webnovel

Weeping Sky

編輯: LiberReverieGroup

Sa isang iglap, nawala ang lalaking naka-itim.

Bigla na lang itong napunta sa likuran ni Marvin, at walang habas na sinaksak si Marvin sa likod gamit ang dagger.

Hindi!

Agad na nagbago ang reaksyon sa mukha ng matanda, mula sa pagiging mabagsik ay naging gulat ito.

Dahil napansin niyang noong bumaon ang kanyang dagger sa likod ni Marvin, nabalot ng kadiliman ang kwarto!

At ang katawan ni Marvin ay naging anino hanggang sa mawala ito.

Shapeshift Sorcerer, Shadow-shape!

Nakalahati ang pisikal na pinsala!

Walang tinamaang mahalagang bahagi ng katawan!

Ito ang kalakasan ng Shadow-shape.

Dama pa rin ni Marvin ang kaba nang makitang mabilis na nabawasan ang kanyang Hp. Sa isang iglap ay nangalahati ang kanyang HP dahil sa atakeng iyon!

Kung hindi siya nagpalit gamit ang kanyang Shadow-shape, malamang ay ikinamatay na niya 'to!

'Pucha, miyembro siya ng Shadow Spider Order!'

Napansin ni Marvin ang crest sa dagger ng lalaki.

Kahit pa maliit lang ito at halos hindi mapapansin, nakita pa rin ito ni Marvin.

'Dahil ba 'to kay Black Jack? Parang hindi naman… Noong pinatay ko siya, tinraydor na sila ni Black Jack at naging isang Outlaw of the Crimson Road.'

Wala nang oras mag-isip si Marvin.

Bago pa man muling makagalaw ang lalaki, umatake na si Marvin!

Bago mag Shapeshift, ginamit na niya ang [Eternal Night]!

Ang skill na ito ay gumagawa ng kadiliman at walang hanggang mga anino.

Umasa si Marvin sa malakas niyang specialty na [Endurance] para huwag indahin ang sakit at gumamit ng Shadow Bind!

Pero mahusay ang lalaki at nagawang umiwas sa skill na ito, nawala muli ang lalaki mula sa kinatatayuan nito.

Pumalya ang Shadow Bind!

'Magaling siya, siguradong hindi baba sa ang taong ito sa 4th rank Assassin. Baka isang Half-Legend!' Kinilabutan si Marvin.

Hindi ba't iyon ang isa sa mga pinakamalalakas na Assassin ng Shadow Spider Order? Sa pamamagitan ng ilang makapangyarihang bagay, kahit isang Legend ay kaya na nilang patayin!

Sinadya ba talaga siya ng isang ganito kalakas na tao para patayin?

Sa kabilang banda, ang lalaki na umatras mula sa kadiliman ay nanlamig rin.

Tiningnan nito ang kakaibang kadiliman na nasa gitna ng silid na may kaunting takot na nararamdaman,.

.

Noong nasa loob siya nito ay pakiramdam niya ay gabi talaga.

:

Anong klaseng skill ba iyon? Marami na siyang taong napatay, pero ngayon lang siya nakakita ng ganitong klase ng skill.

Isang anino ang biglang lumabas mula sa kadiliman.

Dumadaloy ang dugo mula sa likuran nito habang nagmamadali itong tumakbo patungo sa Magic Mirror!

'Tatakas ka?'

Ngumisi ang lalaki, nawala muli ito sa kanyang kinatatayuan at lumitaw uli sa likuran ni Marvin!

Gamit ang kanyang straight dagger, sinaksak nitong muli si Marvin sa sugat nito at dumeretso ito hanggang sa puso ni Marvin!

'Mali!'

'Doppleganger 'to!'

Mabilis ang naging reaksyon ng lalaki.

Agad itong lumingon.

Nawala na ang kadiliman sa gitna ng kwarto. At ang tunay na Marvin ay tumakbo na sa kabilang dako ng kwarto, dala-dala ang spear.

Huminga ito ng malalim at kinabisado ang itsura ng lalaki. Saka nito binuksan ang pinto at lumabas.

Sinubukan siyang sundan ng lalaki pero nabigo ito.

Dahil ito ang unang beses na nakapasok siya sa loob ng kwarto, kahit pa aksidente lang ito. Kung gusto niya talagang makalabas ng Maze, kailangan niyang magawa ito ng tatlong beses.

"Punyeta… Nakatakas pa."

'Para maging kaibigan niya ang napakaraming Legend, mahusay nga talaga siya… Mukhang masama na tinanggap ko ang misyong 'to!'

