webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · 青春言情
分數不夠
282 Chs

Chapter 2: Asa

Nang araw na umalis ako. Hindi na ako sumubok pang magpadala nang mensahe sa kanya. Sabihin nyo na akong, gago, inutil at walang kwenta. Tatanggapin, kasi iyon naman ang totoo. Oo. Aware akong gago ako. Gagong gago sapagkat iniwan ko nalang sya basta. Walang kahit na paalam. Although may ideya naman na syang malapit na ang alis namin pero iba pa rin ang alam nya sana.

Sana.

Gago ka kasi Lance. Matapos mong magpakasaya ng isang gabi, tatakasan mo nalang sya ng ganun?. Gago!

Di ko rin maiwasang murahin ang sarili sapagkat, nadidismaya rin ako sa nagawang desisyon. Actually, it's not my real decision. It's papa at biglaan pa. Kaya wala akong nagawa.

But the point is, bakit hindi ka nga nagtext o tumawag man lang?. Ano nalang ang isisipin nun?. You know what's she's been through this past few days tapos eto ka pa't dadagdag?.Do you really care for her?. Do 'you really' love her?. Isa ka ngang napakalaking inutil Lance! Dinaig mo pa ang kuya mo.

Si kuya Mark. Base sa nakwento nya. Ate Catherine and him are both best of friends. Tipong di mapaghiwalay. Madalas nga matulog sya sa bahay ni ate Cath. Sa pag-aakala pa naming sila na at malamang gumawa na nang milagro pero pare! Ngayon ko lang sasabihin ito. Bagay sa kanya ang bansag na torpe. Isang napakalaking torpe, sapagkat ni hindi nya man lang nasabi sa kanya ang tunay na nararamdaman nya. At take note. Ang sabi nya sakin. Nalaman nya lang daw na ayaw nya itong iwan o saktan nang araw na tapos na nya itong iniwan sa ere at sinaktan na ng sobra. Tsk. Maging kami tuloy ay nahiya sa pagtatago nya ng kanyang nararamdaman.

Kung torpe ang kuya mo Lance, ano ka rin?. Duwag diba?. Sigaw ng konsensya ko. Napatungo ako at ginulo ang ayaw na magulong buhok.

"Lance, di ka pa ba umaakyat?.. We're having dinner outside.." ani papa na galing sa kabilang sofa kung saan may nakakabit na telepono doon. May kinausap sya doon at di ko kilala. Mukhang kasamahan nito sa trabaho.

"As in tonight po?.." tamad kong lingon sa kanya. Nilapitan nya ako't sinipat ang kabuuan ko. Suot ko pa rin ang damit na isinuot ko pagkaalis ng bansa. Tinatamad akong umakyat at magpalit.

"Hmm.. diba kanina ko pa iyon sinabi sa inyo ni Mark?.." tamad nya ring sabi. Hinagod pa nya ako ng tingin bago muling nagsalita. "Nakalimutan mo na naman?.."

Hindi sa nakalimutan ko Pa. Wala lang ako sa mood magsalita ngayon. Lalo na sa bunso mo. Ang kulit e. Pinapaulan ako lagi ng mga tanong na minsan hindi ko kayang sagutin. Tsk. Gusto ko itong sabihin sa kanya pero pinigilan ko ng matinde ang sarili dahil sa nakakatakot sya kung tumingin ngayon. Para bang inaalam ang takbo ng utak ko.

"O, hmmm?.." bigla ay nag-isip sya. Tumayo sa harapan ko't kunot ang noo nyang tumingin sakin. Napalunok ako bigla. Wala pa man syang tinatanong ay may kung ano na sa akin ang di mapakali.

"What po?.." mahina ngunit sapat lamang para marinig nya. Hinawakan nito ang kanyang baba saka hinimas iyon na para bang napaka-interesante ang tumatakbo sa kanyang isip.

Lihim na naman akong napalunok. Di ko kayang tumitig sa kanya kaya napaayos ako ng upo.

"May ginawa ka na naman bang masama sa kapatid mo?.."

"Po?. Wala po.." mabilis kong sagot.

Mabuti nalang! Pasalamat ka Lance!

"E bat hanggang ngayon andyan ka pa rin?. Tumakbo na ang oras at lahat tapos ay--.." sinipat nya ako mula paa hanggang ulo. Duon naman saking mata, namalagi ang nagtataka nyang titig. "Look at you?.."

Ngumuso ako.

