webnovel

My Best Friend's Best Friend Book 3 (COMPLETED)

Meet Lila Ignacio, certified bisexual. Ang babaeng katatapos lang mag move on sa kanyang Ex-Girlfriend na ngayon nga ay may asawa na at masayang masaya na sa kanyang binubuong pamilya. Nangako ito na magpapaka straight na at hinding hindi na muling makikipag relasyon sa kapwa nito babae. At pinili na lamang na panindigan ang kanyang naging nobyo ngayon na si Micheal. But suddenly, she will meet this girl again for the second time around. Ang best friend din ng kanyang best friend na si Alice. Ang babae na galing din sa kanyang nakaraan at konektado sa pagkawasak ng kanyang puso. Ang dati nito na kinaiinisan. At kahit kailan ay hindi nito naisip na pagtatagpuin silang muli ng tadhana. When their worlds collide again, bubuksan kaya nitong muli ang kanyang puso para sa bagong pag-ibig? Pero, paano naman ang nobyo nito? Hahayaan niya bang mahulog muli ang kanyang sarili sa taong wala namang kasiguraduhan kung sasaluhin ba siya nito o hindi? Tama ba na hayaan na lamang ni Lila ang kung ano mang naka tadhana para sa kanya?

Jennex · LGBT+
分數不夠
18 Chs

Chapter 22: What?! Why?

Lila

Today is Friday, and it's raining outside. Pero ewan ko ba, masyadong maganda ang gising ko kaya kahit na nakakatamad bumangon mula sa higaan eh pinilit ko parin ang aking sarili na maligo at magbihis.

Habang nagpeprepare ng breakfast ni Sarah ay naghihintay rin ako na matapos siya sa kanyang pagligo.

Napa ngiti ako sa aking sarili nang maalala kung paano ko siya gisingin kanina. Para siyang bata na nagpoprotesta habang hinihila ko ito papunta sa kanyang banyo upang maligo na.

Pagkatapos ng ilang sandali, naramdaman ko nalang ang pagyakap nito sa aking beywang mula sa aking likod. Agad na napapikit ako ng maamoy ko ang kanyang mabangong perfume.

"Baby, can we just stay here at home?" Paglalambing nito bago ako napaharap ng tuluyan sa kanya at sinalubong ang kanyang naka busangot na mukha, habang napapanguso pa. Kagat labi na piningot ko naman siya sa ilong.

"I mean, look at the weather, I think it's better if we just lie down and then cuddle after sex. What do you think?" Dagdag pa niya atsaka napa taas baba ng kanyang kilay. Ah uh..here we are again, hashtag the naughty Sarah.

I laughed softly before hugging her.

"You promised me you would join me today at the mall. Remember?" I remind her. She groaned.

"Fine. But you have pay me." Pumayag nga siya, humihinge naman ng kondisyon. Tsk! Napa irap ako sa kanya atsaka pabirong itinulak ang kanyang katawan papalayo sa akin.

"Whatever." Pagtataray-tarayan ko sa kanya. She laughed. Bago napa suntok sa ere habang napapasabi pa ng 'Yes'.

-------

Her smile never fades as we make our way to the mall. You could see the joy in her eyes every time she looked at me.

Sino nga ba ako upang hindi mahulog sa mga ngiti niyang iyon.

Her smiles make my day always beautiful. When I'm sad, when I'm not in the mood, sa isang ngiti lang niya, naglalaho na ang lahat ng iyon, ang lahat ng bigat sa dibdib na pinapasan at dinadala ko.

Her sparkling blue eyes, her beautiful smile, sweet lips, and her entire being just hypnotize me with feelings I adore. Kung may anuman sa buhay ko ngayon na hindi ko nais na baguhin, iyon ay ang pagkakataon na makilala at ang mahalin si Sarah.

Suddenly a familiar old song played on the radio. Automatically draw smiles on my lips and follow the lyrics.

"Itanong mo sa akin

Kung sino'ng aking mahal

Itanong mo sa akin

Sagot ko'y di magtatagal"

Kagat labi na napapatingin ako kay Sarah at iniharap ng maayos ang aking sarili sa kanya, habang sinasabayan ang pagtugtog ng kanta. She couldn't help but smile back and giggles.

"Si Sarah lang ang aking mahal

Ang pag-ibig niya'y aking kailangan"

With matching turo pa ako ng aking mga daliri sa kanya.

"Pag-ibig na walang hangganan

Ang aking tunay na nararamdaman"

Itinaas ko pa ang dalawa kong kamay sa ere habang napapasayaw. Hindi ko inaalis ang aking mga mata sa kanya, habang siya naman ay nagpalipat-lipat ng tingin sa akin at sa kalsada. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pamumula ng kanyang mga pisnge.

"Isa lang ang damdamin

Si Sarah ang aking mahal"

Dumukhang ako atsaka siya binigyan ng halik sa pisnge dahilan upang magpakawala siya ng isang kinikilig na ngiti.