Iritadong pinaglaruan naman ng lalaki ang kanyang dagger, pero walang bahid ng pagkabalisa sa mukha nito.

Kahit ano pang mangyari, lagot na ang batang iyon.

Sa labas ng Maze, sa kaloob-looban ng kweba.

Pilit na tinatakpan ni Marvin ang sugat sa kanyang likuran. Pero hindi pa rin niya mapatigil ang pagdudugo nito.

Namumutla na ang kanyang mukha.

Masyadong na itong mapanganib.

Kung hindi dahil sa pagiging pamilyar niya sa mga kilos at atake ng mga Assassin dahil isa siya sa mga ito dati, marahil hindi na niya nalaman ang binabalak ng kanyang kalaban.

Marahil namatay pa siya bago niya mapansin ito!

Ito ang dahilan kung bakit tunay na nakakatakot ang mga Assassin. Grupo sila ng mga taong laging nakakubli. Magaling silang magpanggap at magaling rin silang pumatay gamit lang ang isang atake.

'Mabuti na lang at tama ang hinala ko. Siguradong aksidenteng napunta siya doon sa kwartong iyon kaya hindi siya makalabas ng kwarto gaya ko.'

'Hindi ko lang alam kung ito baa ng unang beses niyang nakalabas siya sa Maze.'

Naglabas si Marvin ng isang bote ng gamot at benda para sa anyang sugat, sinusubukan niyang balutin ang kanyang sugat.

Mabuti na lang natutunan niya ang [Quick Bandage] noon mula kay Sean. Kahit pa hindi ito kasing epektibo tulad nang kay Sean, na mayroong [First Aid Master] na bonus, magagawa naman niya sigurong patigilin ang pagdudugo ng kanyang sugat.

Tiningnan ni Marvin ang kanyang Log habang ginagamot ang sarili. Isa itong malaking abala para sa kanya.

Pero noong mga oras na iyon, dalawang mensahe ang lumitaw sa kanyang log na ikinagulat niya:

[Isang Unknown Poison ang pumasok sa iyong katawan.]

[Maninigas ang katawan mo ng dalawang oras magmula ngayon.]

"Pucha!" Napamura si Marvin sa galit.

Kumuha siya ng ilang antidote, pero bago pa man niya mailagay ang una sa kanyang bibig, bigla na lang siyang nahilo.

"Blag!"

Bumagsak ang antidote sa sahig at nabasag.

At bumagsak rin si Marvin. Biglang bumuka ang sugat niya sa likuran at mas bumilis ang pagdaloy ng dugo mula dito.

Nagdidilim na ang kanyang paningin. Ibinuhos niya ang kanyang natitirang lakas para lang gumapang ng kaunti at kumuha ng isang hibla ng kumikinang na puting damo!

'Dapat patay na siya ngayon.'

'Kahit na hindi nakaamatay ang lason na ginamit ko, sapat na siguro na manigas siya at isang nagdudugong sugat.'

Nagmadali naman ang lalaki sa loob ngMAgic Mirror Maze.

At tulad ng inaasahan ni Marvin, hindi nito alam kung paano makalabas sa loob ng Maze. Pero marami pa itong oras para manuod lang.

Nakakamangha ang mga Magic Mirror na ito.

Pero nasurpresa ito nang bigla niyang makasalubong ang isang nakaputing babae pagliko niya.

NAgkatinginan silang dalawa at muling ngumiti ang lalaki. "Sa wakas, may ibang tao na rin akong nakita."

"Pwede mo bang sabihin sa akin kung paano makalabas? Paikot-iko…."

Pero bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay kumilos na ang babaeng naka-puti!

Isang mabalasik na apoy ang namuo sa palad ng babae at pumasok sa lupa hanggang sa muling lumabas ito at hinawakan ang paa ng lalaki!

Muntik nang hindi maka-iwas ang lalaki, gumamit pa ito ng isang skill para lang maiwasan ang atake ng babae.

Pero sumakit ang paa nito dahil natapilok, habang patuloy lang na nag-cast ang kanyang kalaban!

Patuloy namang nagreklamo ang lalaki at sinubukang tumakas.

'Pucha… Bakit baa ng daming baliw sa loob ng Maze na 'to..'

'Sino ba ang babaeng 'to?'

Hindi niya ito nakilala!

"Nagigising na siya!"

"Ha, nagigising na ang thief…"

"Siya ba 'yong pumapatay sa mga kapatid natin? 'Yong gumalit ng sobra kay Itay?"

