Astraea's POV
Nagising ako ng dahil sa gutom. Hindi ako kumain ng lunch o dinner man lang kahapon. I didn't bother to eat even though gutom ako kagabi. Nagpadala din kasi ako sa pagod at antok matapos kong umiyak.
Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo. Hindi ako binangungot kagabi kaya nakakapanibago but I had this dream and Yaeruz is in it. I almost thought that it's real dahil sobrang smooth nung panaginip na para talagang totoo. The surroundings are the same plus the people on the cafe are on it too.
Pumasok ako sa sliding door at binuksan ang shower. Sinarado ko iyon pagkatapos.
I wish that Yaeruz would really do that. I'm waiting. I'm still waiting.
Halos madulas ako sa sahig ng bumukas ang pinto ng banyo ko pero agad akong napahawak sa pader at ang kabilang kamay ko naman ay pinangtakip ko sa katawan ko as if macocover nito lahat ng iyon.
"What the hell? Sino yan?"
Hindi ko makita ang nasa may pinto dahil sobrang blurry ng sliding door dahil sa pagmomoist gawa ng mainit na tubig na lumalabas sa shower.
Wala akong natanggap na sagot kaya pinatay ko ang shower. The maids won't even dare to go in my room dahil baka mapagbuntungan ko ng galit ko. Kakatok sila pero may taong nagtangkang mangahas na pumasok ng kwarto ko at pinasok pa ako dito sa banyo.
"Who the hell are you?! Are you one of Caeruz puppets?! Kapag nalaman ko kung sino kang manyak ka, papatayin talaga kita!" Sigaw ko. Unti unti ng nawawala ang pagkablurry ng salamin at unti unti ko ng nakikita ang pigura ng taong nasa may pinto.
Agad namang sumama ang mukha ko nang malaman ko kung kaninong katawan iyon.
"What the hell are you doing here?! Can't you see I'm stil-" I was cut off by his soft laugh.
"You look so hot." Nang tuluyan ng mawala ang pagkablurry ng salamin ay nakita ko na siya ng maayos. He was smirking and his eyes were locked on my body.
"You maniac! Pervert! Fucker! Whatever you are! Get out!" I hysterically shout out of nervousness. Binuksan ko ang shower para magmoist ulit ang salamin at para na rin hindi ko na makita ang itsura niya ngayon.
I heard his manly laugh then later on the door closed. Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pagshashower.
Napatili ako ng biglang bumukas ang sliding door. Agad kong pinaghahampas si Caeruz nang papasok na ito sa shower area ngunit hindi ako nagtagumpay paalisin ito sa kahahampas lang. Hindi siya natitinag at tatawa tawa pang pumasok sa loob at nagbasa rin.
"What the fuck are you doing!? Maniac! Perver- ouch!" Sinandal niya ako sa pader. He's not wearing any shirt and only his boxer short. Sinamaan ko siya ng tingin at tinakpan ang katawan ko.
"I've already saw every part of it." Natatawang bulong niya. Nangilabot ang katawan ko sa bulong niyang iyon dahilan para samaan siya ng tingin.
"Maniac." Bulong ko at kahit sobrang lapit niya ay nilalayo ko pa din ang katawan ko sa kanya.
"So I'm a maniac now? What? Your maniac, pervert or your fucker husband?" Nang-aasar nitong sabi. Ano bang nakain nito at ako ang minamanyak niya? Ang dami dami niyang ibang babae tapos ngayon ako ang pagdidiskitahan niya.
"What do you want? Fuck off! Do you really want to get killed?!" Sigaw ko sa mukha niya. He smirked at medyo inilayo ang kanyang mukha ngunit nang matapos akong magsalita ay inilapit niya sa may tainga ko ang kanyang bibig.
"I want you."
Natigilan ako at kung ano ano ang biglang pumasok sa utak ko. Ito na ba ang kinatatakutan ko? Na ako naman ang gawin niyang isang nakakadiring babae?
Akala ko ba wala siyang balak na ganituhin ako? Bakit parang sisimulan na niyang babuyin ako at dagdagan na naman ang paghihirap ko.
