webnovel

Magic Medicine King

編輯: LiberReverieGroup

Dahil ang Dead Area ay mapang nilabas pagkatapos ng pagpapalawak sa laro, hindi pa ito nalilibot ng buo ito ni Marvin.

Ang Secret Garden naman, marami nang Guild ng mga manlalaro ang nakapasok ditto at nakakuha ng impormasyon. Pero, dahil sa espesyal na kalagayan ng instance na ito, hindi pa ito personal na napupuntahan ni Marvin. Nakakuha lang siya ng impormasyon tungkol dito sa ibang tao pero hindi niya alam kung tama ito.

Sa pagkakatanda niya, ang pinagmulan ng Secret Garden ay may kinalaman sa eskwelahan ng magic ng mga Wizard noong Ancient Era.

Ang eskwelahang iyon ay tinatawag na Mikenshi school. Ang mga Mikenshi Wizard ay nakatutok sa paggawa ng mga Magic Medicine, at sa Golden Age ng mga ito, nasakop ng kanilang organisasyon ang bawat sulok ng Dead Area. At syempre, marami na ang nagbago sa Dead Area noon.

Noong mga panahon na iyon, ang reputasyon ng Mikenshi school sa Dead Area ay maikukumpara sa South Wizard Alliance sa Feinan Continent, inuukupa nito ang kalahati ng teritoryo.

Sila ay mga expert na Herbalist at nakatuon sa paggawa ng mga Magic Medicine, kaya naman, dahil sa suhestyon ng isang Mikenshi Wizard, nagbukas sila ng mga pambihirang espasyo, isang lugar kung saan linangin ang mga Magic Medicine na ito.

Noong una, ordinaryong hardin lang ito ng medisina, paro sa paglaki n Mikenshi School sa paglipas ng mga tao, parami nang parami ang mga Magic Medicine sa hardin.

Ang mga Magic Medicine na ito ay lumaki nang lumaki, at kahit na naglagay ng ilang barikada ang mga Mikenshi Wizard, ang matinding awra nila ay nakahikayat pa rin ng malakas na nilalang.

Isa itong nakakatakot na halimaw na umaaligid sa pagitan ng Feinan at Astra Sea. Naglaway ito sa awrang lumalabas at sinamantala ang Mikenshi caster na nag-eeksperimento tungkol sa pag-susummon para makapasok sa spatial tear.

Nilamon ng halimaw na ito ang napakaramin Mikenshi Wizard. Kahit na kalaunan ay naselyo ito ng isang makapangyarihang Wizard, malaking dagok ang tinamo ng Mikenshi School at hindi na io nakabangon. Nagsimulang lumitaw ang mga halimaw sa Dead Area Continent mula sa iba't ibang mga spatial tear, kaya naging mahina ang Mikenshi. Ipinasara nila ang Secret Garden at iniwan lang ang ilang Wizard para ipagtanggol ito.

Maraming taon na patuloy na inaatake ang Mikenshi School ng iba't ibang mga kalaban at patuloy itong humina.

Isa itong napakatandang kwento. Ayon sa impormasyon ni Marvin, umabot sa punto na, ang Mikenshi School na pahina nang pahina, ay kinailangan magpatuloy sa pag-atras dahil hindi nito kaya ang isang malakas na kalaban. Kalaunan, nanindigan sila at lumaban sa labas ng Secret Garden, ngunit natalo ang mga ito,

Ang mga natitirang Mikenshi Wizard ay pinakawalan ang unang halimaw na umatake, binabalak na parehong mamatay ito at ang kanilang kalaban.

At nagtagumpay sila. Ang kanilang kalaban at ang halimaw ay parehong namatay.

Pero natalo rin sila dahil ang lahat ng Mikenshi Wizard ay namatay sa laban. Tanging isang Wizard Apprentice lang ang natira mula sa mga nangangalaga sa Magic Medicine, naiwan siya sa likod ng barikada ng Secret Garder, tuliro.

Laging balisa ang apprentice, natatakot ito na may bago na namang kalaban na dadating. Pero sa bandang huli, wala na, at inilibing niya ang lahat ng namatay sa Secret Garden.

Sa katunayan, maraming Magic Medicine ang mayroong sariling kamalayan. Kahit na mababaw lang ito, buhay pa rin ang mga ito.

Sa hardin, isang tila odinaryong Magic Medicine ang patuloy na tumutukso sa huling Mikenshin Wizard.

 .

Pinangakuan niya ito ng malakas na kapangyarihan.

Nalinlang ang apprentice at nilapitan ang Magic Medicine. Sa huli, nilamon nito ang apprentice pati na ang kaluluwa nito!

