22
"Yes, Dad. We're heading out." Kahit hindi nakikita ni Daddy ay napangiti ako.
Lagi itong tumatawag sa akin. Halos gabi gabi. Ngayon tumawag ulit siya para sabihin na sa susunod na araw ay magbabakasyon sila ni Papa dito sa Pilipinas. Kaya sinabi ko sa kanila na paalis kami para mag beach nina Clyde at iba pa.
"Ok sweetie, susunod na lang kami sa inyo ng papa mo duon basta sabihin at ibigay mo sa akin ang address pagkatapos."
"Sige dad. I me-message ko na lang sa inyo mamaya."
"Bibisitahin muna namin siguro ang tito Clent mo at iba pa naming mga kaibigan sweetie, saka kami susunod, baka sakaling gusto din nilang sumama. Malay mo, family and friends bonding na din nating lahat."
"Thats sound good Dad. Parang hindi na nga ako makapaghintay na dumating kayo."
"Ako din naman sweetie. I miss you son."
"I miss you too dad. Also papa."
"Love, Lets go."narinig kung tawag ni Clyde mula sa labas ng kwarto.
"Yes, wait a minute."malakas na sagot ko dito.
"Is that Clyde sweetie?"tanong ni daddy.
"Yes, dad. Tinatawag na niya ako. Nasa baba na kasi ng building ang iba."
"Ganun ba, sige sweetie, hindi na kita aabalahin. Basta ang lagi kong bilin sayo, mag ingat ka lagi. Makiramdam ka sa paligid mo." Muli na naman bilin ng daddy sa akin.
Halos palaging iyon ang sinasabi sa akin kapag patapos na kaming mag usap. Nagtataka na din ako. Kapag tatanungin ko naman sila ay wala naman itong ibig sabihin. Basta daw mag ingat ako dahil ayaw niya akong mapahamak. Kahit si papa ay ganun din ang bilin kapag siya naman ang kausap ko.
Oo at oo na lang ang sagot ko sa mga ito. Ibinilin din niya na huwag na daw ako hihiwalay kay Clyde o sa iba. Huwag lalabas ng walang kasama. As if naman sa papa at daddy, para akong batang paslit kung ituring. Pero hinahayaan ko na lang sila. At sinusunod ko naman ang mga bilin nila para mapanatag ang loob nila.
"Yes Dad. I always do. Kaya huwag kayong mag alala ni papa, Clyde and other is always in my side."
Muli na itong nagpaalam. Agad akong lumabas hila ang maleta ko ng makasalubong ko si Clyde.
"Bakit ang tagal mo Love?"tanong nito at kinuha ang maleta sa akin at siya na ang humila.
"Tumawag si daddy. At ipinaalam na darating sila sa susunod na araw."balita ko dito habang nakasunod na sa kanya palabas.
"Ganun ba? Paano yan, wala tayo pag dumating sila?"
"Ok lang Love, kasi sabi dadalawin muna ang papa at daddy mo. Saka iba pa nilang kaibigan, tapos kapag pumayag daw ang iba, susunod sila sa atin."
"What?"halatang nagulat ito sa sinabi ko at napatigil sa paglalakad.
"Bakit?"
"No I mean, susunod sila."bagsak ang balikat nito na tumingin sa akin. Napangiti ako sa naging reaction niya.
"What was the long face mean Alcaide?"tanong ko dito. Mas gusto ko itong tawagin sa Last name nito kaysa sa pangalan. Parang ang sarap kasi bigkasin ang mga iyon.
"Hindi kita masusulo kapag sumunod nila sa atin love."sagot nito.
"Bakit hindi naman love? Alam naman na nina Daddy na may relasyon na tayo diba."
"Pero darating ang papa mo."muling sabi nito.
Lalo akong tumawa dahil duon. Naikwento kasi nito sa akin na hindi niya kasundo ang papa dahil sa hindi pa nawawala ang takot niya dito nuong bata pa siya. Tawa ako ng tawa ng ikwento niya sa akin ang parteng naiiyak siya at sinabi kina tito Clent na kakainin daw siya ni papa sa paraan ng titig nito sa kanya. As if naman ganun talaga tumingin si Papa, seryuso at kinatatakutan.
"Ang dakilang pinuno ng MC at matapang na si Clyde Alcaide, takot parin sa papa ko. Wow! Naman Love, hindi nangangain ang papa ko, at wala siyang balak kainin ka."natatawang buska sa kanya.
