Maagang umuwi ngayong araw na ito si Jeannette. Dumiritso na siya sa parking lot kung saan naka-park ang kanyang kotse. She's an accountant manager. Pero mas maaga ngayon ang pag-uwi niya, alas tres y medya pa lang dahil birthday kasi ngayon ng nag-iisa niyang anak na babae.
Pinaandar na niya ang kanyang kotse at umalis.
Biglang nag-red light signal sa direction niya nang nasa highway pa lang siya kaya hininto muna niya ang kanyang kotse, pati na rin ang ibang sasakyan ay huminto rin. Nagsimula nang tumawid ang mga tao sa may pedestrian lane. Kinuha ni Jennette ang kanyang cellphone sa bag dahil naririnig niya itong nagri-ring, ibig sabihin, may tumatawag.
Napangiti na lamang siya nang makita niya sa screen ang pangalan ng tumatawag. She press the answer button and place it near to her ear.
"Hi, baby."
"Mommy, where are you na? Dad is already here," sagot ng batang babaeng boses na nasa kabilang linya.
"Pauwi na ako baby, okay? Just tell your dad na hintayin ako d'yan."
"Okay."
"Bye, baby. I love you."
In-end na niya ang tawag saka napatingin siya doon sa likudan ng kotse kung saan may malaking regalo na nakalagay doon. Nag-green light signal na kaya sinimulan na niyang paandarin ulit ang kanyang kotse.
Hindi namamalayan ni Jeannette ang isang napakalaking truck sa likod kung saan nagzi-zigzag na dahil ayaw gumana ng brake nito. Marami na ang nababangga ang truck kung kaya, ang mga sasakyan at mga kotseng nababangga nito ay nagkalasog-lasog habang iyong iba naman ay nababangga sa kapwa sasakyan.
Napansin ni Jeannette ang mga taong nasa gilid lang ng karsada na napapahinto habang nakatingin sa bandang likudan. Tiningnan niya ang kanyang rearview mirror. Napakunot ang noo niya sa nakita. Mga taong hindi magkandaugaga at tumatakbo na may natatakot na nakapaskil sa kanilang mga mukha.
Nanlaki bigla ang mga mata ni Jeannete nang mapansin niya ang isang bumubusinang truck sa kanyang rearview mirror. Napapansin niyang wala na sa ayos ang pagkakatakbo nito at marami ng sasakyan ang nakakabangga. Parang binuhusan siya ng napakalamig na tubig sa nakita. Hindi niya alam ang gagawin dahil sobrang lapit na ng truck sa kotseng sinasakyan niya. Hindi niya man lang magawang paandarin ito dahil para siyang nanigas sa kaniyang kinauupuan.
Napatingin si Jeannette sa hindi kalayuang direksyon. May nakita siyang pigyura ng tao na naka-black hooded cloak at may dalang scythe. Napamura na lamang siya sa sarili at mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ilang oras lang ay pwede na siyang atakihin sa puso sa sobrang takot.
"G-Grim reaper," bulong niya sa sarili. Napansin niyang umangat ang tingin nito sa kanyang direction na ikinanlaki ng kanyang mga mata.
Bang!
Biglang tumilapon ang kotseng sinasakyan ni Jeannette! Ang truck na nakabangga dito ay tumigil na rin dahil nabangga ito sa poste ng kuryente. Mahahalata ang nagkalasog-lasog na itsura sa unahan nito. Ang dalawang taong nasa malaking truck ay naliligo sa sariling dugo at wala ng malay.
Sa kabilang dako naman, si Jeannette ay habol-habol ang hininga. May sugat siya sa kanyang buong katawan at pakiramdam niya'y parang nabali lahat ng buto niya sa kanyang buong katawan dahil sa pagkabangga ng sinasakyan niya. Napaungol siya sa sobrang sakit nang sinubukan niyang gumalaw. Nakaramdam siya ng mainit na likidong umaagos mula sa kanyang noo na walang duda, dugo mula sa malaking sugat na natamo niya.
Inilayo niya ang ulo niya sa manobela at tumingin-tingin sa paligid. Medyo pa siya nahihilo sa nangyari at umiikot pa ang kanyang paningin. Pinilit niyang buksan ang pinto ng kanyang kotseng nagsisimulang mag-apoy. Hindi naman siya nabigo sa pagbukas ng pinto ng kanyang kotse.
Nanghihinang naglakad si Jeannette papunta sa likudan ng kanyang kotse, ngunit napaurong siya dahil may nakatayong tao doon o matatawag pa ba kaya siyang tao dahil ito ang nakita niya kanina bago siya naaksidente.
A frightened look appeared into her face as she begun to scared. "T-They are right. Kung kailan lilitaw ang grim reaper, paniguradong kamatayan na ang susunod," naibulong na lamang ni Jeannette habang nakatutok ang paningin niya sa kaharap. A small smile formed on her lips. Naproseso na sa utak niya ang maaaring mangyari sa kanya.
Pero habang naiisip niya ang anak, hindi niya mapigilang manubig ang kanyang mga mata as she tried to plead the Grim Reaper. "Please... I don't want to die."
But the grim reaper seems like didn't listen to her plea as an hourglass appeared on his hand. It's about to run out and he's waiting for the last grain of sand to fall.
Nagsisimula ng humakbang palapit kay Jeannette ang Grim Reaper kaya siya naman ay paatras nang paatras sa tuwing lalapit ito sa kanya.
"P-Please let me stay."
"I can't let you stay here," the Grim Reaper told her. Even his voice can sends a shiver down the spine to Jeannette. Dahil sa pag-iinatras ni Jeannette, bigla siyang napaupo dahil na rin sa panghihina ng kanyang katawan. Lapit nang lapit pa rin patungo sa kanya ang Grim Reaper kaya kahit wala na siyang gaanong lakas, pinilit niya ang sarili sa pag-atras habang nakaupo pa rin sa maalikabok na daan.
"Foolish mortal," said the Grim Reaper while smirking. "Was it really worth crawling so far when your fate has already been decided? Even if you run away, your fate won't never change," dugtong nito at tumingin sa paligid. May ibang lumalayo na kung maaari sa kanya habang ang iba naman ay tumatakbo na.
Jeannette shook her head as she looked to the Grim Reaper with a pleading face. "Please... I-I have a husband and a daughter waiting for me at home," she said with tears flowing in her eyes.
But in a snap, the Grim Reaper stroke upon her with his scythe, grab her soul by the hand and took her away. Kasabay doon ang pagkabangga ng isa pang sasakyan sa kotse ni Jeannette kung saan naroroon siya. Pumutok ang dalawang kotse at naglalagablab ang apoy habang sinusunog ang dalawang kotse at ang katawan niya. Jeannette soul cries silently as it was looking back at her burning body.