Na-kontrol na ng Magic Medicine ang Secret Garden pagkatapos nitong lamunin ang kaluluwa ng apprentice. Natuwa ito sa sitwasyon at nagdesisyon na aralin ang mga naiwang kaalaman ng Mikenshi School. Para sa mga tao, kaalaman lang ito sa paglinang at pag-kontrol sa Magic Medicine, pero para sa mga Magic Medicine, isa itong paraan para maunawaan at mapabuti ang kanilang sarili.

Lumakas nang lumakas ang Magic Medicine habang nag-aaral ito. Nilamon nito ang karamihan sa ibang mga Magic Medicine sa Secret Garden bago ito tuluyang naging Magic Medicine King.

Pinangalanan niya ang sarili niya na Eric. Ito ang pangalan ng kaawa-awang Wizard Apprentice.

Hanggang ngayon, si Magi Medicine King Eric pa rin ang mga hawak sa hardin. Nakakatakot ang lakas nito at hindi ito natatalo sa kanyang tahanan, ang Secret Garden.

Isa pa, tuso ang nilalang na ito. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ito basta-basta magpapakita. Karamihan sa mga nakakita na dito ay nawala na ang kanilang kaluluwa. Sa katunayan, tanging ang mga manlalaro lang ang nakaalam na ang Magic Medicine King Eric pala ang nanadyang pakawalan ang awra na naka-akit sa halimaw mula sa Astral Sea.

Mahusay si Eric sa mga ilusyon at pagkukubli ng kanyang sarili. Nang mabuksan ang Secret Garden, nagkukunwari itong isang ordinaryong puno o maliit na bulaklak, nagmamasid lang ito habang tinitingnan ng mga sakim na tao at iba pang nilalang ang mga Magic Medicine ng Secret Garden.

Subalit, marami sa mga Magic Medicine na ito ay ilusyon lang, At halos lahat ng mga Magic Medicine na nasa Secret Garden at nasa sikmura na ni Eric. Ang mga natitirang Magic Medicine ay mayroong hindi masisirang selyo na inilagay ng mga Mikenshi Wizard o nakakatakot na kahit si Eric ay hindi ginagalaw ang mga ito.

Kaya naman, sa tuwing magbubukas ang Secret Garden, mukha itong regalo ng mga sinaunang Wizard sa kanilang mga inapo, pero ang katunayan, plano lang ito ni Eric.

Binubuksan niya lang ito para akitin ang mga powerhouse at kainin.

Sa paglipas ng mga taon, walang nakakadiskubre sa tunay na plano ni Eric dahil mautak ito. Hindi nito gagalawin ang mga tunay na malalakas at hahayan lang silang kusang umalis. Pero mahusay ito sa paggawa ng mga ilusyon, na maikukumpara na sa isang Master Illusionist, dahil tila nagagawang totoo nito ang peke. Akala ng mga tao ay alam na nila ang katotohanan tungkol sa Secret Garden, pero ang katunayan, ay hindi.

Iyon lang ang tanging "katotohanan" na gusto ni Eric na malaman ng mga tao.

Sa tuwing bubukas ang Secret Garden, oras na ito para kumain si Eric. At syempre, ang Secret Garden ay mayroon naman talagang makapangyarihan na mga Magic Medicine na naghihintay na makuha ng mga tao, sadyang kakaunti lang ang mga ito.

Ang pinsalang natamo ng Great Elven King ay dahil sa Divine Fire, at ang malakas na epekto na ito ay dahil sa pagsasama-sama ng tatlong malakas na Divine Power.

Mayroon lang iisang Magic Medicine na kayang labanan ang epekto ng Divine Fire, tinatawag itong [Underworld River Water]. At sa impormasyong iniwan ng mga Mikenshi Wizard, mayroong listahan ng mga Magic Medicine na nilinang nila, at kasama dito ang [Underworld River Water].

Sigurado si Marvin na dati na itong nakita ni Ivan bago ito nagdesisyon na pumasok sa Secret Garden.

Hindi nito alam kung mayroon pang Underworld River Water sa Secret Garden, pero dahil magbubukas ang lugar na ito, nais niyang subukan.

Kahit na makakabuti kay Marvin na makakuha siya ng Underworld River Water, ang Magic Medicine King Eric pa rin ang tunay na punterya niya.

Pero tuso ang nilalang na ito, kaya kahit na may kaunti siyang nalalaman tungkol sa Secret Garden, kailangan pa rin niyang mag-ingat.

Habang nasa loobng Secret Garden, hindi lang kailangan mag-ingat ng mga adventurer sa patibong ni Magic Medicine King Eric, kailangan din nilang mag-ingat sa isa't isa.

