webnovel

Taya

編輯: LiberReverieGroup

CHAPTER 22: Taya

"Damn, ang saya mo panuorin makipag-away sa ibang tao. Andyan pa rin pala ang matalas mong dila, wala pa ring pinagka-iba sa dati," tumawa si Zhu Lingling, "dahil diyan sa katigasan ng ulo mo kaya na-inlove sayo si Qin Chu e." Na-realize ni Zhu Lingling na mali yung nasabi niya. Napaubo siya, sinusubukang ilihis ang isapan. "Ang ibig ko sabihin, kahit si Young Master Huo nakatikim ng mga banat mo. Ang galing mo talaga. Turuan mo naman ako, great master!"

"Di na ako tumantanggap ng apprentices," biro ni Huo Mian habang nakangiti.

"Tingnan mo nga naman, akala mo kung sino. Hmph! Para namang nagka-apprentice ka dati," asar ni Zhu Lingling.

Pag kasama mo talaga ang mga kaibigan mo ang bilis ng oras.

Wala naman silang nagawang gulo sa night-time establishment. Masyadong late na rin nung naubos nila ang kanilang mga inumin. Magkahiwalay silang sumakay ng cab pauwi.

Pagdating niya sa nirerentahan niyang apartment, sinuot ni Huo Mian ang kanyang nightgown at nag-message kay Zhu Lingling.

"Naka-uwi na ko, ikaw ba, Lingling?"

Mabilis na sumagot si Zhu Lingling,"Nakauwi na din ako. Maliligo muna ako at matutulog na rin. Good night!"

Papatayin na sana ni Huo Mian ang phone niya kaso bigla siyang nakatanggap ng text message. Nagtatapos ang number sa 8866, paniguradong kay Qin Chu ito.

"Tulog ka na?"

Dalawang simpleng salita. Ngunit hindi maintindihan ni Huo Mian kung bakit lumalakas ang tibok ng puso niya. Seven years ago na rin yung huling nakaramdam siya ng ganito. Sobrang nakakapanibago.

Pagkatapos makapag-isip, binura niya ang message, pinatay ang phone at natulog.

Sa may kabilang linya, sa Hillside Manor-

Pagkatapos niyang mag-antay ng reply, na-realize ni Qin Chu na wala siyang matatanggap na goodnight. Alam niya ang ugali ni Huo Mian, imposibleng mag-send ito ng text pabalik.

Tumayo siya at bumaba ng hagdan. Pumunta siya sa wine rack at kumuha ng isang bote ng red wine.

May mga yabag siyang narinig sa likod niya. Kahit di siya magtanong, may ideya siya kung sino ito.

"Chu, lumapit ka nga saglit dito. May itatanong ako sayo."

Hindi makatulog ng maayos si Qin Yumin nitong mga nakaraang araw. Nagising siya ngayon sa kalagitnaan ng gabi at may narinig na mga ingay sa baba kaya naman tiningnan niya kung ano ito. Tama nga ang hula niya, hindi rin makatulog ang anak niya.

Pagkatapos masalin ni Qin Chu ang wine sa kanyang wine glass, naglakad ito papunta sa living room at umupo sa sofa. Habang nakayuko, iniikot ang wine glass.

Mas lalong na-emphasize ang kagwapuhan nito sa suot niyang navy blue night robe. Nakayuko ito habang ang mga daliri nito ay tinatapik ang gilid ng wine glass. Kahit sinong babae ay mahuhumaling pag nakita ito.

Kahit nakikita niya ang anak sa ganitong estado, walang naramdaman familiarity si Qin Yumin.

"Narinig ko ang nangyari ngayon sa meeting. Hindi mo raw tinanggap ang Greenfield Manor Plan?"

"Oo," straightforward nitong sagot.

"Bakit?" medyo pagalit na tanong ni Qin Yumin.

"Ayoko lang."

"Nonsense. Ang business ay hindi base kung gusto mo lang ang isang bagay o hindi. Kung yun ang kaso, matagal na sanang bankrupt ang GK. Chu, pinasa ko sayo ang GK dahil may tiwala ako sayo pero di ka dapat maging ganito ka-pabaya."

"May rason ako kung bakit ko yun ginawa. Kung wala kang tiwala sakin, edi ikaw yung gumawa. Alam mo naman na wala akong interes sa boring na trabaho katulad nito."

"Ikaw…" galit at walang masabi Qin Yumin.

Ilang sandali, tumingala si Qin Chu, may bigla itong naalala. "Dad, naalala mo ba yung pustahan natin seven years ago?" tanong niya.

Napatigil si Qin Yumin at tumahimik.

Seven years ago, nakipagpustahan siya sa anak niya at ang taya ay tungkol sa isang napaka-importanteng bagay.

"Anong gusto mong iparating?" tanong ni Qin Yumin kay Qin Chu.

"Wala naman. Gusto ko lang ipaalala sayo na ginawa ko ang lahat ng gusto mo, kaya ito na ang oras para ikaw naman ang magbalik ng favor?"

Pagkarinig, nagdilim ang expression ni Qin Yumin.

Ngunit, ito lang ang sinabi niya, "Wala akong pakialam kung paano basta ang gusto ko tumaas ng 15 percent ang quarter's performance. Kung hindi, matutuloy ang Greenfield Project at papababain kita sa pwesto," sabi niya. "Huwag mo isipin na porket anak kita, wala na akong gagawin sayo."

Pagkatapos, tumalikod si Qin Yumin at umalis. Kitang-kita na galit ito.

Kahit wala itong sinabi tungkol sa promise nila seven years ago, alam ni Qin Chu na naintindihan ng ama niya kung ano ang pinaparating niya.

Para naman sa GK's performance, alam niya na kaya niya itaas ng fifteen percent ito kahit pa nakapikit. Kaya nagtataka siya bakit ang dali lang ng pinapagawa nito sa kanya.

Five ng umaga nagising si Qin Chu dahil sa ingay.

Sa may pintuan, may middle-aged na lalaki at nakablack suit ito. Sa likod niya may walong miyembro ng Special Police Unit, may mga baril ito sa kamay.

"Doctor Qin, sorry sa istorbo. May emergency ngayon at kailangan ka namin ngayon."

Gulat at naguguluhan ang magulang niya. Ngunit, makikita mong kalmado si Qin Chu. "Teka lang, magbibihis lang ako," tumalikod siya at umakyat, ang kanyang mga kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa.

Pagkatapos umalis ang anak niya, nagtanong si Ms. Qin habang namumutla at naniningig, "Yumin, ang anak natin… may nakaaway ba siyang importanteng tao?"