"Pa, naman. Aakyat naman ako eh. Sadyang tinatamad lang ako.." huminga ako ng malalim nang sabihin ito. Sana hindi nya mahalatang kinakabahan ako.

Namputcha Lance! Mahuli ka!,

Wala namang pulis ah!

Sige, magdahilan ka pa!

Nagtalo pa ang isip ko.

"Really?.."

"Opo.." binigyan nya ako ng nakakatakot na tingin. Matakot ka na hijo.

"Umakyat ka na.. kung ayaw mong maiwan.. mamaya magmamaktol ka na naman na parang bagong silang na bata. " bahagya akong natigilan sa kanyang sinambit. Paakyat na sya at nakatalikod sa gawi ko nang sabihin ito. Hindi nya naman siguro sadyang gulatin ako sa sinabi nyang iyon pero talagang natigilan talaga ako't natamaan sa ulo, lalo na sa puso.

Nagmamaktol ba talaga ako?. Parang hinde naman Pa eh.

Pero dun sa bagong silang na bata?. Kingina! Mukha ba akong bata?. Siguro nga Lance. Kakasabi nya eh. Engot! Ang ibig sabihin nya doon ay isip bata ka. Tsk. Isip bata na baka maging batang ama na rin. Tsk! Namputcha! Kinabahan ako ng todo!

Kinakabahan ako kahit wala namang dahilan.

Wala nga ba Lance?. How about the 'one' who you left suddenly?. Without any form of goodbye?. Wala lang ba iyon sa'yo.

Walang humpay akong nagtatanong sa kung paano na sya ngayon?. Sa kung galit ba sya?. Kingina! Sinong di magagalit Lance?. Sige nga?. Baliktarin mo kaya kalagayan nyong dalawa?. Baka sakaling maisip mo ang tama. Kung kamusta na sya at ano nang ginagawa nya.

Inis akong umakyat at dumiretso nang sariling kwarto. Agad akong naligo gaya ng sigaw ni papa sakin pagkalampas ko sa kanya dito sa taas. Andun sya sa may bookshelves, nagbabasa. Kasama ni Bamblebie na nakipag-apiran pa sakin.

Pagkatapos kong maligo. Nagpalit ako at humilata sa malambot na kama. Kinuha ko ang cellphone sa side table ay tumitig lang doon.

"Lance, ano na?. Tititig ka nalang ba dyan sa larawan nya?. Baka naman maisip mong nag-aalala na yun sa'yo ngayon?.." bulong ko sa sarili na parang baliw.

Baliw na yata ako. Baliw na talaga ako!

"Aissshhhhh!.." ginulo ko ang buhok saka dumapa't itinago sa mga unan ang buong mukha.

E kasi. Paano ba to?. Nag-aalala naman talaga ako sa kanya. Alalang-alala. Sobra! Nga lang, Parang di ko kayang makipag-usap sa kanya ngayon dahil sa nangyari samin.

Gago!

E bakit mo pa ginawa kung heto ka't nahihiya ngayon?. Ang gulo mo Lance ha!!

Hindi sa tinatakasan ko sya. Pag nalaman kasi ni kuya ito o kahit na sino sa pamilya. Malilintikan ako. Diploma nga kasi priority ko.

"Aissshhhhh.. Bahala na.." bumangon ako. Kinuha ang unan sa paanan saka nilagay sa mga nakatuping binti. Itinuko ko doon ang mga siko habang hawak ang cellphone. Nakaon na iyon kanina. Online. At ang dating usapan namin ang andun. Ang huli nga ay palitan namin ng matatamis na 'mahal kita'. Tuloy, wala pa akong naisusulat ay mariin na akong lumunok. Pinaloob ko pa ang labi upang mag-isip ng magandang sasabihin.

"Hey, I'm sorry kung di ko na nasabi sa iyong nakaalis na kami.." kinagat ko ang ibabang labi sa kaba. "I didn't expect it this early.." nanginginig ko itong sinend. Tapos nagtype muli. "Sorry again.. I know you're asking why I didn't say goodbye to you.." send ulit. "Ang totoo, hindi ko talaga kayang magpaalam sa'yo.. you know what you are to me.. baby.." send ulit. Kinailamgan ko pang tumayo para makahinga nang normal. "Please, reply asap.. I want to explain it more.." sending..

Sa sending iyon. Agad kong binaba ang cellphone saka lumagok nang tubig. Hindi ko kaya! Hindi ko kayang basahin ang kung anong irereply nya. Ayokong umasa pero kingina! NAPAPAASA TALAGA AKO!