webnovel

Can Not Be Reach

Kinabukasan.

"Hello, Louie!"

Bati ni Eunice kay Louie sa video chat.

"Hi Panda girl!"

Bati nito na may pangiinis.

"Hmp! Inuumpisahan mo na naman ako Louie, ha! Hindi ka na nakakatuwa!"

Nakakunot ang noo nito at nakanguso pa.

Napipikon na sya sa tuwing pinagtitripan sya ng kaibigan.

"Uy pikon na sya! Sorry na, smile ka na please!"

Ayaw nyang pikunin si Eunice pero hindi nya maiwasan dahil sa nakukyutan sya sa itsura nito pag naiinis at nagtatampo lalo na pagnamumula ng kaunti ang pisngi.

"Eh, kasi naman, makikipagchat ka lang para inisin ako! Bakit ba lagi mo akong pinagtitripan?"

"Sorry na Miss Matampuhin! Na miss kasi kita!"

Nabigla si Louie sa nasambit nya. Tumahimik sya, nakiramdam.

'Bakit ko sinabi yun? Sana di nya nadinig!'

"Ayuun! Kaya pala! Na miss nya raw ako.... Na miss nya akong inisin kaya sya nakipag video chat!"

Reklamo ni Eunice.

Nahimasmasan si Louie ng hindi binigyang malisya ni Eunice ang sinabi nya.

"Hmmm... medyo! Kulang kasi ang araw ko pag hindi kita naiinis!"

Biro ni Louie na may halong katotohanan.

"Ah, ganun! Pwes ayaw ko ng makipagusap sa'yo kung iinisin mo lang ako! Maghanap ka na lang ng kausap mo!"

"Teka, teka, teka! Huwag ka ng magtampo, huwag ka munang umalis! Totoong na miss kita! Bakit ka kasi absent today? Boring tuloy ang life ko!"

"Ano naman ang kinalalaman ko sa pagka boring ng life mo, Mr. Bully!"

"Oy, hindi po kita binubully, Ms. Matampuhing Panda Girl! That's what you called LAMBING! We're friends remember? At ganun talagang magkulitan ang mag friends!"

Hindi alam ni Eunice kung ano ang mararamdaman nya sa sinabi ni Louie. Na we weirduhan kasi sya sa pagpapakita nito ng paglalambing.

"Ewan ko sa'yo, Louie! Ang weird mo!"

"Hehehe! Thank you!"

"Hmmmp!"

Tumigil na si Louie at baka mapikon na si Eunice sa pangiinis nya.

"Bakit ka ba kasi umabsent? Pati si Principal Cole wala din! Something happen ba?"

Naramdaman ni Eunice ang concern sa boses ni Louie.

"Nasa San Roque kami ng fam ko ngayon para sa birthday ng Uncle ko! Parang reunion na rin!"

"Talaga? Where in San Roque? Nagaaya kasi sa akin ang Kuya ko this weekend, malay mo magkita tayo dyan!"

Pero ang totoo, hindi talaga sya inaaya ng Kuya nya, sabi nya lang yun. Lakad yun ng Kuya nya at ng girlfriend nito.

"Andito, sa room ko, sa house namin! Sa San Roque! Hehe!"

Pabirong sagot ni Eunice, tapos ay ipinakita ang view sa labas na malapit sa dagat.

"Kainis ka! Bumabawi ka ha! Basta pagdating ko dyan tawagan ulit kita ha! Kita tayo!"

"Bahala ka!"

At binaba na nito ang phone.

Pag kababa, tinawagan naman ni Louie ang Kuya nya.

"Kuya, Kuya! Diba pupunta ka ng San Roque, bukas? Sama naman ako oh!"

"Anong sama ka dyan! Sira ba ulo mo! D.A.T.E namin ng jowa ko yun, kaya bakit kita isasama? Magiging sagabal ka lang sa bonding moment namin!"

"Pero Kuya, kailangan mo ako para meron kang alibi kay Mama! Sa tingin mo ba papayagan ka nun umalis kung alam nyang kasama mo ang jowa mo?"

May katwiran si Louie. College student pa lang sya at wala pang pera. Baka ikulong sya ng Nanay nya sa silid nya pagsinabi nyang kasama nya ang jowa nya.

"Pero wala akong extra cash, kaya kahit na magpumilit ka pa, hindi ka rin kita maisasama."

"Walang problema Kuya, akong bahala sa sarili ko. May pera akong ipon, kailangan ko lang makarating dun!"

Nagulat ang Kuya ni Louie na si Leonard bakit bigla nitong gustong pumunta sa San Roque?

'Anong meron sa San Roque, o baka naman .... Sino ang nasa San Roque?'

Nangiti si Leonard.

"Mukhang nagbibinata na si bunso! Hehe!'

"Tapatin mo nga ako Louie boy, babae ba ang dahilan kaya kinukulit mo ako?"

Namula si Louie.

"Hindi Kuya gusto ko lang maggala?"

"Talaga lang ha? Ba't di ka na lang mag Mall, kesa inistorbo mo kami ng jowa ko!"

