webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · 青春言情
分數不夠
282 Chs

Chapter 9: Papa

Araw ang lumipas simula nang umalis si kuya. Para akong nawalan ng matalik na kaibigan. Wala akong mapagsabihan ng nasa aking isip. Lagi itong puno ng palaisipan na di ko alam kung paano sasagutin, isa isa. Nakakabaliw!. Mabuti nalang at sa paglubog at pagsikat ng araw, hindi umalis si Lance. Lagi syang tumatawag o minsa'y pumupunta dito sa apartment na binili ni papa para sakin. Ang sabi nya. Hindi raw nakakabuti sa lahat ang magsama sama kami ulit sa iisang bahay. Tinutukoy nito ay sina Mama at Denise. Hanggang ngayon, para pa rin akong walang halaga sa kanilang mga paningin. Masakit aminin o mahirap tanggapin pero kinakailangan. Mas lalo ko lamang saaaktan ang aking sarili kung ipagpipilit ko pa ang sarili ko para sa ikasasaya nila. Pagod na akong intindihin ang lahat. Ngunit si Papa, dumadalaw rin sa kanila. Minsan din ay duon natutulog at nagtatabi pa sila. Nakakatawa man isipin pero nangyari talaga. I once tease papa but he just laughed at me. Ang sabi nya, di sila nagkabalikan pero nagtabi daw sila nang gabing pumasyal sila. Hayst! Nalito ako bigla. Natatawa na para bang baliw na.

And about me and Lance. Pinayagan na rin ako ni Papa na dito na muna sa Antipolo mag-aral ng nursing. Tutal dito rin naman daw sya pansamantala dahil sa trabaho nya.

Pagkatapos kong gawin lahat ang gawaing bahay. Naupo ako sa tabi ni Papa.

"Pa, labas lang po ako." paalam ko. Nagtext kasi si Lance na magkita raw kami sa isang shop. Ang sabi nya. Kasama nya raw si Bamby. Mukhang may pinagdadaanan.

"Kasama mo ba si Lance?.." he asked without glancing at me. He's busy reading his usual newspaper every day.

Kinagat ko ang ibabang labi bago sumagot. "Yes Pa." may ngiti kong silip sa mukha nya. He giggled silently when he saw me smiling. I heard his heavy sigh bago nito tiniklop ang newspaper saka sumandal ng dahan dahan.

"Hmmm.. be careful then.."

"I will po.." magiliw kong sagot.

"And be home by six. Baka hanapin ka na naman ni Ali." habol pa nya.

"Opo na po.." laging ganyan ang bilin nya sa tuwing kasama ko si Lance. I don't know. Baka takot syang maaaring maulit kong muli yung pagkakamali ko noon. "And don't go too far.."

"Papa naman, si Lance naman po kasama ko." reklamo ko ng kaunti. Natatawa sa likod ng isip dahil biglang napalitan ng pagkayamot ang dating magaan na awra nya kanina.

"Exactly! Si Lance nga, na kasintahan mo, na tatay sana ng anak mo.."

"Papa?.." di ko alam bakit nya ito nasabi bigla. Simple lang naman yung paalam ko. Kumunot ang noo ko't napalayo ng bahagya sa kanya. Tumitig ako ng matagal sa kanya. He just stay calm and quiet too. Sampung minuto muna siguro ang lumipas bago ako nagsalita. "Pwede pa naman syang maging tatay ng mga apo nyo ah.." agad nya akong nilingon. Masama na ang tingin sakin.

"Anong sinabi mo!?.." may bahid ng pagkabigla ang boses nito.

"Boto naman po kayo sa kanya hindi po ba?.." seryoso ngunit sa loob looban ko'y humahagalpak na ako.

Nagpakawala ito ng isang napakalalim na buntong hininga. Hinawakan ang noo bago hinagod ang ulo saka ginulo ang medyo may kanipisang buhok nito.

"Are you really serious Joyce?.."

O my! He's getting mad now!

"Who told you that I'm not serious Pa?.." pinaloob ko ang sariling labi dahil konting konti nalang sasabog na ako sa halakhak.

"Joyce!?!?..." at dahil nga sa tinawag na nya ang pangalan ko. Di ko na talaga napigilan pa ang humagalpak!

"Ahahahahahahah!!.."

"Now you're laughing?. Are you making fun of me?.."

Iwinaaiwas ko nalang ang aking kamay at ulo upang para sabihin sa kanya na hindi ganun. "Then what?.." tumayo sya sa harapan ko't pinamaywangan ako. "That's not even funny you know.." frustrated nitong sambit. Pinunasan ko ang luha sa magkabila kong mata bago sya tiningala.

"Pa naman. Para biro lang eh.." ngisi ko kasabay ng pagtaas baba ng magkabila kong kilay. I heard his heavy breathing kaya tumayo na ako.

"That was just a joke po. Ang seryoso nyo naman eh." pakalma ko sa kanya. He just looked away. Hinawakan ko na sya sa braso kaso di pa ako nito pinansin.

"Hindi nakakatuwa.." he murmured!. I giggled at his remark.

"Pero mas matutuwa po kayo kung may aalagaan na po kayong apo, Papa.."

"Joyce, I'm warning you!.." doon nya lang ako tinapunan ng tingin. Tinuro pa nga ako sabay walk out na.

"Hahaha.." natawa na naman ako. Biro ko lang namna iyon. Ang seryoso nya kasi masyado sa mga bagay bagay. Ang simple lang naman nung paalam ko tas umabot pa sa nakaraan. E di ginawa ko na yung future ko. Doon naman punta ko e. Ang bigyan sya ng apo.

Nakasanayan ko na rin minsan ang baliktarin ang mga bagay patungkol sa akin. Reverse psychology kumbaga. Ayaw nya kamo na magkaroon pa ng apo kaya pinaisip ko na sa kanya ang future. Tawang tawa ako saking sarili sapagkat natalo ko na naman sya sa isang matinding debate. Kung di ko kasi babaligtarin ang sasabihn nya, baka di ako matuloy sa pupuntahan at balde baldeng luha na naman ang maiigib ko.

Hello! How's y'all doing?. I hope everyone is doing very well.

Chixemocreators' thoughts