webnovel

Shortcut

After 2 days, saka lang muling nagkamalay si Mon, siguro marahil sa naramdaman nyang sakit.

Nasa isang silid na sya at ganun pa rin, nakatali pa rin ang mga kamay nya, ang katawan nya pati mga paa at binti.

Pero ano nga ba ang ginawa sa kanya ng duktor na yun?

Pag gising ni Mon nakaramdam sya ng matinding kirot sa ibabang bahagi ng katawan nya hanggang sa kaloob looban nya. Dahil dito, muling nanumbalik sa kanya ang sakit na naramdaman nung nasa operating room sya at sa unang pagkakataon, nakaramdam sya ng matinding takot sa buo nyang pagkatao.

Hanggang ngayon pakiramdam nya hinihiwa pa rin sya.

Kinilabutan sya.

"Uy, gising na sya! Welcome to your new you!"

Sabi ng duktor na ramdam nyang masaya at nagising na sya.

Nakatakip pa rin ang mukha nito ng facial mask kaya hindi pa rin makilala ni Mon kung sino ito.

"Oh, ito uminom ka ng konting tubig at kailangan mo yan!"

Inilagay nito ang straw sa bibig nya para masipsip ang tubig sa baso.

Tuyong tuyo ang ngalangala nya kaya nahihirapan syang magsalita.

"Anong ginawa mo sa akin at sino ka?!"

"Anong ginawa ko sa'yo?"

"Hahaha!"

"Ipinaramdam ko sa'yo ang sakit na naramdaman ng mga naging biktima mo! At kung sino ako? Hindi na mahalaga yun!"

"Walanghiya ka hayup ka!"

Nagpupuyos sa galit si Mon.

"Walanghiya? Hayup?... AKO?! Kung walanghiya AKO anong tingin mo sa sarili mo SANTO?! At kung hayup ako ikaw, masahol ka pa sa hayop, isa kang halimaw!"

Nagpupumiglas si Mon, gustong makawala at sapakin ang kausap nyang ito.

"Ops! Huwag kang masyadong malikot dyan at baka makasama sa'yo!"

"Teka sandali at lilinisin ko ang mga sugat mo tapos ay bibigyan kita ng pampakalma para ma relax ka!"

"Bwisit ka! Pakawalan mo ako dito! Pag hindi ako nakita ng abogado ko hahanapin ako nun at mananagot ka!"

"Huwag kang magaalala at nakapagpaalam ka na sa abogado mo! Saka, matagal pa ang susunod na hearing mo dahil sa darating na eleksyon kaya hindi ka hahanapin nun!"

Tinanggal nya ang benda at pinagmasdan nya ang ginawa nya kay Mon at nagandahan sya sa kanyang ginawa.

"Namamaga pa sya! Gusto mo bang makita?!"

May screen sa malapit sa kanya, bigla itong bumukas at duon nya nakita ang tinutukoy ng duktor!

"AAAAAHHH!"

Nagpupuyos ito sa galit ng makita ang ginawa sa kanya.

"Huwag kang malikot! Dahil pag malikot ka lalong kikirot yan!"

Pero nagpupumiglas pa rin ito kaya binigyan sya ng pampakalma para ma relax pero hindi nya pinatulog.

Gusto nyang maramdaman ni Mon ang sakit ng nararamdaman ng isang babaeng inabuso.

"Masakit ba?! Namnamin mo! Ganyan ang nararamdaman ng mga babae nabiktima mo, paulit ulit na sakit na dala nila habambuhay, at ikaw ang may gawa nun!"

"Wala pa dyan ang kahihiyan na nararamdaman nila sa sarili nila! Pero huwag kang magaalala, darating tayo dyan!"

Galit na galit si Mon pero wala syang magawa. Kailangan nyang makatakas dito sa lugar na ito pero mahina pa sya. Kaya tinanggap na lang nya muna ang lahat at pagnakakita sya ng pagkakataon, tatakas sya.

Pero hindi tanga ang dumukot sa kanya. Plinano nya itong mabuti para mabigyang hustisya ang ginawa ni Mon sa anak nya.

*****

Umuwing bigo ang mag Lolong Lemuel at Jeremy. Hindi nangyari ang gusto nila.

Nagpupuyos sa galit si Lemuel ng dumating ng bahay.

"Bwisit! Hindi man lang nya ako binigyan ng kahihiyan!"

Kadarating lang din ni Ames at nakita nya ang namumula sa galit na mukha ni Lemuel.

"Anong pong nangyari, Papa? Bakit ganyang ang itsura nyo?"

Pati si Jeremy ay makikitaan din ng pagkadismaya.

"Nagpunta yan si Jeremy kila Edmund at sinamahan ng Papa para magpaalam kay Eunice pero sa itsura nila.... mukhang wala silang napala!"

Sabi ni Elsa

"Ano?! Bakit nyo ginawa yun? Hindi pa hupa ang galit ng magasawa sa nangyari kay Eunice! Lalo na at muli syang dinala sa ospital dahil nagkaron ata ng infection ang sugat nya!"

Nagulat si Jeremy, hindi nya ito alam.

"Hanggang kelan ka ba magtitino Jeremy?! Diba sinabi ko sa'yo na huwag na huwag kang pupunta kila Eunice dahil galit pa rin si Nicole!"

"Hmp! Kung ayaw nyang ipakausap edi huwag! Bakit kailangan pa nyang magsalita ng ganun?!"

Reklamo ni Lemuel. Para itong batang nagmamaktol dahil hindi napagbigyan.

"Asus! So nagmamaktol kayo dahil hindi kayo napagbigyan, ganun?"

"Ilang ulit ko po kayong pinagsabihan Pa, hayaan nyo munang humupa ang lahat, pero ang kulit nyo! Kaya anong karapatan ninyong magtampo!"

"Papa hindi nyo alam kung papaano magalit si Nicole!"

"Ang hirap naman kasing pakiusapan ni Sir Edmund!"

Bulalas ni Jeremy.

"At bakit, akala mo tungkol lang ito sa pagiging strikto ni Edmund sa anak nya? Hindi! Tungkol na ito sa nararamdaman ni Nicole!"

Natigilan si Jeremy, naalala nya ang malamig na pakitungo sa kanya ni Nicole.

"Bakit Jeremy? Diba isa lang naman ang gustong makita sa'yo ni Edmund, at yan ay ang matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa!"

Lemuel: "Tschk!"

Dismayadong tugon ni Lemuel.

"Papa, batid ninyo kung gaano katindi ang pinaghirapan ni Edmund mapakasalan lang nya si Nicole! Isa syang Perdigoñez, pangalawa sa pinakamayaman ang angkan nila dito sa Pilipinas, pero nagpakababa sya at matyagang sinuyo ang mga magulang ni Nicole! Taon ang binilang hanggang sa pumayag ang mga ito!"

"Tapos kayo, ang gusto nyo SHORTCUT!"