Inaantok pa ako, pinikit ko muna ang aking mga mata, malayo layo din ang byahe simula sa aming baryo hanggang sa city, maaga akong nagising kanina dahil limitado lang ang byahe ng jeep sa probinsya, may oras lang ito...first trip ng 4 am at second trip ng 7am
kaya naman alas sais palang gising na ako upang maghanda sa aking pag alis...
6 am ay sobrang aga pa para sakin, hindi sanay ang mata ko na gumising ng ganung oras..
Ibang iba kasi sa oras ng tulog at gising ko sa maynila, kaya naman ang body clock ko ay salungat sa oras ng probinsya...
Hanah, Hanah nandito na tayo.. tinig iyon ni kei
Dumilat ako at tumingin sa paligid
Nasa sa city na nga kami, hindi ko namalayan ang byahe.. napasarap ang tulog ko
Tumayo na ako at dinampot ang aking bag..
Ay S-sorry.. Nahawakan nya ang aking kamay
napalingon ako sa driver seat, nakatingin samin ang papa nya.. nailang ako bigla
ako na ang magdadala, may kabigatan to.. ihahatid na din kita sa tricycle..
Nauna na akong bumaba ng jeep, at naghanap ng tricycle
Para po!!!! Kuya sa may Mabolo St. lang po
kei, tawag ko sa kanya habang sinisenyasan na may nakuha na akong tricycle
Mabilis syang naglakad patungo sakin
Ipinasok nya na ang bag sa trycicle, saktong sasakay na ako ng hawakan nya ang aking braso
Wait lang, save mo muna number ko sa phone mo at kukunin ko nadin number mo, magtetext ka lagi sakin, at kung may magiging problema ka, text mo ako agad kahit anong oras, pupuntahan kita
Ah.. ok sige, salamat
Pag nahihiya kang mag apply, sasamahan kita bukas.. ingat ka lagi
Tumango na lang ako... sanay naman na ako sa mahabang litanya nya lagi, ganito ka maalalahanin si kei, overprotective at sobrang maasikaso...
Sobrang swerte ko na kaibigan ko sya,
parang mayroon akong kuya, tatay, kapatid, bestfriend sa katauhan nya.. all in one package
Pinagmamasdan ko ang daan, wala paring pinag bago ito limang taon ang nakakalipas simula ng umalis ako ng aming probinsya
Huminto ang tricycle sa harap ng maroon na gate.. nag doorbell ako..
wala yatang tao, umikot ako sa kabilang gate, sa may tindahan... sumilip ako, nakita kong natutulog si tita, kaya naman pala walang nagbubukas ng gate kanina
Tita , tita.. pag tawag ko sa kanya
Nabigla sya ng nakita ako
Oyyyy,, Hanah.. ikaw pala
kelan ka dumating??? tanong nya sakin
Hindi nya kasi alam na dumating na ako ilang buwan na ang nakakalipas, dumiretso kasi ako sa isa kong tita, sa bahay na kinalakihan ko
Noong nakaraang buwan pa po...
binuksan nya ang gate, pumasok na ako at nagmano
Mag aapply po ako ng trabaho dito sa city, kung pwede po sana makituloy muna ako sa inyo pansamantala
Oo naman, walang problema. dalawa lang namana kami ng tito mo dito, Si ate hazel mo naman maka bukod ng bahay
O sya, mamaya na ang kwentuhan, kumain kana muna at magpahinga
Ok po, mas mabuti pa nga
medyo masama din po pakiramdam ko
Sa may taas, may bakanteng kwarto doon, buksan mo muna ang bintana para makasingaw ang amoy ng kwarto, mano mano mo na lang din ang pagpihit sa aircon, nawala na kasi ang remote non
Ok po tita, salamat po
Umakyat na ako sa taas, binuksan ko muna ang aircon para makasingaw din, matagal na kasi iyon hindi nagagamit, sinunod kong buksan ang bintana at nagsimulang mag ayos ng gamit...
...
.........
Natapos na ako sa pag aayos ng aking mga gamit, tinignan ko ang cabinet kong may nakalagay na bedsheet at pillow case...
pinalitan ko ang mga ito, nag half bath nadin ako...
plano kong matulog, masama ang pakiramdam ko
Beep beep... tumunog ang aking cellphone
kinuha ko ito at tinignan ang nag text
Mula iyon kay kei... binuksan ko at binasa
kamusta? ok ka ba dyan?
Hindi ko na muna nireplayan, mamaya na lang pag gising ko
........
.............
Naalimpungatan ako, madilim na sa paligid
Tanging poste ng ilaw lang sa labas ang nagsisilbing liwanag ng kwarto, kinuha ko agad ang aking cellphone at binuksan ang ilaw
Tinignan ko ang orasan, 8:15 pm na
malamang tulog na sila tita, 7 palang tulog na ang mga tao sa probinsya...
pero nagugutom ako, kailangan kong bumaba at tumingin ng makakain
Nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan ng naririnig ko na ang ingay sa baba
Hanah.... tili nito
kelan ka dumating??
Si ate hazel pala
Kanina lang po, hindi nag iisip na sagot ko
Ano ba naman yang itsura mo? ang chaka chaka
nakalimutan ko palang magsuklay, naka jogging pants lang ako na maluwag at oversized t-shirt..
siguradong ookrayin ako ng todo todo
well, ganito naman talaga ang porma ko sa maynila, hindi ako nag aayos... bukod sa tamad ako, mas gusto ko din ang simple lang
Tingnan ako nito mula ulo hanggang paa, iyong damit mo ang baduy, masyadong maluwag.. magmumukha kang payat lalo, yang buhok mo, susme magsuklay ka naman... uso na ang rebond ngayon, magparebond ka nga.... yang kilay mo pa
mukha kang si betty o yung sa kampanerang kuba...
Halika nga dito, pagtawag sakin ni ate hazel
Ma !!!
may tinda kang blade diba?
......
Oo meron, bakit?
Pahinge ako, aahitan ko tong si Hanah
naku naku, huwag na po, hindi ako marunong mag make up at mag shape ng kilay ....
Kakalawangin ang blade pag nagtitinda ako ng gabi.. sagot ni tita violy
Andami mong pamahiin Ma...
Hindi yan kakalawangin... kwentong barbero lang yan.. Hindi kasi ako mapakali sa itsura ni Hanah
Maganda naman, di nga lang nag aayos