"Miss .... Suarez?"
Nagulat si Edmund kay Geraldine ng bigla syang hablutin nito, pero mas nagulat sya sa kalunos lunos na itsura nito.
"Sir Edmund, nakita po namin itong limang lalaki, inaabuso yang babaeng yan! Wala ba pong tao rito maliban sa kanila!"
Sabi ng mga tauhan ni Edmund na pinasok ang hideout.
"Sir, maawa po kayo, wala po kaming ginagawang masama!"
"Sir, iniregalo lang po sa amin yang babaeng yan ng boss namin, bonus daw po sa trabaho namin!"
Pagmamakaawa ng lima.
"Bonus? .... wala kayong ginagawang kasalanan? Anong tingin nyo sa mga babae, isang kasangkapan?!"
Singhal ni Edmund sa lima na mga halang na ata ang kaluluwa.
Napatingin si Edmund kay Geraldine.
'Akala ko ba anak ni Tito Lemuel itong si Ms. Suarez, bakit nya hinayaang mangyari ito sa kanya?'
'Halimaw ba sya?'
Naalala nya ng minsan naikuwento ni Ames sa kanya na sinubukan syang ibenta ni Lemuel nuong bata pa sya, mabuti at dumating si Miguel.
Nakaramdam ng pagaalala si Edmund.
"Maiwan kayo dito, tumawag kayo sa presinto at hanapin si Chief at ireport nyo ito!
At pakidala si Ms Suarez sa ospital!
Gawin ninyo ito ng tahimik!"
Utos ni Edmund.
Tumalima naman sila agad.
Muli syang napatingin kay Geraldine.
'Wala na sa katinuan ang taong yun, kinakabahan ako sa anak ko!'
Sumakay na sya sa kotse para magtungong Maynila.
'Kailangan na ako ng anak ko!'
Ngunit kung kelan naman nagmamadali na sya para humabol kila Reah, saka naman tumawag ang Tiya Belen nya.
'Bakit ngayon pa tumatawag si Tiya Belen? Haiist!'
"Hello po Tiya, bakit po?"
"Edmund, ipaliwanag mo nga sa akin bakit inilalabas ni Kate at Mel ang chopper ng hindi nagpapaalam, at utos mo raw?"
"Po?"
Naguguluhan si Edmund.
'Anong utos ko, wala naman akong inutos kay Kate na ganun ah?'
At naalala nya ng sabihin nya kay Kate na 'make sure na makakarating agad dito si AJ'.
Malamang iyon ang naisip gawin ni Kate.
'Eto talagang si Kate!'
'Jusmiyo ka Kate sarap mong tsinelasin!'
Napa iling na lang si Edmund sa kung paano magisip itong si Kate.
Hindi naman sya galit, nangingiti pa nga sya habang napapailing. Okey nga ang naisip nya, mali lang yung hindi sya nagpaalam.
"Edmund, magpaliwanag ka nga! Ano bang nangyayari?"
Singhal ni Belen.
Ramdam nyang galit na ang tiyahin kaya sinabi na nya ang totoo.
"Pasensya na po Tiya medyo magulo lang po ang isip ko. Dinukot po kasi si Eunice ni Tito Lemuel pati yung Lola ni AJ at kasambahay nila dinukot din. Ayaw ko po sanang malaman muna ni Nichole kaya po siguro hindi sa inyo ipinaalam ni Kate ang tungkol sa chopper!"
Pagdadahilan ni Edmund.
"ANO? Yung damuhong yun? Ang lakas naman ng loob nya!"
Galit na sabi ni Belen.
"Ano ng nangyayari ngayon, alam nyo na ba kung nasaan sila?"
Tanong ni Belen.
"Kasalukuyan pa po namin silang sinusundan Tiya, naglipat po kasi ng hideout, natunugan ata kami! Kaya Tiya, pasensya na po at kailangan ko na pong ibaba ang phone, kailangan ko pa pong iligtas ang anak ko. Kayo na po sana ang bahalang magsabi kay Nichole!"
At ibinaba na nito ang phone at humarurot paalis.
*****
Sa Maynila.
