webnovel

Mana Wraith

編輯: LiberReverieGroup

Pero hindi hinayaan ni Marvin na ma-cast ng Apprentice ang kanyang spell. Inunahan na niya ito!

Noong 2nd rank pa lang siya, nagawa na niyang pumatay ng mga tao sa Three Ring Towers. Ngayon, sa sobrang lakas niya, na maaari siyang maging Legend kung gugustuhin niya, bakit siya matatakot sa isang maliit na grupo gaya ng [Blackfire Lava]?

Noong mga oras na iyon, wala pa sa kalahati ang na-chant ng Wizard Apprentice sa kanyang incantation bago lumitaw ang isang pigura sa kanyang harapan.

"Bang!"

Walang alinlangan itong sinapak ni Marvin sa mukha!

"Blag!" Paano kakayanin ng isang Wizard Apprentice ang isang suntok mula sa isang Half-Legend? Nabasag ang ngipin nito at tumalsik sa ere, saka kaawa-awang bumagsak sa lupa!

Nabigla ang isa pang Apprentice na bahagyang mas matanda. Sapat na ang ginawa ni Marvin para ipakita ang kanyang lakas.

Lakas ito ng hindi bababa sa isang 4th rank class holder!

Siguradong hindi nila ito kakayanin kapag ginalit nila ito.

"Woosh!"

Isang anino ang lumipad sa kalangitan. Isang caster na naka-itim na balabal at naka-upo sa isang flying carpet, tinititigan nito si Marvin. "Naghahanap ka ba ng gulo?"

Isang 3rd rank Wizard, tila ito ang Blackfire Lava specialist na namumuno sa grupong ito.

Ngumisi si Marvin, "Ang Blackfire Lava ang nanggugulo. Sa tingin niyo bap ag-aari niyo ang Secret Garden?"

Pagkatapos sabihin ito, ginamit niya ang kanyang Night Boundary at biglang nawala!

Alam ng 3rd rank Wizard na masama ito. Sinubukan niyang bumaba habang sinusubukan protektahan ang kanyang sarili ng magic armor.

Pero bago niya magawa ang kahit ano dito, isang malamig na dagger ang tumutok sa kanyang leeg.

"Sir…" Natakot ang 3rd rank Wizard.

Hindi siya gumamit ng kahit anong inspection spell kay Marvin. Nang makita nito kung gaano abata si Marvin inisip na lang nito na hindi siya malakas.

"Kayong mga miyembro ng Blackfire Lava, mahilig kayong manghusga base sa itsura no?" Ngumisi si Marvin, "Nagtataka ako kung paano kayo nakatagal ng ganito sa Dead Area."

Pinanuog ng dalawang Apprentice ang eksenang ito mula sa lupa, namamanhid sa takot.

Lalo na ang sinapak ni Marvin. Nagkunwati itong hinimatay.

Pinagsisihan niya ang mga sinabi niya kanina.

"Pasensya na. Ngayon lang uli ako nakakita ng makapangyarihang expert na ganyan kabata sa Dead Are Continent sa mahabang panahon…."

Nasa kamay ni Marvin ang buhay ng 3rd rank Wizard na ito, at halos hindi na nito magawang mapanatili ang flying arpet sa ere. "Pwede ko bang tanungin kung ano ang pangalan niyo, Sir?" maingat na tanong nito.

"Marvin."

"Kayo po pala, Sir Marvin." Ang kaninang pagwawalang bahalang reaksyon nito ay naging pambobola. "Hindi naman balak sarilihin ng Blackfire Lava ang Secret Garden. Sa katunayan, pinapaunlakan po naming ang mga powerhouse na gaya niyo para sumama sa amin… isang malaking hindi pagkakaintindihan lang ang nangyari kanina."

"Hindi pagkakaintindihan?" Tiningnan ni Marvin ang Wizard Apprentice na nagpapanggap na walang malay sa lupa at natawa ito, wala na siyang pakialam dito.

Marami silang mga basura sa kanyang panangin. Gaya na lang ng mga taong ginagamit ang kanilang kapangyarihan para apihin ang iba, niyuyurakan nila ang mga mahihina para maramdaman nilang malakas sila.

"Dalhin mo ko sa Breton Village. Ayokong maglakad."

Tamad namang idinagdag ni Marvin,"Siya nga pala, sabihin mo sa akin ano na ang nangyayari.Kapag nalaman kong niloloko mo ko…" dumiin ang malamig na dagger sa leeg nito.

Nagulat ang 3rd Rank Wizard. Wala siyang magagawa kundi sumunod.

Minaniobra niya ang flying carpet at lumipad ang dalawa sa hamog. .

Noong papunta na sila, naaninag ni Marvin ang ilang tao. Karamihan sa kanila ay mga Wizard na nakasakay sa mga flying carpet.

