webnovel

My Best Friend's Best Friend Book 3 (COMPLETED)

Meet Lila Ignacio, certified bisexual. Ang babaeng katatapos lang mag move on sa kanyang Ex-Girlfriend na ngayon nga ay may asawa na at masayang masaya na sa kanyang binubuong pamilya. Nangako ito na magpapaka straight na at hinding hindi na muling makikipag relasyon sa kapwa nito babae. At pinili na lamang na panindigan ang kanyang naging nobyo ngayon na si Micheal. But suddenly, she will meet this girl again for the second time around. Ang best friend din ng kanyang best friend na si Alice. Ang babae na galing din sa kanyang nakaraan at konektado sa pagkawasak ng kanyang puso. Ang dati nito na kinaiinisan. At kahit kailan ay hindi nito naisip na pagtatagpuin silang muli ng tadhana. When their worlds collide again, bubuksan kaya nitong muli ang kanyang puso para sa bagong pag-ibig? Pero, paano naman ang nobyo nito? Hahayaan niya bang mahulog muli ang kanyang sarili sa taong wala namang kasiguraduhan kung sasaluhin ba siya nito o hindi? Tama ba na hayaan na lamang ni Lila ang kung ano mang naka tadhana para sa kanya?

Jennex · LGBT+
分數不夠
18 Chs

Chapter 5: Arrogant and Demanding

Lila

Isang linggo na ang nakalipas simula ng maging manager ako ni Sarah. I didn't expect this either. Gusto ko lang tulungan si Amelia, isa pa, sumuko na talaga ito dahil sa pag-uugali ni Sarah. That's why she contacted me and said that if it were possible in the meantime, I would replace her as Sarah's manager. Total nandito rin naman daw ako sa Pilipinas.

Bagay na hindi ko naman tinanggihan dahil unang-una, I need a job. At pangalawa, isa ito sa gusto ko, ang maging manager ng isang sikat na celebrity. Hindi ko nga lang pinangarap na sa lahat ng magiging katrabaho ko ay si Sarah. Pero hayaan na, ang importante, maipapakita ko rin sa kanya kung anong klaseng tao ako.

Isa pa, baka kaya hindi kami madalas magkasundo sa dahilang hindi pa talaga namin kilala ang isa't isa. Naka base lamang kami pareho sa kung anong ipinapakita namin sa bawat isa.

Within a week, somehow, I could see for Sarah what Amelia was seeing in her. Ang pagiging mainitin nito ng ulo, pagiging mayabang, isama mo na rin ang napaka demanding nitong tao.

Sasabihin niya na ito ang kailangan mong gawin pero pagdating sa huli, hindi naman niya magugustuhan at pagagawin ka na naman ng ibang bagay.

Isang beses, hindi niya nagustuhan ang napili kong damit para sa kanyang photo shoot, so she yelled at me and said something in front of other people. Napaka maselan niyang tao at ang hirap, hirap pakisamahan.

She must always be the right one. You must not contradict what she says. Because when you do that, you are still the wrong one and the worst, when it comes to the end.

So pa nga bang magagawa ko kung hindi ang mananahimik na lamang at magtitimpi. Parte ito ng aking trabaho. Ang maging matimpihin, habaan ang pasensya at lawakan ang pang-unawa. Kahit na minsan ay gustong-gusto ko na rin itong sagutin at sigawan dahil sa inis.

But I stayed professional at my job. I know that, after all that she has been shouting at me, when it comes to the end, it's just a job. Do not take it personally. Kahit na minsan ay masasakit na ang mga salitang binibitiwan nito at halatang namemersonal na.

"Lila, where the hell are you?!" Singhal nito sa kabilang linya. Napa pikit ako atsaka sandaling inilayo ang telepono sa aking tenga. Nakaka basag naman sa ear drums 'yong boses niya.

"Relax, Sarah. Pwede ba? Pabalik na ako dyan." Pinipilit kong kalmahin ang aking sarili.

Inutusan kasi ako nitong bumili ng kanyang lunch at hindi ko naman akalain na mapapalayo pa ako dahil mabibili lamang iyon mula sa isang French Restaurant. Kung alam lang niya kung gaano kahirap 'yong mga ipinag-uutos niya.

"Can you please hurry because I'm hungry? I only have 30 minutes and the shoot will start again." Pagkatapos ay pinatayan na ako nito.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatirik ng mga mata. Naisip ba niya kung nakakain na ako? Utos lang siya ng utos!

Pagdating ko sa studio ay kaagad siyang hinanap ng dalawang mga mata ko. She was already standing there, well done with her hair, make up and clothes. Nagtataka na napa tingin ako rito bago siya nilapitan, mabilis naman na nahagip ako ng kanyang paningin bago ito lumapit sa akin.

