Nakabalik na kaming lahat ng Manila at syempre si Ashia tsaka Keia ay bumalik na sa kani-kanilang trabaho. Hindi kasi talaga natuloy ang plano naming bakasyon ng isang linggo sa Quezon Province.
Samantalang si Caeruz naman ay nasa Japan ngayon. May business meeting siya doon at pagtapos nito ay didiretsong Singapore for another business meeting.
Tight ang schedule niya ngayon kaya umaasa akong hindi siya agad makabalik ng Pinas ngayong linggo. Ayoko rin kasing pinakikielaman niya ako sa kahit anong gawin ko sa buhay.
Supposedly kasa-kasama niya ako dapat ngayon sa mga business meetings na dadaluhan niya ngunit dahil sa parusang ibinigay niya sa akin ay nandidito ako sa bahay at isang linggo hindi magtatrabaho.
Bawal akong lumabas ng hindi nagpapaalam sa kanya at kung makakalabas pa ako ng bahay ay kailangang magsama ako ng driver.
Madami na namang gwardya ang nakapalibot sa buong bahay at paniguradong lahat sila ay binabantayan ako. Akala talaga ni Caeruz tatakasan ko siya?
Been there at hinding hindi ko na uulitin yun. Mas lalo lang madadagdagan ang parusa ko pagnagkataon. Ayoko pa namang tumambay at humilata dito sa bahay buong araw.
"Ma'am Astraea may bisita po kayo sa baba. Si Ma'am Ashia po." Patuloy sa pagkatok si Manang sa pinto ng kwarto ko.
Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga at pinagbuksan ito ng pinto.
"Bakit daw po?"
"Hindi ko po akam Ma'am e. Hinahanap kasi kayo." Tumango tango ako at tiningnan ang itsura ko.
"Sige po, pasabi na lang po magbibihis lang ako at bababa na rin."
"Okay po Ma'am." Umalis na ito. Sinarado ko naman ang pinto at pumili ng maayos na damit sa closet ko.
Bumaba agad ako nang makuntento ako sa napili kong damit. Agad namang sumunod sa akin ang gwardyang nagbabantay sa may kwarto ko kanina.
Hinarap ko ito at sinamaan ko ng tingin. "Hindi ho ako tatakas." Hindi naman ito nagsalita at tinitigan lang ako. Napailing iling na lang ako at tuluyan ng bumaba.
Nang makalapit ako kay Ashia ay kita ko agad ang naguguluhan nitong mukha.
"Anong palabas to Astraea Blaire?" Nagkibit balikat ako at naupo sa sofa. "Ang daming nakakalat na guards sa labas miski dito sa loob ng mansyon niyo." Dagdag nito at tiningnan ang mga gwardyang nakakalat dito sa sala.
"Takot na takot ata yang si Caeruz na layasan ko siya." Wika ko at sinenyasan si Manang na pinapanood kami.
Lumapit naman ito sa akin. "Ma'am bakit po?"
"Bring us food and drinks here po." Tumango tango ito at tumungo sa diresyon ng kusina.
"Hindi ka raw nauwi sa mansyon ng mga Crius?" Naupo din si Ash sa sofa at tumabi sa akin.
"Wala akong oras. Atsaka simula nang ipakasal ako ng Mom kay Caeruz ay hindi na ako nito pinayagan pang bumalik ng mansyon."
Agad naman akong tinaasan nito ng kilay.
"Don't tell me pabor siya sa pinaggagagawa sayo ni Caeruz? Panigurado akong alam niyang si Tita na babaero yang asawa mo at laging nagdadala ng babae dito sa bahay niyo."
"I don't know. Naisip ko na rin yan but what can she do? Kasal na kami ni Caeruz at hindi niya naman kayang siya ang maghandle ng company."
"Ano ka ba naman Astraea. Marami kang pinsan na pwedeng maghandle niyang company niyo, yung mga kapatid ng Dad mo. For sure kayang kaya nila ihandle yun at mas may mga experience yun kesa dyan sa asawa."
