webnovel

Betrayal of Her Dad

"W-What happen to mommy? Where is she? Dad? Where's mommy? She came, right? Nakatulog lang ako pero dumating siya dad, 'di ba?" Pilit siyang kumakalas sa yakap ng ama pero mas lalo lang hinihigpitan nito ang yakap na pawang ayaw nitong makita ang itsura ng ama.

"Sorry," usal lang pa rin ng ama.

"Please, dad..."

"Mr. Foster, nandito na po ang bangkay ng asawa ninyo."

Agad na napalayo sa ama si Alex at tumingin sa nagsalita. Hindi niya ito kilala pero mas natuon ang atensyon niya sa sinabi nitong bangkay ng asawa.

"Okay," rinig niyang tugon ng ama gamit ang kagagaling sa iyak nitong boses.

Parang bumagal ang takbo ng paligid at mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita ang isang kabaong na pinasok sa loob ng bahay.

Napatingin siya sa kanyang ama na nakayuko habang yumuyogyog ang mga balikat. Halatang umiiyak pa rin ito.

"D-Daddy," naiusal niya. "D-Dad, anong ginagawa ng kabaong na iyon dito sa bahay natin?"

"Your m-mommy... Your mom... S-She is dead--"

"NO! THAT'S NOT TRUE! YOU'RE KIDDING DAD, RIGHT?! MOMMY IS NOT DEAD! SHE'S NOT DEAD! SHE NEED TO GREET ME HAPPY BIRTHDAY! YOU'RE A LIAR, DAD!"

Agad ng tumakbo papunta sa kanyang silid si Alex habang umiiyak pa rin. She keeps telling herself that her dad was lying. Her mommy is not really dead. Hindi pa nga siya nito nababati kahapon pa sa kanyang kaarawan. Kilala niya ang mommy niya, gusto nitong batiin siya sa mismong personal na kaarawan niya. Harap-harapan siya nitong babatiin. Hindi buo ang kaarawan niya kapag hindi ganoon ang mangyayari.

Muli siyang umiyak nang umiyak. Palaging inuusal niya ang pangalan ng ina. She can't accept it. Hindi niya kaya. Hinding-hindi niya makakayang mawala sa kanya ang kanyang ina. She loves her mom so much. She can't bear to lose her.

Nakarinig siya ng katok mula sa kanyang pintuan. Agad niyang pinahiran ang mga luhang lumalandas sa kanyang pisnge.

"A-Alex?" tawag ng kanyang yaya sa kanya. Kahit ang boses nito ay parang galing pa sa iyak.

"Yes, yaya? D-Dumating ba si mommy o pumasok na sa trabaho niya?" Pinilit niyang huwag maiyak o mabulol man lang na nagawa niya naman. Ngumiti siya dito na halatang pilit lang.

Imbes na sagutin siya'y humagulhol lang din ito ng iyak sa kanyang harapan.

"Pare-pareho lang kayo ni daddy! You're a liar!"

Tumakbo sa CR niya si Alex at doon nagkulong. She hate other people could see that she's crying. Kahit nga binu-bully pa siya ng mga kaklase, hindi kailan man siya umiyak sa harapan ng mga ito.

Nakatulalang nakatitig lang siya sa ilaw ng CR. She felt so numb. Parang patay na siya sa kinauupuan niya.

But suddenly, biglang may lumitaw na pigyura ng lalaki sa kanyang harapan. Hindi na niya pinansin kung bakit biglaan itong nandoon at hindi man lang siya nakaramdam ng takot. She couldn't think carefully. Tulala lang siya hanggang sa naramdaman niyang may humawak sa pisnge niya.

"Sino ka ba talaga?" walang kabuhay-buhay niyang tanong dito.

"I told you already. I'm Thanatos, the Death, the harvester of souls."

"Kukunin mo na rin ba ang kaluluwa ko? Just like what you did to my Mom?" mapait niyang saad dito. Halatang namamanhid na nga talaga siya. Hindi niya alam na lumuluha na pala siya.

"No. I can't. Not yet."

She laughed sarcastically. "Then why is it? Naaawa ka sa akin? Oh, kaya mo pa lang maawa. O gustong-gusto mo lang makitang nagdudusa ang isang tao?"

"You don't understand--"

"Of course, I really don't. At ayokong intindihan 'yon." Itinakwil niya ang kamay nitong nakahawak sa pisnge niya.

But Than hugged her from behind. Muli na naman niyang naramdaman ang pakiramdam ng pangaingailangan ng kakampi at magpapagaan man lamang ng kanyang kalooban.

Naramdaman niya rin ang paghalik nito sa kanyang ulo at noo. She felt secured. She loves how he hug her and comfort her.

Iniangat ni Thanatos ang kanyang mukha upang magtama ang kanilang mga tingin. Kahit walang kaemosyon-emosyon ang mga mata nito, she still love his eyes. She likes to stare them.

"I promise you, my queen. I'll be always in your side. I will always keep you safe and I protect you no matter what."

"Bakit?" she whispered.

"Alexandra, the defender of humankind, you're my queen. Your fate is to be my queen."

