webnovel

Plague

編輯: LiberReverieGroup

"Anong alam mo?"

Sumimangot si Gru.

Lagi siyang hindi mapakali kapag anak na niya ang pinaguusan. Kalmado at matatag siyang tao pero lahat naman ng tao may kahinaan.

Kitang-kita naman na ang batang babae na masayahin, ilang buwan lang ang nakalipas, ang kahinaan ng lalaking 'to.

"Wala akong ibang nalalaman bukod sa may sakit siya," sagot ni Marvin. "Tinatanong ko lang naman kung ano na ang lagay niya."

Panandaliang nag-atubili si Gru bago tuluyang sumagot, "Malala ang sakit niya. Sabi ng doctor baka ilang lingo na lang siya mabubuhay. Sinubukan naming lumapit sa mga priest ng silver church pero walang magawa ang mga low level priest na 'yon."

"Tanging ang basbas na lang ng isang high level na priest ang paraan. Pero masyadong mahal ang presyo nila. Nanghiram kami ng pera pero kulang pa rin." Sagot ni Gru.

Kahit na malaking banta ang Masked Twin Blades, sinabi pa rin niya ang buong pangyayari.

"Bigla na lang siyang nagkasakit?" Tanong ni Marvin.

"Oo, ganun na nga." Nabigla si Gru. "Isa ka bang doctor mister Masked Twin Blades.?"

"Hindi. May mga nakita lang akong katulad niyan habang naglalakbay ako."

Pumostura si Marvin na para bang isang taong maraming karanasan. Kahit ang beteranong adventurer na si Gru, hindi nahalata 'to.

"Ano? Nakita mo na ang sakit na 'to?"

Nabigla si Gru.

Anak lang niya ang kanyang iniisip. Maaga kasing namatay ang kanyang asawa kaya magmula noon, ang anak na niya ang itinuring niyang kayamanan. Gagawin niya ang lahat para kanyang anak.

Kaya naman, lumaki sa layaw ang batang babae. Maghapong naglalaro sa labas 'to kasama ng maduduming tao. Wala namang magawa si Gru dahil madalas wala sa bahay ang mga tulad niyang adventurer. Kumikita lang ito ng sapat na pera para mapunan ang mga material na pangangailangan ng bata.

Pero may sakit na 'to ngayon. Pakiramdam niya dinudurog ang puso niya. Tanging ang mga nakaranas na ng ganitong pakiramdam ang makakaintindi.

"Oo. Kaya ko tinatanong," sagot ni Marvin. "Naninilaw ba siya at nanghihina, pero mapungay pa rin ang mga mata? Mayroon din ba 'tong malilit na itim na pantal na katulad sa smallpox?"

Nagulat si Gru!

"Paano…paano mo nalaman?!" Nanginig si Gru.

"Mister Gru, maswerte ka. Kaunti lang ang nakaka-alam ng sakit na 'to sa buong Feinan." Mahinahong sinabi ni Marvin. "Wag kang magugulat sa sasabihin ko sayo."

"Hindi sakit ang nakuha ng anak mo. Tinamaan siya ng plague.'

"Tatlong beses pa lang ito lumalabas sa buong kasaysayan ng Feinan. At sa tuwing lumalabas ito, sinisira nito ang ilang mga siyudad."

"Ang [Dark Sweet Poison, narinig mon a ba 'to?"

Natuliro si Gru.

Ang dark sweet poision ay isang plague na nanggaling sa Plague God.

Ginusto ng masamang god na to ang makigulo sa Feinan Continent matagal na panahon na ang nakakalipas. Para sa kanya, ang isang perpektong mundo ay puno ng takot, plague, at kamatayan.

Ikinalat niya ang dark sweet poision. Nagmumukang mahina ang lahat ng naapektuhan ng plague na 'to pero mayroon pa ring kinang ang mga 'to sa kanilang mga mata.

Sa mga oras na 'to mahihibang na ang mga apektado at maiisip nilang nasa langit na sila.

Gaganahan sila sa pagkain pero mapupunta lang ang lahat ng sustansya sa mga itim na pantal na nasa leeg nila.

Patuloy na hihigupin ng mga pantal na ito ang kanilang lakas.

Nakakatakot ang dark sweet poison dahil marami ang namamatay sa tuwing kumakalat 'to.

Ang unang pagkalat nito ay noong elven era. Mababa ang katayuan sa lipunan ng mga human noong mga panahong 'yon. Nang kumalat ang dark sweet poison, marami ang namatay.

Lalo tuloy lumakas ang Plague God.

Noong mga panahon na 'yon, may dumating rin isang saint na dala ang paraan para tanggalin ang dark sweet poison. Iniligtas niya ang sangkatauhan.

Brando ang apelyido ng sage pero walang nakaka-alam ng pangalan nito.

May mga nagsasabing siya daw ang Elven God na nagkatawang-tao. Habang ang iba naman ay sinasabing siya daw ang Wizard God.

Samakatuwid, matapos nitong tanggalin ang dark sweet poison, nawala na lang siya na parang bula sa mundo ng Feinan. Pati na ang pangalan "Dark Sweet Poison" ay nawala rin.

Unti-unting ng nalimutan ng mga tao ang plague na 'to.

Pero agad itong naalala ni Marvin.

Ang paglaganap ng dark sweet poison ay isa ring senyales ng nalalapit na chaotic era. Ngunit, mabilis rin namang dinispatya ng mga legendary wizard ang pinagmulan nito.