Ang lahat ng mga ito ay miyembro ng Blackfire Lava at karamihan sa mga ito ay nasa 2nd rank.

Nang makita ito, hindi mapigilan ni Marvin na bumuntong hininga. Sadyang nakaka-inggit ang mga Wizard, nagagawa nilang lumipad kahit 2nd rank pa lang sila, basta mayroon silang sapat na Magic Power at pera.

Para sa karamihan ng mga class, lalo na sa mga melee class, kahit na maabot nila ang Legend Realm, wala pa rin silang kakayahang lumipad.

Ito nag dahilan kung bakit nangingibabaw ang mga Wizad sa era na ito. Malaking lamang ang naibibigay sa kanila ng kakayahan nilang lumipad. Kung gagamitin nila ito ng tama, kahit na isang Legend powerhouse ay mahihirapan silang kalabanin.

Halimbawa na lang ang 3rd rank Wizard na ito. Kung sinugurado niyang sapat ang taas ng kanyang paglipad, hindi sana siya maaabot ni Marvin.

Kahit dalawang beses siyang gumamit ng Night Jump at dagdagan pa ng Shadow Escape, hindi ito sasapat para maabot niya ang flying carpet.

Ito ang pinakayamot para sa ibang mga class.

Sayang lang dahil patapos na ang Wizard Era, isang bagay na hindi alam ng mga Wizard.

Malaking dagok para sa mga Wizard ang pagkasira ng Universe Magic Pool. Napakaraming mga Wizard ang mawawala sa mundong ito.

Tanging mga tuny na mga powerhouse lang ang maiiwan.

Ayaw magdusa ni Marvin sa pagkawasak ng Universe Magic Pool, dahil kung hindi, maiisipan niyang kumuha ng Wizard subclass. Lalo pa at kapaki-pakinabang ang class na ito bago ang Calamity.

Gayunpaman, isa siyang Sorcerer. Kalaunan, halos magiging katulad na rin sila ng mga Wizard, depende sa kanyang pagpapalakas.

...

Tama lang ang bilis ng dalawa.

Dahil sa pagtatanong ni Marvin, sinabi na ng Wizard na si Reggie ang lahat ng nalalaman nito kay Marvin.

Habang nakikinig siya, nanlumo si Marvin.

Nagbukas na pala ang Secret Garden.

Noong isa araw, si Ivan at apat pang mga Legend powerhouse ang mga nagtopin-tipon.

Pero dahil naglaban sina Ivan at ang apat na Legend sa daan papasok ng Secret Garden, hindi nagkaroon ng pagkakataon na pumasok ang iba pa.

Kasama sa mga Legend na ito ang pinuno ng Blackfire Lava, isang Legend Wizard.

Kaya naman, ang pinakamakapangyarihang miyembro ng Blackfire Lava na nasa Breton Village ay dalawang Half-Legend Wizard. Ang mga taong pinahihinto sa Breton Village ay mga mas mahihina sa mga ito.

Unti-unti nang humihina ang pag-kontrol ng mga Blacfire Lava Wizard sa lugar na iyon. Lalo pa at kung walang Legend na nangangasiwa dito, tanging mahihinang tao lang ang kaya nilang paalisin.

Pero hindi lahat ay pumapayag ditto. Maraming mga powerhouse gay ani Marvin ang sapilitang pumapasok sa Blackfire Barrier.

Wala naman magawa ang mga Blackfire Lava Wizard dito, dahil sadyang hndi nila kayang harapin ang napakaraming tao nang sabay-sabay.

Ayon sa mga paliwanag ni Reggie, mayroong hindi bababa sa tatlumpung Half-Legend ang nasa Breton Village, dahil hindi lang naman isang beses nagbubukas ang Secret Garden. Kadalasan, may isa pa o dalawang beses pa itong nagpapapasok ng tao pagkatapos ng unang pagbubukas nito!

May pagkakataon pa rin ang mga natitirang tao.

NAgpapaikot-ikot lang sila sa bayan, naghihintay ng pagkakataon.

...

"Malapit na po tayo, Sir Marvin. Pwede na po kayong pumasok," magalang na sabi ni Reggie. "Bilang isang taong may potensyal na maging Legend powerhouse, wala po kaming dahilan para pigilan kayong makapasok sa Secret Garden."

'Dahil ba hindi moa ko kayang labanan?' Sabi ni Marvin sa kanyang sarili.

Pero ayaw naman niyang kalabanin ang Blackfire Lava sa pagkakataon na ito. Ang pagkakaroon ng alitan sa grupo ng mga Wizard ay isang mahirap na bagay.

Tumalon siya mula sa flying carpet at naglakad papunta sa Breton Village.