"So what are you saying? Gusto din ni Mom yung mga nangyayari sa akin?" Hinilot hilot ko ang sentido ko, tapos na kasi akong isipin ng isipin ang mga bagay na ito.
"I don't know. Ang sa akin lang naman, kung ako ang nanay mo hindi ko hahayaang ganyan ang nangyayari sayo. Isa pa simula't sapul hindi na naman ikaw ang gusto niyang nanay mo kundi yang si Asy e." Narinig ko ang huli niyang sinabi pero hindi ako nagreact at tinitigan lang siya.
"Ashia, ayan lang ba ang pinunta mo dito? I really don't want to stress myself right now you know." Umayos ako ng pagkakaupo ng dumating ang pagkain na dala dala nung kasambahay. Ipinatong iyon sa coffee table.
"Umm yes and no." She paused. "Lagi ko kasing naiisip ang sitwasyon mo nitong mga nakaraang araw at nababaliw na ako sa kaiisip ng mga posibleng tumulong sayo para makaalis ka sa sitwasyong ito. But sadly they didn't even help you."
"And nope I didn't come here just because of that." Lumapit ito sa akin at bumulong.
"Nasa labas ngayon si Yaeruz. Nasa kotse ko siya." Agad akong lumayo dito.
"What do you mean? Why did you bring him here? Kapag nalaman to ni Caeruz baka masintensyahan na naman ako at dagdagan pa ang pagkakakulong ko dito or worst ikulong niya na naman ako dito ng taon." Mahinang sabi ko dito at halatang halata ang irita sa boses ko.
"Calm down Astraea. Hindi ko naman kasi alam na ganito pala kadami ang guard dito sa mansyon niyo edi sana hindi ko na isinama si Yaeruz. Atsaka mapilit yung tao, gusto ka raw makausap at tinatanong din ako kung bakit hindi ka daw dumalo sa opening nung resto niya. Aba! Malay ko ba din di ba kung bakit hindi ka umattend." Mahabang litanya nito.
Napailing iling ako. "Just don't let the guard see him. For sure alam nila ang mukhang yun at sinabi din sa kanila ni Caeruz na bawal yun dito sa bahay at bawal akong makipagkita doon."
"I know. Sinabihan ko na din naman ang ex mo na huwag ng lumabas ng kotse at ako na lang ang kakausap sayo."
"Kelan mo pa nalaman kung saan ako nakatira?"
"Nope I don't know. Yaeruz lead the way, he knew where Caeruz live."
"Does he know that I'm here?"
Umiling iling ito. "He doesn't. Hindi pa nga kami sure kung nandidito ka talaga, nakumpirma ko lang nung tinanong ko yung kasambahay. Ayaw pa nga akong papasukin kanina but when I told them na I'm you pretty bestie, they let me in." Lumayo na ito sa akin ng kaunti at lumapit sa coffee table at kinuha yung platitong may lamang cake.
"Alam mo pansin ko sayo, hindi na ikaw yung dating Astraea na kilala ko."
"What do you mean?"
"Last time nung dun sa cafe, akala ko wala kang pinagbago pero nitong mga nakaraang araw kasi napapansin kong hindi ka na ganoong kadaldal at kamasiyahin."
"Alam mo naman ang dahilan e." Walang gana kong sagot dito.
"Are you always like this? Ang nega nega mo na and look at you! Ang dalang dalang mo ng ngumiti girl!"
Dahil sa sinabi niyang yun ay nginitian ko siya pero ramdam kong alam niyang peke ang mga ngiting yun.
"Wag ka ngang ngingiti kung peke din naman. It's kinda annoying." Ngumiwi ito at pinanliitan ako ng mata.
Natawa ako dahil sa itsura niya, dahilan para mapangiti ito.
"Ayun! I miss that laugh Astraea." Tumigil naman ako sa pagtawa at napailing iling na lang.