"Maniwala ka sana

Sa akin ay walang iba"

It looks like I'm seducing her now. Well, as long as she is happy, I will do everything even if I look insane in front of her.

"Si Sarah lang ang aking mahal

Ang pag-ibig niya'y aking kailangan"

Paulit-ulit kong kinakanta at sinasabayan ang lyrics noon hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa mall.

Sarah is wearing her cap again, in case there are people who can recognize her.

Pagkatapos kong makapili ng aking mga gamit ay agad na nagtungo na ako sa counter upang magbayad. Habang si Sarah naman ay naka buntot lamang din sa aking likuran.

Habang pumipila kami, may iilan na mga tao sa paligid at sales lady ang napapatitig sa akin. Napa tikhim ako atsaka napayuko.

"Oh my ghad! Hindi ba siya 'yong bagong manager ni Sarah?" - Girl 1

"Oo nga. Ang ganda-ganda niya!" Atsaka siya napapadyak sa sahig.

"Hmmm...hindi naman siya kagandahan. Makinis lang!" Bitter naman na sabi ng sales lady na nasa may bandang kaliwa.

What?! Bitch I can hear you!

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Sarah sa aking kamay bago nito pilit na pinipigilan ang kanyang pagtawa.

"Makinis ka lang daw?" Pang-aasar na bulong niya sa akin.

Ilang segundo pa ang itinagal, noong natapos na ako sa pagbayad ay siya namang biglang pagtili ng dalawang bagong dating na babae at ang kaibigan ng mga ito na bakla habang nakatingin ng diretso kay Sarah.

"Kyaaaaahhhhh! Sarah Rodriguez!" Kasunod noon ang paglabas niya ng kanyang cellphone upang kunan pa sana si Sarah ng litrato, ngunit hindi na niya naituloy dahil sa may biglang humablot noon.

It's Breeze.

May iilan naman na napapatingin na rin sa gawi namin at agad na napapatakbo upang makita si Sarah.

"Breeze?!" Gulat na pagbanggit ko sa kanyang pangalan habang nanlalaki pa ang mga mata. Napa ngisi lamang siya sa akin bago napa musyon sa kadarating lamang at naka ngiti na si Adriana.

"Adriana! What are you guys doing here?!" Tanong ko pa bago hinawakan si Sarah sa kanyang braso para alisin sa medyo crowded na paligid.

"Stupid, Lila. You should not come to this place at naka ganyang disguise lang si Sarah." Parang nanay ko na pinagagalitan ako ni Adriana. Dinala niya ako at si Sarah sa wala masyadong dumaraan na mga tao.

"Magpasalamat ka dahil napansin kita kaagad at itong..." Napatingin siya kay Sarah, mula ulo hanggang paa. "Itong si Sarah. Dahil kung hindi, hindi ko na rin alam kung anong magagawa ng mga taong iyon sa kliyente mo."

Nakatingin lamang din sa kanya si Sarah habang napapangisi. Nakuha niya pang mapa ngisi eh halos pagkaguluhan na siya ng mga taong iyon kanina.

"Oh my god! It's really you!" Sabay muling baling ni Adriana ng atensyon sa akin bago ako niyakap ng sobrang higpit.

"Totoo nga ang ibinalita ni Breeze na nandito ka ng muli sa Pilipinas, pero...bakit hindi ka man lang napagpakita sa amin?" Halatang nagtatampo na sambit nito sa akin.

"Namin?" Naguguluhan naman na tanong ko sa kanya. Napatango ito.

"Yup. Billy." Parang biglang nalungkot ang boses nito. May nangyari kaya na hindi ko alam?

"What happened?" Diretsahan na tanong ko kay Adriana. Sandaling nagpaalam naman si Sarah sa akin na sa kotse nalang siya maghihintay at para makapag-usap naman kami kahit papaano ni Adriana.

Habang ikinukwento nito ang mga nangyari, hindi ko mapigilan ang hindi ma-heart broken para sa kaibigan namin. Poor Billy. Hindi ko alam kung papaano siya i-cocomfort at kakausapin ngayon.

I can't believe na ang isa sa anak ng pinaka mayamang angkan dito sa Pilipinas na si Aerin Hamilton ay mahuhulog sa kanya. And yes, I remember her. At hindi ko talaga siya makakalimutan simula noong ipinahiram nito ang kanyang Yate kay Billy, para lamang makapag date kami ni Breeze noong bago ako umalis pabalik ng Spain.

Sandali pa kaming nagkwentuhan ni Adriana, tumagal pa iyon ng halos kalahating oras. Nakuha ko na rin ang kanyang bagong contact number, pati na rin iyong kay Billy, bago kami tuluyang mahanap ni Breeze.

Napatingin siya sa akin. Iyong tingin na mayroong ibig sabihin.

"Why? What's wrong?" Pagtanong ko bago napaiwas ng tingin.

