"ah basta ate ha.. Promise mo yan ha.. Kapag malaki na ipon mo kukunin mo na ako dito kina tiya.. Ayaw ko na talaga dito ate.."
Bumuntong hininga ng malalim si andrea bago ito sumagot sa kanyang kapatid.
"oo sige.. Promise ko yan sayo, basta maka ipon lang ako ng malaki dito ay kukunin na kita diyan.. Basta lang huwag kang magpa pasaway diyan kay tiya ha. Bayaan mong ang mga anak niya ang pasaway, basta ikaw huwag kang magpa pasaway kay Tiya. Nakakahiya naman kasi kung pati ikaw na hindi niya naman anak ay magpa pasaway pa sa kanya.. Mag tiyaga ka na muna diyan dom ha.. Sa ngayon hindi pa tayo pwedeng mag sama.. Ang pag aaral mo ha, pagbutihan mo pa.. Isipin mo palagi ang mga pangarap sa atin ni inay at itay.. "
" opo ate.. Huwag kang mag alala te, hindi ko naman pina pabayaan ang pag aaral ko eh.. Kasama pa nga ako sa may mataas na grado ngayon sa eskwela eh.. "
" wow, congrats bunso! Ipag patuloy mo yan ha.. Kung nasaan man ngayon sina itay at inay ay tiyak natutunan sila sayo.. "
" salamat ate.. Kahit wala na sina itay at inay ay kasama ko parin sila sa inspirasyon ko.. At siyempre! Pati ikaw ate andeng! "
" salamat bunso!.. Ipag patuloy mo lang yan, malayo ang mararating mo dom.. O sige na, tatawag nalang ako sayo sa susunod na mga araw.. Basta ang mga bilin ko sayo ha. Huwag kang magpa pasayaw, at mag iingat ka palagi diyan.. Ikamusta mo nalang ako kina tiya ha.."
" okay ate.. Ingat ka rin palagi diyan... "
At ibinaba na ni andrea ang linya. Nag aalala tuloy siya sa kanyang kapatid, lalo na't nalaman niyang hindi pala masaya ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang tiyahin.
Kinabukasan ay maagang dumating si andrea sa trabaho. Muli niyang naka sabay sa elevator si Lucas.
Ngumiti si andrea dito pagka kita niya kay Lucas. Nauna kasi siyang maka rating sa elevator at nagulat nalang siya ng inakbayan siya ni Lucas. Nasa kanyang likuran niya na pala ito at naka tayo din.
"Kamusta? Buti maaga ka ngayon.. Tara mag kape muna tayo sa canteen.."
Saad sa kanya ni Lucas pagka pasok nila ng elevator. Sinipat niya ang kanyang suot na relo. Maaga pa ng kalahating oras kaya pwede pa siyang tumambay sa canteen kasama ni Lucas.
"nag kape na ako sa bahay eh, pero sige maaga pa naman, sasamahan kita sa canteen.."
Nang bumukas ang elevator ay hinawakan siya ni Lucas sa kamay at iginiya niya ito papunta ng canteen. Binitiwan lang ang kanyang kamay ni Lucas ng marating nila ang canteen.
Lingid sa kanilang kaalaman ay nasa likod lang pala nila si nicko at tahimik lang itong naka sunod sa kanila. Nang maka pasok ang dalawa ng canteen ay doon lang nila napansin si nicko.
Binati nila ito. Ngunit ngumiti lang ito ng tipid sa kanilang dalawa. Naunang umupo si andrea sa upuan ng canteen, wala naman kasi siyang bibilhin. Habang naka upo at hinihintay si Lucas ay dumako ang kanyang paningin sa kanyang boss. Naisip niya na mabuti nalang maaga siya ngayon, kundi baka naunahan nanaman siya ng kanyang boss na dumating sa opisina nito. Madalas kasi ay saktohan lang ang kanyang dating, kaya kapag dumarating siya sa opisina ng kanyang boss ay naroroon na ito. Minsan pa nga ay nali late pa siya.