"It's good that you're here." Sabi nito bago napa tingin sa camera man kung saan tinatawag na ang pangalan niya.

"Let's start?" Napa tango siya rito bago muling ibinalik ang mga mata sa akin.

"Wait, hindi ka ba muna kakain?" May concern na tanong ko sa kanya dahil kagabi pa ito walang kain, panay tubig lang ang laman ng kanyang tiyan. Hindi naman ako ganoon kasama no? Isa pa, responsibility ko siya.

Napailing ito. "Hindi na. I finished eating." Simpleng sagot nito bago napa ngisi sa akin.

Ano daw? Para biglang namula 'yong mukha ko sa galit dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko ito sa kanyang braso, iyong mahigpit.

"Do you know what you did ?! Huh? Pagkatapos mo akong pagmadaliin para makahanap ng makakain, and then what? Sasabihin mo ngayon tapos kanang kumain?!" Bulong ko sa kanya ngunit mahahalata naman na naiinis na talaga ako.

Sa halip na matinag ito ay nginitian lamang ako ng parang ewan bago tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso.

"What are you waiting for Sarah?!" Sigaw ng camera man atsaka napa mura pa. "Are we going to continue this shoot or will we replace you?!"

Napa nganga si Sarah dahil sa sinabi nito. "You want to replace me? Alright, go on. Dahil hindi ako manghihinayang kung may kukuha sa akin na ibang kompanya." May panghahamon pa na sabi nito.

But she's right, maraming Advertising company ang nagkakandarapa kay Sarah para lamang makuha siya. Sino ba naman ang hindi pinangarap na makatrabaho ang isang katulad niya? Hindi lang siya Pilipinas ang ganda niya, pang buong mundo pa.

Nakita ko kung paano gumalaw ang panga nito atsaka muling ibinalik naman ang mga mata sa akin.

"And you, if you have a problem with me and my orders, then quit." Sabi nito sa akin. "I don't need stupid people around me." Dagdag pa niya bago ako tuluyang tinalikuran.

Dahil sa inis ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili mo na mapaluha. Ngunit mabilis ko rin iyong pinunasan at tuluyan ng umalis mula sa loob ng Studio.

I don't think she needs me anymore. She doesn't seem to need a manager. Dahil sarili lang naman nito ang palagi niyang sinusunod.

-------

Umuwi na ako ng diretso sa unit ni Alice, pasado alas kwatro na ng hapon nang makarating ako.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay nag jogging nalang muna ako sandali to clear my mind mula sa mga nangyari ngaying araw. At pumunta sa may pinaka malapit na park at doon nagpalipas ng oras.

Sandali ko ring tinawagan si Michael, kina kumusta nito ang araw ko. Of course, nagsinungaling ako. Hindi ko sinabi sa kanya kung anong mga pinagdadanan ko bilang manager ni Sarah. Sinabi naman nito na susunduim niya ako bukas for lunch dahil free day ko. At para narin makabawi sa ilang araw na hindi kami nagkikita at nagkakasama dahil siya rin mismo, ay abala sa kanyang negosyo.

Tumambay pa ako ng ilang sandali sa Park, noong medyo madilim na ay saka ako nagdesisyon na umuwi na.

Pagdating ko sa unit ni Alice, napansin ko na mayroong nakapark sa gilid ng kalsada na isang kulay pula na mamahaling sasakyan. At sa mukha pa lamang ng kotse, kilala ko na kung sino ang nag mamay-ari nito.

Napa buga ako ng hangin sa ere bago tuluyang pumasok sa loob.

And there she is, prenting nakanupo sa may pahabang sofa sa may living room habang naka suot ito ng kulay puti at maikling short na siyang nag emphasise ng kanyang mahaba at mapuputing legs. Isang black crap top shirt naman ang kanyang pang itaas kung saan nakikita ko ang nagyayabang nitong mga abs at isang white moxxy sneaker shoes naman sa ibaba upang mas lalo itong tumangkad sa aking paningin.

"What are you doing here?" Agad na tanong ko sa kanya dahilan upang mag angat ito ng kanyang mga mata at mapa tingin sa akin.

"I came here because..." Napa hinto ito bago napa tikhim. "What I mean is, kalimutan mo na ang mga sinabi ko kanina." Tuloy-tuloy na sabi nito.

Napa angat lamang ako ng aking kilay bago napa ismid dahil sa sinabi niya. Hindi talaga siya marunong mag sorry, ano po?

"Yun lang ba?" Tanong ko. Mataman na tinitigan lamang ako nito sa aking mukha sa halio na sagutin ako.

"Okay, bukas ang pinto kung gusto mo ng umalis." Pagmamatigas ko rin at tatalikod na sana ng muli itong magsalita.