Pagpasok niya sa bayan, hindi mabilang ang mga taong pinagmamasdan at sinisiyasat siya.

Buhay na buhay ang maliit na bayan na ito.

Ang iba ay makikita ang galit sa kanilang mata, habang ang iba ay gulat, pero mas marami pa ring walang pakialam.

Hindi sila pinansin ni Marvin at tahimik na naglakad papunta sa sentro ng bayan.

Walang pumigil sa kanya. Ang mga nakakagawang makalusot sa Blackfire Barrier at maka-abot sa Breton Village ay mga powerhouse na kwalipikadong makapasok sa Secret Garden. Alam naman ito ng lahat ng narito.

Naglakad si Marvin habang tinatanya ang dami ng mga tao, napag-alaman niyang mas marami pa ito kesa sa sinabi sa kanya ni Reggie.

Mayroong hindi bababa sa limampung Half-Legend dito!

Sa mga ito, halos kalahati ang mga Wizard. Habang halos pantay-pantay naman ang dami ng ibang mga class. Mga powerhouse ang mga ito na nagmula pa sa buong Dead Area Continent, nag-aasam na makapasok sa Secret Garden. Naka-ikot na sa buong bayan si Marvin pero wala siyang nakitang mga Monk.

Natuwa naman siya dito. Kung walang mga Monk dito, siguradong mas malakas ang kanyang fighting strength kumpara sa mga narito.

Dahil sa Godly Dexterity at Desperation Style, sa sitwasyon ito sa Secret Garden, nangingibabaw siya sa lahat.

Nagahanap siya ng mauupuan at naghintay ng ikalawang pagbubukas ng Secret Garden.

Maraming tao angnagtipon sa ilalim ng isang patay na puno sa bayan.

Dito nagbukas ang Secret Garden. Nasa 2/3 ng mga tao ang nagtipon doon, naghihintay na bumukas muli ang Secret Garden.

'Siguro nga iisipin ng mga tao na magbubukas ang Secret Garden sa parehong lugar.'

'Pero hindi inaasahan ni Eric ang nangyari sa pagkakataon na 'to. Dahil kay Ivan, kumalat nang malawakan ang balita. Mag-isang nagtungo ang Elven Prince sa Dead Area at hinintay na magbukas ang Secret Garden… Kaya naman napukaw ang atensyon ng maraming tao.'

'Higit na siguro sa inaakala ng Magic Medicine Kung ang dami ng mga powerhouse na nagtipon-tipon dito.'

'Hindi naman ito maglalakas loob na lamunin ang limang Legend. At kung gawin man niya ito, hindi siya mabubusog. Kaya, kailangan niyang buksan muli ito, pero hindi na magpapapasok ng masyadong maraming tao.'

Mahinahong inanalisa ni Marvin ang sitwasyon.

Kahit na sakim ang Magic Medicine King Eric, tuso pa rin ito. Kung pumasok lahat ang humigit kumulang na limampung Half-Legend na ito, baka mahalata siya ng mga tao, kahit pa mahusay siya sa mga ilusyon. Hindi niya pwedeng papasukin ang napakaraming tao, kaya siguradong ang pangalawang pagbubukas ay ang panghuli.

Siguradong hindi nito pipiliin ang parehong lokasyon ng unang pagbubukas, kung hindi, lahat ng mga nagtipon doon ay makakapasok at malalagay sa panganib ang buhay nito.

Habang iniisip ito, pumikit si Marvin at pinakiramdaman ang awra ng lupa.

Noong nagsasanay siya sa ilalim ni Kangen, sa tuwing magpapahinga siya, may itinuturo itong expesyal na skill kay Marvin.

Ang skill na iyon, tulad ng Origami ni Shadow Thief Owl, ay masasabing special ability.

Tinatawag itong [Earth Perception]. Natutunan ito ni Kangen sa mga makapangyarihang Monk ng Xunshan.

Sa tingin ni Marvin , itinuro ito ng Cloud Monk. Ang pakikiramdam sa kalangitan at lupa ay isang bagay na hinahasa ng isang Cloud Monk araw-araw.

Pumikit siya at pinakiramdaman ang lupa na para bang nakikita niya ang kabuoan ng Breton Village.

Dahan-dahan lumipas ang oras.

Unti-unting dumilim ang gabi at maririnig ang pagsilab ng mga apoy, hindi hinahayaang magpahinga ang mga tao.

Karamihan sa mga ito ay naghahanda pa rin, pero mas marami ang mga tao sa ilalim ng puno.

Hindi kumikilos si Marvin, mahinahon na ginagamit ang Earth Perception.

Nang biglang isang kulay asul na anino ang lumitaw sa kanyang paningin.

'Nahanap na kita!'

Ngumisi si Marvin. 'Mana Wraith – Eric!'