webnovel

My Boyfriend is the Grim Reaper

"No one will die for anyone else's sin, not even you, but for their own. And once you've completely become my queen, all you need to remember is seeing my work with your two eyes. Because they'll not survive, they will die while you watch." With her personality warped by the Grim Reaper which happen her boyfriend as well, Alexandra 'Alex' Foster had no idea how hard it is to witness the works of Thanatos 'til the important people in her life are involved. Thanatos has a gentle appearance yet has cold behaviour towards other. Only Alex know what laid beneath that beautiful mask. A man who holds the life of all the human beings, can Alex could still withstand this kind of destined job of the Grim Reaper?

kaynth · 灵异恐怖
分數不夠
20 Chs

Alex's Dad

Thanatos was staring at her. He remember her the most. She was shaking on her knees but she did not beg for her life. Therefore, she knew she was going to die. He don't have any choice but to took her. His scythe stroke upon her harder than it strikes upon anyone. And there was more blood than with anyone else before.

As Thanatos ripped her heart out, she just silently fell on the cold ground. And the next thing he know, her soul was standing right next to him.

"Salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon," she said, sincere.

"Death is not a failure but an opportunity. But I had to do it because there wasn't much time. You did not deserve life. Now, sleep cold and forgotten," the Grim Reaper said as he walked away.

Yes, Thanatos did it because he thinks she did not deserve life. It would be better for her if she never was born. She was beaten by her husband everyday, disgraced by her parents everytime they meet. Spit on by people who supposed to be her friends. Even her own children were treating her like a slave. That's why he took her. That is why he did it so fast and so cruel. And now, she is on the other side, a truly better place for her. While the monsters who treated her worse than enemies burn in the worst hellish nightmare they can imagine.

xxx

Pumunta nga si Alex sa lamay ng ama ng kaniyang kaibigan na si Jean. Kasama niya si Hypnos na nagpresentang mag-drive para sa kanya. Total, kilala na ito ni Alex.

Hypnos is the god of sleep, the twin brother of Thanatos which is the grim reaper.

Gayunpaman, hindi man lang siya nakaramdam ng takot o pangamba dito. Iba noong una pa niyang nalaman na si Kamatayan pala si Than. Parehong takot, poot, at pangamba para sa buhay niya ang kaniyang nararamdaman. Ngunit nanaig pa rin ang kakaibang nararamdaman niya para kay Thanatos at ganoon na lamang niya natanggap ito.

Minsan ay natatawa na lamang siya sa kaniyang sarili tuwing naaalala niyang boyfriend niya ang nag-iisang Grim Reaper ngunit kasalungat nito ang nasa isip niya. Hindi niya aakalaing mamahalin siya ng nag-iisang Thanatos sa buong buhay niya. Kung iisipin nga, ito pa ang kukuha sa kanya oras na mamamatay na siya. Pero wala siyang pakealam dahil ang lalaking kukuha naman sa kanya ay ang nilalang na pinakamamahal niya.

"Nag-aalala talaga ako para kay Jean, Alex." Napabuntong-hininga si Kasha habang nakatingin sa gawi ni Jean na umiiyak sa harapan ng kabaong ng kanyang ama. Nandoon din ang bunsong kapatid na lalaki at Mommy niya sa kanyang tabi na umiiyak din.

Doon naman bumalik sa reyalidad si Alex ngunit hindi siya sumagot. Malalim ang kanyang iniisip. Nagtatalo ang utak niya. Gusto niyang tanungin si Than tungkol dito pero alam na niya ang isasagot nito sa kanya.

"Your fate has already been decided. When your time passes, its really over. No one can escape the inevitable. I just sit and wait patiently with the grandest hourglass of you in my hand, your life. And there is no life after death. No second chance. Once my clock runs out, its really over. Therefore, make the best out of life. And you shall live forever in memories of others."

Iyon palagi ang isinasagot nito sa kanya. Kahit noon pa man hanggang sa nasanay na siya at napagtantong may rason kung bakit namamatay ang isang tao. Nakabase ito sa sinasabi ni Than sa kanya na hourglass na basehan niya sa magiging oras ng isang tao dito sa mundo.

Iwinaksi na lamang niya ang kaniyang mga iniisip.

"Hindi na ako magtataka pa kung tinagurian kang cold princess, Alex. Dahil noon pa man, kahit ang mahal mo sa buhay ang nawala sayo, wala ka pa ring pakialam. Hindi ka namin nakitang umiyak o lumapit sa amin para mailabas mo ang hinanakit mo. Ewan ko nga kung may puso ka ba o luha."

Napakunot ang noo ni Alex sa sinabi ni Kasha. Hindi niya napansing kinakausap pa rin pala siya nito.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Natawa ng pagak si Kasha ngunit makikita sa kanyang mga mata ang inis. "Don't act like you didn't get my point. Hindi talaga kita masyadong kilala Alex pero alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Diyan ka naman magaling, sa pag-iinosente."

"Look Kash--"

"It's okay Alex." Ngumiti sa kanya si Kasha pero hindi man lang ito umabot sa mga mata niya. "Basta huwag mo lang kakalimutang may mga kaibigan kang handang dumamay sayo. Iniintindi ka naman namin ni Jean. Kaya naman sana, kahit ngayon lang Alex." Tumingin na muli ito sa direksiyon ni Jean. "Ipakita mo ang emotion mo. Pagaanin mo ang loob ni Jean dahil alam kong ikaw ang mas makakatulong sa kaniya."

Hindi nakasagot si Alex at napakagat na lamang sa kanyang ibabang labi.

Ilang sandali lang ay umalis na lang basta-basta si Kasha at iniwan si Alex. Nakatanaw lang siya kay Jean at sa pamilya nito. Muli na naman niyang naisip ang kanyang ama na kakamatay nga lang noon ng kanyang ina, bigla na lamang itong nakakita ng bagong babae na magiging asawa niya.

Labis ang hinanakit niya sa kanyang ama dahil sa tingin niya'y itinakwil siya nito. Kung saan at kailan kailangan na kailangan niya ang kanyang ama, doon naman ito hindi pwede. Hindi nga siya nakikita ng mga kaibigang umiyak dahil pilit niyang tinatago at sinasarili ang nararamdamang kalungkutan. Kung iiyak man lang siya ay patago pa. Ngunit sa iisang nilalang lang niya nailabas ang nararamdaman... kay Than.

Muli na naman siyang napabuntong-hininga at pilit na hindi pinapakita ang lungkot niyang expression. Tama si Kasha. Total, doon naman talaga siya magaling, sa pagtatago sa totoo niyang emosyon, sa pagpapainosente kahit may alam na siya.

Ngunit nagulat na lamang si Alex nang may biglang nagsalita sa kanyang tabi.

"Death and life are the hourglass of this universe. With death begins life and with life begins death," Thanatos stated while staring to Jean's direction. A small smirk visible to his face before he looked to Alex. "Remember this Alex. Poor or rich, black or white, a lawyer or a farmer, you are all the same to me. When your name is called, it is I who appears before you."

Napatitig na lamang sa mga mata niya si Alex. Pero ilang sandali lang ay si Alex na rin mismo ang unang umiwas saka napabuntong-hininga. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay Than at binaliwala ang sinabi nito.

Than shrugged. "Your dad is in the house right now. I guess, he's waiting for you."

Napakunot na lang ang kanyang noo sa sinabi ni Than. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o hindi. Pero alam niyang hindi kailanman nagbibiro ito sa kanya. May gusto pa sana siyang sabihin kay Than pero hindi na lang niya itinuloy dahil pakiramdam niya'y pagod siyang magsalita.