"Love naman eh. Hindi ako takot sa kanya ok! Alanganin lang ako, dahil parang hindi siya boto sa akin para sa iyo. Kapag tumatawag nga siya sa iyo sa vedio call at nakikita niya ako. Hindi mo ba pansin na halos patayin na niya ako ng tingin lang niya."
"Over ka naman Love, hala saka na natin yan problemahin. Kanina pa nag hihintay ang iba sa labas."pang iiba ko ng usapan.
Humugot muna ito ng malalim na hininga bago ipinagpatuloy ang naudlot na paglabas kanina.
"Narito na ba lahat sa maleta mo ang mga kakailangan mo. Wala ka na bang nakalimutan?"tanong nito pagkuwan.
"Yes, double checked ko na Love. Saan yong maleta mo?"
"Pinauna ko na sa labas kanina. At ikaw na lang ang hinihintay nila Love."
"Ok, tara na."magkaagapay kaming nagtungo sa kinaroroonan ng iba. At tama nga ito, ako na lang pala ang hinihintay nila para tuluyan na kaming makaalis.
Kanya kanyang sasakyan ang dala nila. Pero nakakaloka ang mga ito. Car racing ba ang dadaluhan ng mga ito.

"Yan ba ang mga gagamitin natin. Hindi kaya tayo pag piyestaha sa pupuntahan natin dahil sa mga iyan?"tanong ko sa mga ito.
"Ayos lang yan Zoey, buti nga hindi ang Mclaren ni Master ang dadalhin niya. Mas astig yun kaysa sa itim na ito."sabay tapik sa sasakyan ni Clyde.
Napailing na lang ako. Iba rin ang trip ng mga ito. Pabonggahan ng sasakyan.
"Kanino ka sasabay Monic?"tanong ni Clyde ng balingan si Monica. Dahil si Kelly ay sasabay kay Bobby. At si Azami naman ay kay Jacob. Syempre ako ay kay Clyde. Kung kay Clark ba o kay Sunny siya sasabay.
"Dala ko din ang hobby ko master."sabay turo sa di kalayuan ang kotse nito.

What a fuck! A girl with a lamborghini sport car. Sige, sila na. Wala na akong masabi dahil wala akong hilig sa mga sasakyan. Marunong naman ako magmaneho pero di ko pinangarap na magmaneho ng pangkarerang sasakyan gaya ng mga ito. Mas gusto ko mang humawak ng baril, tip dart, at katana kaysa ang humawak ng monibela ng sasakyan.
"Paalala ko lang, huwag niyong gawing track race ang tatahakin nating daan."seryusong bilin ni Clyde sa mga ito.
"Got it master."sabay sabay na sumaludo pa ang mga ito.
"Let me drive first Jacob-chan. Ikaw palet aken maya."narinig ko namang sabi ni Azami kay Jacob.
Tumango naman ito at pahagis na ibinigay sa kanya ang susi saka sumakay nadin. Hindi na sila madalas mag away. Pero hindi parin maiwasan iyon sa mga ito minsan dahil sa kapilyuhan ni Azami.
"Lets go Love."aya sa akin ni Clyde saka ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.
Bago pa niya maisara ng tuluyan ang pinto ay padambing humalik muna ito sa akin sa labi. Ang sweet nga naman ng Love ko. At hindi ko mapigilan ang ngiti ko.
********
A few hours later:
Nag stop by kami sa tapat ng isang chinese restaurant kung saan maganda at pwedeng pumarada. Tanghalian at hapunan na ang dating pag kumain kami. At para na ring makapagpahinga kahit papaano ang mga ito sa pagmamaneho.
At agaw pansin talaga ang mga ito ng tumigil kami duon. Halos lahat ng napapadaan, ay napapatingin sa amin. Ikaw ba naman ang makakita ng sunod sunod at anim na sports car ang biglang tumigil sa isang publikong lugar. Para bang sports car parade lang ang dating. At para pang celebrity kung bumaba ang mga ito.
Hindi naman sa nagmamayabang pero iba din ang dating nina Bobby, Sunny, Clark, Jacob at Azami. Dahil talaga namang gwapo sila sa salitang iyon. Maganda ang tindig at porma ng pangangatawan. Kaya maraming kababaihan ang hindi mapigilang humanga sa mga ito. And take note hindi lang sila, also Monica and Kelly. Na kalalakihan naman ang halos mahipnutismo sa mga ito.
