"Gutom pa rin ako," matigas ang ulo na sinabi ni Su Yu.
Sa mga sandaling ito, nahihiyang lumabas si Ah-Xin mula sa kusina, "Sir, ang huling dalawang mangkok ng ramen ay nabili na ng dalawang customer dito. Wala ng sapat na noodles para sa isa pang magngkok. Aabutin pa ng dalawampung minuto ang pagmamasa ko ng dough. Ayos lang ba iyon?"
"Oh, ano na ang gagawin natin ngayon?" Naguguluhan tuloy si Ah-Xin.
Tumingin si Su Yu kanila Huo Mian at Qin Chu, inilabas ang kanyang wallet at naglabas ng dalawang daang yuan, "Ibigay mo sa akin ang noodles nila, babayaran kita ng sobra. Dalawang yuan bawat mangkok iyan, tama? Bibigyan kita ng dalawang daan kaya ibigay mo sa akin ang mga mangkok nila."
"Sir, hindi pera ang mahalaga rito. Sila ay mga regular customers na at taliwas ito sa patakaran…"
"Ang mga salita ko ang patakaran," ayaw magpatalo ni Su Yu kay Ah-Xin.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者