Mula nuon naging mas mahinahon na si Edmund pero hindi ibig sabihin hindi sya nagaalala sa panganay nyang anak na si Eunice.
Hindi kasi nya maintindihan bakit takaw trouble itong anak nya, bawat desisyon may nakakakalaban kahit hindi naman nya sadya. Hindi naman sya ang nagsisimula pero lagi na lang syang nasasangkot parang sinasadyang isangkot sya sa gulo para sirain ang magandang pangalan nya.
Ngunit walang takot na hinarap nya ang lahat ng problemang dumaan sa kanya. Ni hindi ito makikitaan ng paglaala.
"Kasi Hon, na iintimidate sila sa galing ng anak mo. Isipin mo, sya ang pinaka bata sa lahat but look, sinusunod sya ng lahat!"
Paliwanag ni Nicole sa asawa.
"Hindi ka man lang ba natatakot sa dami ng mga nakakalaban nya lalo na ang mga ilegal transaksyon na nasasagasaan nya sa mga project nya? Baka bandang huli baligtarin sya ng mga iyan at gawan ng kwento!"
Tanong ni Edmund.
"Nagaalala, but I believe in her, if she says everything is under control, then everything is under control!"
Sagot ni Nicole sa asawa.
Pulido kasing magtrabaho si Eunice, kita ang dedication nya sa lahat ng project na isuggest nya.
Kita rin ng lahat ang puso nya sa bawat proyektong ginagawa nya kaya marami tuloy ang napapahanga at nasisiyahan sa kanya. Lalo na ang mga kabataan.
Sya ang idolo ng maraming kabataan.
Marami tuloy ang nagmamahal sa kanya.
Kaya ng dumating ang susunod na eleksyon, tumakbo ulit sya sa pagka mayor at wala ng nagbalak na lumaban sa kanya batid nilang hindi sila mananalo kay Eunice.
Pinangingilagan na sya ng mga kalaban nya.
"Malaki ang agwat, hindi lang sa popularity pati sa husay at galing kaya TANGA lang ang magbabalak na lumaban sa kanya! Obvious naman na sya ang mananalo sa huli!"
Kinilala sya sa buong bayan ng San Miguel at mga karatig bayan nito na isa sa pinaka magaling na mayor at marami ang gustong mapalapit ang pangalan nila sa kanya.
Dahil dito, nabigyan syang parangal bilang outstanding Mayor hindi lang sa bayan ng San Miguel, ngunit pati na rin sa buong probinsya ng ng San Miguel.
Lumipas ang mga araw at buwan, bumilang na rin ng taon eleksyon na naman pero hindi pa rin sila nagpapakasal ni AJ.
Ito na ang huling termino ni Eunice at inaasahan na ng marami na walang lalaban sa kanya pero nagulat ang lahat ng may naglakas ng loob na lumaban sa kanya sa pagka mayor.
Si Maria Leonilda Bernardino o mas kilala ni Eunice sa pangalang Miles.
***
Nagkaron ng interes si Miles na pumasok sa pulitika dahil na rin kay Eunice.
Matagal na nyang obsession na matalo si Eunice pero lagi syang panalo dito at ang nakakainis pa dun, pakiramdam nya hindi sya sineseryoso ni Eunice ni minsan.
Ni minsan kasi hindi inisip ni Eunice na banta sa kanya si Miles, wala syang planong bumaba sa level ni Miles.
Si Miles lang talaga ang nagiisip na magka level sila.
Kaya gusto nyang patunayan kay Eunice na sya ang magiging mahigpit nyang katunggali.
Nagsimula itong magkainteres sa pulitika ng manalo si Eunice bilang mayor.
Kaya ng magkaroon ng Baranggay Election, isang taon matapos maupo ni Eunice bilang mayor, tumakbo si Miles bilang isang kagawad sa Baranggay Payak at sa kasawiang palad, nanalo ito. Nadala kasi ng partidong sinalihan nya.
Tumaas ang kumpiyansa nya sa sarili ng manalo sya at pinagbuti naman nya ang pagiging kagawad.
Mula noon ay pinagaralan nyang mabuti ang mga ginagawa ni Eunice at pilit nya iyong ginagaya. Para syang stalker na laging sinusubaybayan ang mga bagong proyekto ni Eunice tapos ay susubukan nya rin itong gawin.
Dahil dito naging sikat din tuloy sya dahil akala ng marami ay close sila ni Eunice.
Magkabaranggay kasi sila at iisa lang din ang pinanggalingan nilang school.
Ang sapantaha ng mga taong ito ang ginamit ni Miles para makakuha ng amor sa masa.
Sadyang ang sinumang dumikit sa pangalan ni Eunice ay nadadala rin nya sa pag angat.
Kaya ng sumunod na eleksyon, tumakbo ulit si Miles bilang kagawad at muling nanalo sa pangalawang pagkakataon.
Mas dumoble ang bilib nya sa sarili.
"Ipagpatuloy ko lang ito at magiging magka level na rin tayo, Eunice!"
At dahil sa patuloy na pagsikat ni Miles, tumakbo ulit ito ng sumunod na eleksyon pero this time, Baranggay Captain na ang tinakbo nya at muli, sa kasawiang palad, nanalo sya.
Abot hangang tenga ang ngiti ni Miles. Sobrang taas ng tiwala nya sa sarili.
Mas lalo nyang pinagbuti ang panggagaya kay Eunice na parang akala mo sya talaga ang nakaisip ng mga proyekto pero kung tutuusin ay nagmula ito kay Eunice, binabago nya lang ng kaunti pero sa kabuuan ay iyon din.
Lumakas uli ang popularity ni Miles at unti unti na ring lumalabas ang totoong ugali nito lalo na ang pagiging mayabang at arogante.
Masyado ng matayog ang lipad nya feeling nya KAYA na nyang sagupain si Eunice.
Kaya kahit na mahigpit na tinututulan ng partido nya na kalabanin si Eunice, hindi sya nakinig.
"Miles, sa susunod na eleksyon ka na lang tumakbo, hindi mo na nun makakalaban si Eunice mas sigurado ang panalo mo!"
"Hindi! Ayoko! Gusto ko syang makalaban, para magkaalaman na!"
Aroganteng sagot nito.
'Ano pang sasay ng ginagawa kong ito kung hindi ko rin naman makakalaban ng harapan si Eunice?'
'Patataubin ko sya at ipapakita ko sa kanya kung sino ang tunay na magaling sa aming dalawa!'
Mataas ang kumpiyansa nyang matatalo nya si Eunice.
"Wala ba kayong tiwala sa akin?"
Tanong ni Miles sa mga kapartido nya.
Hindi alam ng mga kapartido nya paano sasagutin ang tanong nya na hindi ma ooffend si Miles dahil totoong wala silang tiwala na makakaya nitong talunin si Eunice.
"Hindi naman sa ganun, gusto lang namin ng kasiguruhan!"
"Huwag kayong magalala, sisiguraduhin kong patataubin ko si Eunice at papatunayan ko sa lahat na ako ang mas magaling sa kanya!"
Nakangising sabi ni Miles.
"Pero paano mo naman gagawin yun?"
"Alam ko ang lahat na tinatagong baho ni Eunice! Isiswalat ko ito lahat, nang sa ganun malaman nila na ang iniidolo nilang Mayor Eunice ay isa pa lang walang kwentang tao!"