"Hindi siya iyon. Wala akong nararamdamang galit ng mga kapatid natin sa kanya. Hindi siya ang pumapatay."

May mga usapang naririnig si Marvin. Grabe ang sakit ng ulo niya.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ng malumanay na boses.

Sinubukan niyang buksan ang kanyang mga mata, nagulat siyang makitang nakahiga siya sa isang kamang bato. Sa tabi ng kama ay isang simpleng babaeng may payak na kasuotan.Kulay asul at napakaganda ng mga mata nito.

Sa likod nito ay isang grupo ng mga bang usa!

Ang mga usapang narinig ni Marvin ay mula sa mga ito.

Biglang napatayo si Marvin.

"Buhay pa ko. Ikaw ba ang nagligtas sa kin? Salamat."

Huminga ito ng malalim at pinilit na ngumiti.

Buhay pa rin siya.

Hindi ito naging madali.

"Sila." Ngumiti ang babae at itinuro ang mga White Deer sa kanyang likuran.

"Nalason ka at tinulungan ka nilang alisin 'to. Ang mga sugas mo naman, gumamit rin sila ng skill para pagalingin ka. Wala akong ganoong klaseng skill."

Tumango si Marvin.

Pinasalamatan niya ang mga batang usa.

Kung wala ang mga ito, baka napahamak na nang tunay si Marvin.

Kahit nanigas lang ang katawan niya dahil sa lason, tuloy-tuloy naman ang pagdudugo ng anyang sugat. Sa dami ng dugong mawawala sa kanya sa ganoong sitwasyon, kahit pa isang matikas na Barbarian ay siguradong mamamatay.

Paano pa kaya si Marvin.

Kaya naman, bago pa siya mawalan ng malay, kumuha siya ng isang kumikinang na putting damo.

Isa itong bagay na naranasan na niya dati.

Ang ganitong kumikinang na putting damo ay itinanim ng White Deer Holy Spirit para protektahan ang kanyang mga anak.

Kapag may gumalaw ng mga damo, mapapansin ito ng mga nakababatang usa.

Para makuha moa ng mga kayamanan sa White Deer Cave, kailangan mag-ingat na hindi maapakan ang puting damo na ito.

Subalit, noong mga panahon na iyon, wala nang magagawa si Marvin.

Alam niyang dahil pagiging mausisa ng mga usa, siguradong titingnan nila ang nangyari sa damo.

.

Kapag nangyari iyon, kung makita nilang sugatan si Marvin, siguradongtutulungan nila ito dahil sa busilak na puso ng mga ito.

Hindi ganoon kalakas ang mga ito, pero sa larangan ng pagpapagaling, mas malakas pa sila sa kahit anong uri ng Priest.

Ito ang kapangyarihan ng Half-Heavenly na nilalang.

Kahit na mga 2nd rank lang ang mga ito, madali lang nilang mapapagaling ang mga sugat ni Marvin. Kaya rin nilang tanggalin ang lason sa katawan nito.

Tinanong ni Marvin ang mga ito at nalamang labing-limang minuto pa lang ang lumilipas.

Nakita nila si Marvin walong minuto pagkatapos niyang bunutin ang damo, at ang natitirang pitong minuto ay ginugol nila sa pagligtas ng kanyang buhay.

Malaki namang ang pasasalamat ni Marvin sa mga ito.

Talagang nakakatuwa ang grupo ng mga White Deer na ito. Walang tigil ang pagtatanogn ng mga ito kay Marvin

Hindi sila ganito sa tuwing nandito ang White Deer Holy Spirit. Pero ngayong wala ang kanilang ama, hindi na nila kialangan itago ang sigla nila.

Paisa-isa namang sinasagot ni Marvin nag mga kakaibang tanong ng mga ito.

Matapos ang ilang sandal, pinigilan na sila ng babae.

"Oo nga pala, eto pala ang hawak mo noong nawalan ka ng malay. Ibabalik ko na 'to sayo." Inabot ng babae ang spear.

Napakabusilak ng reaksyon niyo, tila walang pakielam sa kung anong klaseng kayamanan ito.

Sabik namang kinuha ni Marvin ang spear.

Dahan-dahan niyang hinawakang ang mga dekorasyon sa spear.

Kahit na isang malaking tandang pananong lang ang naging resulta ng kanyang Inspect, napansin niya pa rin ang mga dekorasyon nito.

[Weeping Sky]. Iyon ang pangalan nito.

Mayroon itong mas mabagsik na palayaw, [Dragon Slayer Spear].

Isa sa mga tatlong pambihirang Dragong Slaying Item.