webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · 现代言情
分數不夠
213 Chs

Chapter Twenty-Seven

"We need to talk."

Kinabahan kaagad ako sa four words na sinabi ni Timothy. Ang blanko ng expression sa mukha nya.

"A-Ano 'yon Timothy?"

Umayos sya ng upo sa sofa at hinila ako palapit sa kanya. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya. Huminga sya nang malalim. Hinawakan nya nang sobrang higpit ang kamay ko.

"Let's—Let's break up."

Napasinghap ako kasabay nang pag-alis ko sa pagkakasandal ng ulo ko sa balikat nya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. Bigla na lang tumulo ang luha ko. Nakatingin ako sa kanya at hindi makapaniwala sa narinig ko. Mali ako ng dinig. Umiling ako.

"W-What did you say?" bulong ko.

Masyado ako'ng mahal ni Timothy. Hindi nya 'to gagawin sa'kin. Tinignan ko sya at nakita ko na may luha na umaagos mula sa mga mata nya. Seryoso nga sya. Bakit?

"Hindi. Hindi 'yan pwede Timothy! Paano mo nasasabi 'yan? G-Gusto mong mag-hiwalay tayo?!" Hindi sya sumagot. Pero alam ko na nasasaktan sya. Nakikita ko 'yon, nasasaktan sya nang sobra. Kung ganon bakit?

Please say no. Napayuko sya at bigla nalang akong niyakap nang mahigpit.

"I'm sorry. I'm sorry," iyak nya sa balikat ko.

Ramdam ko ang panginginig nya. Mas lalong humigpit ang yakap nya.

"Bakit ka ba nagsasabi ng ganyan Timothy?" tanong ko habang umiiyak na rin.

"I don't know," sagot nya habang hinahaplos ang buhok ko. "I'm sorry I can't let you go."

Huminahon ako nang kaunti. "May kinalaman ba si Ami?" pabulong na tanong ko.

"No, this is not about her Miracle," bulong nya sa'kin.

"Kung ganon bakit ka nakikipaghiwalay?" naiiyak na naman na tanong ko. Pesteng luha to, ayaw tumigil. "Hindi mo na ba ako mahal?"

"I love you! Of course I still do," sagot nya.

Nakahinga rin ako. "Hwag mo na ulit sasabihin na mag-break tayo Timothy. Hwag mo na ring sabihin pa ang mga bagay na hindi mo gustong gawin." Pinunasan ko ang luha ko.

Naramdaman ko syang tumango at mas lalo lang nya akong niyakap. Nanatili kaming magkayakap nang matagal.

"Miracle, wala kaming relasyon ni Ami," umpisa nya. Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa kanya. "Hinayaan ko'ng halikan nya ako for confirmation. Attracted sya kay Red, pero nahihirapan syang alamin kung ano ba talaga ang nararamdaman nya para sa akin. Inisip ko na baka makatulong kung hahayaan ko sya. I'm sorry."

Nagulat ako sa sinabi nya. "Ano'ng tingin nya sa'yo? Pabango? Pwedeng may 'Tester'? O pagkain? May 'free taste'?" Humiwalay sya nang kaunti mula sa akin. "Bakit nya kailangan ng confrmation? Hindi ba nya alam kung ano ang nararamdaman nya? That's impossible! Hindi ako naniniwala. Gusto ka lang talaga nyang halikan," reklamo ko. What an outrageous excuse she has!

"Alam ko na pareho kayo ni Ami nang nararamdaman," malungkot na sabi ni Timothy. And again, hindi ko alam kung namali ba ako ng dinig.

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin Timothy?"

Ngumiti lang sya.

"Na attracted ka rin sa kaibigan ko," sabi nya. "Mahal mo si Jared."

Natigilan ako. Inisip ko nang mabuti ang sinabi nya. "Nagpapatawa ka ba?! Si Red?!" Ano ba'ng sinasabi ni Timothy?

"Kahit hindi mo aminin 'yon Miracle, alam ko na mahal mo rin sya." Hinawakan nya ang mukha ko at isinandal ang noo nya sa noo ko. Nakapikit sya. "Nagmamahal ka rin ng dalawang tao nang sabay ngayon Miracle," parang nahihirapan syang sabihin. "At alam kong alam mo rin 'yon. Natatakot ka lang aminin."