webnovel

My Girlfriend Is A Witch

Si Vergel Allejo, isang simple at normal na teenager na desperadong makatapos sa pag aaral para sagipin ang kaniyang mga magulang mula sa kamay ng mga naiibang nilalang. Kasama na dito si Autumn Elizarde na isang mangkukulam na ang layunin la mang ay hanapin ang kaniyang kasintahan. Upang sabay nilang makamit ang inaasam na kamatayan. Ngunit gugustuhin pa rin ba ni Autumn ang masawi kung mahuhulog na ang kaniyang loob kay Vergel?..

Choi_Garcia052013 · 奇幻
分數不夠
14 Chs

Chapter Four

Hindi na kaya ni Vergel ang makakita pa ng mga kakaibang pangyayari.Parang sasabog na ang kaniyang dibdib.

Unti-unti nang nawala ang usok, naaninag na niya ang abo na sinaboy niya sa kama. Doon ay tuluyan nang nanghina ang kaniyang binti. Hindi na abo ang nasa ibabaw ng kama kundi isang tao.

Isang babae.

Nakahiga ito ng diretso. Ang dalawa nyang kamay ay nakalapat ng maayos mga tagiliran ng katawan. Nakasuot ng mahabang dress. Dress na parang nakita na niya sa pananamit ni Miss Minchin sa Princess Sarah. Ang pinagkaiba lamang ay kulay puti ang damit na iyon. At hindi kasing taray ni Miss Minchin o ni Martha ang mukha nito. Maamo. Makinis ang mukha, matangos ang maliit nitong ilong at bumagay sa mukha nya ang makapal nyang kilay Maging ang mala-cherish nitong labi. Kalat ang brownish at mahaba nyang buhok. Nagmistula syang manika na natutulog sa malaking kama. This is probably the first time he has seen unparalleled beauty. A kind of beauty that no word can match to describe.

"Él está de vuelta." may halong galak na sabi ni Sonia nang bigla itong pumasok kasunod sila Martha.

"Martha." niyakap ni Diego ang asawa sa labis na kagalakan.

"Anak." Ester approached her son Vergel. Inalalayan nya ito at tahimik na inaya palabas ng kwarto. Ngunit hindi parin magawa ni Vergel na ialis ang tingin sa babaeng nakahiga sa kama.

"Vergel." nagaalala na tinapik ni Jose ang balikat ng anak. Ever since his mother brought him home, he has not spoken. He was still stunned as if what had happened to him was still not sinking in.

"Anak, uminom ka muna." Naupo si Ester wt inilapag ang isang tasa ng tubig sa lamesita. Ngunit hindi parin kumibo si Vergel. Nagkatinginan na lamang ang mag-asawa. Ilang sandali pa ng katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo. Bigla na lang tumayo si Vergel.

"Uuwi na po muna ako kay tiya Dolly. Malapit na rin po ang exam, kailangan ko po mag-review." Vergel said as he avoided looking into his parents' eyes. Naluluhang tumango si Jose at sumenyas kay Ester na payagan na muna ito.

"S..sige. Ihahanda ko lang ang mga gamit mo a—"

"Wag na po. May gamit po ako doon. Aalis na po ako." He tried to harden his voice so that the two would not notice that it was also difficult for him to leave them. In the short period of time he immediately decided. In order to save his parents from the Elizardes, he had to evacuate and resume his studies. He needs to be successful so that his parents don't have to work anymore and they will not cling to the knife again just to have his future secured.

Walang anuman na humakbang si Vergel, palabas ng kanilang bahay. Hindi na siya lumingon pa. Itinuring niya na lamang na masamang panaginip ang mga nasaksihan niya sa tahanan ng mga Elizarde. Malungkot na niyakap ni Jose ang tahimik na umiiyak na si Ester. Naiintindihan nila na ganun ang magiging reaksyon ni Vergel. Hindi nila alam kung paano sasabihin sa kaniya kung ano ba sila dahil manganganib ang buhay ng kanilang anak.

"Parang ngayon ko lang narinig na nag away kayo ni Ester ah." sabi ni Dolly habang gumagapang papunta sa kwarto dahil sa sobrang kalasingan. Lumapit si Vergel at inakay si Dolly.

"Nasagot ko po sya." sabi nya hanang sinasampat ang braso nito sa kanyang balikat. Walang sabi-sabing pinukpok ni Dolly ang pouch kay Vergel.

"Sira ulo ka! Kelan ka pa natutong sumagot?!" singhal nito habang pilit na hinahakbang ang mga binti.