Pagpasok pa lang ng bahay na pinagdalhan sa kanila, natitiyak ni Eunice na kay Geraldine ang bahay na ito, puro kasi picture nya ang nakadisplay.
"Bakit mo kami dinala dito matandang hukluban? Bakit hindi mo na lang kami pakawalan tutal nakausap mo na naman si AJ?"
Tanong ni Lola Inday.
"Hindi pa oras, tanda, wala pa si AJ sa harapan ko!"
Sagot ni Lemuel.
'Sa oras na dumating si AJ, hindi ko na sya hahayaan mawala sa tabi ko. Kung kinakailangan ikandado ko sya sa tabi ko gagawin ko!'
Iniisip ni Lemuel na si AJ ang makakapagligtas sa sitwasyon nya ngayon kaya kakapit sya dito ng maigi.
"Pero nakausap mo na ang apo ko at nangako na sya na darating! Kung gusto mo, ako na lang ang maghihintay kay AJ kasama mo, pakawalan mo na si Eunice!"
Sabi ni Lola Inday.
"Hindi pwede, tanda, baka pagnalaman ni AJ na pinakawalan ko na si Eunice, magbagong isip nun! Naniniguro lang ako, mahirap na!"
Sabi ni Lemuel.
"Lola tama na po, antayin na lang po natin si AJ! Sure ko pong darating iyon!"
Pigil ni Eunice kay Lola Inday.
Hindi man sabihin ni Lola Inday, halatang may dinaramdam itong sakit, pero napansin agad ito ni Eunice.
Kanina hyper pa ito at laging handang makipagtalo kay Lemuel pero iba na ngayon parang pagod na pagod ang matanda. Hindi man magsalita, halatang may masakit at tila hinahapo.
"Lola, buti pa po magpahinga na kayo, huwag po kayong magaalala at parating na si AJ, ililigtas nya tayo!"
"Ineng, huwag mo akong alalahanin at matanda na ako. Ikaw ang inaalala ko, baka kung anong gawin sa'yo ng damuhong matandang hukluban na yan!"
"Huwag po kayong magalala sa akin Lola, kaya ko po ang sarili ko at hindi ko po hahayaang may gawin sya sa akin!"
Inihiga muna ni Eunice si Lola Inday sa sofa bago nya kinausap si Lemuel.
"Wala pa po bang balita kay AJ? Hindi pa po ba sya tumatawag?"
Tanong ni Eunice kay Lemuel.
"Parating na yun!"
Sagot ni Lemuel.
Pero ang totoo ay nagaalala na sya kung natanggap ba ni AJ ang message nya.
'Paano kung tumatawag na pala sya?'
Kung si Lemuel nagaalala, si Eunice hindi dahil alam nyang andyan lang sa paligid si Reah.
"Lolo Lemuel, maari po bang ilipat si Lola sa isa sa mga silid, mukha kasing masama na ang lagay nya!"
Hiling ni Eunice.
Pumayag naman si Lemuel dahil naririndi na rin sya sa ingay ni Lola Inday, nadadagdagan tuloy ang kaba nya kapag nagsasalita ito.
"Ako na lang ang magbabantay sa kanila sa taas!"
Sabi ni Berto.
Wala pa ring kamalay malay si Lemuel na nasa paligid na ng bahay ni Geraldine ang mga bodyguard ni Eunice.
Tatlo na lang ang natitirang tauhan nya at kasama na dun si Berto iniwan na nya ang lima dahil akala nya, hindi na nya kailangan ang mga ito. Nanghinayang sya ngayon.
Hindi nya akalain na ganuon kabilis makakarating kay Edmund ang pagkawala ni Eunice.
At ngayon, hindi na nya makontak lahat ng mga tauhan nya, yung naiwan sa hideout at pati na rin yung mga nasa bahay ni Lola Inday.
Kinakabahan na si Lemuel.
Pakiramdam nya anytime darating si Edmund.
"Magbantay kayong maigi!"
Ang hindi alam ni Lemuel nakapasok na si Reah sa bahay. Sa may balkonahe sya dumaan at pinagaaralan na ang bawat kilos nila.