Sa labas ng karwahe ng Silver Curch.
Walang tigil sa pagkatok si Madeline.
Pero hindi nagpatinag ang Priest.
Nakatingin ang ibang mga tao sa eksenang ito, gulat na gulat. Hindi nila alam kung ano ang nanyayari!
Ginalit ba nito ang City Lord? Bakit siya galit na galit?
"Anong tinitingin-tingin niyo?!" Lumingon si Madeline at tiningnan ang mga ito.
"Ipagpatuloy niyo ang pag-abante!"
Biglang natahimik ang lahat at ginawang abala ang mga sarili sa pag-usad sa Hall Mountain Rnage.
Mahinahon namang nakaupo lang si Collins sa kanyang karwahe. Biglang niyang sinabi, "Lade Madeline, maghintay ka lang ng tatlong minuto, tutuparin ko lang ang ipinangako ko."
Biglang namula sag alit si Madeline. Nagulat rin siya sa ginawa ni Isabelle.
Sa lahat ng pwersa sa kanilang paglusob sa Scarlet Monastery, ang tao sa karwaheng ito lang ang makakapigil sa kanya.
Ang kasuklam-suklam na si Collins!
'Walang kwenta… Pera lang ang iniisip ng taong ito… Malaki kaya ang ibinigay sa kanya ni Marvin?'
Mabilis na nag-isip si Madeline at sinabing, "Collins buksan mo ang pinto."
"Kung ano mang inalok niya sayo, dodoblehin ko!"
Hindi naisip ni Madeline na mas maraming kayamanan si Marvin ang kumapra sa kanya!
At di nga nagtagal, agad na binuksan ni Collins ang bintana ng karwahe matapos marinig ang sinabi ni Madeline, tiningnan niya ito at sinabing, "isang minahan, sigurado ka?"
Biglang natigilan si Madeline.
Isang Minahan?
Anong minahan?
Bago pa ito magkaroon ng reaksyon, isang "Bang!" ang maririnig. Pinagsarhan na siya agad ng bintana ni Collins.
"Hindi naman pala totoo," sabi nito.
"Punyetang lalaki 'to…" Galit na nagdabog si Madeline.
Bilang City Lord ng River Shore City, halos siya ang pinakamalakas sa kanilang siyudad. Pero halos lang.
Si Collins, kahit na isa lang rin itong Hal-Legend, siguradong hindi ito mas mahina kay Madeline. Sa panahong ito kung saan ang god ay hindi nakakapasok sa Feinan, tanging an Silver Church lang ang kayang magpalaki. Kaya naman makapangyarihan ang mga Priest ng Silver Church.
Hindi kinaibigan ni Madeline si Collins, pero madalas nitong maikumpara ang sarili dito.
Malaking halaga ang nagastos ni Madeline nang inimbitahan niya ito na sumama sa kanilang pag-atake sa Scarlet Monastery.
Pero hindi niya inaasahang mapupunta sila sa ganitong sitwasyon.
Hindi niya hawak ang Holy Grail, at lahat ay kontrolado ni Marvin sa ngayon. Labag ito sa kanyang katangian.
'Hindi pwede ito, mukhang kakailanganin kong gamitan ng pwersa.' Maikli lang ang pasensya ni Madeline. Habang tinitingnan nag matibay na karwahe, gagamit na ito ng mga spell.
Nang biglang bukas ang pinto ng karwahe.
"Lady Madeline, pasok ka.:
"Sa tingin ko'y dapat nating pag-usapan ang tungkol sa Scarlet Monastery."
Boses ito ni Marvin.
Suminghal si Madeline bago pumasok.
Hindi niya inaasahang isang kasunduang nakasulat gamit ang dugo ang naghihintay sa kanya.
"Pirmahan moa ng kontratang ito, kung hindi, aalis na ako." Yakap ni Marvin si Isabelle at mahinahong nakikipag-usap.
….
Tiningnan ni Madeline ang laman ng kontrata at namutla.
Karamihan sa mga nakasulat ay ang napagkasunduan nila noong una pa lang. Matapos malaman ni Marvin ang tunay na kulay ni Madeline, hindi na lang niya ito basta-basta pagakatiwalaan.
Ang kontratang ito ay may espesyal na binding restriction doon sa mga taong mayroong abyssal bloodline. Mabuti na lang at may alam si Marvin tungkol sa ganito kaya naisulat niya ito ng mabilis.
Kapag hindi pumayag si Madeline, hindi niya ilalabas ang holy Grail.
Aalis na rin siya sa ekspidisyong ito.
