag hihintay.

"Siyempre, naman Grandma matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Nanabik na makita sila at makasama. Tingin ho, nakalimutan niya na kaya ako? "

Tinapik siya nito sa balikat bago ngumiti.

"Wala naman sigurong dahilan para

makalimutan ka niya."

"Masyado pa siyang bata non para magkagusto din siya sakin. Lumipas ang mga taon, maaaring hindi niya ako makalimutan. " Lungkot niyang sabi habang nakatingin siya sa mga bulak-lak. Napa buntong hininga naman ang abuela.

"Wag kang mag isip ng ganyan. Apo, "

"Pero hindi ko ma iwasan. Natatakot ako na baka kapag nagkita kaming muli... Ay wala na ang pag-ibig niya para sa akin. "

"Jusko! Nag iisip kananaman ng ganyan. " Napakamot siya sa ulo.

"Alam niyo' naman kung gaano ako kabaliw sa kanya, halos araw -araw nais ko siyang makita yung tipong hindi mo lang siya pag mamasdan mula sa malayo aalamin kung sino ba ang mga nakakausap  niya nakakasama niya. Masakit para sakin lalunat ipinag bubuntis niya ang anak namin at wala ako sa tabi niya para alagaan sila. At nang mganak siya wala ako doon para alalayan siya sa pag hihirap para lang maisilang ang anak namin. "

Hindi na niya maiwasan ang hindi maging emosyonal ng mga oras na iyon lalupat na alala nanaman niya ang mga araw na hindi niya magawang lapitan ang babaeng minamahal dahil sa ipina ngako niya sa kapatid nito.

Nasasaktan at nagagalit siya sa tuwing may kausap itong ibang lalaki at malawak ang mga ngiti. Hindi niya magawang hindi mag selos, at masaktan.

Kung alam lang nito kung gaano niya ito kamis ng sobra. Nag tiis siya sa apat na taon na yon mas nahihirapan siyang pagmasdan lang sa malayo ang dalaga. Nais niya itong mayakap muli mahagkan haplusin ang ma umbok nitong tiyan nung mga panahon lumalaki na ang tiyan nito.

Pero sabi nga niya. Kakayanin niya dahil ganon niya kamahal si Sheen-sheen, kaya niyang iwan ang lahat wag lang ang babaeng kinababaliwan niya noon paman. Parang gusto na niyang hilahin ang mga oras para mapa sa kanyana si Sheen-sheen ng tuluyan ikulong sa mga bisig niya at wag nang pakawalan pa.

Fuck.

"Alam ko yon. At nalampasan mo ang pagsubok na iyon. At ngayon malaya kanang makita sila dahil natupad mo ang ipinangako mo sa kapatid at mama niya, "

"Shit. Naman Grandma wag niyo, nga akong paiyakin baka bumaha dito. " Ani niya pa napa ismid na lamang ito bago sumagot.

"Tch. Hindi bagay sayo ang mag biro. Ang panget mo kasi parang hindi makatotohanan. "

"Grabe naman kayo sakin. "

"Abat. Totoo lang naman ang aking

sinasabi. "

Natawa na lang siya dahil sa sinabi nito. Tama ang abuela niya sa apat na taon na pag hihitay niya may maganda naman nangyari. At hindi na niya papalagpasin ang pagkakataon na ito. Gusto na niyang makita ang babaeng mahal maging ang anak nila, ngunit may kalakip din naman siyang kabang na raramdaman kung sa kaling magkita silang muli.

©Rayven_26