Binitawan ni Huo Mian si Su Yu dahil sa galit, kaya nawalan ng balanse si Su Yu at nahulog sa sahig.
"Punyetang babae ka, bakit mo ako binitawan? Gusto mo ba akong patayin?"
"Ang tawag dito ay pagpapahirap sa utak na therapy." Naghahamong tiningnan ni Huo Mian si Su Yu bilang paglaban sa hindi-naman-kailangan-na-komento niya kanina.
"Anong klaseng therapy iyan? Magsasampa ako ng reklamo," pagprotesta ni Su Yu.
"Mabuti, ang pinakamasamang mangyayari lang naman sakin ay matanggal. Hindi ko naman ikakamatay kung mawawalan ako ng trabaho rito. Makinig ka sakin, Su Yu, pagod na ako sa pag-aalaga sayo. Mas nakakairita ka pa kaysa sa matandang lalaki sa kabilang kwarto! Mas gusto ko pa makipaglaro ng chess sa kanya kaysa mag-alala sa pagbigay sayo ng IV! Humph." Pagkatapos magsalita, tumalikod si Huo Mian at umalis.
Umupo mag-isa si Su Yu sa damuhan mag-isa at hindi makatayo. Walang tao rito maliban sa kanya.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者