Naramdaman kong bumaba ang kanyang mukha then he started to plant small kisses on my ear. Nagtayuan lahat ng balahibo sa katawan ko at dahan dahang inilalayo ulit ang katawan ko sa kanya ngunit walang silbi iyon, patuloy lang siyang lumalapit sa tuwing lumalayo ako.
Nagsimula ng gumala ang halik niya papunta sa panga ko at pababa sa may leeg.
Nang maramdaman kong pababa pa iyon ay nagsimula ng pumatak ang mga luha sa pisngi ko. Sumasabay sa tubig na patuloy na bumabasa sa amin parehas.
"Caeruz stop." Mahinang bulong ko at tuluyan na ngang dumako ang halik niya sa isang bundok ko. Mabilis niyang inilipat ang halik sa mga labi ko kaya tinulak tulak ko siya pero hindi pa rin umuubra iyon dahil sa lakas niya.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak at humikbi habang hinahalikan niya ang labi ko. Sa tinagal tagal naming kasal ngayon niya lang hinawakan ang katawan ko.
Bigla siyang tumigil kaya nagkaroon ako ng tyansang matulak ulit siya. Tiningnan niya agad ang istura ko at parang binusan siya ng malamig na tubig. Natigilan kasi ito at mukhang ngayon lang nagsink in ang kahayupang ginagawa niya.
Hindi ako nagdalawang isip na sampalin siya agad. Tumagilid ang ulo niya dahil doon then he clenched his jaw. Mukhang hindi natuwa sa ginawa ko. Ano ba sa tingin niya magiging reaksyon ko? Magcelebrate sa sobrang tuwa?
"Gago ka talaga." Humagulhol ako at tinakpan ulit ang katawan ko.
Hinarap niya ang kanyang mukha sa akin. His face darkened. "Go clean yourself up. You'll be back on work again." Tinalikuran niya ako at malakas na sinaraduhan ang sliding door.
Napapitlag ako at inaakalang mababasag yun dahil sa sobrang lakas ng pagkakasara niya. Rinig kong bumukas ang pinto ng banyo at sinaraduhan niya ulit yun ng malakas.
Tuluyan ng lumakas pa ang hagulhol ko ng makaalis siya. Nilakasan ko lalo ang shower, kinuha ko ang loofah at nilagyan yun ng maraming sabon tsaka ko kinuskos ng kinuskos ang mga parte kung saan niya ako hinalikan. Hindi ako tumitigil sa kakakuskos hanggang sa maramdaman kong humahapdi na iyon. Patuloy lang din ang mga luha ko sa pagtulo.
Nang hindi pa din ako masatisfied sa paliligo ko ay umulit ulit ako at halos itaktak ko na yung liquid soap sa katawan ko.
Nang matapos naman ako ay tinuyo ko agad ang basang basa kong katawan at ulo. Nagblower pa ako dito sa banyo at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Mugto ang mga mata ko at pulang pula ang kanang parte leeg ko pababa sa may dibdib ko. Pinigilan ko na namang umiyak ulit at lumabas na ng banyo para magbihis.
Nagbihis ako ng pang-alis at hindi ako nagformal dahil wala pa akong balak bumalik ng trabaho. Pupunta ako kela Ashia at doon muna ako. Wala akong pakielam kung magalit man sa akin si Caeruz at wala din akong pakielam kung ikulong na naman niya ako.
Buo na ang pasya ko, na aalis na ako dito at tatakas at tatakas ulit ako kapag kinulong niya ako dito sa bahay.
Nag-impake ako agad at inilagay sa maleta ko ang mga damit ko. "Where do you think you're going?" Pumasok si Caeruz sa kwarto ko at agad lumapit sa akin at inilayo ako sa maleta ko.
"Ano ba Caeruz! Nasasaktan ako!" Hinigit ko ang braso kong mahigpit niyang hinahawakan.
"Ano? Lalayasan mo ko? Bakit? Sasama ka na dun sa kapatid ko?!" Galit niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ba sa tuwing aalis ako at lalayas ako dito sa punyetang bahay na to laging nadadamay si Yaeruz?!" Sigaw ko sa kanya.