Kumbinsido siyang walang kayang gawin si Madeline sa kanya. Lalo pa't sigurado si Marvin na napanuod nito ang laban niya kasama ang mga Legend.
Hindi pa siya Legend, kaya hindi pa ito mangangahas na gumawa ng kahit ano.
"Bukod sa pagkuha mo kay Isabelle, sumasang-ayon ako sa iba pa."
Hindi maipinta ng mukha ni Madeline.
"Hindi na 'to mababago," mahinahong sabi ni Marvin, "Kukunin ko na si Isabelle."
"Bakit?!" singhal ni Madeline, "Dahil ba niligtas ka niya?"
"Hindi, dahil ako ang may hawak ng Holy Grail," sagot pabalik ni Marvin. "Dahil sa ginawa mo kanina, wala na akong tiwala sayo."
"Ang kontratang ito lang ang makakapagpapayag sa akin para ituloy ang pakikipagtulungan ko sayo. Isa pa, kaibigan ko si Isabelle. Utang mo ito sa akin dahil sa pagtatangkang pagnakaw ng Holy Grail kanina. Sa madaling salita, isasama ko na siya."
Mahigpit na hinawakan ni Madeline ang kontrata, humahaba ang kanyan mga kuko. "Masyado kang mayabang."
"Isang 2nd rank class hodlder ay nangangahas na kausapin ako ng ganyan?"
Ngumisi si Marvin, "Kung hindi ka pa nabubulag, makikita mo naman ang malakas na tao sa tabi ko."
Nagkibit balikat lang si Collins at sinabing, "Wag mo kong tingnan ng ganyan. Sa ngayon ay kakampi na niya ako,Lady Madeline."
Nanlaki ang mata ni Madeline sa gualt. Hindi niya maisip kung anong inialok nito sa lalaking ito parakampihan siya. Hindi naman niya sigruo binigyan ito ng isang minahan?
"Mayroong Legend sa teritoryo ko. Alam mo kung paano siya kumilos."
"Napanood mo rin ang nangyari noong gabing 'yon. Si Demon Hunter Constantine, si Legend Monk Inheim, ang Shadow Thief na si Owl, at si Engless Ocean. Kaibigan ko na silang lahat." Pagpapatuloy ni Marvin.
"Maaaring 2nd rank class holer lang ako pero tanungin moa ng sarili mo. Kaya ko bang makitap negosasyon sayo? Ano sa tingin mo?"
Saka nito masayang tiningnan si Madeline.
Lohikal na tao si Madeline. Siguradong gagana ang paggamit ni Marvin ng mga koneksyon niya para kumbinsihin si Madeline.
At muhing-muhi nga nitong tiningnan is Marvin, bago tuluyang tumango para pumayag sa kanilang kontrata.
Maingat niyang inaral ang kontrata para masigurong walang kahit anong patibong, saka niya ito pinirmahan.
Tapos na ang kontrata.
Huminahon na si MARvin. Ibig sabihin, wala nang gagawing mapangahas si Madeline sa buong ekspediyon.
Makikita ang pagiging tuso nito sa kanyang mga mata.
Hindi patas ang mga naging kondisyon sa kontratang ito. Sinisigurado nitong walang gagawin si Madeline kaya Marvin kaya naman magiging ligtas ito. Gayunpaman, hindi ipinagbabawal nito na mayroong gawin si Marvin laban kay Madeline. Pero, maaari pa ring bumawi si Madeline kapag biglang naisipang umatake ni Marvin. Pero nasa kamay ni Marvin ang lahat.
Mukha namang hindi malaking banta si Marvin kay Madeline.
Pero sa katunayan, mayroong magagandang lugar sa Scarlet Monastery…
Tahimik na itinabi na ni Marvin ang kontrata habang inisip ang mga ito.Di magtatagal babawi rin si Marvin sa ginawa ni Madeline.
...
Matapos nitong pumirma ng kontrata, galit na umalis ito sa karwahe ni Collins.
Hindi nagtagal, maririnig ang galit na hiyaw ng isang babae mula sa karwahe ni Madeline.
Umasta naman si Marvin na kunwari ay hindi ito narinig.
Para mapapayag niya si Madeline na isuko si Isabelle at tiniis niya ang lahat ng 'yon, makikitang mayroong mahalaga sa kanya sa loob ng Scarlet Monastery.
Pinga-isipang mabuti ito ni Marvin, at may kutob na siya kung ano ito.
Ang pinakamahalagang bagay ngayon kay Madeline ay ang maging isang Legend.
Matagal-tagal na rin siyang isang 4th rank, kaya naman nais na niyang makapag-advance.