"Oh siya sige. Aalis na ako. Kanina pa bukas ang makina ng sasakyan ko baka mamaya madiskarga pa yun. I'll go ahead." Ipinatong niya ang platitong hindi niya pa nagagalaw.
Akala ko nung inabot niya ito kanina ay kakainin niya na ito hindi pala. "I don't like sweets Astraea Blaire, atsaka nagdadiet ako baka mamaya hindi na ako magustuhan ng pinsan mo e." Tumawa pa ito pero hindi ako nagreact at tumayo na. Tumayo na din naman ito at inayos ang dress niyang suot.
"Pinasok mo ba yung sasakyan mo sa loob?" I asked.
"Kanina pero nilabas ko din nang mapagtanto kong napakarami palang gwardyang nakakalat sa loob." Naglakad kami patungo sa front door.
Lumapit ito sa akin at nakipagbeso. "Bye Astraea Blaire. See you next week kung makakapunta ka sa condo ko."
"I'll make sure na I'll be there. Ingat ka sa pagdadrive mo ha." Kumaway ako dito at ganon din siya. Tuluyan na itong lumabas ng front door kaya naman tinawag ko si Manang at pinaligpit na ang coffee table.
Ngumiti ako ng mapakla at umakyat na sa kwarto ko.
***
"Alam mo Caeruz ilang beses na kitang pinagsabihan na hindi maganda na kinukulong kulong mo yang asawa mo sa bahay niyo." Pumasok ang kanyang kaibigan sa loob ng suite na tinuyuluyan niya ngayon sa Japan.
Walang imik si Caeruz at hindi man lang nilingon ang kaibigan. Nakatitig lang ito sa labas ng bintana at animoy malalim ang iniisip.
"Hey! Caeruz? Are you okay?" Hindi pa rin nito pinansin ang kaibigan na patuloy kinukuha ang kanyang atensyon kaya nilapitan na ito ni Vaughan.
"What?" Iritang tanong ni Caeruz ng tuluyan ng makuha ni Vaughan ang atensyon nito.
"I'm talking to you. Why are you spaced out man?"
Hindi agad nakasagot si Caeruz at taimtim lang na nakatingin sa labas ng bintana. Nang makuha na nito kung bakit nga ba siya lutang ay sinabi niya naman agad sa kaibigan.
"Baka kasi tuluyan na akong iwan ni Astraea kapag nagkita na naman sila ni Yaeruz e."
Natawa si Vaughan sa sinabi ng kaibigan.
"Paanong hindi ka iiwan ni Astraea, Caeruz naman tingnan mo nga yang ginagawa mo sa tao. Kinukulong mo na naman." Hinarap ni Caeruz ang kaibigan at pinandilatan ng mata pero agad ding binalik ang tingin sa bintana.
"Wala na kasi akong ibang maisip na paraan para hindi magkita yung dalawa. Lalo pa at wala ako sa Pilipinas ngayon, hindi ko mababantayan ang bawat galaw ni Astraea."
Umiling iling si Vaughan at lumapit sa table kung saan nakalagay ang bote ng Whiskey.
"Umiinom ka? Ilang oras na lang at flight mo na papuntang Singapore di ba?"
"Don't mind me Vaughan. Akala ko ba mambababae ka ngayon? Bakit nandidito ka sa suite ko?"
"Mambababae? Pare ikaw lang ata ang gumagawa noon sa ating magkakaibigan. Dinadamay mo lang kami minsan buti nga at hindi kami nahuhuli ng mga girlfriend namin e."
Tumungo si Vaughan sa sofa matapos sumagot kay Caeruz. tinitigan si Caeruz na kasalukuyan pa ring nakatayo at nakatitig sa magandang view sa labas ng kanyang suite.
"Ginusto mo din naman, ngayon mo pa ako sinisi." Napailing iling na naman si Vaughan at napangisi lang sa sinabi ng kaibigan.
"You know what Caeruz? Back to Astraea tayo."