Isa lang itong pagsisiyasat ng Plague God.

Nakasaad sa mga talaan ng Feinan, na ang saint na lumitaw noong mga panahon ng unang paglaganap ng plague ay hindi god na nagkatawang tao. Isa lang itong mortal na isang master herbalist at master apothecary.

Patungkol naman sa tunay na nakapagtanggal ng plague, hindi ito prdukto ng medisina. Sa katunayan, nang ikalat ng Plague God ang plague, hindi ito masyadong nag-iisip at ikinalat ito sa gubat sa dakong kanluran. Dahil dito, nagalit ang Nature God.

Sa sobrang galit ng Nature God, gamit ang kanyang napakalakas na divine power, binugbog nito ang mahinang Plague God.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon na bumuo ng sarili nitong teritoryo ang walang kwentang Plague God dahil muntik ng sirain ng Nature God ang divinity nito. Buti na lang, tinulungan siya ng Fear God, Destruction God, at ng iba pang masasamang god. Kung hindi dahil dito, maikukulong dapat siya ng Nature God sa isang bote. 

Magmula noon, naging maingat na ang Plague God.

Dahan-dahan siyang nagpalawig ng kanyang impluwensya sa ibang kalupaan. Dahan-dahan 'tong nakabangon.

At mula noong hindi na gaanong nagparamdam ang Nature God, Elven God, at iba pang Old Gods, hindi na mapakali ito at gustong subukan muli.

Sinusubak lang naman niya ang kanyang lakas noong unang beses nitong pinalaganap ng Dark Sweet Poison sa Feinan.

Ngayon naman, maraming god ang nagbabalak na sugurin ang Universe magic pool. Malinaw sa lahat ng god, mahina man o malakas, isa itong malaking pagkakataon.

Isang pagkakataon na palawigin ang kanilang impluwensya.

Isang malaking biyaya sa sangkatauhan at mga wizard ang Universe Magic Pool.

Habang isa namang hadlang na pumipigil sa mga gods. Pagkawala pa lang ng Wizard God na si Lance gusto na agad nila itong sirain.

Kailangan lang nila ng pagkakataon

"Sinasabi mo bang hindi na mapapagaling ang anak ko?" Namutla si Gru.

Nang marinig ni Gru ang kwento ni Marvin tungkol sa dark sweet poison, pinagpawisan siya ng matindi.

Ang sarili niyang anak, naapektuhan ng plague!

Napakasama ng sitwasyon na ito. Dahil bukod sa hindi niya pa alam kung mapapagaling ba niya ang anak niya o hindi, baka subukan silang sunugin o patayin ng mga tao kapag nalaman nila ang tungkol dito dahil sa takot.

Tama.

Kahit na may mga wizard sa mundong ito, kasing mangmang pa rin sila noong mga tao noong sinaunang panahon pagdating sa mga ganitong bagay.

Nagkaron ka ng plague? Parang sinabi mong patay na rin ang taong yun!

Mas mabilis kumalat ang takot kesa sa mismong Plague!

Kung tutuusin, likas na magkasama ang plague at ang takot. Kaso nga lang, ang Fear God at ang Plague God ay parehong lalaki, kaya hindi sila pwedeng magsama. Pwede lang silang magkita paminsan-minsan at magtulungan

"Kung hindi na pwede mapagaling ang anak mo, wala ako dito," sabi ni Marvin. "Alam ko kung paano ililigtas ang buhay ng anak mo."

"Ano? Seryoso ka ba?" umaasang tanong ni Gru.

Hindi naman kailangan lokohin ng Masked Twin Blades si Gru.

Dahil sa dami ng sinabi nito, nagkaroon sila ng kasiguruhan. Nabuhayan ng loob si Gru.

"Wag kang mag-alala, namamahinga ng mahabang panahon ang dark sweet poison sa katawan ng isang tao. Sa oras na mamamatay na ang apektado, saka lang ito sasabog. Kapag nangyari 'yon, saka lang kakalat sa hangin ang plague. May oras pa tayo."

"Ang pinakamahalaga ngayon ay ang mabawi ang White River Valley. Dahil nasa loob ng palasyo ni baron Marvin ang paraan para matanggal ang plague sa anak mo."

Pagtayo ni Marvin ay tinapik niya ang balikat ni Gru. "Kalma lang, hindi maganda ang pagiging nerbyoso para sa laban bukas."

"Maraming salamat… Kahit na hindi ko alam kung anong relasyon mo kay baron Marvin."

"Kahit na ganoon, ibibigay ng Bramble ang lahat ng makakaya naming para sa misyon bukas"

Kinagabihan, kinabukasan. Natapos na ang paghahanda ng lahat at tahimik na nagtipon-tipon sa lugar kung nasaan ang mga sentry sa magkabilang dulo ng gubat.

Tulad ng kanilang pinlano, nagsama ang garrison at Bramble habang ang Mga Lynx at ang tatlo pa ay magkakasama.

"Ilabas niyo na ang pain," sabi ni Anna.

Tumango si Gru.

Biglang may isang babae ang umabante at nagsimulang mag chant ng isang spell.

Bigla siyang nagingisang magandang sika deer!

Tumalon ng dalawang beses ang sika deer at biglang tumakbo sa malawak na kalsada saka ito pumasok sa gubat.

"Roaar!"

Napansin ng anim na nananahimik na mutated aardwolf ang sika deer at biglang naglaway. Sabay-sabay nilang hinabol 'to.