Idagdag pa kami ni Clyde ng bumaba kami ng kotse niya. At umalalay pa talaga ito sa akin pagbaba ko kahit hindi naman kailangan.
Pasipol pa na tumingin sa amin sina Sunny dahil sa ginawa niya.
"What a prince for the princess."natatawang sabi naman ni Clark.
Naiiling na lang ako sa mga ito. Sometimes they call me princess kahit nakakairita sa pandinig, pero hinahayaan ko na lang sila. Bahala na sila sa gusto nilang itawag sa akin. Tawagin man nila akong prinsesa sa mataong lugar ay ayos lang dahil hindi naman halata na lalaki ako. So be it. Just let them be.
May mga ilan na ding kumukuha ng larawan sa amin. Pero ang ipinagtataka ko ay ang takpan ni Clyde ang mukha ko at ipinasuot ang sunglass na nasa ulo nito. At kinuha din mula kay Jacob ang suot nitong sumbrero at ipinasuot iyon sa akin.
"Clyde this is too much."reklamo ko sa kanya at inalis ang sumbrero.
"They might be recognize you Love."sagot nito. "Sa ating lahat dito ikaw ang kadalasan nakikita sa TV. At hindi natin sigurado baka isa sa kanila ay dyinghard fan mo. Mahirap na, baka tangayin ka nila palayo sa akin."
Napalabi akong tinignan siya. Sabagay tama siya. Kaya hindi na ako nagreklamo pa ulit ng ilagay ang sumbrero sa akin.
Palagi akong na nababalita sa TV dahil isa akong representative ng pilipinas kapag nasasabak ako sa ibat ibang sport kahit sa Japan ako nakatira. Hindi lang ako sigurado kung lahat ng kababayan namin dito sa pilipinas ay proud sa akin dahil naitatayo ko ang bandila sa ibang bansa.
Papasok na kami sa loob ng may mga humarang sa amin na isang grupo ng kababaihan at kalalakihan. Siguro kaidad ko lang ang mga ito o mas bata sa akin. Sa amin ako ang pinakabata. Sumunod sa akin si Kelly na 19. Si Sunny at Bobby at Monica naman ay 20 si Azami ay 21 at sina Jacob at Clyde ay 22.
"Don't block our way in."paninita ni Jacob sa mga ito pero hindi siya pinansin.
Lumapit ang mga ito sa akin at walang babalang hinawakan ako ng isa sa mga ito sa kamay.
"We knew it, ikaw nga." Nagniningning ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
But Clyde take my hand off her and glare at them.
"Who the hell are you."galit na sita niya rito. Hindi ininda ang galit na tingin din ng mga ito sa kanya because of his rudeness.
"Sorry, we are just excited na makita siya sa personal."hinging paumanhin ng isa. Sumunod din na humingi ng tawad ang iba.
"Mr. Zoey. Pa autograph naman kami at pa picture na rin. Kahit isa lang." Sabay sabay na pakiusap ng mga ito sa akin.
"No!" Si Clyde at halos ikulong ako sa ilalim ng mga yakap niya. Humarang na din sina Sunny at Clark sa mga ito. Ganun din sina Bobby.
Minsan napapaisip na talaga ako sa mga kinikilos ng mga ito. Over sila sa pagkaprotective lalo na kapag wala ako sa loob ng AU. Gaya ngayon. They always protect me for something na hindi naman dapat.
"Sorry guys, hindi kami narito para sa mga sinasabi niyo. And Mr. Salvador can't take picture with you." Mahinahong paliwanag naman ni Monica sa mga ito.
"I hope you understand the situation. We are here to eat peacefully and take a break."sigunda naman ni Kelly dito.
"But please, just one picture. Kahit hindi na isa isa. Kahit kami ng lahat."pakiusap naman ng isa sa mga ito. "Group picture na lang."
"Please Mr. Salvador." Sabay sabay na pakiusap nila.
"Damn it.!"galit na napamura si Clyde habang hindi niya inaalos ang mga brasong nakayakap sa akin.
"Let me go Clyde."mahinang utos ko sa kanya. "Pagbigyan na natin sila. Kahit isa lang. Para umalis na sila."sabi ko. Dahil lalo kaming magtatagal sa sitwasyong ganito kung hindi namin sila pagbibigyan.