"Ang dami daming pwedeng gawin para hindi magkita si Yaeruz at Astraea pero saradong sarado ang utak mo." Simula na naman ng kanyang kaibigan. Dahil sa pagkagulo sa sinabing iyon ni Vaughan ay hinarap ni Caeruz ang kaibigan at kinunutan ng noo.
"What do you mean?" Wika ni Caeruz at lumapit sa kaibigan at naupo sa sofa. Kasalukuyan na sila ngayong magkatapat ni Vaughan.
Hindi sumagot si Vaughan at nagsalin lang ng alak sa panibagong baso. Sinalinan din nito ang baso na may kaunti pang natitirang alak na pagmamay-ari ni Caeruz. Matapos noon ay nagdekwatro si Vaughan at humarap kay Caeruz.
"You know what I meant Caeruz. You always hurt her mentally and emotionally. Paniguradong hindi na kinakaya nung tao pero nandyan pa din siya sayo at kahit madaming pagkakataon ay hindi niya ginagawang layasan ka."
Bumuntong hininga si Caeruz at hindi sinagot ang kaibigan.
"What I'm trying to say is locking Astraea in your mansion isn't the only solution. Kapag pinagpatuloy mo yan baka hindi na kayo magkamabutihan pa niyang si Astraea. Atsaka if you really love her, show her!"
Hindi nakapagsalita si Caeruz. Naalala nito ang sinabi sa kanya ni Astraea nung nasa beach sila. Nagdalawang isip si Caeruz sa sinabing yun ni Vaughan.
Paano kung mageffort nga siya pero ayaw pa rin ni Astraea?
"Hindi ganoon kadali lahat Pare. Malaki ang galit ni Astraea sa akin, atsaka mahal na mahal noon ang kapatid ko. Sa tingin ko nga hindi ko mapapalitan sa puso niya si Kuya e."
"Kaya nga kung gusto mo siya paghirapan mo lalo pa at grabe ang pananakit mo sa kanya at hanggang ngayon patuloy mo pa ring ginagawa yun."
Kinuha ng kanyang kaibigan ang alak sa mesa at ininom lahat iyon. Ngumiwi agad ito ng maubos ang laman ng alak.
"You know what? You should leave." Nagulat si Vaughan at agad nagtaka. Alam niya kasi sa sarili niya na wala naman siyang nagawa na ikagagalit ng kaibigan. Pinapayuhan niya lang ang kaibigan dahil mali ang pamamaraan nito.
"What the hell did I do?" Nagtataka pa ring tanong ni Vaughan.
Tumayo naman si Caeruz at hinawakan sa kwelyo ang kanyang kaibigan at hinila papalabas ng suite.
Nagpadala lang si Vaughan sa hila ng kaibigan at nang tuluyan na siyang maitulak palabas at pagsaraduhan ng pinto ni Caeruz ay malakas siyang napabuntong hininga.
Iiling iling pa nitong tinungo ang suite niya na katabi lang ng suite ni Caeruz. Kahit kailan talaga hindi niya pa rin maintindihan ang kaibigan niya.
***
"Yaeruz."
Banggit niya sa pangalan ng taong papalapit sa kanya. Nagulat ito ng maupo ito sa bakanteng upuan sa harap niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang tanong ni Astraea at halatang hindi natutuwa sa nangyari. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin mawala sa isipin niya na hindi pumayag itong umalis at lumayo.
"Astraea." Malambing na tawag ng lalaki sa kanyang pangalan.
"Nasaan si Ashia? Bakit ikaw ang nandidito?" Malamig na tanong niya sa lalaki. Naguguluhan pa rin kasi siya ngayon kung bakit hindi ito pumayag sa gusto niya. May gusto na kaya itong iba? Iyon lagi ang laman ng isip niya.
"Nasa labas siya. Tinulungan niya ako para hindi ako makita ng driver mo." Sagot ng lalaki. Then reach out his hands para ipatong iyon sa kamay ni Astraea na nakapatong sa mesa.
"Pumapayag na akong umalis tayo dito pero paano ka? Yung Mom mo? Okay lang ba sayo?"
