webnovel

Temporary Replacement

"Alicia, bakit ka ba ganyan kay Eunice? Ano bang ginawang kasalanan sayo ni Sissy ko?!"

"Ano bang pakialam mo?"

"Dahil Sister kami, kaya may pakialam ako!"

"Hindi naman kayo magkadugo paano kayo magiging sister?"

"Sa life hindi mo kailangan na maging magkadugo para maging sister! Ganun ang trato namin sa isat isa kaya anong problema mo dyan?"

Tiningnan sya ng matalim ni Alicia.

"Hindi ko kailangan ang dalaw nyo! Umalis na kayo dito!"

"Wow, grabe ah, siya na nga ang dinadalaw sya pa ang nagmamaldita!"

Imbis na magpasalat tinatarayan pa kami! As if naman dadalawin sya ng mga "so called" friends nya!"

Na hurt sya sa sinabi ni Mel dahil wala naman kasi syang masasabing close friend talaga. Hindi tulad ng dalawa. Kung hindi siguro sya umiwas kay Eunice, malamang ka close na rin sya ng dalawang ito.

"Mel, tama na yan! Huwag mo ng inisin si Alicia, baka makasama pa sa kanya!"

"Haay naku Sissy, huwag kang bait baitan dyan sa Aliciang yan at baka may iniisip na naman bad things yan sa'yo! Magiingat ka!"

"Bakit ba kasi kayo nandito? Hindi ko naman kayo kailangan ah!"

Mataas na ang boses ni Alicia.

"Wala naman kasing need na reason, gusto ka lang namin damayan!"

"Hindi ko kailangan ang pagdamay nyo! Kaya umalis na kayo!"

"Okey Alicia, kung ayaw mo na damayan ka namin, walang problema! Pero hindi kami aalis, dito lang kami!"

At matahimik na naupo sila Eunice at Mel sa sofa.

Napipikon si Alicia pero wala syang magagawa kung ayaw nilang umalis.

Nagtalukbong na lang ito ng kumot at saka tumalikod sa kanila.

Ganito sila nadatnan ni Teacher Erica.

*****

Sa school.

Sabado walang pasok.

May meeting ang mga board member ng school.

Naroon si Ames, si Edmund at ang asawa nyang si Nicole at si Nadine ang lastly, si Teacher Erica.

"Bakit ba kailangan pa natin magpunta dito para mag meeting e ang pwede naman dun sa bahay na lang!"

Sabi ni Edmund na tamad na tamad umattend ng meeting pero pinilit sya ni Ames kaya wala syang nagawa.

Si Ames ang Chairman at founder ng Ames school na nagkalat sa ibat ibang parte ng Luzon.

At ang Abellardo School ngayon kung saan nag aaral sila Eunice at isa sa branches ng Ames school.

Dati itong pagaari ng isang Arthur Abellardo kaya lang ay nalugi at nagsara.

Kinausap ni Ames si Edmund tungkol sa plano nya sa school at pumayag naman ito.

Binigyan nila ng bagong mukha at pangalan ang bagong school pero nasanay na sila sa Abellardo school kaya yun pa rin ang tawag karamihan dito.

Bilang isa sa branches ng Ames School Main nag invest ng 40% ang main branch sa school na ito.

Ito ang may pinaka mataas na shares.

Kay Edmund naman nagmula ang 35% na investment at hindi nya alam bakit kinakailangan silang laging mag meeting e share holder lang daw sya.

Kay Issay nagmula ang 20% at sa bulsa ni Ames naman ang kakulangan pang 5%.

At si Nadine.

"Ano bang ginagawa ko dito? Bakit kailangan pati ako, nandito sa meeting na ito?"

"Ikaw ang representative ni Nanay Issay! Lagi naman di ba? Nagtatanong ka pa dyan!"

Sagot ni Nicole sa Ate nya.

Wala si Issay dito sa pilipinas nasa Australia naglalamyerda. At pag wala ito kay Nadine nya pinagkakatiwala ang lahat.

"Kung ako ang representative ni Nanay Issay, e ikaw? Kanino kang representative?"

"Yan din ang gusto kong itanong. Anong ginagawa ko dito?"

Lahat sila ay napatingin kay Ames.

"Kasi ganito yan!"

"Naayos na ang school! So far naibalik ko na ang dating kaayusan. Si secretary Kim ay papasok na ulit starting sa Monday! Nagsalita na si Castro laban kay acting principal Dennis!"

Inamin nyang gagawa lang nila ang paratang kay Principal Oddie para mapatalsik ito sa school at ng maging principal si Dennis!"

Pero kailangan pa rin harapin ni Principal Oddie ang mga kaso nya kaya hindi pa sya makakabalik sa school!"

"At yan ang dahilan kaya kailangan natin mag meeting, kailangan natin ng isang principal na temporary lang hanggat wala pa si Oddie at ang nasa isip ko ay ikaw..... Nicole!"

"Bakit ako?"

Tahimik lang si Edmund at Nadine. Binabalanse ang lahat.

"May katwiran sya Hon, this is good opportunity for you!"

"Pero ayoko!"

"Bakit ayaw mo? Ayaw mo bang maging successful in life?"

"Nakuha ko na ang ultimate goal ko in life ang mapangasawa si Edmund at maging ina ng mga anak nya! At masaya na ako!"

"Nicole, temporary replacement lang ang kailangan ko please pumayag ka na!"

"Hon listen, walang masama kung susubukan mo! Tutal, 2 to 3 month na lang naman matatapos na ang school year!"

"Oo nga naman Sister, kaya mo yan! Ikaw pa!"

"Oo na! Pero ngayon lang 'to ha!"