"Eh bakit? Wala namang ibang dahilan kung bakit gustong gusto mong umalis dito diba? Alam naman ata ng lahat na kating kati ka ng makasama yung kapatid ko!" Sagot nito.
"Siya lang ba talaga ang dahilan kung bakit ako lalayas dito! Ba't hindi mo tanungin yang sarili mo kung bakit gustong gusto ko ng lumayas sa pamamahay na to!" Umatras ako at bumalik sa closet ko at kumuha ng sobrang daming damit doon at pinagsasalpak sa maleta lahat.
Hindi na siya nagsalita pa. Ramdam kong nakatingin lang siya sa akin at pinanonood ako. Mukhang natauhan at pinapayagan na akong lumayas sa pamamahay na to.
"Believe me, you'll come back here." Umalis siya at pinagbagsakan ako ng pinto. Patuloy ako sa pag-iyak at sa paglalagay ng damit sa dalawang maleta ko.
Biglang bumukas ulit ang pinto kaya napalingon ako doon at nakita kong pumasok si manang.
"Naku ma'am Astraea! Nag-away na naman kayo ni Sir." Dali dali itong lumapit sa akin at chineck ako. "Ano po bang nangyari at ganyan ang itsura niyo."
Hindi ako sumagot at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Habang nilalagay ko ang mga damit sa maleta ay inaalis ni manang iyon at pinapatong sa kama at tinutupi ng maayos.
"Manang ayoko na po rito. Gusto ko na pong umalis, hindi ko na po talaga kayang sikmurain ang mga pinaggagagawa sa akin ni Caeruz." Reklamo ko.
"San po kayo ngayon tutuloy niyan? Paano po kayo?" Tumingin ako kay manang at nag-aalala siyang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako ng mapakla at pinagpatuloy ang pagkuha ng mga dami sa closet ko.
"Paano po si Sir?" Napatingin ako sa kanya sa tanong niyang iyon.
"Kaya na ho niya ang sarili niya. Malaki na po iyon at kahit naman ho nandito ako o wala ako, wala naman pong pinagkaiba e." Naupo ako sa kama ng marealize kong bumabagal lang ang pagiimpake ko dahil tinutupi ni manang lahat ng damit ko at nilalagay ng maayos sa maleta ko.
"Ma'am Astraea ako na ho ang humihingi ng tawad para kay Sir. Sa kung ano man hong nagawa niya sa inyo at patuloy niyang ginagawa. Hindi naman ho kasi ganyan dati yan at hindi din ganon ang ugali noon."
Hindi ako sumagot at kinuha ang phone ko tsaka tinawagan si Keia ngunit hindi ito sumasagot kaya si Ashia naman ang tinawagan ko.
"Hello?" Bungad nito.
"Ashia." Tawag ko sa kanya.
"Bakit? Teka, umiiyak ka ba Astraea? Bakit ganyan yang boses mo?" She asks.
Ngumiti ako ng mapait. "Can I stay at your condo? I'm leaving Caeruz for good." Hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Huh? What do you mean? Anong nangyari?"
"I'll tell you later and I really need a place to stay right now."
"Oh siya sige sige. Where are you ba? Susunduin kita."
"I'm at my house. Can you make it faster? I really don't want to stay here anymore."
"Sige sige. I'm on my way. Hang in there ha." She ended the call right away. Samantalang ako ay naupo sa dulo ng kama at tinitingnan lang si Manang at pinanonood kung paano niya tupuin ng maayos ang mga damit ko at ilagay sa maleta.
Tumigil na ako sa pag-iyak at pinunasan ang pisnge ko. I'm leaving here for good.
***
"Oh buti hindi ka pinigilan ng asawa mo?" Binuksan ni Ashia ang pinto ng kanyang condo at tinulungan niya akong ipasok ang mga dala kong maleta.
"I don't know. Maybe he finally realized his mistakes." I answered.
"I called Keia on my way to your house at sinabi niyang dadaan daw siya dito mamaya para icheck ka. Hindi daw siya makaalis ngayon kasi may importanteng lakad daw siya."
Tumango tango ako at itinabi sa gilid ang maleta ko. "Ashia, sorry to trouble you ha. I'll find a hotel tomorrow para hindi ako makaabala sayo dito."
