Kinaumagahan. Nag-empake ako ng iilang mga damit. Di naman kailangan marami dahil may mga dati naman akong damit na naiwan sa bahay sa Antipolo.
After a while. Kuya talked to me. Actually, he asked me kung kailangan ko raw ba ng kasamang uuwi. Sinabi kong kaya ko naman. Not even sure kung kaya ko nga talaga but, I can sense it na dapat kayanin ko itong mag-isa. Kailangan kong umuwi nang mag-isa, just to be sure that she's okay. To check on her in person. To atleast be there, on her side. Sa katotohanang naiisip kong to. Sobrang takot ang namumutawi sa akin. Di ko kasi alam kung ano na ang turing nya sakin after what I did and what had happened. Nakakapanlumo at nanghihinayang ako sa isang buhay na nawala. May parte sa dibdib ko ang mabigat. Kaybigat nito sapagkat, di ko man lang masisilayan kung paano sya lumaki. Kung sinong magiging kamukha nya't lahat pa. Laking hinayang ko. Dinaig pa nito ang pagkatalo ko sa isang jackpot sa loto. Napakasakit!. Kumikirot ng sentido ko sa tuwing bumabalik sa akin ang bagay na ito.
"Kuya, paregards kila Karen at Winly ha?." eto na naman si Bamby. Hinahabilin ang mga kaibigan sa akin. Hindi ko sya sinagot. Basta tinanguan ko lang sya't nagpatuloy sa ginagawa. "And, if ever makita mo si Joyce.. say hi for me please.." umawang basta ang labi ko sa narinig.
Pumikit ako't nagpakawala ng isang lihim na buntong hininga. Di ko inaasahan ang kasunod ng mga sinabi nya. Nawala sa isip kong, kaibigan nya rin pala sya. Bestfriend pa.
Mabuti nalang talaga. Nakatalikod ako sakanya ngayon. Nagagawa ko itong magpalit ng iba't ibang emosyon sa taong gusto nitong makausap. Ako man. Sabik din sa boses ng kaibigan. Tuwing naririnig ko kasi ito. Para syang musika na hinehele ako. Ganun ang epekto nya sakin. Kakaiba at nakakabilib sapagkat sya lang ang nakakagawa sa akin nang ganuon.
Nang nabagot syang kakapanood sa ginagawa ko. Nagpaalam na sya't lumabas para daw makapag-isip isip. Sa nagkaroon ako ng interes na malaman kung anong kailangan nyang isipin. Natanong ko sya kung anong iniisip nya. And guess what?. She just said. Umikot pa muna ang mata nya bago tuluyang binitawan ang linya. "Of course.. my Jaden.. gosh!." gusto ko sanang tumawa subalit inunahan nya ulit ako. "And you!.." turo nya sakin. Natigilan ako pero di ko iyon pinahalata sa kanya. "Why me?. Bamblebie huh?.." kahit bumaluktot na ang aking dila. Tinuloy ko pa ring itanong ito.
"Dahil... one, you're so damn lucky.. uuwi ka, ako hinde.." tumirik ang kanyang mga mata. Lihim na naman akong natawa. "That's too unfair you know?.." pumadyak pa sya. Nag-iwas ng tingin. "Second, makikita mo ang barkada, sina Karen.. gusto ko rin.. sana.. but damn!.." binulong nalang nya yung mura nya pero dinig ko pa rin naman. "And lastly, si Jaden-.." she paused that's why I did pay attention to what she's saying.
"What about him?.." I smirked.
"--please say to him.. wait for me.. kyaaaaaaaaaaa!!! O my gosh! Just! okay bye!.." nagulat nalang ako nang bigla syang tumili saka parang hangin na umalis sa silid ko. Di pa rin pala nagbabago nararamdaman nya dito. Sana rin. Ganun rin sya sakin. Kasi, ganun ako sa kanya.
Tuloy, tatawa tawa kong pinagpatuloy ang pag-empake.
Gabi ay sabay sabay kaming nagdinner sa labas. Bihira kasi si kuya Mark na sumabay samin sa hapunan kaya kami ang lumabas just to be with him. Suhestyon ni Bamblebie. Miss nya na raw kasi ang panganay namin. Bunso sya kaya sinang-ayunan din namin.
"Sinong maghahatid sa'yo bukas bro?.." kuya asked pagkauwi namin. Papasok na ako ng silid ko nang pigilan nya ako.
"Si papa raw.."
"What about our Bamblebie?. Di ba sasama?.."
"Hinde.. di pinayagan ni papa e.."
"No. what I mean.. maghahatid sa'yo ng airport?.." ayon pala. Di ko gets una nyang tanong e.
"I don't know.. baka di rin.. alam mo naman na sya. baka umiyak lang yun.."
"Baka nga.." agad na rin akong nagpaalam sa kanya para ayusin muli ang mga gamit.
I checked all my things na nakalapag sa may kama ko. Nakatanaw ako duon habang nakalagay sa magkabilang baywang ang mga kamay. Kasama roon ang cellphone kong ilang linggo nang walang buhay. Simula kasi noong tumawag si Rozen sakin. Hindi na muli iyon naulit. Umaasa akong tatawag syang muli pero wala na.
But in a span of time.
Biglang umilaw yung tinutukoy kong walang buhay. Pagkatapos ng segundong pag-ilaw nito. Gumalaw syang patagilid. Papunta na sa dulo ng higaan. Malapit nang mahulog. Nakavibrate lang ito at silent pa.
Without any blinking. I grabbed it as faster as I could. Hoping that she's the caller. But damn it! DAMN IT!!! Hindi sya kundi yung kapatid nya.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko sya kinausap. "Hey.." bati ko. Kabadong kabado.
"Lance.. kamusta?.." nagulat nalang ako sa sobrang baba ng boses nya. What's happening ba?.
"Ayos lang ako.. ikaw?. Kayo dyan?." balik tanong ko rito.
"Paano ba to?.." dinig kong bulong bulong nya.
"Ha?.." nalilito kong sambit.
"Lance kasi--.." pigil nya sa sarili.
Natigilan ako. Di makapagsalita sa dumadagundong na kaba. Sinakop na nito ang buong utak at pandinig ko kaya nabibingi at natutulito na ako. "We need you here.."
"Bakit?.."
"Si Joyce, she's not okay.." at sa kumpirma nyang iyon. Wala na akong ibang naintindihan sa mga sumunod pa nyang sinabi. Nawala ang pandinig ko at tanging kabog lamang ng aking dibdib ang aking naririnig. Sobrang lakas nito. Dinaig pa ang malakas na tunog ng malaking trumpo. Umaalingawngaw ito sa lakas. Nakakabingi!