webnovel

Commander

編輯: LiberReverieGroup

Kinabukasan, muling nagtipon-tipon ang hukbo ng River Shore City.

Matapos nilang makapagpahinga, mukhang bumalik na ang lakas ng karamihan sa mga sundalo.

Pero may ilan na mukhang hinid nakapagpahinga ng maayos.

"Buksan niyo ang pinto."

Tila garalgal ang boses ni Madeline.

Namumula ang kanyang mga mata, kitang hindi ito nakatulog ng maayos. Hila-hila naman ni Marvin si Isabelle habang hawak ang Holy Grail sa kabilang kamay. Mahinahon lang siyang nakatayo doon na tila ba walang kinalaman sa kanya ang mga nangyari noong gabi.

Galit namang tinitigan ni Madeline si Marvin.

Nagalit lang ito ng kaunti kahapon kaya naman pinatulog siya ng lalaking iyon.

Dahil sa Command Contract, wala siyang pwedeng gawin kay Marvin.

Kaya naman mas ikinagalit ito ni Madeline. Hindi niya mailabas ang kanyang galit kaya naman kailangan niya lang itong kimkimin. Ito rin nag dahilan kung bakit hindi siya nakatulog ng maayos.

Isa pa, dahil hindi siya makatulog ng maayos, pinili na niya ng maaga ang mga spell niya bago pa man sumikat ang araw.

Napansin ng lahat ang itsura ni Madeline, pero dahil nakakatakot tingnanang Lady City Lord, walang nangahas na magsalita kahit pabulong.

Napansin ni Marvin na mas malapit sa gitna ang grupo ng mga Vampire ngayon.

Nang tingnan niya ang mga ito, ang nakabalabal na si Gwyn ay tumango at binati siya habang si Karnoth ay hindi siya pinansin.

Handa na ang mga tauhan ng Silver Church.

Dahil sa ilang malalakas na Guardian, nabuksan na nila ang nakasaradong pinto.

"Abante…"

Hindi pa man tapos magsalita si Madeline, dose-dosenang anino na ang lumabas mula sa lagusan!

Sinunggaban ng mga aninong ito ang mga sundalo at knight, kahit na ang mga Wizard ay hindi nagwang pigilan ang mga ito.

Mga Gargoyle!

Gabi pa lang ay nagtago nag mga ito sa likod ng pinto.

Ilang sundalo ang kinuha ng mga Gargoyle at inihagis mula sa ere, walang kasiguruhan kung mabubuhay pa ang mga ito.

Ang ilan naman sa kanila ay agad na nadurog ang mga ulo dahil sa biglaang pag-atake ng mga ito. Nagkagulo ang buong hukbo.

Galit na itinaas ni Madeline ang kanyang mga daliri at magkasunod na naglabas ng Fireball, agad namang naging abo ang dalawang Gargoyle dahl dito.

Ang mga Wizard naman mula sa Wizard Corps ay isa-isa ring nag-cast din ng Barrier, at sumubok na umatake pabalik.

Pero walang naitulong ito.

Marami pang mga Gargoyle ang lumabas mula sa lagusan. At kahit na kasing bagal lang nilang lumipad ang mga Vampire, mayroong true flight ang mga ito.

Kaya naman mas mahirap silang kalabanin.

Hindi nagtagal, maririnig ang mga sigaw sa First Hall. Binunot ng mga Knight ang kanilang mga espada at iwinasiwas ito, itinaas ng mga Guardian ang kanilang mga kalasag para salagin ang mga Gargoyle, habang tuloy naman sa pakikipaglaban ang mga tauhan ng Silver Church!

Tuloy-tuloy lang ang paglabas ng mga Gargoyle, at hini nagtagal, umabot na sa dalawang daan ang mga ito!

'Kailangan natin mag-isip ng paraan para makalaban!'

'Pucha, hindi ba sinusunod lang ng Gargoyle ang instinct nila? Paano nila gumawang umatake ng ganoon? Siguradong ang mga Siren ang may gawa nito.'

'Sabi na, may pinagkaiba ang laro at ang realidad.'

Nanginig si Marvin habang pinoprotektahan si Isabelle.

Tiningnan niya ang napakagulong hall at itinaas ang Holy Grail!

Sa sunod na sandal, pinakawalan niya ang isa sa mga halo ng Holy Grail, ang [Banishing Holy Light].

Mahina lang ang epekto ng spell na ito, pero kung masasamang nilalang ang kaharap nila, epektibo itong pang-banish.

Isang matinding liwanag ang lumabas mula sa mga kamay ni Marvin, at sa isang iglap, naliwanagan nito ang ang buong First Hall.

Dahil sa liwanag, napasigaw ang mga Gargoyl at isa-isa nitong tiniklop ang kanilang mga pakpak, bago tuluyang kumapit sa kisame habang tinititigan ang lahat. Tila mga tigre ito na pinagmamasdan ang kanilang mga kakainin.

