webnovel

Takaw-Pansin

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 87: Takaw-pansin

"Bakit ako makikipagkaibigan sa ganoong klaseng tao? Sobrang malulungkot ako," sabi ni Zhu Lingling ng may halong panghahamak.

Ang mga taong pumunta sa libing ay naglakad papuntang North Hill Public Cemetery. Si Lola Huo ay inilibing sa pinakamagandang feng shui spot – sa pinaka-tuktok ng bundok.

Kada espasyo sa sementeryong ito ay nagkakahalaga ng 50 thousand yuan per square meter.

Ito ay sobrang mahal, pero binili ng Huo family ang two thousand square meters sa isang bilihan – ginawa nila itong sarili nilang mausoleum.

Sa kabilang banda, nakatayo lang doon si Huo Mian, suot ang kanyang sunglasses.

Nang biglang, lumapit si Huo Siyi sa kanya at sinabing, "Anong tinitingnan mo diyan? Inggit ka no? Ito ang mausoleum na binili ni Dad para lang sa Huo family. Huwag mong iisiping pwede kang ilibing dito, ang bastardang anak na katulad mo ay kailanman hindi karapa't dapat dito."

"Ang lugar na ganito ay bagay sa'yo at sa pamilya mo, hindi ako nababagay dito," sabi ni Huo Mian nang hindi tumitingin kay Huo Siyi.

"Alam na iyon," mayabang na pagkakasabi ni Huo Siyi.

"Sana ay ilibing ka na dito agad," dagdag ni Huo Mian.

"Anong sinabi mo? Stupidang babae!" galit na itinaas ni Huo Siyi ang kanyang kamay kay Huo Mian, mukhang balak nito saktan siya

"Mr. Huo, huwag kang masyadong pabigla-bigla. Ang mga media ay nag-aabang para sa mga ganitong pangyayaring para dumami ang kanilang manononood. Pero, kung gusto mong mapunta sa frontline news, ituloy mo lang at saktan mo ako, paniguradong makikipagsabayan ako," ibinaba ni Huo Mian ang kanyang boses at pinaalalahanan si Huo Siyi.

Ibinaba ni Huo Siyi ang kanyang kamay at tumingin sa paligid para makasigurado na hindi niya nakuha ang atensyon ng mga tagapagbalita. "Bantayan mo iyang sarili mo…" sabi niya bago umalis.

Si Huo Siyi at Huo Yanyan ay sobrang magka-pareho. Parehas silang ipinanganak mula sa isang kabit, at spoiled.

Ngayong malaki na si Huo Siyi, ang laban para sa mana sa pagitan niya at ni Huo Siqian ay lalong tumitindi. Salamat sa pag-spoil sa kanya ng kanyang tatay at sa tulong ng kanyang nanay, siya ay naging mapagmataas at umaakto na parang siya na ang nagmamay-ari sa Huo Family.

Ngunit, naisip ni Huo Mian na, ang walang utak na tulad ni Huo Siyi ay mapapatumba kaagad sa loob ng ilang segundo kung lalabanan siya ni Huo Siqian.

Ang rason kung bakit hindi pa gumagawa ng askyon si Huo Siqian ay dahil isang artista ang nanay ni Huo Siyi, kaya mahirap itong kalabanin.

Pero katulad nga ng sinabi niya, hindi siya interesado sa labanan para sa yaman ng Huo family.

Wala itong kinalaman sa kanya, kahit ano pa man ang maging resulta.

Pagkatapos ng libing, ang lahat ng mga sasakyan ay bumalik na sa mansyon ng Huo.

Para pasalamatan ang lahat ng mga nakiramay, nagpakain si Huo Zhenghai para sa sixty na katao o higit pa sa isang five-star hotel.

Dahil nagawa na ni Huo Mian ang kailangan niyang gawin, siguradong hindi na siya pupunta roon. At ngayong nakalibing na si Lola Huo, ito na ang oras para siya ay umalis.

Pagkatapos umalis ng mga tagapagbalita at ng Huo family, nagsimula na siyang maglakad papunta sa entrance ng sementeryo.

Biglang bumuhos ang ulan pagkarating ni Huo Mian sa entrance. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya papuntang bus stop o pupunta sa convenience store sa may sementeryo para bumili ng payong. Nang biglang, may pumaradang itim na 62S Maybach sa harap niya.

Ang kotseng ito ay nagkakahalaga ng 11 milyon na yuan, galing pa ito sa Germany at may pinakamagandang configuration at mga parte. Marami sa mga milyonaryo sa lungsod ang naglalaban-laban para lang makakuha nito, pero dahil kaunti lamang ang pwedeng makakuha nito sa Asya, anim na modelo lang ang nasa China.

Ito ay nasa frontline news noong mga panahon na iyon, at pinag-uusapan ito ng maraming nurses sa OB/GYN department.

Pagkakita sa kotseng ito, napadalawang tingin si Huo Mian dito.

Pero sandali… bakit ang taong palabas sa kotseng ito ay sobrang pamilyar?

Si Qin Chu na nakasuot ng itim na tailor-made suit at may puting bulaklak na nakapurdible sa bulsa niya sa may bandang dibdib.

Pagkalabas niya sa Maybach, nagbukas siya ng itim na payong at naglakad papunta kay Huo Mian.

"Bakit…?" tiningnan ni Huo Mian ang suot ni Qin Chu, hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Napagtanto niya na kaya nagsuot ng ganito si Qin Chu ay bilang respeto sa kanyang lola.

"Plano mo bang tumakbo sa ulan kung hindi ako dumating para sunduin ka?" tanong ni Qin Chu kay Huo Mian.

"Nandito ka na, hindi ba?" sagot ni Huo Mian.

"Tara na, pumasok ka na sa kotse," sabi ni Qin Chu habang inilalabas ang isang puting panyo at giinamit ito para punasan ang mga patak ng ulan sa noo ni Huo Mian.

Umupo si Huo Mian sa Maybach na gawa para sa mga royalty at tumingin din siya sa gwapong lalaki na driver niya ngayon.

Naisip niya, hindi si Huo Yanyan ang nagligtas sa mundo noong nakaraang buhay niya. Sa totoo lang, siya ito.

"Qin Chu, um… ang iyong kotse… hindi ba ito masyadong takaw-pansin?" Tanong ni Huo Mian, dahil hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili.

Ang pinakaunang Maybach na may Royal Class level configuration sa C City! Paniguradong makakakuha ito ng maraming atensyon kapag inimaneho nila ito sa buong siyudad. Iniisip maigi ni Huo Mian kung ito ay isang magandang ideya…