"Ano ka ba naman Astraea. You're always free to stay here atsaka feel at home ka lang. Wala din naman ako dito minsan kasi nagi-stay ako sa office at dun na ako nagpapalipas." Tumango tango ulit ako at umupo sa couch, ganoon din siya.
"Eh di ba inimbita ko kayo ni Keia next week dito sa condo ko? Hindi ka na pala magpapaalam sa asawa mo e." She joked pero hindi ako natawa at tiningnan lang siya. Ngumuso naman ito.
"Hey! Don't be like that, ayokong sa tuwing nakikita kita ganyan yang istura mo." Turo niya sa mukha ko.
"What? What do you mean? What's wrong with my face?" Naguguluhan kong tanong at hinawak hawakan pa ang mukha ko.
"What do you mean, what do you mean ka dyan. Look at you! Para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Umayos ka nga Astraea. Cheer up!" Napangiti na lang ako. So pinapagaan niya pala ang loob ko? Napailing iling ako. Bakit ganoon pa ang banat niya kanina.
"Yan! You look more beautiful! Rule number 1 ko yan sayo kung dito ka magi-stay sa bahay ko. Ayokong nakikitang malungkot ka o parang pinagsakluban ng langit at lupa. Pinakaayaw ko ang kanegahan dito sa pamamahay ko dahil mamalasin ako."
"Naku! Akala ko ba ayaw mong magmukhang chinese ka? Bakit parang gumagana na ang pagkadugong chinese mo." Loko ko dito.
Natawa ito. "Lahat nagbabago." Pinaningkitan ko ito ng mata dahil mukhang tuwang tuwa siya sa sinasabi niyang nagbabago siya.
"So gusto mo ng magmukha kang chinese ngayon ganon? Bakit? Kasi chinita at ang ibang jowa ni Kuya Xyron e may lahing chinese?" Agad itong ngumuso at sinamaan ako ng tingin.
"Tigilan mo nga ako. May lahing chinese naman ako ah. Hindi man ako chinita o half chinese atleast ako ang pinakamagandang naging jowa ni Xyron." Pagmamalaki nito sa sarili niya. Napailing iling na lang ako.
"Ikaw ang tumigil. Para kang teenager kung lumovelife, ang tanda tanda mo na. Why don't you try to settle na? Okay na naman trabaho mo ah atsaka sigurado akong malaki na din ang naiipon mo." Kita ko ang pag-irap nito ngunit mukhang hindi para sa akin ang irap na yun.
"Oh what's wrong? Bakit umiikot na lang yang mata mo bigla?" Tanong ko dito.
"Xyron doesn't want to settle pa. He is still busy making money and fullfilling his dreams." Sagot nito.
"Oh? Edi mag-intay ka. Mukhang hindi pa naman pala handang matali si Kuya e. Ayos lang yun mukhang pinag-iisipan pa niyang mabuti e. Mahirap nga namang biglain baka magaya kayo sa amin." Paliwanag ko dito.
"Eh ilang taon na din naman kasi kami atsaka lahat ng friends ko e engage na o kaya kasal na. Pakiramdam ko nga napagiiwanan na ako e." Dahilan nito.
"I just told you to try but I didn't said to rush things."
Ibinato ko ang square pillow sa kanya at sakto namang tumama iyon sa kanyang mukha. Natawa ako dahil agad napalitan ng naiinis na mukha ang kaninang nagdadrama niyang mukha.
"Yan! Mas bagay sayo kapag ganyan ang itsura mo. Pag-isipan mo yung sinabi ko ha." This time ay ako na ang inirapan niya at binato sa akin pabalik ang unang binato ko.
Tumayo ito kaya tumayo rin ako. "Let's fix your room and your things." Tumango tango ako dito at kinuha ang dalawang maleta ko at sumunod sa kanya.
"I really like your condo. How much did you bought this?"
"I forgot. But I guess almost 3 million or 4 million rin kasama na yung furnitures and appliances." Sagot nito at binuksan ang isang kwarto.
"You'll stay here and sa kabilang pinto lang yung kwarto ko. Come in." Tinulungan niya akong ipasok ulit ang maleta ko. Nilagay namin yun sa tabi and she show me around.
