webnovel

Chapter Nine: Missing the warmth

[SETH'S POV]

Kakarating lang namin ng Dubai at masasabi kong hindi naging tahimik ang buong biyahe ko dahil sa pangpepeste ng mga kumag kong kasamahan.

*FLASHBACK*

"Oh ano na? magkwekwento ka o magkwekwento ka?"- Bryce, Luze and Ian. Napakachismo talaga ng mga ito. Nasa gitna ako nina Bryce-hyung at Ian-hyung kaya naman wala talagang katahimikan ang magiging biyahe ko.

"So nagkita na kayo?"- Pang- uusisa ulit ni Ian na ngiting- ngiti pa.

"Fine. Magkwekwento na. At para sa tanong mo Ian-hyung. Oo na hindi ang sagot."- Napipilitang sagot ko at saka napairap. Tsk.

"Huh? Oo na hindi? Pinagloloko mo ba kami ha maknae?"- Azrael-hyung.

"Okay, okay!. Oo na hindi kasi. . .OO nagkita na kami pero HINDI kasi anino niya lang nakita ko."- Sagot ko.

"Huh?"- sabay-sabay naman silang napa-huh kaya medyo nagulat ako.

Hindi naman kami nababahalang baka may makarinig o kaya may makakila sa amin dahil presidential class ang kinuha namin. Talk about being a black card holder. But hey, ito ang gusto ng mga "asawa" nina Simon-hyung. Dapat nga ipapahiram ng isa sa kaibigan daw nina Mara-unnie yung private jet nila para magamit namin pero tumanggi na kami. Masyado na kaming paVIP pa. Nakakahiya naman sa kanila kahit sabihin pang asawa nila kami ay hanggang 3 taon lang naman ang itatagal nun. Baka makasanayan namin, manibago pa kami pagkatapos. May hiya pa din naman kami.

"Explain."- demand ni Kai-hyung.

"It was last night---"- Hindi pa man ako natatapos sa sinasabi ko ei pinutol na agad nila.

"May nangyari na agad sa inyo kagabi?"

"Naka-ilang rounds kayo?"

"Pinilit mo ba o nagkusa kayo?"

Napapairap na lang ako dahil sa mga pinagsasabi nila. Ibang klase.

"Pwede ba? Patapusin niyo muna ako okay?"- Napapairap na sabi ko. Nang makita kong willing naman silang makinig ay nagpatuloy na ako.

"Good. Unang una sa lahat, WALANG nangyari sa amin, okay?"- Kita ko naman ang pagkadismaya ng mga kumag. Tsk.

"Ang hina mo naman pala maknae. Hahaha."- Asar sa akin ni Azrael-hyung at talagang tinawanan pa ako kaya inaasar na naman ako. Mahina na agad? Hindi ba pwedeng may respeto lang muna? Ayoko naman pilitin ang ayaw nuh!. At dahil sa pang-aasar nila hindi na lang ako magkwekwento. Matutuwa na sana ako kaso inawat na sila ni Kris-hyung at nagdemand sa akin na ituloy ang kwento ko kaya napasimangot ako. Tsk.

"Kagabi umuwi siya sa penthouse. Pinuntahan niya ako sa kwarto. Tulog na ako nun pero naalimpungatan ako ng maramdam ko siya—"- muli na namang naputol ang sinasabi ko ng magreact sila. Konti na lang talaga pag-uuntugin ko na sila. -____-"

"Ginapang ka niya?"

"Woahh!! Agresibo naman pala ei."

At kung anu-ano pa kaya napairap na naman ako. Tsk.

"Gusto niyo pa ba akong magkwento o matutulog na lang ako?"- Masungit na sabi ko kaya tumahimik sila. Seriously? Sino ba mas matanda sa amin? Sila o ako? Tsk.

"Continue."- Daniel.

"Ohh!! Daniel nandyan ka pala? Kala namin naging pader ka na ei. Haha."- Pang-asar ni Bryce.

"Tsk. Sige na maknae. Ituloy mo na para tumahimik na sila."- Pairap na sabi ni Daniel-hyung. Kahit kailan talaga ang tipid niyang magsalita.

"*ehem* yun nga. Umuwi siya sa penthouse kagabi at naalimpungatan ako dahil sa kanya. Muntik na akong magfreak out kasi akala ko magnanakaw pero yun pala siya lang pala yun. Madilim sa loob kasi nga gabi na at nang bubuksan ko na ang ilaw siya namang pigil niya sa akin. Nakiusap siyang wag kong bubuksan kaya ginawa ko kahit gustong gusto ko na siyang makita pero sabi niya hindi pa daw ito ang panahon para makita ko siya. Nagkausap lang kami sandali, ganun. Tapos nung aalis na siya ako naman ang pumigil sa kanya. And blah blah blah."- Ikwinento ko lahat sa kanila ang nangyari kagabi at yung ginawa niyang paghahanda ng almusal para sa akin kaninang umaga. Nakikinig naman sila ng mabuti habang may mga ngisi sa labi nila. Tsk.