Napupuyat kasi siya kakapanood ng nga Korean movies sa kanyang cellphone kaya madalas ay tanghali na siyang nagi gising. Nakita niyang may kina usap lang ang kanyang boss sa loob ng canteen at umalis na rin ito kaagad. Gusto na niya sanang sumunod dito. Kasi baka sa opisina na nito ang tuloy nito. Pero nahihiya naman siyang iwan si Lucas, dahil nag sabi na siya dito na sasamahan niya ito.
Maya-maya lang ay dumating na rin si lucas may dala na itong tasa ng kape. Naka ngiti itong lumapit sa kanya.
"okay ka lang andeng?.. Seryoso yata yang mukha mo.." saad ni Lucas ng maka upo na ito ng naka harap sa kanya.
"oo okay naman ako.."
"akala ko nga iiwan mo na ako ng makita mo si sir nicko eh.."
"hindi naman.. Grabe ka!.."
Pagka sabi ni andrea niyon ay tumawa si Lucas pagka tapos nitong humigop ng kape sa tasa na hawak nito.
"bakit nga pala Luke minsan kuya tawag mo kay sir nicko.. Minsan naman ay kuya lang?.."
Tanong ni andrea sa binatang kaharap habang naka tingin dito.
"oo sir tawag ko kay kuya nick kapag dito sa office kasi boss ko siya dito at tsaka formality siyempre.. Si kuya nick kasi ay kinakapatid ko.. Magka kunpare si Daddy at ang daddy niya.. Actually, may sarili din naman kaming negosyo pero, si dad kasi eh! Kailangan daw ay matutunan ko muna kung paano maging isang empleyado at dapat hindi sa kumpanya namin para ma feel ko daw ang pagiging isang empleyado lang.. Kaya ayun, dito ako na mamasukan sa kumpanya ni kuya nicko.. "
Paliwanag ni Lucas kay andrea at muli itong humigop ng kape sa kanyang tasa.
" ah ganun pala.. So, kapag okay ka na.. Ay aalis ka na rin pala dito.. "
" oo ganun na nga... Wala pa naman akong isang taon dito.. Nauna lang ako sayo ng ilang buwan.. Bakit malulungkot ka ba kapag umalis na ako dito?.."
Tanong ni Lucas kay andrea na hanggang tenga ang ngiti nito. Napa ngiti naman si andrea sa tanong sa kanya ni Lucas.
" ma-mimis—?.. hmmm.. "
Tugon ni andrea na nag kunwari pa itong nag iisip kuno.
Habang si Lucas ay napa tigil naman sa pag higop ng kape nito mula sa kanyang tasang naka lapat na sa kanyang bibig. Nag hihintay siya sa susunod na sasabihin ni andrea.
"alam mo sa totoo lang Luke.. Ayaw sana kitang masaktan eh.. P-pero.. Talagang— mami mis kita! Siyempre!" muling saad ni andrea at humagalpak ito ng tawa sa nakikita niyang itsura ni Lucas.
Si Lucas naman ay animo'y nabunutan ng tinik sa dib-dib. Nag buga ito ng hangin mula sa kanyang bibig. At doon lang niya ipinag patuloy ang pag higop ng kanyang kape.
" grabe ka andeng, akala ko wala lang ako sayo.."
"syempre hindi luke.. Ano ka ba! Kapag umalis ka na dito ay mawawalan na ako ng taga libre dito sa canteen.. At tsaka hindi ko na matitikman ang luto ng mommy mo.."
Tugon ni andrea na may ngiti parin sa kanyang labi.
"sagutin mo na kasi ako para kahit wala na ako dito ay matitikman mo parin ang luto ni Mommy.."
"ay grabe siya oh.. Nagmamadali..."
Pagka sabi ni andrea niyon ay sandali siyang nag isip. Gusto niya si Lucas, pero hindi pa siya handa para makipag relasyon. Kapag nagka taon kasi ay si Lucas ang unang magiging boyfriend niya.