"Lila, I think, it would have been better if you had moved out of the house with me." Wika nito. Awtomatikong napa lingon ako sa kanyang sinabi. Natawa ako ng mahina.

Ngunit agad ding nanlalaki ang aking mga mata na napa tingin sa may kabilang side ng living room, nandoon na ang aking maleta at iba pang kagamitan.

"A-anong ginawa mo sa mga gamit ko?! At bakit nasa labas na ang mga ito?!" Mas lalo pang nainis na tanong ko sa kanya.

"That's not me. Alice did." Sagot nito. "I told you, you will move where I live." Bago ito napa tayo mula sa kanyang kinauupuan at humakbang palalapit sa akin.

"You know what? Hindi ka lang arogante at mayabang, napaka demanding mo pa." Sarcastic na sabi ko sa kanya habang napapa iling. "No way! At wala kang karapatan na mag desisyon para sa sarili ko." Dagdag ko pa.

Ngayon, nagagawa ko siyang sagutin dahil walang ibang tao. Walang mga matang nanonood at mga tengang makakarinig sa amin. Fair enough.

"Sarah is right, Lila." Sagot ni Alice galing sa kusina. Tinignan ko ito ng 'what are you talking about' look.

"I mean, hindi dahil sa pinagtatabuyan kita rito sa unit ko, mas better lang kasi kung magkasama kayo sa iisang bahay." Paliwanag nito. "You know, the typical client and manager."

"Really?" Napa tawa ako. "Alice, no. Mas gugustuhin ko pang lumipat sa condo ni Michael kaysa makasama itong babaeng ito." Sabay tingin ko ng masama kay Sarah.

Napa irap ito ng disoras bago napa hawak sa kanyang noo na para bang na i-stress na. "Lila, I need you on my daily grind."

"And now, you need me?" Sandaling pinagmasdan ko ito sa kanyang mukha. "Fine." Sagot ko.

Napa ngisi ito. "Madali ka naman palang kausap." Wika niya.

"But in one condition." Sambit ko. Biglang sumeryoso ang mukha niya.

"What is it?"

"You give me one of your cars." Sabay ngisi na sabi ko rito. Kapwa nanlaki ang mga mata nila ni Alice. Bakit? Dream car ko kaya ang isa sa kotse niya.

"What?" Gulat na tanong ni Sarah. "No freaking way! I'm not going to give you that---

"Alright, madali akong kausap." Putol ko sa sinasabi nito.

"FINE." Bigay diin nito sa kanyang sinabi, tanda ng pagpayag sa aking kahilingan.

I finally won.

"Just come with me now. Dahil simula ngayong gabi, sa bahay kana matutulog." Sabay talikod na sabi nito sa akin. "I'll wait for you outside."

Paglabas nito ay isang napaka lalim na buntong hininga muli ang aking pinakawalan.

"So, that's it. Ganon lang kadali niyang nakukuha ang lahat ng gusto niya." Himutok ko kay Alice bago ako pinagtawanan.

"Pag pasensyahan mo na, pumayag ka namang maging manager niya, kaya panindigan mo na." She has a point. Kahit naman anong pag mamatigas ang gawin ko, wala paring magbabago na magiging magkatrabaho kaming dalawa.

Pagkatapos kong magpaalam kay Alice at magpasalamat sa pagliligpit ng aking mga gamit ay lumabas na rin ako mula sa kanyang unit. Tinulungan din ako nito sa pagbuhat ng iba ko pang kagamitan upang isakay sa kotse ni Sarah, na walang ibang ginawa kung hindi ang mag hintay lamang sa loob ng kanyang kotse.

She didn't even know how to help. Ano pa nga bang magandang bagay ang dapat kong i-expect sa kanya? Wala!

While on the way to her house I couldn't help but think.

Hindi rin siya nagsasalita at abala lamang sa kanyang pagmamaneho.

Did I make the right decision to go with her? Oh God!

Bahala na. Hindi ko parin ito nasasabi kay Michael, maybe tomorrow kapag nagkita kami.

I would never allow her to do the same things she did to Amelia, to me. Katulad nalang ng ginawa niya kanina na kung pagsalitaan niya ako ay parang hindi tao.

Kinakabahan na napa tingin ako sa side niya bago nanghihinayang na nagbawi muli ng tingin.

"Stop looking at me because I know I've been beautiful. I can't blame you for one day knowing that you are in love with me already." Mayabang na sabi nito kaya napapailing nalang akong muli.

"In your dreams!" Sabay napa tirik ng mata na sabi ko rito.

Actually, Sarah would have been perfect lover, pretty, rich, supermodel and admired by many people. Kaya lang kasi...bakit parang pinaglihi siya sa sama ng loob?

Well, good luck talaga Lila. Sabi ko sa aking sarili. Bahala na.