Isa itong babaeng, puno ng hangarin at ambisyon.
At mayroong bagay sa Scarlet Monastery na makakapagtupad ng lahat ng ito.
Sa katunayan, siguradong papalya ang plano ni Madeline at aatras ang mga ito dahil sa maraming masasawi
.Pero dahil sa Holy Grail ni Marvin, mag-iiba na ang lahat.
Nagsimulang mang-isip si Marvin, kukunin ba ni Madeline ang bagay na iyon?
Noong mga oras na 'yon, biglang pinaalala ni Collins, "Pag-usapan natin ang minahan."
"Interesado ako sa sinabi mo."
…
Ang minahan.
Nasa isang bundok ito kung saan nakatira ang isang tribo n mga Ogre, pero hindi alam ito ng mga Ogre na 'yon.
Ang mga tungkol sa minahan ay nakita ni Marvin noong nababasa siya ng mga dokumento sa aklatan ng kanyang ama.
Mayroong isang pagkakataon na nagpadala siya ng mga tauhan para imbestigahan ang rehiyon na iyon. Nakahanap ang mga ito ng mga tipak ng baton a naglalaman ng malaking halaga ng ginto.
Pero dahil sa mga Ogre at mga halimaw, hindi na nagawang makuha pa ng kanyang ama ang mga ginto.
Wala itong nagawa kundi itala ang impormasyon tungkol dito para sa mga susunod na henerasyon.
Hindi si Marvin ang tipo na nawawalan. At may rason ang lahat ng ito kaya naman ipinangako nito ang kalahati ng minahan sa Silver Church.
Masyado pang mahina ang White River Valley.
Ang Silver God ay isang Ancient God na wala namang masyadong hinihingi mula sa mga taga-sunod nito. Basta gumagamit ka ng pera, magdudulot ito ng maraming paghanga at pananapalataya sa kanya. Nagmumula sa maraming bagay nag kanyang Divine Power.
Bibihira ang hindi eksklusibong simbahan ang Silver Church.
Karamihan sa mga simbahan ay kinakailangan na isang god lang ang kanilang pinaniniwalaan. Pero hindi ganito sa Silver God. Lalo pa't pwede kang maniwala sap ag-ibig habang naniniwala rin sa pera.
Hindi naman nagsasalungat ang dalawa.
Kaya naman nais ni Marvin na makuha ang Silver Church. At sa pagkakataong ito hindi inaasahan na mapupunta siya sa karwahe ni Collins, kaya nagkaroon na siya ng pagkakataon.
Isa pa, hindi mangmang si Collins. Siguradong napansin niya ang nangyari noong gabing naglaban-laban ang mga Legend. Kahit na walang kalaman-laman ang pinangako ni Marvin, tinulungan pa rin siya nitong pigilan si Madeline ng tatlong minuto. Patunay ito na gusto nitong makipagtulungan.
Nakuha ng magkabilang panig ang gusto nila.
Gustong humingi ng tulong ni Marvin sa Solver Church para palayasin ang mga Ogre, habang si Collins naman ay may pansariling interes.
Sa loob ng karwahe, isang malaki at maliit na tuso ang nagkakaroon ng negosasyon.
...
Paglipas ng dalawang oras, nakarating na ang hukbo sa isang maliit na bundok.
Lahat sila, pati na ang mga nangangabayo ay makaka-akyat na lang kung maglalakad sila.
Isang malakas na grupo ng mga sundalo ang nanakot sa mga maliliit na halimaw para makagawa ng daan.
Tinulungan ni Marvin si Isabelle na nahihirapang kumilos.
Sa wakas nakarating na ang lahat sa Scarlet Monastery.
Biglang tumingala ang dalawang Pain Monk.
"Baron Marvin!" seryoso ang boses ni Madeline.
Bago ito magsabi ng kahit ano, agad na ginamit ni Marvin ang isa sa mga halo ng Holy Grail.
[Curse Dispel]!
Biglang nabawasan ang buffing curse ng mga Pain Monk!
Kahit na nasa 3rd rank ang mga Pain Monk na ito, halos kapantay na ng isang Half-Legend ang lakas ng mga ito dahil sa iba't ibang curse na inilagay ng Lich!
Pero kung may paraan man para matanggal ang mga ito, hihina ang mga ito.
Ito ang rason kung bakit hinanap ni Madeline si Marvin!
Tuloy-tuloy na nagliliwanag ang halo ng Holy Grail.
Bago pa man magkaroon ng reaksyon ang dalawang Pain Monk, kumilos na ang mga Wizard Corps ni Madeline!