Naramdaman na lang niya ang labi nito na humalik sa kanya. Medyo siya natulala sa ginawa nito pero may nagtutulak sa kanyang gumanti rin ng halik dito. Alam niya sa kanyang isipan na hindi mabuti ang ginagawa niya. For Pete's sake! She's still thirteen at nakikipaghalikan na siya!

But she doesn't mind. Ang mga halik nito'y nagpapakalma sa kanya, at the same time, ramdam niyang nasa mabuti siyang kamay. She could feel it.

Because of Than, natanggap niyang patay na ang ina. Hindi wholehearted kundi sa panlabas lang na anyo niya. Hindi siya umiiyak sa harapan ng maraming tao na palaging nakikita tuwing namamatayan ng mahal sa buhay.

She's different. She hate being seen as a very fragile girl who couldn't stand and fight by her own.

Nandoon din ang mga kaibigan niya na sina Jean at Kasha. Ngunit hindi na niya ang mga ito nakausap pa. Maybe, sa ibang araw na lang muna dahil tinatamad ang buong sistema niya. Pagod siya, pagod na pagod. Both her heart and her mind.

Nagpaalam siya sa amang papanhik na sa kanyang kwarto. Sinang-ayunan naman siya ng ama dahil nakikita siguro nitong pagod na pagod ang kanyang itsura.

Pagkapasok sa kanyang kwarto, nanatili muna siyang nakatayo doon sa tabi ng kanyang kama. Pawang may hinihintay siyang magpakita sa loob ng kwarto nito.

Hindi nga nagtagal, lumitaw na lang sa kanyang harapan ang lalaking naging daan niya upang kumalma siya at manatiling matapang sa harap ng lahat.

"Than..."

Lumapit sa kanya si Than. He help her go to her bed. Tumabi rin ito sa kanya. He's combing her hair using his fingertips habang nakaunan sa kanyang braso si Alex.

xxx

Lumipas na rin ang mga buwan. Alex tried her very best to move on. Minsan na rin siyang umiiyak kapag naaalala niya ang kanyang ina. Pero ang labis na ikinainis niya ay ang nalamang mayroong bagong babae ang ama.

Hindi pa nga ito nagsasabi sa kanya pero minsan na niyang nakikita itong lumalabas kasama ang iisang babae na tinutukoy noon ng kanyang mommy. Nakikita niya lamang ang mga ito tuwing niyayaya siya nina Jean at Kasha na lumabas. Alam niyang pinapagaan lang ng mga ito ang kalooban niya and she's very thankful to that. Nakita na niya ang mga totoo niyang kaibigan.

One year had already past, her father brought the woman in their house. Ipinakilala ito sa kanya na labis-labis niyang ikinainis ng sobra.

"DAD! MAHIGIT ISANG TAON PA LANG NANG MAMATAY SI MOMMY! AND NOW?! PLEASE, DAD!" inis niyang sigaw sa mga ito. She can't help it. Galit siya, sobrang galit.

"Alex, iha--"

"Stop! Don't you dare call me by my name! Get out of this house! I don't need you! I want my mommy!"

"Alex!" her dad angrily shouted.

By that, she run into her bedroom. Doon siya umiyak nang umiyak. Tanging ang kwarto niya lang ang naging saksi sa lahat ng hinanakit at lungkot niya. Nang kumalma na siya, pumasok naman ang kanyang yaya.

"Alex? Dinalhan kita ng gatas mo."

"Pakilagay na lang po diyan," aniya ng hindi man lang tumitingin sa yaya niya.

"Ang daddy mo pala, hinatid niya muna si Gretchen sa kanila."

Hindi siya sumagot. Alam naman niya iyon. Malaki na ang pinagbago ng daddy niya. Feeling niya, hindi na siya nito bini-baby at parang wala na siyang halaga dito.

Paalis na sana ang yaya niya pero bigla niya itong tinawag.

"Yaya," tawag niya dito.

"Ano iyon, Alex? Gutom ka ba? Ipaghahanda kita. Sabihin mo lang. Baka may kailangan ka," saad ng yaya niya na halatang sobrang nag-alala.

"Pakisabi kay dad na huwag na huwag silang tumira dito sa bahay kapag naging sila no'ng Gretchen. I can live with my own. I don't need him anymore."

She know her yaya got stunned by what she had said. Kinuha niya ang kanyang gatas saka ito ininom. Natapos na lang siya pero hindi pa rin umaalis ang yaya niya. Nagtalukbong na lamang siya ng kumot upang umaktong matutulog na.

Sa katunayan, hinihintay pa niya si Than. Ganoon naman palagi ang ginagawa niya. She waited for him. Ito ang tumatabi sa kanya hanggang sa makatulog siya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Para bang ito na ang naging buhay at mundo niya. She couldn't live without him.

Mas gusto niyang nasa tabi niya lamang ito. Wala man lang siyang nararamdamang takot kahit ang totoo'y Grim Reaper talaga ito na nagkatawang tao. Pero hindi iyon naging hadlang sa kanya upang magalit dito.

Narinig na lang niya ang paglabas ng yaya niya. She's hoping na sasabihin talaga nito ang sinabi niya sa kanyang ama.

End of flashback...