Lalo pa at ang Magic Medicine ay napakahalaga. Dahil sa mga benepisyo nito, kahit ang mga powerhouses ay hindi mapipigilan ang kanilang mga sarili.

 Isa pa, may kinalaman dito ang Magic Medicine King dahil sa galing nito sa paglalaro sa isipan ng mga tao. Madalas ay minamanipula nito ang mga tao nang hindi nila ito namamalayan sa pamamagitan ng pagkonekta nito sa kanilang puso at paggamit ng mga kahinaan ng mga tao.

Sa madaling salita, ang Secret Garden ay isang lugar na puno ng panganib.

Maraming Legend na ang nakalibing dito. Ito ang dahilan kung bakit ito kilala bilang [Tomb of Legends] sa mga manlalaro.

Hindi lang ito konektado sa Magic Medicine King, pati na rin sa mga Mikenshi Wizard na gumawa ng Secret Garden.

Para maprotektahan ang mga Magic Medicine, naglagay sila ng maraming rune, array, at restriction sa Secret Garden.

Ang sino mang gustong pumasok sa Secret Garden mababawasan nang malaki ang kanilang kakayahan. Maging skill man ito, specialty, o iba pang mga abilidad, pansalamantalang mawawala ang mga ito.

Ang mga attribute lang nila ang hindi mawawala. Kahit mga Legend ay hihina sa Secret Garden, bababa sa 2/3 ang kanilang lakas.

Ito rin ang dahilan kung bakit malakas ang loob ni Marvin na makipagsabayan sa ibang mga Legend.

Kait na ang mga skill at specialty niya ay mawala, dahil sa kanyang 30 Godly Dexterity, mayroong lamang si Marvin at kaya niyang talunin ang ilan sa mga ito.

Isa pa, mayroon siyang isa pang pamamaraan, ang Desperation Style!

Ang mga nakuha niya mula sa Martial Path ay hindi matatanggal sa Secret Garden. Isa itong lugar na kahit paano ay kapareho ng Ice Monster Cave. Nasanay na si Marvin sa Ice Monster Cave noong mga nakaraang araw.

Kaya naman, sa Secret Garden, ang mga class na madalas ay hinahasa sa Martial Path ang mangingibabaw. Isang halimbawa na rito ang Monk class.

Sa kasamaang palad, ang mga Monk ay bibihirang pumasok sa Secret Garden, dahil karamihan sa kanila ay walang interes sa materyal na kayamanan at bibihira rin silang maimpluwensiyahan ng iba.

Para naman sa mga Wizard, mapipigilan din ang kanilang mga spell.

Magiging katumbas lang ng mga Half-Legend ang mga Legend Wizard kapag nasa loob sila ng Secret Garden! Napakalaking pagbaba ito ng kanilang rank!

Pero dahil sa benepisyong dala ng Magic Medicine, karamihan ng mga Wizard ay hindi mapigilan ang kanilang mga sarili.

Sa tuwing magbubuas ang Secret Garden, karamihan sa mga taong nagpupunta ay mga Wizard na nagmula sa buong Dead Area.

Sila rin ang pinakamalaking nawawalan.

Kahit na may ilang tao na nagawang makalabas ng buhay sa tuwing nagbubukas ang Secret Garden, maliit na porsyento lang ng mga ito ang nakakakuha ng benepisyo mula dito. Isa pa, karamihan sa mga taong iyon ay hindi kilala at mabilis na mawawala.

Pero walang makakatanggi sa panghahalina ng Secret Garden.

Bahagi ito ng ilusyon ni Eric.

Inisip ni Marvin ang mga impormasyon na mayroon siya tungkol sa lugar na iyon.

Sa paglawak ng impluwensya ni Marvin, ang kanyang "prophetic" na abilidad ay unti-unting hihina.

Alam niyang kailangan niyang mag-advance sa Legend bago ang Great Calamity. Kapag lumakas lang siya saka niya lang maaaring hamunin ang tulad ni Dark Phoenix.

Kung hindi, kahit na tulungan siya ng Sea Elven Queen, hindi niya magagawang iligtas si Hathaway mula kay Dark Phoenix.

Nagdesisyon siyang pumasoks sa Secret Garden, hindi lang para tulungan si Ivan at ang Great Elven King, kundi para na rin sa kanyang sarili.

Kung mahuhuli niya ang tusong Magic Medicine King, sa kamay ng isang mahusay na Alchemist, ang kakaibang Magic Medicine na ito ay maaaring magamit na materyal para sa isang mabagsik na potion.

Alam ni Marvin na ang unang guild ng mga manlalaro na nagtagumpay sa Secret Garden ay nakakuha ng bahagi ng Magic Medicine King at nagawa nila itong potion na nakakapagpataas ng attribute.

