webnovel

Chapter 11

Please be with me...

"Alyssa..."

Naririnig ko ang boses na iyon at hindi ko alam kung saan galing. Napakadilim, sobrang dilim.

Am I already dead?

Ganun na ba matatapos ang lahat?

Tama na ba lahat ng nagawa ko?

I still wanted to be with you. I want to be there and see you grow old. I want to see your hair turn grey.

Gusto ko makita kung paano ka maging isang mabuting ama at asawa. Pero sa tingin ko tatanawin ko na lang iyon mula sa langit.

Pwede ba?

Imulat ko ang mga mata ko kahit isang oras lang? Gusto ko siyang mayakap kahit isang beses lang.

Sa dilim na akong nakikita ay tanaw ko ang isang babaeng nakaluhod at umiiyak. Gusto ko siyang patahanin pero bakit parang hindi ko magalaw ang katawan ko. Tila ako ay nanunuod nalang ng isang palabas.

Hindi nagtagal at naaninag ko rin ang mukha niya at kitang kita ko ang sarili ko na parang nananalamin.

I am crying ang begging for me to live. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa nakikita ko ngayon. Ang babaeng ito.. Na tila nawawalan na ng pag-asa sa buhay ay hindi matanggap ang kaniyang patutunguhan.

Gusto ko lumabas dito! Ayaw ko dito! Pilit kong subukang sumigaw ngunit walang bakas na boses ang aking marinig.

"alyssa! Oh my god! Please anak stay awake. Wag mo kaming iwanan ng ganito!" rinig kong sigaw ni mommy

Kailangan kong malaman kung saan galing ito ngunit hindi ko makuha ang mendahe ng malinaw.

"please gumising ka na." sevi! Andito ako! Aalis ako! Hintayin niyo ako.

Narinig ko ang boses ng daddy ko, sina rainne, kate at yanna.

Pare pareho silang umiiyak at tinatawag ako. Pilit kong hinahanap ang daan para makaalis dito.

Pero isang boses ang tuluyang nagpalinaw ng lahat...

"please... I still want to see you smile." - kyle

Iminulat ko ang aking mata at napakaliwanag na ilaw ang agad dumapo sa aking mata. Malabo ang mga imahe ngunit kitang kita ko ang paglapit ng isang babaeng naka kulau puti. Tita faith? Wala naman sa pilipinas si tita faith. Am I in states again? Paano ang mga kaibigan ko sa pilipinas? Si kyle?

"hey... Do you hear me?" tita faith ask

"y-yes tita, Clear. " sabi ko para iparating na maayos at malinaw ko siyang naririnig.

Nakita ko sa kaniyang gilid si mommy na umiiyak habang nakayakap kay daddy.

Pagkatapos akong tignan ni tita faith humarap siya sa mga magulang ko at tinapik si daddy sa balikat

"she need to rest. She knows her limitation and you don't have to tell her. Enjoy the remaining time with her. Show her the happiness she deserves." sabi ni tita. Tumanggo si daddy habang umiiyak pa rin si mommy

At that moment, I knew hindi na ako magtatagal. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nagising ako at buhay pa rin.

Lumapit si daddy at mommy sa akin. Hinaplos ni daddy ang nuo ko pataas sa aking buhok.

"Do you feel fine anak? Is there something you need?" malungkot na sabi ni daddy

I gave him my sweetest smile. And with that, i saw a drop of tear falling from his eyes.

"your smile is very genuine anak. Like how you smile at me everytime I'll be going home from work when you are young." sabi ni daddy

"I hope we can turn back time, daddy. Nung isinayaw mo ako nung 18th birthday ko, yung kulitan natin habang nanunuod ng paborito mong basketball game, yung pang-aasar mo tuwing umaga, yung pagbibigay mo ng gamit na hindi ko naman hinihingi, at kung paano mo ka pumasok gabi gabi sa kwart ko para i-goodnight kiss ako tuwing akala mo tulog na ako." bahagyang tumawa si daddy at hinalikan ang nuo ko

Tuminggin ako kay mommy at nginitian siya. Mommy is the weakest. Everytime bad thing happens to me, she is always the number one person who starts to cry.

"I love you anak. Mahal na mahal kita. Nung araw na unang beses kitang nakita, I knew you will be lovely. I saw how you became a lady even if you're in pain. Nakita ko kung paano ka naging wise sa mga disesyon mo at sobrang proud ko doon. I know napalaki kita ng tama dahil doon. You will always be our little princess anak." mommy manage to talk kahit na iyak lang siya ng iyak.

"thank you mommy. For supporting me sa lahat ng desisyon ko. Thank you sa paglalaan ng oras para sa akin kahit na sobrang sikip na ng schedule niyo. Salamat po sa lahat ng brownies, cakes, cookies, cupcakes na ginawa niyo para sa akin. Salamat po sa lahat ng hirap niyong dalawa" tuminggin ako kay daddy "pasensya na po sa lahat ng pain I caused you these past years. Alam ko nahihirapan na kayo sa akin dahil sa kalagayan ko. I love you both and you will always be the best mommy and daddy." I kiss them both at niyakap. I want to treasure this moment. Gusto ko sa mga natitirang araw, linggo, buwan ko dito sa mundo ay maibigay ko ang pagmamahal na nararapat sa mga taong ito.

We stay silent for about an hour bago ko itanong kung nasaan ang mga taong kasama ko bago ako mawalan ng malay.

"my, dy, Where's Sevi? Yanna? Kate? Rianne? And..." hindi ko maituloy ang huling pangalan na gusto kong sabihin dahil baka hindi pa nila ito nakita

"kyle." daddy said. Medyo nagulat ako dahil sigurado ako na alam na nila akong dahilan ng pag atake ko

"we are back here in states anak. Sevi is here bago ka nagissing at umuwi saglit. Yanna, kate, and rianne are in our house. Dito muna sila mamalagi sa states para makasama ka. They wanted to be with you after all those years. And kyle..." sabi ni mommy sabay tinggin kay daddy

Hindi na natapos ni mommy ang sasabihin niya nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at humarap sa akin ang taong kanina ko pa hinahanap.

I saw how his eyes turn sadder when our eyes meet. He slowly walk towards me. My parents smiles at me bago lumabas ng kwarto at hauaan akong iwan kasama ang lalaking pinakamamahal ko...