"Kuya, makikisabay lang naman ako sa'yo dahil hindi ko alam papunta dun. Saka, ikaw ang may sasakyan! Promise ko sa'yo hindi nyo mapapansin na andun ako!"

Ramdam nyang nagsisinungaling ang kapatid kaya hindi na nya kinulit.

"Sige, payag na ako pero may kondisyon!"

"Kahit anong kundisyon Kuya payag ako basta isama mo lang ako!"

"Una, makikihati ka sa gas, pangalawa ikaw ang bahalang magbayad sa kukunin mong room at sa food na kakainin mo! .... And lastly huwag mo akong aabalahin sa jowa ko pwera nga lang pag emergency!"

"Deal!"

*****

Samantala.

Uwian na ni Tina.

Muling sinundan si Tina pauwi ng mga lalaking may masamang balak sa kanya, pero hindi ito napapansin ni Tina. Tuloy lang ito sa paglakad.

Tumuloy ito sa Little Manor para makausap si Issay at humingi ng tawad pero nabigo syang makapasok dahil naka ban na nga sya.

"Mamang guard, dito po ako nakatira, dyan lang kila Tita Nicole. Nakalimutan nyo na po ba?"

"Pero iha, hindi ka pwedeng pumasok dahil yun ang bilin sa amin at saka wala naman silang mag anak dyan!"

"Eh, mamang guard, kahit po kila Tita Nadine na lang ako tumuloy! Gusto ko kasing makausap si Nanay Issay!"

"Pero wala din dyan si Madam Isabel! Saka kahit andyan sya, ang bilin sa amin ay hindi ka pwedeng makapasok!"

Madam Isabel?

'Si Nanay Issay ang tinutukoy nilang Madam Isabel?'

Hanggang ngayon hindi pa rin sya makapaniwala na mayaman si Issay. Napakasimple kasi nito.

Kung nalaman lang sana nya ng mas maaga baka naging mabait sya dito at baka ampunin sya nito.

Walang nagawa si Tina kahit ng dumating si Kate, hindi rin sya nakapasok.

"Tina hindi kita pwedeng papasukin! Pasensya na!"

Bigong umalis si Tina pero hindi agad sya umuwi, naglakad lakad muna sya dahil masamang masama ang loob nya.

"Mel, asan ang kapatid mong si Tina? Gabi na, ba't wala pa?"

Tanong ng Mama nya.

"Hindi ko po alam, Ma! Dumaan ako sa school nya wala na sya dun!"

Lalong nag alala si Carla.

"San' nagpunta ang batang yon?"

Si Tina.... nasa isang bahay sa isang bukid. Duon sya dinala ng mga dumukot sa kanya.

Kung umuwi na lang sana sya at hindi na lang nagtungo sa Little Manor hindi sya madudukot dahil malalaman ng mga kidnaper na hindi talaga sya mayaman pero huli na ang lahat.

"Ano ba'to bakit hindi sumasagot ang Daddy mo? Eto ba talaga ang numero nya?"

Naiiritang tanong ng isa sa lalaking dumukot kay Tina.

Nasa lalaki ito ngayon ang cellphone ni Tina at sinusubukan kontakin ang Daddy Edmund nya pero can not be reach ang ito.

"Hoy bata! Tapatin mo nga kami! Nasaan ang Daddy mo? Bakit hindi nya sinasagot ang tawag ko? Ito ba talaga ang number nya?"

Si Tina, dahil sa sobrang takot hindi alam ang gagawin kundi humagulgol na lang ng iyak.

Sising sisi sya sa lahat ng ginawa nya ngayong pagpapanggap na mayaman sya. Hindi nya akalain na mahirap din pa lang maging mayaman.

"Anak ng...."

Gigil na gigil na sa inis ang lalaki.

"Brad, subukan mong tawagan ang ibang numero baka sumagot!"

Ginawa nga nya pero lahat can not be reach.

Siguro dahil madaling araw na baka lobat na ang mga cellphone nila!"

Buti pa ipagpabukas na natin! Kundi natin sila makontak ngayon bukas didiretso tayo sa little Manor at magiiwan tsyo ng sul ....."

SHWEEEK!

Nagulat ang tatlo lalaki ng biglang tumumba ang pinaka leader nila na naka tayo lang kanina ngayon ay tumumba na sa harapan nila.

SHWEEEK!

SHWEEEK!

SHWEEEK!

Pero hindi pa nag si sink in sa isip nila ang nangyari, pati sila ay tumumba na din.

"Waahhh..... wahhhhhhhhhh!"

Takot na takot na reaction ni Tina.

"Tina, anak!"

Paika ikang tumakbo si Carl gamit ang saklay nya at saka sumalpak paupo para akapin ang anak.

Shhhh.... shhhh....

Huwag kang magalala andito si Papa, hindi ko hahayaan may mangyari sa'yo!"

Alo ni Carl sa naghihisterikal nyang anak.

"Papa! Papa ko, huwag mo po akong iwan!"

At inakap nito ng mahigpit na mahigpit ang ama.

Sa malayo, nakatanaw si Jaime. Hindi na ito nagpakita pa kay Tina, hinayaan na nya ang mag ama at tumawag na ng pulis.