Sobrang takot ang nararamdaman ngayon ni Mr. Cortes dahil nasa harapan lang naman niya ang isang nilalang na may nakakatakot na aura at may dalang scythe sa kanan nitong kamay — the Grim Reaper. Nanginginig siyang napatitig dito habang mahigpit na nakahawak sa kumot.
"H-Hindi! H-Hindi pa ako pwedeng mamatay!" pasigaw niyang saad dito na halatang linalabanan ang takot na kanyang nararamdaman.
Ume-echo naman ang napakalakas at nakakapanindig balahibo na halakhak ng Grim Reaper sa buong kwarto na mas lalong nagpadagdag sa takot ni Mr. Cortes. Hanggang sa tumigil na ito at tumingin sa kanya.
"Once you let the darkness in, there is no way out. Fear it or enjoy it. Love it or hate it. But you must know, when your time passes... its over!" Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, he then striked his scythe and ripped his heart out. And the next thing he know, Mr. Cortes was standing right next to him while crying in front of his dead body.
"Once my scythe strikes, life does ends. But your soul lives on and pay for the sins you've done," the Grim Reaper told him then he vanished.
Nagsipasukan naman ang isang doctor at mga nurse sa kwarto ni Mr. Cortes. May iba pa silang ginawa para sana mabuhay pa ito kaso huli na ang lahat, naging linya na ang nakalagay sa katabi nitong parang machine.
"Funny mortals. Why do people hate you if you were the truth? Tsk!" usal bigla ni Hypnos habang naglalakad silang dalawa ni Thanatos sa pasilyo ng hospital.
"Mortals prefer hearing the lies 'cause they sound more beautiful. But it's time for them to realize and embrace the truth."
Napatango-tango naman si Hypnos sa sinabi ni Thanatos. Para sa kanya, tama ang sinabi ng kanyang kakambal. If you compare life and death, life is a beautiful lie while death is a painful truth. But mortals prefer the lie because for them, lies make them happy but truth makes them scared to chose not to know the reality.
Napabuntong-hininga na lang si Hypnos. "So many different people but everyone sees the same thing at the end," he stated habang napapailing pang nakatingin sa mga taong may takot sa mukhang nakatingin sa kanilang dalawa ni Thanatos.
xxx
"I'm sorry to tell you this Miss Cortes but your father is already dead. Ginawa namin ang aming makakaya pero..."
Iyak nang iyak pa rin si Jean habang sinasabi iyon ng doktor. Todo tahan naman sila Kasha at Alex kay Jean para pakalmahin ito.
"P-Pwede ko bang makita ang Dad ko?" Nakapagsalita na rin sa wakas si Jean pero utal-utal pa rin dahil sa tindi ng pag-iyak niya.
Tumango sa kaniya ang doctor at sumenyas sa kanilang sumunod.
Agad na niyakap ni Jean ang Daddy niya pero wala na itong buhay at tinabunan na ng puting tela. Hinayaan na lang muna nila ito ni Kasha at Alex dahil para sa kanila, kung sila ang nasa sitwasyon ni Jean ay hinding-hindi rin nila kakayanin ang sinapit nito. Kahit na medyo galit pa si Alex sa Daddy niya.
May pumasok namang isang babae at may kasamang batang lalaki. Agad silang napatingin sa gawi ni Jean.
"Diyos ko!" Napatakip na lang sa kaniyang labi ang ginang na halatang naiiyak na. Dahan-dahan itong lumapit kina Jean habang ang batang lalaki ay humagulgol na ng iyak.
"M-Mommy..." sambit ni Jean habang nakatingin sa kakarating lang. Ito pala ang Mommy niya at ang bunso niyang kapatid. Silang tatlo na ngayon ang umiiyak dahil sa sinapit ni Mr. Cortes.
Kahit nga si Kasha ay naluluha na rin.
Hindi na nakatiis pa si Alex. Tumakbo na siya palabas doon. Hindi na siya nag-atubiling lumingon pa sa tumawag sa kanyang si Kasha. Ayaw na niyang makita at masaksihan pa ang ganoong scenario. Naaalala niya lang ang nangyari noon sa kanyang pumanaw na ina.
Nakalabas na siya ng tuluyan sa hospital. Doon niya lang napansing umiiyak na pala siya kaya agad niyang pinahiran ito at wala sa sariling naglakad na lang.
Nagbalik siya sa huwisyo nang biglang may lumitaw bigla sa harapan niyang isang babae. She wears a black robe with a cloak. May hawak itong makapal na itim na libro. Napakunot ang noo niya habang nakatitig ng mariin dito. Binuksan nito ang libro at parang may hinahanap. Aalis na sana siya kaso napatigil siya nang marinig niya ang sinabi nito.
"Alexandra Foster... September 5, 2016."