Wala namang masamang epekto sa mga ito ang Banishing Holy Light, sadyang hindi lang sila komportable rito.

Sinusunod lang ng mga Gargoyle ang kanilang instinct o ang utos na kanilang master. Alam ni Marvin na ang master ng mga ito ay ang natutulog na Lich. Hindi mauutusan ng Lich nag mga Gargoyle sa ngayon, kaya siguradong umatake ang mga ito dahil sa nakakita ng kalaban ang mga ito.

"Isang minute," malakas na sigaw ni Marvin, "Di magtatagal, masasanay sila sa liwanag at aatake na ulit sila."

Tumango si Madeline at aga na nag-utos, "Magtipon-tipon kayong lahat!"

"Mga Guardian, protektahan niyo ang mga Wizard, mga Knight suportahan niyo rin ang mga wizard, mga Rogue, kumalat kayo. Protektahan niyong lahat ang mga buhay niyo at ang buhay ng mga katabi niyo. Wag kayong papahuli sa mga Gargoyle."

"Wizards, dispatyahin niyo na ang mga ito!" Mariing sabi ni Madeline.

Masyado siyang naging pabaya. Hindi niya pinagamitan ng Detect ang pinto bago niya pinabuksan ito. Dahil dito, namatay ang tatlo sa kanyang mga sundalo at marami pang iba ang nagtamo ng pinsala.

Kadalasan ay hindi siya magkakamali ng ganito!

'Kailangan kong kumalma.' Huminga siya ng malalim habang tinitingnan si Marvin. Hindi ito ang oras para sa mga personal na hidwaan.

Pero noong mga oras na 'yon, biglang sinabi ni Marvin at sinabing, "Hindi tama ang naging desisyon mo."

Agad namang binunot ng isang tao ang kanyang espada."Kinukwestyon mo ba ang utos ng City Lord?"

"Nagsasabi lang ako ng totoo." Seryosong sabi ni Marvin kay Madeline. "Hindi ito ang pinakamagandang gawin."

"Mataas ang resistance ng mga Gargoyle sa magic at mga spell, tanging Force Magic ang gagana sa kanila."

"Hindi maganda ang paggamit ng magic sa pakikipaglaban sa mga Gargoyle."

Huminga ng malalim si Madeline. Kinwestyon siya ni Marvin sa harap ng lahat! Kung ibang tao ito malamang ay tinapos na niya ito gamit ang isang spell!

Pero wala siyang magagawa dahil sa command contract.

"Ano sa tingin mo ang dapat gawin?" nagngalit ang kanyang ngipin habang nagtatanong.

Mahinahon namang sinabi ni Marvin na, "Hayaan mo muna ako muna ang mamahala sa pag-atake sa Second Hall. Sisiguraduhin kong matatalo natin ang mga halimaw sa Second Hall! Basta sundin niyo ang mga sinasabi ko, sigurado akong walang mamamatay sa atin."

Gumawa naman ng malaking gulo ang mga sinabi ni Marvin.

Masyadong arogante at ang Baron Marvin na ito? Kahit na inimbitahan siya ni Lady Madeline, masyado naman ata siyang nagbibida… Sinasabi pa niyang magagawa niyang talunin ang mga halimaw sa Second Hall ng walang namamatay?

Baliw ata ang taong ito!

Matapos nilang maranasan ang pag-atake ng mga Gargoyle, sapat na ang ilan sa mga ito para gumawa ng malaking problema.

Mahirap talunin ang mga lumilipad na nilalang na 'yon.

Mas kaunting tao ang mamamatay sa plano ni Madeline. Maganda na ang planong ito.

Sigurado ba siya sa sinabi niyang walang mamamatay?

Walang naniniwala sa kanya.

Makikita ang pagdududa sa tingin ng lahat.

Kung hindi lang sa paggamit niya ng Holy Grail para panandaliang mabugaw ang mga Gargoyle, marahil may umaresto na sa kanya.

Hindi pinansin ni Marvin ang ibang tao at si Madeline lang ang tiningnan.

..

Masama ang timpla ni Madeline!

Dahil hindi ginamit ni Marvin ang kapangyarihan ng command contract bagkus ay gumamit lang siya ng mga simpleng salita.

Gusto niyang umiling at sabihin: 'Ako ang masusunod dito.'

Pero nang makitang puno na ng mga Gargoyle ang kisame, maliban na lang kung handa siyang gamitin agad ang isang 4th-circle AOE attack spell ng ganito kaaga, o hayaang kumilos si Collins, siguradong maraming mamamatay sa kanila!

Hindi man naniniwala ang iba kay Marvin, pero naniniwala sa kanya si Madeline.

Pamilyar na pamilyar ang taong ito sa Scarlet Monastery na para bang sarili niya itong bahay.