"Mamaya mo na po ako sermunan. Magpahinga ka muna." Pinukpok muli ni Dolly ang binatilyo.

"Sasagot ka pa! Anong mamaya?! Gusto mo may schedule yung sermon ko sayo?! Kaya ka pinapalayas eh." —Dolly.

Napapakamot na inihiga ni Vergel si Dolly. Tinanggal niya ang suot nitong high heels at saka ito kinumutan. Nang masigurong tulog na si Dolly ay agad niyang hinanda ang mga gamit sa pag-aaral. Mabuti nalang at hindi parin tinatanggal ni Dolly ang kanyang study table na nakatapat parin sa bintana. Medyo narelax na sya sa pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa mukha nya. Pati narin ang mga pagtahol ng mga asong kalye ay naa-appreciate na niya ngayon. Maging ang mga kantahan ng mga lasing sa kalsada ay nasisiyahan din siyang mapakinggan. Paano'y napakataas ng pader na nakapalibot sa bakuran ng tahanan ng mga Elizarde. Hindi na nila nakikita ang mga naganap sa labas. Napapamgiti siyang nagpatuloy sa pag-aaral. Mas lalo siyang ginanahan kapag naiisip niya na makakalaya na ang mga magulang niya kapag naging matagumpay siya sa buhay. Mailalayo ma niya ang mga ito.

Lumipas pa ang dalawang araw...

"Sonia, naririnig ko sa gabi ang pag-iyak ni Ester." sabi ni Autumn. Kasalukuyan siyang sinusuklayan ni Sonia.

"Palaging malungkot ang kaniyang mga mata. Sino ang nanakit sa damdamin ng aking pinakamamahal na knecht?" tanong niya.

"Umalis ang anak nila. Parehong araw ng pagbalik mo."—Sonia.

Autumn was surprised.

"May anak sila?" Autumn asked Sonia tearfully.

She witnessed the intense desire of Joseph and Ester to have a child. Bigla na lang nanlisik ang mga mata ni Autumn at ang kaniyang buhok ay tila nagkaroon ng buhay. Parang sumasayaw na ahas ang mga hibla.

"Anong klaseng anak ang nagawang iwanan ang kaniyang mga magulang?! Inggrato!" gumagaralgal sa galit ang aboses nya. Pero mahinahon parin syang sinusuklayan ni Sonia.

"Hayaan mong sila ang umayos ng kanilang problema."—Sonia.

"Wala kang pakialam?!—Autumn.

"Meron. Kaya nga hindi ako nakikialam.Ang mga problema na ganyan ay pampamilya. Hangga't hindi nila tayo pinahihintulutan, hindi tayo makikialam."—Sonia.

"Humanda siya sa akin." Tila hindi nakikinig si Autumn kay Sonia.

"Mag-lock ka na ah." Bilin ni Dolly habang inaayos ang suot na sapatos. Nasa 9:30 PM na at madilim na sa daan.

"Ihatid na po kaya kita?"—Vergel.

"Wag na. Baka bukas pa ko makauwi kaya mag lock ka. Bye." paalam nito.

"Ingat po." agad siyang nagsara ng pintuan. Niligpit niya ang kanilang pinagkainan at nang matapos ay bumalik na sya sa pag-aaral. It was just a typical night for him. Noisy barking of dogs on dark roads, cold breezes and books. Same scenario where he tries to live according to his plans for his family.

Pero sa gitna ng pagmumuni-muni niya'y nakaramdam sya ng kati. Kinakagat na pala siya ng lamok. Naiinus nitang pinatay ito at kinamot ang pinagkagatan. Nawala tuloy siya sa mood. Dala ng inis ay nadiinan niya ang pagkamot at nagsugat. Umiiling siyangvnagumpisa na sa pagbabasa ng aklat. Ilang sandali pa ng katagimikan...

Nang bigla nalang may lumitaw sa bintana. Hindi niya alam kung saa ito nanggaling. Basta ang alam niya'y papasok ito sa loob at tinamaan siya ng paa nito sa mukha. Isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa loob ng bahay ni Dolly. With the speed of events he did not know how that happened. Ang nakikita niya lang ay nakabalandra na sya sa sahig.

"AHHH!" at may isang babae na nakaupo sa tiyan niya. He couldn't forget this girl. But there seems to be something strange. Her eyes glazed away from what he remembered when he saw her sleeping on the bed. Hindi na maamo ang mukha nito. Bago pa man sya muling makapagpsalita'y sinipa siya muli sa mukha.

"Aray!" bumalikwas siya ng pagtayo.