webnovel

Waiting...

'Ito talagang si Ate, ang weird magisip!'

Pero hindi na nya inintindi ang kung bakit iyon ang title ng bagong games nya dahil na hook na rin sya sa ginagawa ng ate nya.

'This is the first time na nakita kong mag work si Ate at draft pa lang itong ginagawa nya, paano pa kaya pag yung actual game na?'

'She's so amazing! No wonder lagi syang ipinagmamalaki ni Daddy!'

Hindi nya alam na genius ang ate nya, hindi ito sinasabi ng parents nya sa kanya. Ayaw kasi nilang makaramdam ng inferiority si Earl at ayaw din naman ni Eunice na pinagkakalat at pinaguusapan ang pagka genius nya. Hindi nya gusto yung sya ang center of attention. Simple lang ang gusto ni Eunice, ang magmahal at mahalin din sya ng taong mamahalin sya ng tapat.

Kaya nagulat si Earl ng makita kung paano magtrabaho ang ate nya. Hindi man nya batid na genius ang kapatid, alam naman nyang magaling ang ate nya

Pero kahit hindi nya naintindihan ang mga programming words na tinatype ni Eunice, somehow, nageenjoy naman sya sa kakatingin sa computer dahil sa sobrang bilis nito.

'Mukhang kailangan ko ring magaral ng programming para maintindihan ko ang ginagawa ni Ate! Ambilis nya! Hehe!'

Hindi man masasabing genius si Earl, matalino din naman ito at magaling sa Math pero may pagka isip bata kaya laging napapagalitan ng ama.

Pero kahit na anong gawin ni Earl hindi naman sya mapagalitan ng Mommy nya kaya nasasabi nilang naiispoiled nya si Earl. Pero ang totoo hindi sya mapagalitan ng Mommy nya dahil nakikita nya ang sarili nya kay Earl, isip bata rin sya at mas malala pa sa anak nung nasa edad sya nito. Kaya papaano nya pagsasabihan ang anak?

Samantala, habang busy si Eunice sa bago nyang games, naiwan naman si Daisy sa harap ng buliding, nagiisip kung papaano makakausap si AJ.

Iniwan na sya ng mga kasama nya na magisa at bumalik na ang mga ito sa kompanya nila dahil marami silang mga naiwang mahahalagang trabaho na dapat tapusin, hindi tulad ni Daisy na wala namang maaantalang trabaho pag nawala ang presence nya sa office.

'Jusko, ano bang gagawin ko, paano ko ba sya kakausapin tungkol sa appointment?'

Alam nyang mabait si AJ at tyak nyang kakausapin sya nito pero ....

Sinubukan nyang lumapit sa guard para sabihing gusto nyang makausap si AJ pero hindi sya nakapasok.

"Sorry po Miss, hindi pwedeng pumasok ang walang appointment!"

Kaya wala syang nagawa kungdi abangan si AJ sa labas, nagbabakasakaling lumabas ito ng lunch.

Well, nagkatotoo nga ang hiling ni Daisy, dahil sa hindi na maalis sa computer ang magkapatid.

"Coffee Honey, lunch break na! Hindi ka pa ba gutom?

Bro Earl, andito ka rin pala!"

"Shhhh .... Bro AJ, busy kami!"

Napataas ang kilay ni AJ.

'Saan sya busy, sa panonood sa ate nyang magtrabaho?'

"Lunch na kasi guys, hindi ba kayo nagugutom?"

"Pasensya ka na Milky Honey, kailangan ko lang tapusin ito baka makalimutan ko eh!"

Sagot ni Eunice na hindi nya inaalis ang mata sa computer.

"Okey sige, Coffee Honey, oorder na lang ako ng lunch para sa atin!"

"Bro AJ ako din ha, dagdagan mo na rin ng extra rice! Thanks! Hehe!"

"Okey!"

At iniwan na nya ang dalawa na hindi nya alam ang ginagawa.

Sa tapat ng buliding.

"Ang tagal naman ni AJ, kailangan ko ng mag CR!"