Kitang-kita naman kahapon noong malinlang niya ito papasok ng lihim na silid ay may katuturan ang lahat ng sinasabi ng lalaking ito.

Kung sinabi nitong walang mamamatay, ibig-sabihin walang mamamatay.

Huminga ng malalim si Madeline.

"Tatlumpung segundo na lang ang natitira," paalala ni Marvin.

"Wag kang ngang makulit!"

Isang knight na isa sa mga bodyguard ni Madeline ay itinaas ang espada at inatake si Marvin.

"Itigil mo yan!" Galit na sigaw ni Madeline.

Biglang natahimik ang buong hall.

Natigilan ang knight at tiningnan ng masama si Marvin.

Hindi na mapakali ang mga Gargoyle sa kisame.

"Handa ka bang akuin ang pagkakamali kapag pumalya ka?" Seryosong tanong ni Madeline.

"Kapag pumalya ako, sayo na ang Holy Grail," sagot ni Marvin.

"Pero kapag nagawa ko, parte ng isang commander sa loot ang kukunin ko, ayos lang ba?"

Nagalit si Madeline. 'Sayo na nga ako, gusto mo pa ng loot.'

'Ano ba talaga tumatakbo sa isip ng lalaking ito…. Kaya siguro malaki ang tiwala sa kanya ng Collins na 'yon.'

...

'Sige ikaw na ang mamuno. Mayroon ka na lang dalawampung segundo para magbigay ng utos." Hindi tiningnan ni Madeline si Marvin, sa halip tumingin ito sa kanyang hukbo.

Pinapaalam niya sa lahat ang kanyang desisyon. Kailangan nang sumunod ng lahat sa kanyang mga iuutos.

Kahit na hindi kumbinsido ang lahat, ang knight na bumunot ng espada dahil sa galit ay walang magagawa kundi sumunod sa sinabi ni Madeline.

Tiningnan ni Marvin si Collins. "Ang mga knight ng Silver Church ang kailangan para matalo ang mga Gargoyle."

Tumawa si Collins, "Sabi mo eh."

Agad na nagbitaw ng utos si Marvin, ilang pangungusap lang ay nakabuo na siya ng isang taktikang lalaban sa mga Gargoyle!

Ang iba sa mga ito ay parang nauunawaan nag gustong mangyari kay Marvin at makikita sa mukha nila ang paghanga, habang ang iba ay nagdududa pa rin pero sumunod sa utos.

Nagsimula na muling kumilos ang mga Gargoyle sa kisame.

Tunay na mga mahuhusay na tao ang kinuha ni Madeline.

Kung mga pangkaraniwang adventurer lang mga ito, baka natagalan pa ang mga ito bago naunawaan ng mga ito ang gustong sabihin ni Marvin.

Hindi kapareho ng mga pangkaraniwang adventurer ang mga sundalong ito, kailangan lang nila ng saglit na panahon para magtipon-tipon at makuha ang mga utos ni Marvin.

Hindi na nakapagtimpi ang isa sa mga Gargoyle at agad na sumugod.

Nasaktan ito sa Holy Light pero hindi niya ito ininda dahil sa kagustuhan nitong pumatay.

Ang punterya nito ay isang taong walang suot na armor!

Sa susunod na sandali, agad na sumugod na ang iba pang mga Gargoyle.

Tila mga gutom na tigre ang mga Gargoyle na susugurin ang kanilang pagkain, naghiwa-hiwalay ang mga ito sa ilang mga grupo.

Hinahawakan ng mabuti ng mga Knight ng Silver Church ang kanilang mga sandata.

Mayroon lang silang tatong maliliit na mga grupo ng mga knight, nasa tatlumpu lang ang bilang ng mga ito.

Pero malaking bahagi sila ng plano ni Marvin.

At kahit na mayroong kildat, biglang naging madilim sa First Hall.

Sumugod na ang unang lupon ng mga Gargoyle.

"Sabi na eh," ngumisi si Marvin. Lahat ng mga Gargoyle ay pinupunterya ang mga Wizard na walang armor.

Ang mga Rouge naman, pinag-stealth ni Marvin ang mga ito para hindi sila mapansin ng mga Gargoyle.

'Instinct pa rin ang gamit nila…'

Mayroong isang Guradian sa tabi ng bawat Wizard kasama na ang isa rin Knight ng Silver Church!

Sumunggab na ang unang Gargoyle na sinubukang hulihin ang isang Wizard, pero sinalag ito ng isang Guradian gamit ang kalasag nito.

Shield Bash!

Nasalag ang atake ng Gargoyle. Ibubuka na sana nito muli ang pakpak nito para lumipad palayo pero biglang kumilos na ang Knight ng Silver Church!

"Bang!"

Isang ingay ang umalingawngaw. Nadurog ng Hammer Smash ni Gordian ang Gargoyle!