Para siyang naestatwa sa kinatatayuan niya. Alam niya ang ibig sabihin nito. Gusto niyang tumakbo pero hindi niya magawa. Ayaw gumalaw ng mga paa niya. Mas lalong hindi siya makasigaw para humingi ng tulong dahil parang umurong ang dila niya. Palapit nang palapit sa kanya ang wirdong babae na ang lapad ng ngisi sa kanya na nangangahulugang may masamang binabalak.
Isa lang ang nasa isip niya ngayon, "Than..."
Napapikit na siya para sana hintayin ang maaaring gawin sa kanya ng nakakatakot at wirdong babae pero napansin niyang walang nangyayari. Ayaw niyang buksan ang mga mata niya dahil sa takot na baka 'pag imumulat niya ang mga mata niya'y ito na ang kanyang huling araw.
"Return the Black Book, Banshee."
Doon naman napamulat si Alex. Para siyang nabunutan ng tinik nang makita niya kung sino ang nasa harapan niya ngayon habang nakatalikod sa kanya. Si Than. Her Grim Reaper.
"Thanatos... Thanatos... Still afraid of Hades?" Tumawa naman ang tinawag na Banshee ni Than.
"I'm not, you know that. Its just that, I love life. It's the only thing that gives me purpose. Both of us know what might happen once he found out that you stole the Black Book."
"Wala na kayong magagawa. Hinding-hindi ko ibabalik ang Black Book. Magiging reyna ako! Hahaha! Magiging reyna ako!" She laughed so hard that full of creepiness.
"Well, you're wrong," Than said while smirking.
Lumitaw naman sa likudan ng Banshee si Hypnos. Sisipain na sana ni Hypnos patalikod ang Banshee kaso nabigla na lamang siya nang nawala ito bigla sa harapan niya. Nagulat siya sa pagiging mabilis nito. Hindi niya inaakalang maiiwasan nito agad siya. Tumingin siya sa likudan niya at agad nanlaki ang mga mata. Tumilapon siya sa isang puno at nabangga ang likod niya dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ng Banshee. Namimilipit siya sa sakit habang dahan-dahang tumayo.
Tumingin naman ang Banshee sa gawi nila Thanatos at napangisi ng nakakakilabot. "How could you love a mortal Thanatos if you will be the one who will take her life after all?" She then vanished after saying those words.
Napamura na lang sa sarili niya si Thanatos. Agad niyang tiningnan si Alex ng may pag-alala sa mukha. Malapit na malapit na 'yon pero buti na lang dumating siya agad.
Makikita pa rin sa mukha ni Alex ang takot. Lalo na nang masaksihan niya kung paano sinaktan ng Banshee si Hypnos. Hindi siya makapagsalita dahil sa nasaksihan. Mabuti na lang at walang taong nakakita sa pangyayari. Nasa tao rin namang anyo si Than kaya walang problema.
Ngunit nanghina siya sa mga titig sa kanya ni Than na may pag-alala at may kahalong pagmamahal. She's going to fall but suddenly, she fall to his embrace. Then Thanatos ask her, "Do you not fear me? After all I am the end of it all."
Alex raised her head and stare at the eyes of Thanatos. Hindi man lang mababakasan ng takot ang mga mata ni Alex. Instead, she love Thanatos, her death — the Grim Reaper, even more.
She kissed him with all the passion and love she felt for him. Thanatos respond to her kisses ng hindi man lang pinapansin si Hypnos na ngayon ay nanonood lang sa kanila.
Pero agad ding natigil ang halikan nila Thanatos at Alex nang biglang hindi na nagre-respond si Alex sa kanyang halik. Napansin ni Than na wala na itong malay kaya pala bigla itong bumigat sa bisig niya. Kinarga niya ito ng pa-bridal style.
Umuwi na silang tatlo habang si Hypnos ay napakaseryoso pa rin ng mukha. He felt defeated.
Nauna na sa kwarto si Than habang karga pa rin si Alex. Maingat niyang inihiga sa kama si Alex na ngayon ay halatang natutulog na, siguro ay dahil sa pagod at takot lang kaya ito nahimatay. Kinumutan niya pa ito at hinalikan ang likod ng kanang kamay.
Nakatayo lang si Than sa tabi ng kama at nakahalukipip ang dalawang kamay sa bulsa niya habang nakatitig sa natutulog na mukha ni Alex. Bumukas ang pinto ng kwarto ni Alex pero hindi na nag-abala pang tingnan ito ni Than dahil kilala niya na kung sino ang pumasok lalo na sa presensiya nito.
"She feel in love with you so deep," ani Hypnos na nasa tabi na niya at nakatitig rin kay Alex.
Thanatos heave a deep sigh. "So deep she did not even realize that I will be the last one to take her and the last one to give her one last kiss before she fades away into the darkness."
"What is the taste of her lip? Can I kiss her too?"
Pero hindi na siya sinagot pa ni Than dahil hawak na siya nito sa leeg habang handa na ang scythe niya.