webnovel

My Brutal Wife (Tagalog)

Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa wakasan ng Ama nya ang maliligayang araw ng ipakasal sya kay Alexandra. Amasonang babae, walang inaatrasan. Hindi sya katulad ng ibang babae na kapag nasaktan ay mananahimik na lang sa isang tabi. Kapag tama ay dapat ipaglaban, bawal magpa api. Nakahanap na ba ng katapat si Stan? Magkakasundo ba ang dalawa kung salungat ang ugali nila? Abangan!!

maria_basa · 青春言情
分數不夠
36 Chs

Ring

Alex POV

 

Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Tumulo na lang yung luha ko.

"Alexandra. It's my fault. Kung hindi lang sana ako nag panggap."

"No Felix. Wala na tayong dapat sisihin pa."

Naalala ko yung sing-sing.

"Felix yung sing-sing!"

"Tutulungan kitang hanapin."

Napatingin ako sa pinaghagisan ni Stan. Sa dami ng tao dito paano ko pa mahahanap.

Pero umiral ang pagka maldita ko, kaya naglakad ako papaunta sa pwesto ng Dj.

"Patayin mo yung Music."  Utos ko sa Dj.

"Ma'am?"

"Putcha! Sabi ko patayin mo!"

"O-Opo."

Napatingin lahat sa Dj nung pinatay nya yung music.

Kinuha ko yung mic.

"Everybody out."

'Hala!'

'Ano ba nangyayari?'

"EVERYBODY OUT!!!"

Kumaripas naman ng takbo ang lahat.

"James and Jc, maiwan kayo!"

Nung nawala na ang lahat ng tao sa dance floor, pinatawag ko lahat ng staff.

"Paki open lahat ng lights."

Sinunod naman nila ako.

"Tulungan nyo akong hanapin yung ring. Ganito oh."

Pinakita ko sa kanila yung wedding ring ko.

"Wedding ring nyo ni Stan?"  Tanong ni Jc.

"Oo. Tutulungan nyo ba ako o hind?"

"Tutulong po."

"Kung sino ang makahanp, may premyo sa akin."

"Ano naman yun Alex?"  Tanong ni James.

"Pag-iisipan ko pa."

At naghanap na nga kaming lahat.

After 2 hrs.

"Ma'am wala po talaga."

"Nalibot ko na po Ma'am ang kasuluk-sulukan ng dance flr, wala po akong nahanap."

"Paano kung may nakapulot na?"  Tanong naman ni Jc.

"Lintek naman na Stanley yun! Ano bang naisipan at tinapon ang sing-sing nya?!"  Alam ko naiinis na rin sila James.

"Magpagawa na lang kaya ulit tayo?"  Suggestion ni Jc.

"Hindi pwede. Si mommy nag design nito, magtataka ang jewelry shop kapag nalaman nilang magpapagawa ulit ako. Syempre makakarating yun kay Mommy."

"Naku!"

Naghanap ulit kami.

Dumapa na ako kung saan-saan.

Pinanghihinaan na ako ng loob.

Nakarating na ako sa pinto ng bar at nakadapa pa rin sa sahig. Tsk! Ang dumi-dumi ko na.

Napatingin ako sa gilid ng nakabukas na pinto. Inilawan ko ng c.p. Kuminang!

"Sh*t! I found it!"

Sigaw ko habang nagtatalon. Naiiyak ako.

"Lahat ng empliyado dito na tumulong sa akin ngayon, sasabihin ko kay Kuya na dapat double pay kayo!"

'Woaah!'

'Salamat Ma'am.'

"Paano naman kami?"

"Hmm. Salamat sa inyo Jc at James, pag-iisipan ko pa. Felix ihatid mo na ako."

"Sige."

"Bye Guys. Thanks ulit."