Six years ago...
"Bakit ba hindi mo naiintindihan Jeannette--"
"So ako pa talaga ang hindi nakakaintindi Aaron? Ha?! Hindi ako tanga para hindi ko malaman ang pinanggagawa mo!"
Hatinggabi noon nang muli na namang marinig ni Alex ang boses ng kanyang mga magulang na halatang nag-aaway na naman. Nakatago lang siya sa isang sulok habang pinapanood ang mommy at daddy niya. Gustong tumulo ng mga luha niya ngunit pilit niya itong pinipigilan.
Ilang gabi na niya napapansing nag-aaway ang mga ito tuwing hatinggabi. Ngunit kung sa umaga naman ay parang walang nangyayaring argumento sa gabi ang kanyang mga magulang kapag nasa harapan siya ng mga ito. Mapagmahal at mapag-alagang magulang ang mga ito kapag kasama siya. Alam niyang ayaw nilang malaman nito ang dahilan ng pinag-aawayan nila dahil ayaw nilang mag-alala ang anak.
Ang hindi nila alam, alam na pala ni Alex na lagi silang nag-aaway. Pumapanhik ito papuntang sala upang tingnan ang magulang na nag-aaway. Hindi niya maintindihan ang pinag-aawayan ng mga ito. Pero isa lang ang alam niyang dahilan at pinagmulan ng away ng mga magulang, ang babaeng nagngangalang Gretchen.
Tumayo na si Alex at dahan-dahang bumalik sa kwarto niya. Pagkasara na pagkasara ng pinto ng kanyang kwarto, saka naman nagsiunahan ang butil ng kanyang mga luha na tumulo. Sumalampak siya sa kama niya at doon umiyak ng umiyak.
Gustuhin man niyang sabihin sa magulang na tumigil na sila sa pag-aaway, natatakot siya. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang takot na kanyang nararamdaman. Hanggang sa nakatulog na rin ito habang namumugto ang kanyang mga mata.
Kinabukasan ay nag-iisa siyang pumunta sa playground na malapit lang sa bahay nila. Hindi na niya nagawang magpaalam pa sa kanyang mommy at daddy dahil alam na rin naman ng mga ito kung nasaan siya. Tinakasan pa niya ang yaya niya pero mayamaya lang ay alam niyang mahahanap din siya nito.
Sa edad na dose anyos, doon pa rin ang palagi niyang destinasyon. May yaya pa siya dahil busy ang mga magulang niya sa kanya-kanyang trabaho. Nasa swing siya habang nag-iisang pinagmamasdan ang ibang mga batang naglalaro. Ayaw nitong makisali dahil alam niyang pagtatawanan lang siya ng mga ito dahil sa isip niya'y isa siyang lampa. Ayaw niyang mapahiya sa mga ito kaya mas gusto na lamang niyang mapag-isa.
Sa hindi kalayuan, napansin niya ang isang matandang babae na nagtitinda ng puting rosas. Dala-dala nito ang balde na doon nakalagay ang mga tinitindang rosas. Napapangiti na lamang siya nang masilayan ang naggagandahang mga puting rosas. Noon pa man ay paborito na niya ang puting rosas. Gayunpaman, wala pang nagbibigay sa kanya ng ganoon kaya hanggang tingin lang siya o minsan pa'y binibilhan niya ang kanyang sarili kapag may sobra sa baon niya.
Nawala ang ngiti niya nang biglang may bumangga kaya natumba ang matanda at nagkalat ang mga puting rosas na binebenta nito sa daanan. Umalis lang ang lalaking nakabangga nito na busy sa katawag nito sa cellphone. Hindi man lang tinulungan ang matanda.
Walang nagawa ang matanda kundi ang pulutin at ayusin ulit ang mga binebenta nitong rosas. Wala man lang nagbantang tulungan ang matanda.
Dali-daling lumapit dito si Alex at tinulungan ang matandang babae. Inayos na rin niya ang pagkakapwesto nito sa balde.
"Ito na po, Lola," nakangiting aniya at inabot sa matanda ang balde.
Ngumiti rin pabalik sa kanya ang matanda. "Maraming salamat, iha. Napakabait mong bata. Hindi na nakakapagtaka kung ikaw nga iyon. Pinagpala ka."
Tanging ngiti lang ang naiganti ni Alex dahil medyo siya nawiwirduhan sa sinabi ng matanda.
"Here," anang malamig na boses sa kanyang likudan. She turned over to look up into the face of the dark-haired man. True handsomeness had escaped him by millimeters. His features were too blunt and bold.
Nakalahad pa sa kanya ang hawak nitong isang rosas. His posture sent a quiver down to the pit of her stomach and knotted her toes inside her sneakers.
He wear a suit while his suit jacket tossed carelessly in his broad shoulder. His tie is loose and his shirt sleeves are rolled up over heavy-muscled forearms, as if he's tried to make himself more comfortable in the confining business attire.
Nahihiyang inabot niya ang rosas ng hindi man lang tumitingin sa mukha nito.
"T-Thank you, Mister," she said as she reached the rose.
Ilalagay niya na sana sa basket ang rosas pero pinigilan siya ng matanda. "Huwag mo ng ilagay iha. Regalo ko na iyan sayo bilang pasasalamat." Kumuha pa muli ang matanda ng dalawang rosas. "Alam kong paborito mo ito. Tatatluhin ko na bilang regalo ko sa paparating mong kaarawan," nakangiting sambit nito saka inabot kay Alex ang dalawang rosas.
"S-Salamat po, Lola," tanging naiusal lang niya sa papalayong matanda. Hindi niya mapigilang kumunot ang noo niya dahil alam nitong nalalapit na ang araw ng kanyang kaarawan. She just shrugged. "Hanggang sa muli po," sigaw pa niya habang kumakaway dito.
Napansin niya ang pagtigil ng matanda at tumingin sa kanya saka ngumiti. "Hanggang sa muli, iha. Alam kong oras ko na. Paalam sayo," usal nito na ikinalito ni Alex hanggang sa nawala na rin ito sa paningin niya.
Tumingin siya sa kanyang likudan pero wala na doon ang lalaki kanina. Napasimangot siya at napatingin sa tatlong rosas niya saka ngumiti ng malapad.
"Nandirito ka lang pala, Alex. Kanina pa kita hinahanap, alam mo ba 'yon?" anang boses sa kanyang likudan na walang iba kundi ang yaya niya. "O, bakit may mga rosas ka? Sinong nagbigay niyan, aber?" Sumilay sa labi ng kanyang yaya ang isang malisyosong ngisi.
"Iyong matandang babae kanina. Tinulungan ko kasi siya."
"Nakikisalamuha ka na naman sa mga taong hindi mo kilala. Paano kung may ginawang hindi maganda sayo ang mga 'yon? Ako talaga ang malilintikan sa mga magulang mo."
Napa-rolled eyes na lamang si Alex sa tinuran ng kanyang yaya. "Tayo na nga lang po. Nagugutom na ako," aniya dito.
"Mabuti pa nga."
Nauna na siyang naglakad at sumunod naman sa kanyang likudan ang yaya niya. Muli pa siyang sumulyap sa kanyang likudan pero wala na talaga doon ang matanda at ang lalaki.