Kanina pa si Daisy naghihintay sa tapat ng NicEd bldg.

Mula sa pwesto nya ay tanaw ang lobby kaya makikita nya kung bababa si AJ at habang naghihintay sya, kung ano ano ang kinakain nya.

"Haaay ang tagal naman, hindi ko na mapigilan!"

Nagtatakbo ito sa isang malapit na fast-food restaurant mga dalawang bloke ang layo sa tapat ng entrance ng NicEd bldg.

Pagalis nya, saka naman bumaba ang iniintay nyang si AJ.

Pero saglit lang ito sa baba at hindi na sya lumabas. Bumaba lang sya upang salubungin ang inorder nyang food galing ng TAMBAYAN.

Kung alam lang ni Daisy sana nagpigil pa sya, kaya pagbalik nya sa pwesto nya, nakabalik na sa taas sa opisina ni Eunice si AJ dala ang mga food na inorder nya.

"Matagal pa ba yang ginagawa nyo? Andito na ang food!"

Sabi ni AJ sa magkapatid.

Dinala nya sa table ang food at inihain pero hindi pa rin umalis ang dalawa sa computer.

"Coffee Honey, Bro Earl, please let's eat first!"

"Sandali na lang Milky Honey ko!"

"Haaay naku Bro, mauna na tayo at busy yang si Ate!"

Naupo na ito sa may lamesa at nagsimulang kumain.

Si AJ naman ang tumayo at lumapit kay Eunice.

Hinawakan nya ito sa magkabilang balikat at saka hinalikan sa ulo si Eunice.

"Coffee Honey.... "

Napahinto si Eunice sa ginagawa.

Nagreact ang katawan nya sa pamilyar na halik na yun. Nakaramdam sya ng excitement, kaya papaano pa sya makapagtrabaho nito kung ayaw ng sumunod ang katawan nya at nagpoprotesta na sa kanya?

Na parang may sarili itong isip at inuutusan sya!

'Tumayo ka na dyan, tumayo ka na dyan! Bilis, at na mimiss ko na yung kiss nya!'

'Jusmiyo Eunice, mag behave ka nga! Umayos ka!'

Suway nya sa sarili.

"Ehem!"

"Okey Milky, isesave ko lang ang itong ginagawa ko!"

Sabi nya sa nobyo habang pinipigilan ang sarili dahil inilagay ni AJ ang baba nya sa balikat nito.

Hindi ugaling pakialaman ni AJ ang trabaho ni Eunice pero ayaw nitong nalilipasan sya ng gutom.

Hindi naman nagpapalipas ng gutom si Eunice, si Eunice pa! Ngayon lang, kaya tyak nyang napaka importante ng ginagawa nya pero hindi ito dahilan para magpalipas sya ng gutom kaya gagawin nya ang lahat tumayo lang ito.

"Okey, na save ko na, let's eat!"

"Ate tapos ka na?"

"Secret muna Earl, sa bahay na lang natin ito pagusapan!"

Pabulong nyang sabi.

Sanay na si Earl sa dalawa kaya kahit na magsubuan ang mga ito sa harapan nya, wala syang pakialam! Basta sya kakain!

"After this, 'san ang punta nyo?"

Tanong ni Earl.

"Sa TAMBAYAN!"

Sagot ni AJ.

"Pwedeng sumama?"

"NO! May school ka kaya!"

Walang nagawa si Earl. Gusto nya rin magtungo ng TAMBAYAN pero alam nyang magsusumbong ang ate nya pag hindi sya pumasok.

"Bro Earl, pwede ka naman sumunod dun after school!"

"Nangiti na rin si Earl at nagpatuloy na sa pagkain.

Pagkatapos nilang mag lunch nagready na silang umalis.

Si Earl papuntang school.

Sila AJ at Eunice papuntang TAMBAYAN.

At si Daisy, andun pa rin sa pwesto nya, naghihintay. Walang kamalay malay na ang taong hinihintay nya ay wala na, nakaalis na.