"No! Hindi ako makakapayag. Paano kung i post nila sa social media. Ayaw kong makita ka nila kung nasaan ka. Baka matunton ka nila."sagot nito. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang mismong sagot niya.
Makita? Matunton? Sino?
Nakakapanghinala na talaga. Ano ang inaalala nito? Sino ang sinasabi nitong makakatunton sa akin?
"What do you mean Clyde?"tanong ko dito at pilit na kumalas sa kanya. Pero sadyang mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
"Nothing Love." Halata sa sagot nito na umiiwas ito. "Basta hindi ako papayag. Ayaw kong may iba kang kasama sa picture."
"Kahit naman makita nila ako in the picture. Hindi naman tayo taga rito. Just let them be. Para matapos na." Pagpupumilit ko. Kung sino at ano man ang ibig niyang sabihin malalaman ko din. Pakiramdam ko may itinatago talaga ito sa akin. At hindi lang siya, pati sina papa at daddy. Pare-pareho sila ng sinasabi.
"Pero-."
"Please para makaalis na tayo."pakiusap ko sa kanya. Saka ko na siya uusyusuhin. Ang emportante ngayon ay mapaalis namin ang mga taong ito. "Ayaw ko din ng ganito."
Muli itong napamura pero niluwangan ang pagkakayakap naman sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago hinarap ang mga ito.
"Sige pumapayag na ako." Sagot ko sa mga ito dahilan para mapahiyaw sila sa tuwa. "At kung maari I can't take off my cap."
"Yeah! Thats ok mr. Salvador. Basta po alisin niyo ang sunglass."
Tumango ako. Pumuwesto na ang mga ito at pinagitna ako sa kanila.
"Ok! Let me take the picture." Si Kelly. "1, 2, say cheese."
"Thanks a lot." Pasasalamat nila sa akin. Tuwang tuwa ang mga ito na nakipagkamay sa akin. At kapansin pansin na kanina pa nanggigigil sa inis si Clyde habang nakatingin sa kamay ko na kanina pa nakikipagkamay sa mga ito. Ng umabot sa mga lalaki na ang nakipagkamay sa akin ay pumagitna na siya.
"Enough. Masyado na ninyo kaming naabala. Makakaalis na kayo."galit na sabi nito.
Ayaw pa sana ng mga ito pero tuluyan na silang nagpaalam sa amin ng sina Jacob naman ang nanita sa mga ito.
"Use this."naiinis na inabot sa akin ni Clyde ang isang hand sanitizer.
Hindi talaga ito palakaibigan. Ni hindi mo makitang ngumiti ito sa iba. Bihira din ngumiti kahit kina Sunny na ang kaharap. Maliban na lang kung ako ang kaharap niya. Pero sobra naman ito magalit kapag napapansin ng naagaw ang pansin ko ng iba na dapat daw ay sakanya lang.
Over kong makaangkin ito. Gustong lagi akong nakikita, laging siya ang aking kasama sa tuwing lalabas ako o may pupuntahan. O di kaya naman hatid sundo ako pag papasok sa skwelahan. Kung tutuusin nga kung hindi lang ako magagalit sa kanya ay pati sa pagbabawas ko ay gustong sumama. Pero nakasanayan ko na rin. Kaya binabaliwala ko na lang. Hinahayaan ko na lang siya sa ginagawa niya.
Nagpatuloy kami sa pagpasok para makakain na. Kahit sa loob ng reataurant ay hindi din kami nakawala sa mga mata ng tao sa loob. May mga kumukuha ng snap shot sa amin. Kaua tudo naman ang pagharang ng mga ito sa akin na akala mo namam ako lang ang kinukunan ng picture ng mga ito.
Nagpalipas pa kami ng isang oras bago nagpatuloy sa biyaheng papunta sa La Prinsesa beach.
"Gusto mo bang ako muna ang magmaneho?"tanong ko kay Clyde.
"No need Love. Just set and relax. Take a nap if you want."nakangiting sagot nito at hinaplos ako sa pisngi bago binuhay ang makina ng kotse niya.
"Just tell me if you need a hand."
"Yes Love." Mabilis na dinampian ako ng halik sa labi bago tuluyang pinasibad iyon pasunod sa iba na kanina pa nauna ng umarangkada paalis.
*******
@YuChenXi