webnovel

The Misuderstanding

"Magpapaalam muna ako kay Jean."

Tanging tango lang ang iginanti ni Than kay Alex. Pagkaalis nito ay siyang lapit naman ni Hypnos at tumabi sa kanya. Pinapanood nila si Alex na lalapit sana kay Jean pero tumigil ito at doon lumapit sa mommy ni Jean.

Pinapanood lang nila ang mga ito na nag-usap. Alam ni Than at Hypnos na kanina pa sila tinititigan ng ibang tao na nasa lamay din. Inignora na lamang nila ang mga ito.

Pagkatapos yakapin si Alex ng mommy ni Jean, bumalik na rin ito ulit sa kinaroroonan nila Than.

"Tayo na," aniya sabay patiuna sa labas.

Sumunod na lang si Than habang si Hypnos ay natatawang sumunod na rin. "What mortals called it? Love quarrel or known as LQ?" he said, grinning widely.

Narinig yun ni Than pero umakto lang siyang walang narinig dahil alam niyang iniinis lang siya nito. Pagkarating nila sa pinagparkingan ng kotse, agad pinigilan ni Than si Alex na sasakay sana doon sa passenger seat. Poprotesta pa sana si Alex pero agad inihapit ni Than ang braso niya sa beywang ni Alex at iginiya ito papasok sa back seat ng kotse.

Sumunod namang pumasok si Hypnos na walang nagawa kundi ang magiging driver na naman.

Yumakap na lang din si Alex kay Than at sinandal ang kanyang ulo sa dibdib nito. Napapikit na lamang siya nang maramdaman niyang hinalikan ni Than ang kanyang noo pababa sa tungki ng kanyang ilong. Hindi niya mapigilang mapamulat nang hanggang doon lang ang naramdaman niyang halik.

She pouted her lips. "Kahit kailan talaga," she murmured at umirap kay Than. Ibinalik na lang niya sa pagkakasandal ang kanyang ulo sa dibdib ni Than.

Nang makarating na sila sa bahay, agad pinigilan muna ni Alex si Than pagkababa nila.

"What?" Thanatos asked her casually.

"Kung mamamatay ba ang isang tao, may salvation bang magaganap? Like, pupunta ba siya sa langit o sa impyerno?"

Narinig na lang niya sa kanyang tabi si Hypnos na napahalakhak habang si Than naman ay nakatitig lang sa kanyang mga mata. Napakagat na lamang siya sa kaniyang ibabang labi.

"Okay lang naman kung hindi--"

"Christianity..." Than whispered in the air then sighed a heavy sigh. Tumigil na rin sa pagtawa si Hypnos ngunit makikitang nagpipigil lang ito. "As you put up tombstones, I remove your religions. You are all the same once you leave this realm. There is no heaven or hell. No matter what you did while you are alive, everybody goes to the same place once you die."

"Pero paano kung ako naman ang mamamatay? Why you can't tell me when my time will passes?"

"Alex, I can't. I told you already," Than reply calmly.

"But Than. You always said, no one can escape the inevitable. Kahit malaman ko pa kung kailan ako mamamatay, hindi pa rin yun magbabago kahit ano pang gawin kong pag-iwas. Kung talagang mamamatay na ako sa itinakdang araw o oras, wala na akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang kapalaran ko. So ano bang pumipigil sayo Than na sabihin sa akin?"

"I won't tell you when Alex. I have my reason."

"Then tell me what is it." She sounds commanding.

"Mortal kings will have many mortal queens. But the angel of death only has one... For eternity," sabad ni Hypnos na may mapaglarong ngiti. "I think I already answer your question Alex. Think it that way."

Magsasalita na naman sana si Alex ngunit hindi niya naituloy dahil sa isang boses na kahit kailan pa man ang nakalipas ay alam na alam niya pa rin kung kanino nanggaling. Ang kanyang magaling na ama.

"Alex, mabuti at nakauwi ka na."

Napatingin silang tatlo sa gawi ng daddy ni Alex na seryosong tumingin sa kanila. Tumabi naman si Than at napahalukipkip.

Pasimpleng umikot ang mga mata ni Alex pagkarinig niya sa sinabi ng ama. "May himala yatang nagaganap ngayong araw na 'to. Hindi ko napaghandaan," full of sarcasm, she said.

Tumikhim si Hypnos. "Mauuna na lang muna akong pumasok sa loob." May himig ng pagkanta ang boses ni Hypnos nang sinabi niya iyon. Agad din itong umalis patiuna at hindi na hinintay ang sagot nila.

