webnovel

My Unpredictable Boss

PotatoHuang · 奇幻言情
分數不夠
56 Chs

Nine

JONAH'S POV

Nag-aalala ako kay Ms. Carol baka hindi niya makayanan ang mga gusto at pangangailan ni Ms. Olivia.

(F L A S H  B A C K)

(T W O  Y E A R S  A G O)

Bago palang ako noon at sa ikatlong araw ko ay bigla niyang sinabi na samahan ko daw siya at i-assist siya.

Di ko masyadong tanda yung oras na dumating siya pero nasa mga alas 9:00 yun pataas ng Umaga.

Pumunta kami sa Mall nitong kompanya at dumiretso kami sa Clothing Line for Women at ako yung pinapili niya ng mga damit at sapatos niya.

Medyo natagalan kami nung oras na yun, dahil nag-iinsist siya na damihan ko yung pagpili ng damit at sapatos niya na siya namang sinusukat niya.

Pagkatapos ng mga ginagawa niya pagsukat sa mga damit naipili ko ay...

"Ano nga palang pangalan mo hija? Nakalimutan kong itanong sayo kanina" malumanay na tanong at sabi niya.

"J-Jonah po, Jonah Bustamante po" sabi ko

"Ako nga rin pala si Olivia Salazar ng Casa de Salazar" pormal na bati niya sabay abot nung kamay niya at inabot ko naman.

"Ikina-lulugod kong makilala kita hija" dagdag na usal niya

"Ikina-gugulod ko rin pong makilala kayo Ms. Olivia" pormal rin na usal ko

"Anong oras na ba at parang nagugutom na ako" sabay kaming napa tingin sa relo namin at dun ko nakita na 12:16nn na pala.

"Kumain muna tayo at sagot ko ang kakainin natin" pormal na sabi niya.

"N-Nako, h-huwag na po... n-nakaka hiya naman po sa inyo, n-nandito lang naman po ako para i-assist ko kayo" nahihiyang sabat ko, di naman niya kailangang gawin toh.

"Nako, Ano ka ba... huwag ka nang mahiya pa baka hindi na ito nangyari sa susunod, sige ka" may halong pananakot na sabi niya

"K-Kayo pong bahala" nahihiyang sabi ko sa kaniya.

Pagkarating namin ay nasa French Cuisine Restaurant kami, at siya na yung nag-order para sa aming kakainin.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa ibang mall dumiretso na naman kami sa Clothing Line for Women at pinapili na naman niya akong damit at sapatos na nababagay daw sa kaniya. Pagkatapos niyang mabayaran yung mga pinili ko.

Pumunta na naman kami sa ibang mall dumiretso na naman kami sa Clothing Line for Women at pinapili na naman niya akong damit at sapatos na nababagay daw sa kaniya. Pagkatapos niyang bayaran lahat nung pinamili niya.

"Jonah merienda muna tayo pagkatapos pumunta tayo sa furniture at mamili ng sofa para sa hotel ko"

Pumunta kami sa Coffee shop at bumili ako ng dalawang coffee at dalawang cake.

Pagtapos namin kumain ay pumunta kami sa furniture.

Di ko alam na magdamagan pala tung gusto niya, edi sana naging ready ako.

LANCE POV

Pagkatapos ng meeting ng mga Directors ay bumalik ako sa opisina at bumalik ako agad sa dinaanan ko.

11:42am na pala hindi ko man lang napansin ang oras.

Pumunta ako sa elevator at pinindot yung 15floor na button. Pagkarating ko sa floor nila Carol at dumiretso sa opisina nila.

Nang makarating ako sa opisina nila at kumatok muna ako at pumasok sa loob ng room.

"Near to noon everyone" bati ko sa kanila

Bakas sa mukha nila ang gulat nang makita nila ako.

"Near to noon too sir" bati nila sa'kin.

Nilinga-linga ko muna yung ulo ko pero wala akong Carol na nakita dito.

"Bakit parang kulang kayo.. Care to explain it to me?" seryosong tanong ko

"K-Kasi po s-sir wala si Ms. dela Cruz, d-dahil may unexpected VIP Guest kami na pumunta dito" napapayukong sabi ni Marga

Kilala ko si Marga, palagi siyang palpak sa mga sina-submit niyang report sa akin.

"And who is this unexpected VIP Guest of yours?"

"It's Ms. Olivia Salazar of Casa de Salazar sir" diretsong sabi nung babaeng maikli ang buhok.

Tumango-tangong sagot ko sa kanila

"Okay, that's all, have a good lunch everyone" sabi ko at lumabas na sa opisina nila.

Inis akong bumalik sa opisina ko para mag-lunch nang mag-isa.

Ya-yayain ko sana si Carol kumain at nakasabay siya. Kainis....

Nang makarating ako sa opisina ko ay inis kong kinuha yung paper bag at pumunta sa mini kitchen para initin yung lunch box na prenipare ni Carol sa'kin.

Nilagay ko yung dalawang lunch box sa oven at ini-start yun.

Pumunta ako sa ref at kumuha ng tubig na may napansin akong plastic na Tupperware at kinuha ko yun.

Ito pa yung sabi ni Carol na hinabilin niya kay Carl. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Leche Flan yung nasa loob, hindi kasi ako mahilig sa sweets pero kakainin ko toh mamayang merienda na lang. Nilagay ko muna yun sa ref

Ang sweet niya pala. Hindi ko talaga maiwasang mapangiti sa ginawa niya.

Pagkatapos mainit nung lunch box ay kinuha ko na yung lunch box at kumuha muna ako ng kutsara at tinidor.

Inopen ko yung blue'ng lunch box at tumambad sa'kin ang ulam na adobo. Nice, paborito ko toh. Inopen ko na rin yung isa at nakita kong kanin at sinangag na hinati niya.

Not bad, tanging naisip ko nalang at kumain na.

Masarap siya magluto ha.. napangiti ulit ako at inubos yung dala niya.

Busog na busog nako, at sana maulit ulit toh.

May naisip ulit ako, kung block mail'en ko kaya siya.

(SMIRK) ANG SAMA TALAGA NG NA-IISIP LANCE, AT PROUD AKO SAYO KASI ANG TALINO MO NA NGA, UBOD KA PA NG GWAPO (EVIL SMIRK)

Pasensya na po sa TYPOS

God Bless po sa inyo

Please Vote, Follow and Comment to my Story

Please Follow me to my Account:

twitter: @taoclaire16

instagram: @abrokenart

facebook: @facebook.com/PurpleClaire16

Love You so Much Guys

😊💕😍😘