She frozed. Masaya siya sa narinig niya, gustong gusto niyang pumayag pero paano nga ang Mom niya? Mag-isa na lang ito sa mansyon at alam niyang minsan minsan lang din itong dinadalaw-dalaw ng mga kapatid nito dahil may sari-sarili iyong trabaho at pamilya.
But then she remembered Ashia and what she told her. Kung may pakielam sa kanya ang kanyang nanay ay hindi nito papayagan na ganito ang nangyayari sa kanya.
"I can leave everything behind. Sasama ako, tutal hindi na naman ako masaya dito." Hindi siya sigurado sa sinagot niyang iyon.
Gumaan ang pakiramdam niya ng makita ang mga ngiting gumuhit sa mukha ni Yaeruz. Dahil doon unti unti na siyang binalot ng kasiyahan at sa sobrang saya niya.
Tuluyan na siyang ginising ng realidad. Bumuntong hininga siya at iminulat ang kanyang mga mata.
Panaginip.
Akala niya totoo na ang nangyayari. It felt surreal. Akala niya nandodoon ulit sila sa cafe na lagi nilang tinatambayan. Akala niya aayain na talaga siya ni Yaeruz na umalis sa lugar na ito.
Gumuhit sa kanyang mukha ang malungkot na ngiti at tuluyan ng pumatak ang luha sa kanyang mga mata.
Bumukas ang pinto at tumambad doon si Caeruz na kakauwi lang. Nagtatakang tiningnan nito si Astraea at dahan dahang pumasok sa kwarto.
Hindi siya napapansin ng kanyang asawa dahil lutang ata ito at nakapokus sa pag-iyak.
Ipinatong ni Caeruz ang kanyang pasalubong sa table. Hindi pa din siya napapansin ng kanyang asawa kaya lumapit na siya dito at naupo sa kama.
Ilang araw siyang nawala dahil tumigil siya sa Singapore at nag-isip isip. Pinag-isipan niya ng mabuti ang sinabi ng kaibigan at isa pa gusto din niyang tuluyan na silang magkaayos ng asawa.
Lalo pa at nagkita na sila ng kanyang kapatid at anytime kung maisipan man ni Astraea ay maaari itong umalis ng walang paalam at bumalik sa kanyang kapatid.
"Astrae Blaire." Nang bangitin niya iyon ay parang nabuhusan ng tubig ang kanyang asawa at hinarap agad siya't sinamaan ng tingin.
"What's wrong?" Malumanay nitong tanong. Kahit hindi siya natuwa sa inasal ni Astraea ay pinigilan niyang magalit.
"What are you doing here? You're not allowed in here." Nangunot ang noo ni Caeruz at hindi pinahalatang naiinis na siya. Hindi niya kasi kayang maging malambot dito lalo pa at naiinis siya sa tuwing ayaw siya makita nito.
"This is my house and I am allowed to go any part of it even your room." Sagot niya sa asawa. Hindi naman sumagot si Astraea at tinitigan lang siya.
"Why are you crying? What happened?" Pagiiba ni Caeruz ng topic. Malumanay ulit ang kanyang boses at akmang lalapitan niya pa ito ngunit.
"It's none of your business. Get out!" Sigaw ni Astraea at sinamaan siya ng tingin. Basang basa ang mukha nito gawa ng mga luha na patuloy pa ring pumapatak sa pisngi niya.
Bumuntong hininga si Caeruz at tumayo na. Inilagay niya sa bulsa niya ang dalawa niyang kamay.
"I already cooked your dinner. Bumaba ka na lang kung nagugutom ka. And if you need something just go to my room and ask."
Lumabas na ng tuluyan si Caeruz sa kwarto ni Astraea. Mas lalong pumatak ang mga luha sa mukha ni Astraea. Patuloy niyang sinisisi sa kanyang utak si Caeruz na kung paano nito sinira ang kanyang buhay.
Nagtaklob siya ng kumot at kahit nagugutom ay iniyak niya lang iyon hanggang sa makatulog na naman siya.
***