webnovel

Natutuwa

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 115: Natutuwa

"Ang sabi ko, buntis ako," pag-ulit ni Wu Xiaoxue.

"Nagbibiro ka ba?" kinakabahang tumawa si Ning Zhuyuan.

"Syempre hindi. Bakit naman ako magbibiro tungkol sa ganitong bagay? Hindi ko rin naman inaasahang mangyayari ito. Gumamit naman ako ng birth control. Siguro, sadyang swerte lang ang sanggol na ito."

"Pero… pakiramdam ko ay sobrang bilis ng mga pangyayari."

Dahil dito, napa-simangot si Wu Xiaoxue. Tinulak niya si Nung Zhiyuan palayo.

"Anong ibig mong sabihin? Gusto mo ipalaglag ko ang bata? Sinasabi ko sa iyo, hindi ako magpapalaglag. Hindi ito maganda para sa aking kalusugan at isa rin akong doktor sa OB/GYN kaya mas alam ko ito kaysa sa iba."

"Hindi iyon ang ibig sabihin kong sabihin. Kumalma ka."

 "Hindi ko kayang kumalma. Ning Zhiyuan, tapatin mo nga ako, papakasalan mo ba ako o hindi? Kung hindi mo pa rin kayang pakawalan si Huo Mian, sige, hanapin mo siya. Hahayaan ko kayong dalawa magsama.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者