"This is a spare room. Walang nagamit nito at kapag may bisita lang ako tsaka to nagagamit. Kung pinaplano mo namang umalis pa din dito at rumenta ng hotel e huwag mo ng subukan. Libreng libre lang dito at di ka na gagastos ng malaki pwera na lang sa pagkain kasi hindi ako naggogrocery kasi most of the time ay sa labas ako nakain." Mahabang litanya nito.
"You always go out ba with Kuya Xyron?" Tumango tango ito sa tanong kong iyon.
"Lagi niya akong dinadala sa mga restaurants kaya hindi na din ako nag-aabalang maggrocery pa kasi lagi niya akong pinapakain."
Biglang pumasok sa isipan ko ang trabaho ko.
"Can I still work pa kaya sa company? I left tapos dun din ako magtatrabaho kasama siya, anong sense pa ng paglayas ko di ba?"
"It's still your father's company right? Atsaka ang akala ko ba vp ka?"
"Ewan ko ba! Gulong gulo talaga ang isipan ko ngayon." Umiling iling ako at pumikit pero nagmulat din ako ng magsalita ito.
"Pwede ka naman sigurong magleave doon. Huwag ka munang magtrabaho kung magulo pa yang isipan mo. Remember hindi ka niya dapat pagtatarabahuhin ngayong linggo kaya don't yah worry and I think your husband can handle it naman." Pagpapagaan na naman nito ng loob ko. Ngumiti ako at naupo sa kama.
"Tutal mukhang hindi ka naman papayag na umalis ako at maghotel then I guess I'll stay here for good atsaka for sure kapag nalaman din ito ni Keia e sa bahay niya din ako patitirahin. You said na you don't do groceries right? I'll grocery for the both of us and I'll pay for that kahit ayun na lang ang maibayad ko sayo sa pagpapatira mo sa akin dito sa bahay mo and I'll cook too." Agad sumilay ang matamis na matamis na ngiti sa mga labi ni Ashia. Mukha siyang nanalo sa lotto na ewan.
Dahil sa saya at pagkaexcited nito ay halos siya na ang naglinis at naglagay ng damit ko sa closet. Hindi ko naman siya mapigilan dahil desididong desidido talaga siyang dito ako titira at pinal na ang lahat.
Mukhang hindi na din ako pwedeng magback out dahil grabe talaga ang effort at saya niya habang naglilinis siya.
Kahit konti ay nakalimutan ko si Caeruz kahit papaano. Ashia still doesn't know na kaya ako umalis ay dahil sa kademonyohan ni Caeruz.
And I don't plan telling her about it, even Keia. Hindi naman na nila kailangan pang malaman. Baka nga isipin pa nilang mag-asawa naman kami ni Caeruz at okay lang naman ang ganon pero kasi hindi ko naman nakikita bilang asawa si Caeruz lalo na sa mga pinaggagagawa niya.
Kahit naman ata sinong babaeng ang nasa kalagayan ko ganoon din ang mararamdaman. Kung sino sino ng babae ang nakalaguyo niya tapos kung kelan niya maisipan at gustuhin na makipagsiping sa akin tsaka na lang siya makikipagsiping? Ano siya hibang?
"Hey! Natahimik ka na dyan? Are you okay? Inaalala mo na naman ba yang asawa mo?"
Nilingon ko si Ashia. Pawisang pawisan na ito at mukhang pagod na din sa paglilinis. Agad ko naman itong nilapitan at kinuha ang buhat buhat nitong kahon.
"I'm okay. I just remembered something. Laksan kaya natin yung aircon, mukhang init na init ka na e." Kinuha ko ang remote ng aircon sa may bedside table at nilakasan iyon.
"Thank you talaga Ashia." She smiled and just playfully wiggle her eyebrows at nagpatuloy lang sa paglilinis.
I'm really thankful that I have friends like this. Pwede ko silang takbuhan sa tuwing kailangan ko ng tulong at nandyan agad sila at handang handang tulungan ako.
Bumalik ako sa paglilinis at sa pag-aayos ng gamit. Nakakahiya naman kung si Ashia pa ang gagawa non e pinatuloy na nga niya ako sa bahay niya.
***