Naramdaman na lamang niya na may yumakap sa kanya mula sa likudan.
"Shhh, it's alright," Than whispered to her ear.
Mas lalo pang napaiyak si Alex at umikot dito saka siya yumakap ng napakahigpit. Napabuntong-hininga na lang si Than saka niya tinawag si Hypnos using telepathy. Pagkalabas ni Hypnos ay inutusan niya itong patulugin na si Alex gamit ang telepathy pa rin. Seryoso lang din ang mukha ni Hypnos at agad sinunod ang utos ni Than.
Nakatulog nga si Alex sa bisig ni Than na agad din naman nitong kinarga na parang bagong kasal at ipinasok sa kwarto. Pagkalapag niya kay Alex sa kama ay hindi niya maiwasang mapatitig dito. Nandoon pa rin ang mga luha sa kanyang pisnge. Umupo siya sa kama katabi nito at pinahiran ang mga luha.
"Do you know what's worse than being alone?" ani Hypnos habang nakahalukipkip ang kanyang braso sa kaniyang dibdib at nakasandal sa pintuan.
Hindi sumagot si Than na para bang wala siyang ganang makinig sa sasabihin ng kakambal.
Sumilay ang isang ngisi sa labi ni Hypnos. "It's being used, lied to, deceived, left behind, and completely forgotten. Am I right, Than?"
Tumingin sa gawi niya si Than na may blankong expression. "And what the hell are you talking about?"
Hypnos shrugged his shoulder. "I don't really know. Narinig ko lang 'yon kanina sa TV," sagot nito sa inosenteng itsura. "I conclude that weak mortals will always be weak, no matter how long you wait."
"But weakness is not always a bad thing Hypnos," sagot naman ni Than.
"You are really unbelievable Thanatos," iling-iling na wika ni Hypnos then he sigh and looked at the direction of Alex. "By the way Thanatos, isn't it strange how love can be the happiest thing ever but also causes the most pain? And yet everyone keeps searching for it especially, you." Sabay turo niya kay Than.
Masamang nakatitig naman sa kanya si Than na ikinaayos niya ng tayo. "Sabi ko nga, aalis na ako," aniya sabay naglaho na parang bula sa may pintuan.
Iminuwestra ni Than ang kanyang kamay upang isarado ang pinto at ni-lock na imposibleng magagawa ng mga ordinaryong tao lang saka ito tumitig muli kay Alex.
"Everyone wants to be your sun but me, I want to be your moon so I can light up your darkest moments when your sun isn't around," he said while looking to Alex's sleeping face. He couldn't help himself but to smile then kiss the back of Alex's hand.
Humiga si Than sa tabi ni Alex sa kama at tumagilid upang tumitig kay Alex. Hindi niya mapigilang paglakbayin ang kaniyang kamay sa pisnge sa natutulog na si Alex patungo sa nakapikit nitong mga mata at pabalik sa ilong. Nagtagal ang kaniyang mga kamay sa labi nito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit patay na patay siya dito na baliwala noon sa kanya dahil para sa kanya, tanging ang mga tao lang ang nakakaramdam ng ganoong pakiramdam.
Tama nga si Hypnos, ayon sa isip ni Than. He's scared that maybe one day, bigla na lamang mawawala ang pagmamahal sa kanya ni Alex. Hindi iyon imposible lalo na't isang mortal lang si Alex. Iisipin pa lamang niya iyon ay parang hindi siya makakapayag. Instead, he want to mark her as to prove that he already own her.
Nanatili siya sa kwarto ni Alex habang katabi ito sa kama. Hindi niya hinihiwalay ang tingin niya dito kahit isang segundo man lang. Instead, he held her tightly to his chest.
"You're really beautiful Alexandra Foster even if you are sleeping," he murmured and spend his whole night without sleeping while watching Alex. Ninanakawan rin niya ito ng halik paminsan-minsan at sinisiguradong hindi ito magigising.
xxx
Kinaumagahan ay nagising na lang si Alex nang maramdaman niyang may humahalik sa labi niya. Pagkamulat niya sa kanyang mga mata ay nabungaran niya ang mukha ni Than. His face was two inches away from hers that makes her blush.
"T-Than?" tanging nawika niya nang walang mahagilap na salita.
Bigla na lang siyang hinalikan ni Than na ikinabigla niya. His lips caught hers in a possessive and hungry kiss. His lips were hard on her soft ones ngunit tinanggap niya pa rin ito na para bang kinukuryente siya sa bawat galaw ng mga labi nilang dalawa. Hinding-hindi talaga siya magsasawa sa mga halik ni Than sa kaniya.
The kiss was so much more... much more. Nagsimula na ring bumaba ang halik ni Than sa leeg ni Alex na ikinaungol niya. Naglalakbay na rin ang kamay ni Than sa buong katawan niya especially on her breast that made her burn more. Hindi niya magawang pigilan man lang ito dahil kahit siya ay gusto rin ang ginagawa nito sa kaniya.
Bumalik ulit ang halik ni Than sa mga labi niya. Ngunit sa ngayon ay marahan na ang pagdampi nito sa kanyang labi. He kissed her with utmost care and gentleness that made her looked for more than what he gives to her.
But too soon, Thanatos pulled away that made her expression pissed.
"Darn your perfect, unyielding self-control Than," she said, pouting.
Natatawang hinila na lamang siya ni Than sa kanyang beywang at niyakap ng mahigpit. Isinubsob na lamang niya ang mukha sa dibdib nito at kinalma ang sarili.
"I'm sorry. I'm only respecting you Alex," malamig pa sa malamig na ang boses nito ngayon.
Mahigpit na napahawak si Alex sa dibdib ni Than sa narinig at sa mismong boses pa nito na parang yelo sa sobrang lamig. "Here you go again, Than. You're being cold again," mahinang usal niya at mas lalong siniksik ang mukha sa dibdib ni Than.
Hinawakan ni Than ang mukha ni Alex at iniangat iyon. "Please, don't expect me to always be good, kind, and loving, Alex. There are times when I am cold, thoughtless, and hard to understand towards you. You already know that, right? I am a grim reaper, Alex."
Ilang sandali rin silang nagkatitigan saka napabuntong-hininga si Alex at mas lalong yumakap kay Than. "Don't worry, Than. Don't be afraid to show me your different sides. Because no matter what, I will always love you. Minahal at tinanggap kita sa kung sino ka. Kahit grim reaper ka pa."
Napapikit na lang siya nang maramdaman niya ang labi ni Than sa kanyang noo. "I'm deeply in love to you too, Alex. Your soul is only mine. And I only want three things from you; to see you, to touch you, and to kiss you always."