"I think you have something to tell us." Panghuhuli sa akin ni Breeze. Hindi ko iyon naitago dahil sa bigla nalang namula ang mga pisnge ko sa harapan nila ni Adriana, na agad naman nitong nakuha ang ibig sabihin ni Breeze. Argh!

"Is there something we need to know?" Pang gagatong pa ni Adriana bago napa taas ng kanyang kilay.

Mabilis na napatayo ako mula sa aking kinauupuan.

"I want to tell you guys everything but not today." Pagdidismiss ko sa usapan.

"I have a lot to take care of. Okay?" Pagdadahilan ko pa. "I'll call you guys." Atsaka ko sila hinalikan sa pisnge isa-isa, pagkatapos makapag paalam.

-------

Habang nagbibiyahe pauwi, hindi ko mapigilan ang hindi mapa-isip. Hindi ko kasi alam kung papaano sasabihin sa mga kaibigan kong iyon ang tungkol sa amin ni Sarah.

Tiyak na babahain ako ng pang-aasar ng mga iyon. Isa pa, pareho kaming Ex-girlfriend ni Cath at Breeze. Argh! Well, Ex-girlfriend din naman namin sila pareho ha. At minahal din naman nila kami....NOON. At ngayon, kami na naman ang nagmamahalan ni Sarah.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatawa ng wala sa sarili. Nakakatawa kasi. Ang gulo ng ikot ng love story naming apat.

"Why are you laughing?" Tanong ni Sarah na siyang nagbalik sa akin sa realidad. Napailing ako.

"Nothing." Kagat labi na sagot ko naman atsaka napatingin sa labas ng bintana. Umuulan parin pala. At ang lakas-lakas parin ng pagbuhos nito. Hindi ko iyon napansin dahil sa malalim kong pag-iisip kanina.

Medyo kumakalam na rin ang sikmura ko dahil sa gutom. Hindi man lang namin na enjoy ang pagpunta ng mall. Pero hindi na bale, nagkasalubong naman kami ng mga baliw kong kaibigan.

Pansin ko ang biglang nananahimik ni Sarah habang naka pako lamang ang mga mata nito sa dinadaanan. Palihim na napapasulyap ako sa kanya.

Bakit kahit na napaka sersyo ng mukha niya at medyo nakakunot pa ng konti ang kanyang noo, eh ang ganda-ganda parin niya? Proud na sabi ko sa aking sarili.

Naramdaman ko ang paglapat niya ng kanyang mga kamay sa legs ko, dahilan upang mapa singhap ako at mapapikit noong sandaling dahan-dahan na gumapang ang mga daliri nito pa loob sa dress ko.

Oh ghad! I forgot, naka dress lang nga pala ako ngayon.

Marahan at maingat na minamasahe nito ang mga legs ko habang nagmamaneho. Lakas loob at pilit na napatingin ako sa kanya.

"Sarah, you're driving!" Saway at pagpapaalala ko pa lalo na at may kalakasan ang ulan. Masyadong delikado.

Ngunit wala pang isang segundo ng agad nitong itinabi ang kotse. At mabilis nitong tinanggal ang kanyang seat belt. Habang ako naman ay natatarantang napapatitig sa kanya.

I was about to speak again, nang siya namang paglapat niya ng kanyang daliri sa aking bibig para ako ay patahimikin. Marahan na ini-angat din niya ang kanyang kabilang kamay at hinawakan ako sa aking pisnge.

I let out a shaky breath, causing a sly smile to form on her lips. She knows the effect she has on me and she knows that she's driving me crazy.

Napayuko siya at agad na siniil ako ng halik sa aking mga labi. I let out a quite moan and my nails dig into her thighs. I feel her tongue against my jaw and shivers run all over my body as she uses her hand on my neck to tilt my head to the side before she kisses down my neck.

Napakagat ako ng mariin sa aking labi upang pigilan ang sarili sa pag-ungol ng malakas. Kahit na gustuhin ko pa man ang kanyang ginagawa ngayon, ay pwersahang itinulak ko parin ito papalayo sa aking katawan.

Nagtataka na tinignan niya ako sa aking mga mata.

"S-sorry, I can't. M-meron ako." Utal at medyo nahihiya na pag-amin ko sa kanya. Hays, bakit kasi ngayon pa?

"What?! Why?" Halata ang biglang pagkainis nito sa tono ng kanyang boses.

"I have my period." Namumula ang mukha na napaiwas ako ng tingin mula sa kanya. "And don't ask me why, dahil hindi ko rin ito mapipigilan. You know that." Dagdag ko pa.

Narinig ko ang disappointment sa paghinga niya ng malalim at walang sabi na muling pinasibad ang sasakyan.

Hanggang sa makauwi kami ng bahay, hindi niya parin ako kinikibo at nanatiling magkasalubong lamang ang kanyang mga kilay.

Seryoso ba talaga siya? Eh sa meron ako ngayon eh. Anong magagawa ko? Hays! Naman oh!