"Wow, maknae! Pamysterious naman pala ang wifey mo. Haha."- Natatawang sabi ni Timothy-hyung.

"Pero isa lang ibig sabihin niyan. Malapit mo na siyang makita at makilala. Baka nga nakilala mo na or nakita mo na ei hindi mo lang napansin. Baka nasa tabi-tabi mo lang siya. Kaya ingat-ingat ka. Baka nakakagawa ka na pala ng kasalanan hindi mo pa alam."- Makahulugang sabi ni Ian-hyung na siyang ipinagtaka naming lahat. Kinuha naman niya ang sleeping mask niya at saka siya natulog sa tabi ko. May alam talaga siya ei. Ayaw niya lang sabihin.

At hanggang sa makarating kami ng Dubai ay yun pa ding sinabi ni Ian-hyung ang pinag-uusapan nila. Kinukulit na din nila si Ian-hyung ngunit nananatiling tikom ang bibig niya.

Dumiresto kami ng hotel kung saan kami magchecheck-in. A.M. Condotel ang pangalan ng hotel at isang linggo kami dito at 3 days from now ay ang concert night namin.

Mainit ang ginawa nilang pagsalubong samin na siyang ikinapagtaka namin. Normal naman na maging mainit ang pagtanggap sa amin lalo na kung alam nilang mga sikat kami pero kailangan ba dapat ganito kainit? I mean, kasi parang mga hari ang sinalubong nila ei. Lahat. As in L-A-H-A-T ng staff, mula janitor hanggang sa pinakamanager ng hotel ang sumalubong sa aming lahat at ngiting-ngiti pa talaga.

"You must be Kailer Brown?"- Pagtatanong ng sa tingin ko ay ang hotel manager nang lumapit siya kay Kai-hyung. Tumango lang naman si Hyung pero bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Great. Your wife, Aria Shie Montecillo notify us before hand. That you will be staying in this condotel for a week."- Nakangiti nitong sabi.

"You know my wife?"- Takang tanong ni hyung. Nagtataka din kami kung paano nila nalaman. Medyo na alarma din kami kasi di ba nga hindi pa dapat malaman ng publiko ang ugnayan namin sa mga asawa namin.

"Of course, my lord. THIS Condotel *sabay tingin sa buong paligid* is owned by Ms. Aria Montecillo which is your wife. A.M. Condotel means Aria Montecillo Condominium Hotel."- Nagulat naman kami sa sinabi niya. Just what the hell? Ibang klase.

"And if you're worrying about, us, knowing your relationship with the owner though it's clearly that you're a public figure and having a relationship with a high profiled lady in the society is confidential. Rest assured that we, the whole hotel staff, will keep it a secret as what the owner demand for. We don't want to bump on a hard rock, aren't we? You know what I mean? Your wife is one of the most powerful businesswomen in the world and having any one of them as an enemy is really dangerous. It cost our lives."- Mahabang sabi niya na medyo nahihintakutan pa.

Hindi ko sila masisisi. Mga makapangyarihan naman kasi talaga ang mga napangasawa namin kaya hindi na nakakapagtaka kung madaming natatakot sa kanila.

Inihatid na nila kami sa mga kwarto namin and dude, it's a royal suit. At since Condotel siya may kanya- kanya na din kaming kwarto dun. Pagkakita ko palang sa kama para na akong hinila neto. Kaya dali-dali akong lumapit sa pinakamalapit na kama mula sa pintuan at doon ibinagsak ko ang katawan ko.

"Uyy, hindi ka man lang ba muna mag-aayos ng gamit mo?"- Tanong sa akin ni Simon-hyung. Sila ni Azrael-hyung ang kasama ko sa kwarto.

"Mamaya na. Gusto ko nang magpahinga."- Paungol kong sabi at saka mas isinubsob ang mukha sa unan. Gustong- gusto ko na talagang matulog at magpahinga pero bakit ganun? Parang may hinahanap ako. Malambot naman ang kama pati na din mga unan. Mabango pa at nakakarelax talaga pero parang may hinahanap ang katawan ko. Yung comfort. Hindi ko mahanap yung comfort na naramdaman ko kagabi.

The hell!!. . . I want my wife here. I want her comfort. I want to lay beside her and hug her but she's not here. Mukhang nasanay ako sa hatid niyang comfort at siguradong hahanap-hanapin ko yun bago matulog. At mukhang mahihirapan na talaga akong matulog simula ngayon.