Hindi lang ito maikling pagpapalakas ng attribute gaya ng Dragon Strength. Isa itong permanenteng pagpapataas! At nabalitaan niyang malaki rin ang itataas nito.

Mahirap ang makapagpataas ng attribute sa Legend Realm, pero kaya itong gawin ng potion na ito. Kaya naman gustong makuha ito ni Marvin.

'Ang mga skill ni Eric ay [Swallow] at [Absorb]. Naging Magic Medicine King ito dahil sa paglunok at paghigop ng napakaraming Magic Medicine, at kalaunan ay nakuha ng katawan nito ang epekto ng iba;t ibang mga Magic Medicine.'

'Para itong mas mahinang ulo ng Archdevil. Ang mga Numen noong mga panahong iyon ay nangongolekta ng mahalagang bloodline power mula sa ulo ng Archdevil. Umabot ito sa punto na mayroong malalakas na miyembro pa rin ang mga Numen ngayon. Kung makukuha ko ang Magic Medicine King, walang tigil rin akong makakagawa ng mga makapangyarihang magic potion.'

Para sa maraming mga powerhouse, ang mga magic potion ay isang bagay na handa silang kanilang buhay para sa mga ito.

Sa paparating na Chaos Era, kakailanganin ni Marvin ng maraming kakampi at kakailanganin niya ring palakasin ang kanyang sarili. At si Eric ang susi doon.

Habang iniisip ito, makikita ang pagkasabik sa mga mat ani Marvin. Nagsimula na siyang maghanda ng plano base sa impormasyon nalalaman niya.

Noong oras na iyon, tumawid ang kabayo sa isang mababaw na ilog, at naaaninag na ni Marvin ang isang ancient village sa malayo.

'Sa wakas, [Breton Village]!'

Isang malamlam na ilaw ang kumisap sa hamog mula sa malayo. Sumimangot si Marvin at mabilis itong nilapitan.

Isa itong barikada na mayroong itim na apoy na kumikisap-kisap.

Tiningnan ni Marvin at nasurpresa siya na ang buong bayan ay balot ng barikadang ito.

'[Blackfire Lava]? Sumali ang organisasyon ng mga Wizard?'

'Gusto nilang kunin ang lahat?' Sabi ni Marvin sa kanyan isip.

At bago nga siya umabot ang barikada, dawalang Wizard Apprentice nan aka-itim na balabal ang lumitaw sa labas nito.

Sa gitna ng kanilang mga balabal ay may itim na apoy, at sa baba ay may kumukulong putik.

"Bumalik na kayo, sir." Sabi ng apprentice sa kaliwa na mas matanda,"Ang [Blackfire Lava] ay nakipagtulungan na sa ibang mga pwersang nag-kokontrol sa lugar na ito. Ang mga taong walang sapat na lakas ay hindi kwalipikadong pumasok sa Blackfire Barrier.'

May pagkabastos naman ang nasa kanan. Tiningnan niya si Marvin at makikita ang paghamak sa mukha nito. "Isang maliit na lalaking biglang lang lumitaw ay may lakas ng loob na pumasok sa Secret Garden? Hindi mo ba alam na sa lakas mo, magpapakamatay ka lang? Lumayas ka na nga bago mag-init ulo ko sayo!"

Sumimangot ang apprentice sa kaliwa pero wala itong sinabi.

Sa dakong kanlurang bahagi ng Dead Area, ang [Blackfire Lava] ang pinakamalaking organisasyon ng mga Wizard. Para sa pagbubukas na ito ng Secret Garden, personal na pinamunuan ng kanilang pinuno ang buong organisasyon para okupahin ang lugar na ito. Nais niyang makipagtulungan sa ibang mga Legend para pasukin at halughugin ang Secret Garden.

Dahil limitado lang ang pwesto, nais nilang iwasan na makuha ng iba ito, kaya naman may ganitong pangyayari.

Ang buong Breton Village ay napapalibutan ng Barrier.

Ang bawat grupong nagbabantay ay mayroong hindi bababa sa 3rd rank na nagbabantay sa kanila. Kasama ang iba pang mga Legend powerhouse, sadyang hindi makakapasok ang mga ordinaryong tao.

Nang marinig ito, bumaba si Marvin sa kabayo at hindi pinansin ang dalawang Wizard Apprentice, gumamit sya ng Shadow Escape para makalusot sa Blackfire Barrier!

"Gusto mo talagang mamatay ah!" Ang Wizard Apprentice sa kanan ay biglang nagalit at nagsimulang mag-cast ng spell kay Marvin.