Natatakot siya dahil hindi pa naman ganun katagal niyang kakilala ang binata. Oo nga at na meet niya na ang parents nito, pero iba parin na mas makilala niya pa ito ng husto. Natatakot kasi siya na baka masaktan lang siya sa bandang huli. Kaya hindi niya pa balak itong sagutin.
"ah.. Kuwan, kasi luke.. Ang totoo talaga niyan hindi pa ako handang makipag relasyon.. Sa ngayon kasi ang kinabukasan muna ng kapatid ko ang nasa isip ko.. Alam mo naman diba wala na kaming parents.."
Paliwanag ni andrea kay lucas. Ngumiti naman si lucas kay andrea ng marinig nito ang paliwanag ng dalaga. Hinawakan niya ito sa dalawang kamay nito.
" It's ok, I'm willing to wait.. when you're ready to accept my love.. I understand your situation.. Kaya nga gusto kita eh.. Kasi hindi ka tulad ng ibang mga babae.."
"salamat luke.."
Pakiramdam ni andrea ay napapaso siya sa mga tinging ibinibigay sa kanya ni Lucas. Kaya nag pasya siyang magpaalam dito na aalis na siya at pupunta na siya sa opisina ng kanyang boss na si nicko. Napansin niya rin kasi na paubos naman na ang kapeng iniinom ni Lucas.
"I need to go luke.. Sir nicko, might have been waiting for me in the office.. Tiyak na naka simangot na naman yun kapag na late ako.."
Pagdadahilan ni andrea sa binatang kaharap at marahan niyang hinila ang dalawa niyang kamay na hawak parin nito. Parang bibigay na kasi siya kay Lucas. Gusto na niya kasi itong sagutin, at pinipilit niyang pigilan nalang ang kanyang sarili.
Hindi sumagot ang binata sa sinabi ni andrea, ngumiti lang ito sa kanya at tumango.
Agad na rin tumayo si andrea bit-bit ang kanyang bag na naka patong sa lamesa.
Sorry luke.. Pero hindi pa pwede.. Masyado pang maaga.. Sana makapag hintay ka pa..
Bulong ni andrea sa kanyang sarili habang nag lalakad palabas ng canteen. Tumingin siya sa suot niyang relo, may sampung minuto nalang pala ang natitira, mabuti nalang din at nakapag paalam na siya kay Lucas na mauuna na dito.
Nang dumating siya sa opisina ni nicko ay tama nga ang kanyang hinala na dumiretso na ito ng opisina. Narinig niya kasi itong nag sa salita sa loob.
Mabuti nalang at naka upo na siya ng kanyang upuan ng bumukas ang pintuan nito. May hinanap lang itong papeles sa kanya at nang maibigay na niya dito ay muli na itong pumasok sa opisina nito.
Natapos ang araw na yun na hindi na muling lumabas ng opisina nito si nicko. Tinatawag lang siya nito kapag may ipapagawa sa kanya. Nag padeliver lang din ito ng pagkain sa loob ng opisina nito at doon na ito sa loob kumakain.
Si andrea naman ay muling dinaanan ni Lucas sa kanyang table nang sumapit ang tanghalian at maging meryenda ay dinaanan din siya nito at sabay silang kumakain sa canteen.
Halos ala sais pasado na ay hindi parin lumalabas ng opisina nito ang kanyang boss na si nicko. Maya-maya ay nakita niyang bumukas ang pintuan nito, ngunit akala niya ay lalabas na ito upang umuwi.
"You go home andrea... Mamaya pa ako uuwi.."
Saad lang nito sa kaniya at hindi na nito inantay pang sumagot si andrea, agad na itong pumasok ulit ng opisina nito.
Hindi naman magawang maunang umuwi ni andrea dito. Naisip niya kasi ay secretary siya ni nicko, kaya dapat kapag nag over time ito ay hindi niya puwede itong iwanang mag isa, na dapat ay nandoon parin siya kasamahan nito. Naisip ni andrea na mag hanap nalang ng pwede niya pang gawin sa kanyang table.