Si Thanatos naman ay kanina pa pinatitigan ang Daddy ni Alex na para bang sinusuri niya ito. Ngunit ilang sandali lang ay napabuntong-hininga siya saka hinalikan sa noo si Alex. Walang sabi-sabing sumunod din ito kay Hypnos.

Nang silang dalawa na lamang ng kanyang ama ang natira, agad tumikhim ang Daddy niya na may naguguluhang expression sa kanyang mukha.

"Nakatira ka dito kasama ang dalawang lalaking yun? How could you Alex? Ikaw lang itong babae."

Napa-crossed arm si Alex. "So what, Dad? Boyfriend ko si Than at kakambal niya naman yung isa. So, what's the problem then?" aniya na para bang walang pake. Naiinis pa siya sa kanyang sarili dahil nagpapaliwanag siya dito.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng Daddy ni Alex. "Hindi kita iniwan dito para lang magpatira ka ng mga lalaki. Pinayagan kitang dito tumira si Than pero hindi na kasali doon ang kapatid niya. Lalaki ang mga yun Alex at ikaw lang ang babae. Nag-iisip ka ba?"

"Think what want to think Dad. Wala akong pakealam. Wala kang magagawa kung dito sila parehong tumira. Huwag mong sabihing nagpapakaama ka na ngayon."

"Alex!" galit na sabad ng ama niya.

Alex smirked. "Tama naman ako, 'di ba Dad? It's really wow! Himala talagang binisita mo pa ang anak mo," mapait niyang wika. "Oh wait, oo nga pala. Nandito ka kasi namatay na si Mr. Cortes na isa sa kasosyo mo."

"Anak kita Alex at responsibilidad ko bilang ama mo ang alamin ang kalagayan mo. Mahal na mahal kita katulad ng pagmamahal ko sa Mommy mo."

Umiling-iling na naglakad na si Alex para sana pumasok na lang sa loob ng bahay. Ngunit naramdaman na lang niya ang kamay ng ama niya sa kaniyang braso.

"Alex, kahit ngayon lang. Sundin mo ako." More on commanding his voice is. "Paalisin mo sila sa bahay. Hindi magandang tingnan na puro lalaki ang kasama mo sa iisang bahay at hindi mo pa kaano-ano. If you want, doon ka na lang sa akin tumira."

Hindi mapigilan ni Alex na mainis sa sinabi nito. "Mas gugustuhin ko pang dito na lang ako kasama sila keysa makihati sa oras mo Dad sa pangalawa mong pamilya," aniya.

Natahimik naman ang kanyang ama. Hindi na rin ito nakasagot pa nang tumunog ang cellphone nito na agad niya rin namang sinagot.

"Yes. Pauwi na ako, honey," seryosong usal nito saka in-off ang cellphone niya at tumingin kay Alex.

"See, kahit minuto pa lang tayong nagkita ay pinapauwi ka na." Natawa na lamang ng pagak si Alex na may kahalong inis. Pero naramdaman na lamang niyang hinila siya ng kanyang ama payakap sa kanya.

"Always remember sweetie that you're always be my princess. No matter what it takes," he whispered in her ear.

Hindi nagsalita si Alex at pinabayaan ang amang yumakap sa kanya. Hindi man lang siya gumanti ng yakap dito kahit gustong-gusto niya dahil nami-miss na niya ang yakap ng ama.

Ilang sandali lang ay humiwalay na rin ito sa kanya. "Nagseselos nga lang ako dahil may iba ng humahalik sa noo mo," wika ng Daddy niya at tumawa.

Hindi sumagot si Alex na napansin naman ng ama. Bumuntong-hininga ito.

"Hindi na lang kita pipilitin kung yun ang ikakasaya mo Alex. Lagi mong tandaan na may tiwala ako sayo Alex at hindi ka katulad sa ibang kababaihan. I trust you sweetie. I really do. Mahal na mahal kita."

Hindi na napigilang yumakap si Alex sa ama at napaluha na lamang sa dibdib ng ama. "I love you too, Dad. I miss you so much. I always do." She sobbed.

Naramdaman na lang ni Alex na hinimas-himas ng ama ang kaniyang likudan at hinalik-halikan ang kaniyang ulo.

"I'm sorry sweetie. But I promise, pipilitin kong magkakaroon ako ng oras para sayo."

Pagkaalis ng kanyang ama ay mas lalo lang bumagsak ang mga butil ng luha niya. Kahit hindi na niya nakikita ang umalis na nitong kotse ay nakatanaw pa rin siya sa direksiyon ng dinaanan nito. Naghihintay na bumalik ito para sa kanya at sasabihing hindi na siya iiwanan nito pero alam niyang imposible pang mangyari iyon. Napakaimposible talaga.