Gee! Kasalanan mo ito ei. Isang gabi pa lang yun pero hinahanap ko na agad. Tama! Matawagan nga. Kinuha ko agad ang phone ko sa bulsa ko at saka tinawagan ang numerong pinantawag niya kanina sa akin. Ilang ring lang ay sinagot naman niya.

"Why??"- Agad niyang tanong sakin. Wala man lang hi o hello? -__-

"Uhmm. . .nothing, I just want to tell you that we're already here. The plane had landed an hour ago and we're resting here in the condo-hotel."- Pag-iimporma ko sa kanya.

"Okay. You take a rest then. You should sleep I know your tired from the long travel."- Malumanay niyang sabi sa akin. I can hear concern on her voice. BUT. . .

"Uhmm. . . That's my ahh. . . problem?"- Nag-aalangang sabi ko. Hindi buo ang boses ko dahil medyo nakasubsob pa din ako sa unan. Nahihiya ako ei.

"And why is that?"- Nagtatakang tanong niya.

"Well, I kinda miss your warmth?"- Nahihiyang sabi ko. Narinig ko naman ang mahihina niyang tawa kaya mas nakaramdam ako ng hiya.

"You want me there?"- Nakakaloko niyang sabi kaya nag-init ang mga tenga ko. Nakakabakla ito ah. Tsk.

"But you have work. Even if I want you here I know you can't come because of your work."- Hiyang- hiyang sabi ko. Nakarinig naman ako ng mga mahihinang tawa sa likod ko at mumunting halinghing na parang kinikiliti. Pagtingin ko nakikinig pala sa akin ang dalawang kumag na kasama ko sa kwarto. Nakalimutan ko nandito pala sila. May maiaasar na naman sila sa akin mamaya. Tsk.

"My, my! My hubby is embarrass? Okay, I'll be there tonight."- Gulat akong napabangon sa kama dahil sa sinabi niya.

"T-talaga?"- Masayang sabi ko.

"Yup. Now rest and wait for me tonight okey?"

"O-okay."- Sagot ko saka naman niya ibinaba ang tawag. Para naman akong baliw na nangingiti dito dahil sa sinabi niya lang na pupunta siya dito mamayang gabi.

"Mukha kang tanga."- Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Azrael-hyung. Kahit kailan talaga panira ng moment ang isang ito. -___- tsk.

Pero teka!. Kung pupunta siya dito ei paano na? may mga kasama pa naman ako dito sa kwarto. Hindi niya alam na may kasama ako. As if namang may gagawin kayong iba maliban sa pagtulog, Seth! Tsk. Pinapagalitan ko na naman ang sarili ko. Tsk.

Napabalik ako sa wisyo ng tumunog ang phone ko. Message siya kaya binasa ko ito. Galing sa asawa ko ang message. Maka-asawa ako eh nuh? Asawa ko naman kasi talaga kahit hindi ko pa siya nakikita.

'I told the A.M. Condotel to transfer you in another room ALONE.'

Ehh? Alam niyang sama-sama kami? Alam niyang may kasama ako? Kung sabagay, sa kaibigan niya ang condotel na ito kaya hindi na siguro nakakapagtakang malaman niya.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan. Si Kris-hyung pala sinasabi niyang may room service sa labas at sinabi netong ililipat daw ako ng kwarto. Buti na lang pala hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko. Umalis na ako sa kama at binitbit ang bagahe ko palabas para sumama sa bell boy at samahan ako sa panibago kong kwarto. Nadaanan ko pa ang mga nagtatakang mukha ng mga kaibigan ko pero hindi ko na lang sila pinansin. Magtatanong din naman ang mga yan kapag magkakasama na kami and besides, alam naman nina Simon-hyung at Azrael-hyung kung bakit ako ililipat ng kwarto ei. Bahala na silang magsabi sa iba. Basta masaya ako ngayon.

Pupunta siya mamaya dito~! ^o^ makakasama ko siya mamayang gabi hehehe. \^o^/ excited na ako. Pero pause muna ang pagsasaya, Seth. What if hindi ko na naman siya makita? What if mararamdaman ko lamang siya ulit? Paano kung anino na naman niya ang makita ko?? Pero okay lang! at least kasama ko siya. Hindi ko siya pipiliting magpakita sa akin kung hindi pa niya gusto. Sabi nga nila, wag mong pilitin ang ayaw, ikaw lang din masasaktan.

i don't know kung may nagbabasa talaga neto o wala ei.. . anyway, kamusta kayong lahat?? ingat ingat ingat kayo since ndi pa natatapos ang pandemic na ito.. .

Angel_Zabalacreators' thoughts